Chereads / No More Promises / Chapter 77 - Chapter 76: I miss you

Chapter 77 - Chapter 76: I miss you

Ang akala ko noon, katapusan na ng buhay ko. Nawala si daddy tapos sumunod din agad si mommy. Di ko alam kung kanino kakapit. Sa pag-aakalang mag-isa na ako't wala nang karamay. Mag-isang lalaban at magsasaya. Subalit nagkamali ako nang dumating sina mama. Di man naging maganda kung paano ko natuklasan ang katotohanan na sila ang tunay na pinagmulan ko ay, naging maayos naman ang lahat sa amin, kalaunan. Binantayan nila ako't hindi iniwan. Kahit pa, kalahati yata ng buhay ko ay na kila mommy at daddy. Ramdam ko pa rin kung paano nila ako ituring. Minahal nila ako ng higit pa sa inaakala ko. Sinuportahan at inalagaan. Wala akong ibang maibibigay sa kanila kundi isang tunay at buong pusong pagmamahal para sa kanilang lahat.

"Malapit na bakasyon bruh. Anong gusto mo?.." Ani kuya Ryle sakin. University day ng school at talaga nga namang abala ang lahat. Maging ang mga high school ay malayang nakakagala ngayon.

"Magpahinga.. lumanghap ng sariwang hangin.." nakatingala ako sa langit ng sinabi ang mga iyon. Maulap ngayon. Wala ang matindi at nakakapasong init ng araw. Huminga ako't nilanghap ang maalinsangang hangin. Masyado akong stress ngayon sa mga school works. Kailangan kong magpahinga gaya nga ng nasabi ko. Gusto kong makakita ng dagat. At asul na kalangitan. Hindi sa walang asul na langit dito sa school. Baliw Joyce! Sadyang iba kasi kapag sa tabing dagat tapos napapaligiran ng napakalinaw na kalangitan ang kabuuan ng dagat. Kaygandang pagmasdan ang ganun.

"Sta Ana, explore natin.." tabi din kasi ng dagat ang dinadayong lugar. Hindi ko noon iyon alam. Nasabi lang ni Carl na sikat daw ang Sta Ana sa mga taga syudad na gustong makakita ng dagat nang hindi lumalabas ng rehiyon.

"Gusto ko yan.." sang-ayon rin ni kuya Rozen na preskong nakasandal sa upuan. Kung saan kami nakapwesto ngayon. Malapit ito sa building ng dorm. Ilang hakbang lang ang pagitan. Magandang pahingahan sapagkat, maraming puno na nagsisilbing silong sa mga upuan na may munting mesa sa pagitan ng mga ito. May iilan rin nakaupo sa aking likuran at ganun din sa kanila kuya. Mga magkakaibigan at magkasintahan.

Tinanguan ko ang gusto nila.

Matapos naming magpahinga. Nanonood kami ng basketball sa gym. Maingay ang magkalaban. Kulay pula at dilaw. Marami rin ang naghihiyawan. Nakisiksik kami sa kumpulan.

"Bro, bakit di kayo sumali?.." may lalaking nagtanong kay kuya Rozen. Naglakad ito at lumapit sa kanya. Akbay ako ni kuya Rozen ngayon. Nasa pagitan nila ni kuya Ryle.

"Pagod kami bro.. saka nalang siguro.." sagot nya sa kausap. Ang alam ko. Hectic na ang schedule nila dahil lumipat ng school at ng kurso pa. Parehong medical technology ang kinukuha nila ngayon. Tinanong ko sila kung bakit nagpalit sila ng kurso. Ang sabi'y, iyon daw talaga ang gusto nila simula pa. Tsaka, pareho pa sila ha. Tsk. Di talaga mapaghiwalay.

Sinulyapan ako nung lalaki. "Bro, sa gym ang mata please.." ngiwi sa kanya ng masungit kong kuya. Humalakhak ang lalaki at nagkamot ng ulo, kasabay ng pag-alis nya ng mata sa akin.

Hay naku! Lance, kailan ba kasi uwi mo?.

Speaking of. Simula rin ng gabing nagkausap kaming dalawa. Naging madalas na iyon kahit pa, kapos at laging magkaiba ang aming oras. Sa kanila. Umaga. Sa amin naman. Hating gabi na. Gayunpaman. Di talaga ako nagsasawang pakinggan lagi ang malamig nyang boses.

"I miss you.." isang gabi. Bago ang University day.

Nasa veranda muli ako't sinisilip ang mukha nya sa maliit na screen Ng cellphone ko.

"Di mo ba ako namimiss?.." malungkot ang kanyang himig. Nalukot ang mukha ko. Wala man akong sabihin na ganu sa kanya. Na sa totoo ay, miss na miss ko na rin sya.

"Baby, please.. forgive me.."

Kinagat ko ang labi. Tikom iyon ng mariin.

"I want you back.." malungkot ang kanyang mga mata. Kahit pa kayliwanag sa gawi nya. Natatanaw ko pa rin iyon hanggang sa kinauupuan ko.

"Promise, I won't let you hurt anymore.."

Bumuntong hininga ako. Heto na naman sya. Mangangako!

"Lance, ayoko na sa mga pangako.." natahimik sya. Di rin naman lingid sa kaalaman nito ang napagdaanan ko kay daddy. Nangako itong di kami iiwan pero anong ginawa nya?. Imbes panghawakan ang ipinangako, naghanap pa sya't duon pa sa isa nanumpa ng totoong pangako. Nakakadurog ng puso. Pakiramdam ko. Wala tuloy kaming kwenta sa kanya.

"Okay baby.. pwede bang ligawan ulit kita?.."

May pababy ka na tapos saka ka pa lamang manliligaw?. Susmi! Gusto ko sanang sabihin iyon subalit naisip kong wag nalang. Baka maudlot eh. Gusto ko pa naman ng alok nya. Susmi ka gurl!!; Hayan ka na naman!.

"Liligawan kita hanggang sa pumayag ka na.."

"Oo na.." ay ang bilis gurl! May taxi bang nakaabang sa labas?.

"What you mean by that?. Tayo na ba ulit?.."

Umirap ako.

"Asa!. ligaw muna boy gwapo.. ang swerte mo naman pag ganun.."

"Ahahahaha.." hagalpak nya.

Di ko mapigilan ang mapangiti sa ganda at lakas ng kanyang ngiti. "Yes, of course baby.. I'll court you day by day.."

"I have to go na.. it's already late.." mabilis kong paalam. Di ko na kasi alam kung paano itatago tong nararamdaman ko. Kinikilig ako kingina!

"Okay baby.. I'll call you tommorow.. I miss you.." nginitian ko lamang sya saka tinanguan bago pinatay ang kanyang tawag.

Kinaumagahan. Tumawag nga sya through phone call. Mahal iyon dahil overseas. Pero ang sabi nya. Mas mahal nya raw ako kaya balewala ang bill na magagastos nya sa overseas call.

"Ibaba mo na.. mahal na yang nagagamit mo.."

"Mas mahal nga kita.. wala akong pake sa bill.."

"Tsk.. Lance, ha.. wag makulit.." bumahing sya bigla.

"What baby?. you love me too?.." nakamot ko ang leeg ng wala sa oras. Ang kulit!

Kahit di naman na nya itanong iyon. Di kaya nawala pagmamahal ko sa kanya. Lumalim pa nga yata.

"I have to go Lance.. take care. bye.."

"Fine baby.. take care of yourself too.. I miss you.."

Matapos nang nakakabaliw nyang tawag ay nag-ayos na ako ng sarili. Tinukso pa ako ng kasama ko. Binalewala ko nalang din iyon dahil malapit na akong malate sa takdang oras ng aming attendance sa University day namin.

Related Books

Popular novel hashtag