Chereads / No More Promises / Chapter 78 - Chapter 77: Suitors

Chapter 78 - Chapter 77: Suitors

Every sem break nila kuya. At eksaktong bakasyon naman namin ay sa Sta Ana kami umuuwi. Pinipilit nila akong umuwi nang Antipolo subalit wala pa sa isip ko ang makita ang lugar na iyon. Masyado pang sariwa sa aking alala ang kahapon kasama sina mommy at daddy. Tuwing naiisip ko ang masasayang araw na iyon. Lagi nalang lumuluha ang aking mga mata. Hinihiling na sana, andito pa sila't, buo pa rin ang aming pamilya kahit alam kong napakaimposible nang mangyari pa iyon. Na hanggang sa panaginip na lamang ang bagay na ganun

"Nak, please.. malapit nang pasko.. tell me kung kailan uwi nyo ha.." text iyon ni papa. Isang hapon nang December. Malapit na nga ang pasko at ito ang unang pasko kong di kasama si mommy.

Parang kahapon lang ang nakaraan. Gustong gusto kong balikan subalit sakit ang naidudulot nito sakin imbes na saya. Lungkot sa tuwing nakikita sa aking pagpikit ang nakangiting mukha ng itinuring kong mga magulang.

I texted him back with just an, yes papa. Hindi ko masabi sa kanila ang totoong ayaw kong umuwi.

Hanggang sa dumating nga ang nasabing araw. Umuwi ako. Sumama ako kila kuya dahil gusto nilang umuwi. Sinamahan nila ako rito kaya kahit ayoko, sasamahan ko rin sila pauwi.

"Merry Christmas anak.." mahigpit akong niyakap nina mama at papa. Sina kuya at Ali. Hindi man ako niyakap ni Denise ay tiningnan nya lang ako gaya ng dati. Walang ngiti o bakas na pagiging masaya para sa akin.

Sapat na rin iyon para sakin. Atleast, hindi galit o pagkayamot ang ipinakita nya.

"Merry Christmas din po mama, papa.." habang sambit ang mga katagang iyon ay ibinulong ko rin sa ere ang pangalan ni mommy. Wala man ang katawan nya sa paligid. Alam kong binabantayan nya pa rin ako kahit saan man ako magpunta.

"Merry Christmas baby.. I miss you.." di rin nawala ang pagbating ito ni Lance. Kahit anong okasyon ay laging may mensahe syang pinapadala.

Isang Merry Christmas lang din ang isinagot ko sa kanya. Namimiss ko na rin sya katulad ng nararamdaman nya para sa akin. Gusto ko na syang makita at mayakap ng kahit ilang segundo lang. Bagay na kayhirap gawin sa ngayon. Milyang dagat ang pumapagitan sa amin. How I wish na andito sya.

"Hey, nagustuhan mo ba regalo ko?.." Gabi nang pasko. Kakatapos naming kumain at nagbubukas na ang lahat ng kanya kanyang regalo. Nagulat pa ako dahil isang libro tungkol sa med ang binigay ni kuya Rozen. Bagay na hinahanap ko ngayon.

Matamis akong ngumiti saka tinanguan sya. "Salamat kuya.. saan mo to nakuha?.."

"You know me, connections.." pagyayabang pa nya. Ginulo ang maayos kong buhok bago lumipat sa gawing inuupuan ni Denise. Tinitignan ang pagbubukas ng mga regalong nasa kandungan nya.

Sino naman kayang connections ang tinutukoy nya?. Psh! Baka babae, pwede pa!. Naku mga lalaki nga naman!.

"Anak, may regalo dito oh.." tawag sakin ni papa. Itinaas ang nakakahong regalo.

"Kanino po galing Pa?." intrigang ani kuya Ryle.

"Baby, raw.. hahaha.." halakhak nya sabay abot kay kuya.

Umawang ang labi ko. "Patingin nga po Pa.." dinungaw iyon nina kuya. Parehong ngumisi ang mga ito matapos basahin ang pangalan ng nagpadala.

"Is that from Zek or boy gwapo?.." panunukso nitong ni kuya Ryle. Sa akin na bumaling. Naglakad sya't nilapitan ako. Naupo sa armrest ng sofa na inuupuan ko.

"Who's Zek and boy gwapo kuya?.." sinundot ni Ali itong binti ni kuya Ryle. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa kadaldalan nya. Imbes matakot sa tinging ipinukol ko. Lalo lamang syang ngumisi. Kitang kita tuloy nina mama iyon dahilan para maging sila ay magtanong rin.

Binuhat nya si Ali at dinala sa kandungan.

"Who are they, hija?.." si Papa ang nagsalita para kay mama.

"Ma.." magpapaliwanag sana ako kaso inunahan na naman nya ako.

"Her suitors, Ma.. aray! ahahahaha.." kinurot ko sya sa binti kaya mabilis itong tumayo para makaiwas. Susmi! Anong suitors?.. Psh!!.

"Suitors ha?. Meaning marami?.." nakataas ang isang kilay ni mama. Binaba ang hawak na.regalo bago humalukipkip.

Humalakhak sina kuya. Nag-apiran pa. Nang-aasar talaga sila.

"Ma, hindi po.. kuya!?.." napatayo na talaga ako.

Di naman sa dinedeny ko. Sadyang, nahihiya lang talaga akong pag-usapan iyon sa harapan nila mama. Di pa ako sanay.. sa ngayon.

"Sinong Zek, Ryle?. At may boy gwapo pa ha?.." si papa. Ngumuso sya. Tinutukso rin yata ako. Kinamot ko na ang braso kahit sa totoo lang ay hindi naman makati.

Huminto sya sa pagtawa at humarap kay papa na seryosong nakatingin na sa kanila. "Si Zek po ay classmate nya Pa. At si boy gwapo.. aw!! Papa, oh!.. hahaha.." binato ko ulit sya ng unan. Dalawang beses. Nag-umpisa na rin akong lumapit sa gawi nya na agad nya namang napansin.

"Si boy gwapo po, ay si--.."

"Kuya!.."

Nakangiti lamang silang nanonood sa amin.

"Si-..?" naghihintay rin si mama.

"Si Lance Eugenio po.." wala sa dalawang kuya ko ang nagsabi ng pangalang iyon. Kailangan ko pang hanapin upang kumpirmahin kung sya ba talaga ang nagsalita. Si Denise.

"Boyfriend nya po.." dagdag pa nya.

Natigilan ako. Bigla ring tumahimik sina kuya. Nawala ang tuwa sa kanilang mga mukha.

Nanuot ang lamig sa jacket na suot ko. Nainitan na ako kanina dahil sa di matapos tapos na pang-aasar nila kuya pero ngayon, kulang pa ang suot kong damit sa lamig na biglang umihip sa aming paligid.

"Let's eat.. gutom na ako.." binasag ni kuya Rozen ang umuusok na yelo sa aming lahat. Walang sumubok magkomento. Walang kumontra o naghabilin. Wala hanggang sa dumaan ang pasko at bagong taon na di na muli iyong pinag-usapan pa. Hinahayaan ako sa desisyon na gagawin ko o sadyang ayaw lang nilang pag-usapan, kasama ako o ni Denise.

Tsaka. FYI. Di ko manliligaw si Zek. Si Lance lang kaya. Hihi!