Chereads / No More Promises / Chapter 81 - Chapter 80: Daddy

Chapter 81 - Chapter 80: Daddy

We stayed for a week sa Sta Ana. Namasyal kami sa Crocodile Island at Palaui Island. Kung saan, sarap na sarap sa paglangoy sina kuya. Pinipilit pa nila akong maligo subalit takot talaga akong pumunta sa malalim na parte ng dagat. Tama na ang hanggang baywang at kaunting sisid lang tapos angat na. Di iyong lalangoy mula sa may bato hanggang sa dalampasigan.

"Bruh, lika ka na. Walang ganito sa Antipolo.. hahaha.." kaway sakin ng isa sa kanila. Kanina pa nila ito inuulit ulit sakin. Hanggang sa si papa na rin ang nagsabing hindi pwede.

Malawak ang karagatan na binabalutan ng asul na asul na kalangitan, na sa bawat hampas ng alon ay para itong musika saking pandinig. Pinaparelax ako. Idagdag mo pa ang bahagyang malamig na hangin na nagpapalipad sa aking buhok. Sinakop ko ang mga iyon saka inipit sa panyong nasa bulsa ko.

"Inimbita mo sana mga kaibigan mo anak.." umupo si papa sa tabi ko. Kanina pa ako nakaupo sa kubo. Nakatitig lamang sa malayong dagat na para bang may taong naghihintay sa akin duon. Naliligo naman sina mama at Ali sa pangpang. Sa malalim naman sina kuya. Kakahon lang ni papa. "We're heading back to Antipolo tomorrow morning.." dagdag pa.

Pinanood ko ang pagpunas nya sa kanyang mga braso at binti. Umayos ako sa pag-upo. Isinampay nya yung tuwalya sa kanyang balikat bago naupo. "Para makapagbonding kayo bago ka umalis.."

"Babalik pa naman po ako dito diba?.." umaasa akong papayagan nila akong mag-aral dito nang mag-isa. Nang hindi kasama sina kuya. Dahil nasisiguro kong, after ng kanilang internship ay magiging abala ulit sila para sa board. Di pwedeng dumepende lagi sa kanila. Lalo na ngayong may full priority sila. To finish studies and absolutely, without me. Di rin naman tatagal. Mag-iiba na ang tatahakin naming daan. At baka bihira na lamang kami magkita pa. I don't know yet!

"Ayaw mo ba duon?.." iyon ang naging sagot nya. Imbes sagutin ang tanong ko.

Tahimik ako't walang maisip na magandang isagot. Kahit saan ko kasi tingnan. Masasaktan ko sila sa gusto ko. At sa gagawin pa.

"Okay.. let me see kung anong magagawa ko sa mama mo.. gusto nyang makasama ka na sa bahay.."

Hindi na ulit sya nagsalita pa nang makitang papalapit na sina mama. Karga nito si Ali na tumatawa. Natanaw ko ring umaahon na sina kuya sa di kalayuan.

"Boys, pack up your things na.. babalik na tayo.." si mama ang nag-anunsyo nito. Gusto ko sana syang kausapin about sa nabanggit ni papa but I'm still hesitating.

"Ang bilis naman ma.." reklamo ni kuya Rozen.

"Anong mabilis?.. . malapit nang lumubog ang araw.. nangingitim na nga yang mga mukha ninyo.." anyang sinulyapan ng kaunti ang mga ito na nagpupunas ng katawan.

"What?.." Ani kuya Ryle. Hawak na ang mukha. Saka mabilis na humanap sakin ng salamin. Wala akong dala kaya yung camera nalang ng phone ko ang iniharap ko sa kanya.

"Ma, five minutes more.." hirit nya pa. Ibinulong ang mukha nyang wala naman daw pinagbago.

"Ryle, pack your things.." si papa. Natigilan sya't di na ulit nagkumento pa. Si papa na eh!

Agad ko ring inayos ang mga gamit namin sa kubo. Sumakay nang bangka pabalik ng resort. Kumain lamang kami doon at bumyahe na rin pabalik ng syudad. Hinatid namin sina kuya sa dorm nila outside school bago kami nagcheck in nang hotel. Pagkagising sa umaga. Pinaliguan ko si Ali bago ako naligo. Lumabas kasi sina mama. May bibilhin lang daw sa mall. Hapon ding iyon ay bumyahe na kami patungong Antipolo.

Twelve long hours ang byahe namin. From the city to Antipolo. Gamit namin ang sasakyan ni kuya Ryle.

Sa daan palang papalapit ng bahay ay kinabahan na ako. Hindi sa katotohanang uuwi na ako. Dahil iyon sa mga pangyayari na hindi ko pa nakakalimutan hanggang ngayon. At ayokong kalimutan kailanman, kahit masakit. Kahit mahirap tanggapin na wala na talaga si mommy. Hindi ko aalisin iyon sa pagkatao ko.

Pagkarating ng bahay. Dumiretso na ako sa aking silid. Wala pa rin iyong pinagbago gaya ng dati. Ang mga gamit ay ganun pa rin ang ayos. Ang sabi ni mama. Hindi nya raw ito pinabago dahil baka ayaw ko. Baka raw may ayaw pa akong mawala doon na alaala. At tama nga sya. Ayokong mabago iyon sa ngayon.

Ika-dalawang araw na kami sa Antipolo nang bigla akong tawagin ni Ali sa may veranda. "Ate! Ate!. May bisita ka po sa baba.." hiningal ito sa pagtakbo. Pinunasan ko ang pawis nya sa noo bago kinuha ang kamay nyang kanina pa nakalahad para sa aking pagbaba.

"Sino raw?. Kilala mo?.." sinubukan ko syang kargahin subalit ang bigat na pala nya. Di ko na kaya.

Umiling sya kasama ang nakatagong ngiti. "Kilala mo?.." kinurot ko ang pisngi nyang sobra na ang taba. Ngumuso sya. Sino kaya?. Si Winly?. Si Karen?. Si Zeki?. O si Lance?. Tsk. Imposible!

Sa hagdanan palang. Kakaiba na ang nararamdaman ko. Bagay na ngayon ko lamang ulit nadama, mahigit limang taon na ang nakakalipas.

Pagbaba ko. Nakita ko na ang likod nang sinasabing bisita ni Ali. Nakaupo sya sa isahang sofa habang kinakausap si papa.

"Here she is.." anunsyo ni Papa dahilan para lingunin ako nang tao. O my gosh! Totoo ba to?. Kailangan pang tumayo ni papa para akayin ako sa pag-upo. Hindi ko kasi iyon kaya sa ngayon. Nanlamig ako't biglang natulala sa mukha nya. It's been years since then. Anong nakain nya kaya ngayon at nagpakita pa sa akin?.

"Hija.." tumayo sya't nilapitan ako. Umusog ako sa gawing parte ni papa. Palayo sa gawi ni daddy. Yes it's my long lost dad. Galit ako sa kanya. Galit na galit. Na kung pwede lang, suntukin ang mukha nya'y ginawa ko na. Pasalamat sya't may kaunting respeto pa akong naiwan para sa kanya. Ay hindi pala. Para iyon sa sarili ko. Not for him.

"Maiwan ko na muna kayo.. anak.." sa akin tumingin si papa. Hinawakan ko ang braso nya. Natigilan sya sa pag-ambang lakad.

"Papa.." iling ko. Nagsusumamo na wag akong iwan sa kanya.

Ngumiti lamang sya't hinaplos ang kamay ko. "Just talk to him hija.. sa kusina lang ako.." paalam nya.

Isang napakahabang katahimikan ang namutawi sa amin matapos umalis ni papa. Di ko alam kung paano o kung saan ako magsisimula sa lahat. Ang daming tanong na gumugulo sa akin ngayon. At wala akong mapili kung sino sa kanila ang uunahin. Nanggigigil akong sabihin ang mga iyon.

"Anak.." he uttered softly. He also tried to hold me but I move aside to avoid him. Nabitin sa ere ang kamay nya.

"What are you doing here?.." matigas at mariin kong tanong. Nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa galit. Hindi ko iyon makontrol na maging ang aking mga palad ay nanginginig na.

"Umuwi na tayo.."

What did he just say?!.

"Bakit?.." matalim ko syang tinignan.

"Anak?.."

"Saan ba ako uuwi?. andito na ang bahay ko.. nakauwi na ako at masaya na ako rito.."

He tried again to hold my hand but I stand up straight. Right infront of him. "Anak.. hear me please.." tumayo sya dahilan para mapaatras ako.

Nagmamakaawa syang sundin ko ang hiling nya. Like hell!.

"You already did broke my home daddy.. at hindng hindi na mabubuo ulit iyon.." nag-init agad ang gilid ng mata ko. Remembing all those heartbreaking days without him. "I lost mommy pero nasaan ka?..." di ko napigilan pa ang luha na naglandas saking mata. "Hindi ka man lang nagpakita.. kahit iyon ang huling hiling nya bago sya nawala.." tears poured down on my checks. Nanlabo ang paningin ko't iniwas iyon sa kanya.

Marahas kong pinunasan ang luha bago sya hinarap. "Tapos ngayon?. sasabihin mo saking umuwi na?..na parang, wala lang sa'yo ang lahat?.." napapaos kong sambit.

Hindi sya nakapagsalita. Totoo naman eh. Asan sya noong mga panahong kailangan na kailangan ko sya?. Wala! Andun sa babae nya! Sa bago nya raw na pamilya! Damn! Nasaan sya noong kailangan ko nang karamay?. Wala!! Dahil abala na sya sa iba! Nasaan sya noong kailangan ko ang yakap nya?. Wala!!! Hayun, sa iba nyang mahal! Masayang niyayakap. Kingina! Mura nalang ang masasabi ko sa lahat ng panunumbat na dapat ay isampal sa kanya. Nakakagigil!.

"I'm sorry.."

Too late..

"Go home.. wala ka nang mapapala rito.." matapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na sya't patakbong umakyat at nagkulong sa silid. Duon ako umiyak. Humagulgol magdamag.

Related Books

Popular novel hashtag