Chereads / No More Promises / Chapter 36 - Chapter 35: Bamby

Chapter 36 - Chapter 35: Bamby

Mabilis lumipas ang araw. Naging maayos naman ang takbo ng buhay sa bahay nila tita. Nga lang not to me and Denise. I don't know why. Di ko alam kung anong dahilan nya. Soon I'll find it out. Just for now. Iindahin ko nalang muna ang malamig nyang pakikitungo. Ganunpaman. Napunan naman ng mga buo nyang pamilya ang mainit na pagtanggap na hinahanap ko mula sa kanila. I never asked for it pero binigay nila voluntarily. Nagpapasalamat ako dun. Lalo na't kami ni mommy ang pinatira rito ng libre.

To Lance naman. Simula nang sinagot ko sya. Bibihira ko na syang makita sa school. Lagi ko ngang iniisip o tinatanong sarili ko kung tinataguan nya ba ako?. Kung sinasadya nya bang gawin iyon o nagkataon lang?. Itong puso ko. Kapit na kapit sa ideya ko na baka nagkataong busy nga lang ito. Naniwala ako doon at nakuntento. Nagpapadala naman sya lagi ng mensahe at minsan ay tumatawag. Kaya wala sa isip ko ang pag-isipan sya ng masama. Siguro naman, matino pa rin sya di tulad ng iba.

"Si Bamby, pare oh!. Ang ganda nya talaga. Sayang at laging may bantay.."

"Kaya nga eh. Tsk.. Minsan ko ngang kinausap bantay nya eh. Alam mo ba naman?. Binantaan agad ako. Loko talaga.. hahaha.." nagtawanan sila ng mahina.

Dinig kong nag-uusap ang dalawang lalaki sa likod ko. Loob ng library. Halos bulong iyon subalit sa ilang dipa lamang ang agwat namin. Malinaw pa sa pandinig ko ang lahat.

"Wag ka ng umasa pare.. hahaha.. Tsaka, dinig kong malapit na daw silang umalis..kaya wala ka talagang pag-asa.. hahaha.." dagdag ng isang lalaking makintab ang buhok. Sa pagkakaalam ko. Higher level sila.

Umalis?. Sino?.

Hay Joyce! Nakikinig ka diba?. Bakit parang hirap kang umintindi ngayon?. Wake up, gurl!

Nag-asaran pa silang dalawa. Di sila masisita dahil nasa likod sila. Dulong bahagi ng library.

"Aba malay mo naman.. maging kami pa bago sya umalis.." sagot ng isa.

"Asa ka pa!.. " asaran pa nilang dalawa.

Kaya bago akong pumunta ng canteen. Hinanap ko muna si Winly. Nasa gym sila naglilinis. Kinawayan nya ako. Wala sina Karen at Bamby. Di ko alam saan pumunta. Sa canteen yata.

"Tarang canteen.." alok ko.

"Sige ba. Basta libre mo ha?.." nguso nito sakin.

Basta hinila ko na sya patungong canteen. "Win, si Bamby?." medyo kabado ko pang tanong. Napahinto pa sya ng lakad. Ilang minuto bago nagpatianod sa hila ko.

"Nasa canteen na yun. Alam mo naman na. Ang ganda tas laging gutom.. kay Jaden nya.." humalakhak sya sa dulo ng kanyang sinabi.

"Loko.. hahaha.." di ko mapigilan ang matawa kahit kabado na ako ng pumasok kami ng canteen. Malayo palang. Tanaw ko na ang upuan nila ni Karen. Nakatalikod sya samin. Tinanguan ako nitong si Karen. Malaki ang ngiti.

"Talk to her na ha.. Malapit nang umalis yan.." bulong bigla sakin ni Winly. Kahit di nya naman sabihin. Gagawin ko naman.

Wait! Kung malapit na syang umalis, ibig sabihin pati si Lance?. Ang kalahati ng puso ko aalis?. O my gosh!. Iyon ba ang dahilan nya kung bakit lagi syang ilag sakin this past few days?. Really Lance?. Why not try to talk to me instead of hiding?.

Nag-order muna kami ng pagkain bago tumungo sa pwesto nila. "Karen gurl.. pwedeng dun tayo sa may araw.. nakakabawas ng beauty pag sa dilim eh.." ngumuso si Winly kay Karen. Napansin naman nito ako saka mabilis na tumayo. "Bamby, dun muna kami.." paalam nya bago sila tumalikod.

"Hi.." naiilang kong tinig. Damn Joyce! Smile gurl!

Natigil sa ere ang pagsubo nya. Ilang segundo syang kumurap bago natauhan. "Hello.." medyo nahihiya rin nyang himig. Tapos nun nagbaba na sya ng tingin. That's the best chance to say sorry. Nakatayo pa rin ako sa harapan nya. Di ako umupo hanggat di nya inooffer. Still. Part of my respect for her. "I'm sorry.." himig ko gamit ang mahinang boses. Walang pakialam sa mga taong nakatingin sakin. "I didn't mean to hurt you.." dagdag ko. Hindi sya nag-angat ng tingin. Lumunok ako sa kabang unti unti akong pinanghihina ngayon. Damn!

Nabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Gusto kong marinig ang sasabihin nya subalit wala akong narinig kahit isa. Inasahan ko na yun noon pa. Don't expect good treatment to someone who you didn't treated well. What goes around comes around Joyce. Matuto ka dun.

"Can we be friends.. again?.." Nautal pa ako. Damn! I know that's too much. Pero kahit ganun, umaasa pa rin ako. Sana tanggapin nya pa ako. Sana mapatawad nya pa ako. Sana!

"Can you give me some more time?. I need to think about it. Sorry.." para akong nasampal bigla sa hayagang pag-ayaw nya sa alok ko. Shit! Di ko to inexpect. Ang sakit palang mareject! Damn!

Nag-init ang pisngi ko't nanlamig bigla. Malamig na pawis ang naramdaman ko saking noo at tungki ng ilong nang tanguan ko sya't talikuran. Di na ako nagpaalam. Wala akong masabi. Napipi ako ng wala sa oras. Yung suot kong kompyansa kanina. Nagtago kasama ng anino ko sa ibabaw ng aking ulo. Damn it!

Wala na yatang pag-asang magkabati pa kami bago sila umalis. Naiisip ko palang na aalis sya kasama ni Lance ng wala man lang paalam. Gusto ko ng humagulgol sa tabi at magmukmok sa dilim. Tahimik na iiyak hanggang sa mag-umaga.