Chereads / No More Promises / Chapter 80 - Chapter 79: Meet and greet

Chapter 80 - Chapter 79: Meet and greet

And yes! Four years has passed. Mabilis lang iyon na para bang isang kisap mata lang. Excited na ako sa darating na graduation day namin. heto na kami't naghahanda para doon.

"Hey, road trip tayo after.." text ito ni Zeki. Sa loob ng apat na taong lumipas ay hindi pa rin nya ako iniwasan kahit na sirang plaka na ang litanya ko sa kanyang may iba na akong mahal. I don't want to hurt his feelings pero sa ginagawa nya, di ko iyon maiiwasan. Kasalanan ko pa ba kung masaktan ko sya?. Dahil kung susumain ko ang magkabilang bahagi nito. Wala na sa akin ang problema. Naaayon na iyon sa kanya. Ganunpaman. Hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng awa para sa kanya. Hindi nya ako deserve. At lalong ayoko syang paasahin nalang basta kahit wala naman talaga. Ang hirap! Ang hirap syang tanggihan sa tuwing kabaitan lagi ang kanyang sinusukli sa lahat ng sakit na pinaparanas ko sa kanya. Di ko nga alam kung bakit sa dami nang magagandang babae sa school, ako pa itong natipuhan nya.

"Ikaw nga kasi gusto.." iyan lagi ang iginigiit nya sa akin. Napapamaang na lamang ako sa kanya. Ayoko syang saktan subalit wala pa man akong ginagawa o nagagawa ay nasasaktan ko na sya. Naku! ipinanganak na yata akong ganito. Nananakit ng tao kahit hindi gumagalaw!.

"Pass muna ako.. susunduin pa namin sina mama sa airport.." reply ko. Gusto ko ding sumama. Maglibot kasama ang barkada. Oo, may nabuo rin akong maliit na barkada rito. Sa katauhab nina, Zeki, Carl, Ashley at Train. Si Train ay kabarkada rin nina Zek. Nakilala ko sya noong second year. Sa birthday mismo ni Zek. Dumalo ako noon. At doon ko rin nameet si Ashley, ang girlfriend at nag-iisang girl friend ko rito.

"Tommorow then?…" heto na naman sya. Nangungulit!.

"Yes ma'am.." sumabay ako sa aking mga kaklase. Nagsasalita ang isang guro sa harapan pinapaliwanag ang aming gagawin.

"I can't promise Zek.."

"Please?.. baka kasi after grad, bumalik ka na ng Antipolo at di na umuwi rito.." may kasama pang malungkot na emoji ang kanyang mensahe.

"Fine.. I'll try okay.. but I can't promise you.."

"Okay okay.. hahahaha.. makinig ka na kay ma'am.. masama na tingin sa'yo eh. hahaha.." noon lang ako nag-angat ng tingin sa may entablado. At eksaktong sa mata pa ng aming guro. Matalim na iyon. As usual.

Kinagat ko ang ibabang labi bago nag-iwas ng tingin.

."Your fault.. grrrr!.."

"Ahahahaha.."

After ng aming practice. Dumiretso ako sa parking lot. Kanina pa ako hinihintay ni kuya Rozen doon. Si kuya Ryle, abala pa sa pagiging intern nya. Magka-iba ang ospital na pinagpapractisan nila. Kaya iba rin ang oras ng duty nila.

"Sorry.. I'm late.." Sabi ko sabay sakay. Kinawayan ko ang mga barkada ko sa labas. Hinatid nila ako rito. Sinabi kong wag na e. Nagpumilit pa rin sila.

"You're just on time.." anya saka pinaandar ang sasakyan palayo ng school.

"Nga pala.. after your grad.. umuwi ka na muna nang bahay.."

"Of course.. Sta Ana.." excited kong tugon.

"Not there bruh.. Antipolo.." natigilan ako. Babalik na akong Antipolo kung ganun?. Why me?. Sila?.

"Ako lang uuwi?. Bakit?.."

"Oh dear little bruh.. of course.. to have and enjoy your vacation.." pinaikutan nya ako ng mata sabay harurot ng kanyang sasakyan.

"With you?.." tanong ko.

Umiling sya.

"We're still busy here.. kailangang tapusin ang intership para makagraduate na.."

He also added na kailangan na.nila ni kuya Ryle na makapagtapos ng pag-aaral dahil tumatanda na raw sila. At, gusto na raw magtrabaho't maging malaya... sa akin... as my duly personal bodyguard.. Humalakhak sya nang sinabi iyon. Biro nya lang, alam ko but there's a part of it na totoo. Malaki naman na ako't di na dapat pang bantayan.

After naming sunduin sina mama, papa at Ali sa airport ay dumiretso kami ng mall. Doon kami kumain ng tanghalian bago ako bumalik na school for our practice.

Pagkatapos ng matinding pag-eensayo. Sinundo nila akong lahat sa school.

"I miss this place.. we used to hang out around this prestige school when we're still studying with my friends.. nakakamis ang mag-aral.. " Puri ni papa habang tinitingala ang bawat building ng school. Kumikinang ang kanyang mga mata. Inaalala ang kahapon nya rito sa dating school nya.

"Tumatanda ka na Pa.. travel nalang tayo.." biro ni kuya Rozen sa kanya.

Binaba ni papa ang paningin sa kanya saka dahan dahang tinanguan na para bang sang-ayon nga sa gusto nito. "Great idea man.. we'll do that soon.."

"Yes!.." sumuntok pa ito sa ere.

"But..." putol ni papa sa kasiyahan nya.

"Pa naman eh.." nguso nya. Tumawa si Ali nang buhatin sya ni papa at binulungan. Di ko alam kung ano.

"Your dilplomas first.. aba.. di na kayo bumabata.." Iyon. Binalik yung sinabi nya kanina. Lol! Nagkamot na lamang ng ulo ang isa.

Nagtawanan kami't nagbiruan. Wala si kuya Ryle. Ganun din si Denise.

Pasakay na sana kami ng sasakyan nang, "Joyce, wait!.." si Ashley. Umatras ako upang matingnan sya. Kakalaayos ko lang kay Ali sa loob ng sasakyan.

Tumakbo sila patungo samin. As usual. Silang apat.

Umikot si Papa papunta sa gawi namin kung saan andun na rin si kuya. Binaba ulit si Ali with mama.

"Road trip tommorow.." alok ni Ashley. Malamang. Napag-utusan to!.

"What?.. try ko Ash.." kamot ang ulong tinuro si papa gamit ang mata.

"What is that hija?.."

"Road trip Pa.. around city lang po.." paliwanag ko. Nagkakamot kahit wala namang makati.

Di sya sumagot at basta tinitigan ang mga ito. Intimidating.

"Pa, Mama.. this are my friends po.. si Train, Ashley Carl and Zeki.." huling turo ko kay Zek na nasa mismong tabi ko. Kuya Rozen lips smirked. Parang di naman to aware sa amin ni Lance kung makangisi. Sarap lang batukan!

"Nice meeting you guys.. and also Zek right?.." kinamayan nya ito. Nakangiti naman si Zeki habang hawak ang kamay ni Papa.

"Yes po tito.."

"Hmmm... I'm glad to meet you.."

"It's my pleasure po.." di nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni papa. Nagugustuhan ang taong kaharap.

They talked. Hanggang sa inimbita na nya ang mga ito sa mall. Kung saan kami kakain ng hapunan. Humabol din si kuya Ryle after his duty. And there. We bond!.

Bago matulog I talked to Lance at kinwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa buong araw. Gawain na namin iyon sa apat na taong relasyon kahit nasa malayo ang isa't isa. We survived that LDR thing and I hope, we still.