Chereads / No More Promises / Chapter 79 - Chapter 78: Angklet

Chapter 79 - Chapter 78: Angklet

Bagong taon. Ibig sabihin. Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong pagsubok at bagong paalala.

Sa bagong taong dumaan. Naging abala na ang lahat pagkatapos. Like the normal routine. Balik eskwela. Balik trabaho. Balik stress. Balik habol sa oras. Balik sa dati ang lahat.

Not me.

Dahil hindi na ako mag-isa ngayon. Guess what?. Naputol ang sinulid na ginawa kong harang para pahabaan ko pa ang paghihintay nya sa sagot ko. Nangyari iyon ilang minuto bago magpalit ang taon.

"Baby, nagustuhan mo ba yung gifts ko?.." Yes! Gifts kasi isang kahon yung pinadala nya. Eksaktong Christmas ko iyon nakuha.

Ang laman ng malaking kahon ay dalawang sneakers. Jackets, mga damit. Chocolates at mga larawan nya sa Australia. Di naman sa akin lahat ng iyon. Meron kina kuya. Lahat ng buo kong pamilya meron. Mas madami nga lang sa akin. Kung paano nila nalaman na akin yung isang bagay sa kahon?. May nakasulat na, to my baby!. Susmi!. Laging lumilipad sa aking noo ang dalawa kong palad para takpan ang namumulang mukha. Nakahihiya kasabay nang nanunuot na kilig. Hindi ko ito maitago sapagkat andyan sina kuya na laging tinatanggal ang aking mga kamay sa mismong mukha ko. Tinutukso talaga nila ako.

"Yes po.. thank you.." sagot ko sa kanya sa kabilang linya. International call. Heto na naman sya. Di kaya nauubos pera nito?.

"Hello?.." tawga ko. Bigla kasing natahimik linya nya. Baka binaba na eh. Inilayo ko ng bahagya ang cellphone sa aking tainga saka sinilip kung andyan pa sya. He's still there.

"Hello Lance!. you okay there?.." tanong ko. Kinabahan bigla. Ano kayang problema nya?. Di ako sanay na ganito syang tahimik nalang.

"Hey! Ano ba!?. Answer me o ibababa ko na to.." banta ko pero di ko naman gagawin. Unless, di pa rin sya magsasalita.

"Baby, it's baby.. stop calling my first name please.."

Ah so iyon pala problema nya. Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. Susmi! So clingy baby!.

"Lance, may kasama ako dito sa dorm.." luminga ako. Nakahiga sya habang nagbabasa ng libro. Bukas pa ang umpisa ng aming klase subalit pumarito na kami para iwas traffic.

"So?. You mean, ayaw mong iparinig sa lahat?. You're not proud of me?.."

"No baby, I mean.."

Isang malakas na hagalpak ang kumawala sa kanya. Inisip ko kung anong nagawa kong nakakatawa. Kung may nasabi ba akong---... Susmi! Agad lumipad ang pawisan kong palad sa aking noo nang matanto ang nasabi kanina.

"Yes baby?. what is it?. hahahaha.." di na mawala ang magandang boses nito sa kabilang linya. Halatang nagpipigil rin ng ngiti.

Binasa ko ang labi. Nablangko na naman ang aking isip.

"I'm waiting, baby.." mahina syang bumungisngis. Bagay na bibihira kong marinig mula sa kanya.

Hanggang sa hindi ko na nasagot ang huli nyang tanong. Di naman sa kinahihiya ko sya. Sadyang di lang ako sanay na pinapangalandakan sa iba ang pribadong parte ng buhay ko. I'm not that selfish. Pero pagdating sa taong mahal ko. Dapat akin lang. Dapat ako lang.

"Speechless huh? hahahaha.."

"Hehe.."

"So, sinuot mo na ba yung angklet?." kasama ito sa mga regalo nya noong Christmas. Di ito nakita nila kuya dahil nakatago ito sa loob ng damit na nakasupot. Nakalagay ito sa maliit na kahon. Kasya kapag tinupi mo ang damit. At nilagay sa pagitan nito.

Tumango ako kahit di nya naman kita. "Hmm.. yeah.." kagat ang labi ko iyong sinambit.

Alam kong nagsasaya na ito ngayon. Nangyari na ang gusto nyang mabigyan ako ng ganung bagay.

"That's my real Christmas gift, baby.."

"Hmm.. thank you... baby.." Dyusko! Kailangan ko pang humugot ng maraming hangin upang masambit lamang ang salitang paborito nyang pakinggan mula sakin. Gusto mo rin naman gurl! Awit ka dyan!

"Don't take it off please.."

"Paano pag naligo ako?.." tumaas ang gilid ng aking labi. Pinipigilan ang ngumiti o magpakawala ng isang matamis na halakhak.

"Of course.." natatawa sya. "But don't forget to wear it again.."

"Hmm... yes boss.." ngiti ko. Hindi ko na napigilan pa. Talagang kusa na iyong lumabas.

Humalakhak sya. Not the usual cold voice of him. "I miss you..." anya matapos magsawa sa kakatawa.

Tumango ako.

"I miss you too.."

"I miss hugging you.."

"Hmm.. uwi na kasi.." di ko alam bakit ko nasabi ang bagay na ito. Bagay na hindi pa pa siguro sa ngayon. After four to five years.. Depende pa.

"Pauwi na ako, baby, Wait for me.." excited nitong tugon. Para bang, bukas o mamaya ay uuwi na talaga sya.

"Hay naku Lance.. oo nalang.. hehehe.." tawa ko. Tawang sa kanya ko lang yata naipaparinig sapagkat sa kanya ko lamang nararamdaman ang kakaibang pakiramdam na ito. Masaya. Totoong saya.

"Kamusta pala si Bamby?..." tanong ko para maiba naman.

"Try'na change the topic huh?.." matunog syang ngumisi.

"Namiss ko lang sya.. ano ka ba?..."

"Hmm.. really?.."

"Lance, sige. ibababa ko to.."

"Fine.. andun sa kwarto nya. nagmumukmok.. happy?.."

"Why?.."

"Dunno.. I don't mind thieir business baby.. just you and I.. only us.."

Eh!! Kinilig ka naman gurl!!

Ang dami pa nyang dinadal na tungkol sa you and me na yan. Humantong na nga sa destiny ang sinasabi.

I don't want to speak out about our future. Baka nga kasi di mangyari at madismaya lamang ako. I want to hold on to things that really matters today. Like us.. Happy and contented with each other.

Related Books

Popular novel hashtag