Chereads / No More Promises / Chapter 42 - Chapter 41: Talk

Chapter 42 - Chapter 41: Talk

Sa kalsada ko natagpuan ang sarili kong naglalakad. Tumila na ang malakas na ulan. Ambon nalang ito.

Saan ako pupunta ngayon?. Sa dati ba naming bahay?. Di ko alam kung nakuha na iyon ng bangko. Sa bahay nila?. Natatakot pa rin ako. Hindi sa mga tao kundi sa mga sasabihin nilang totoo. Kila Bamby?. Lalo namang hindi pwede dahil nakakahiya kay Bamby lalo na kay tita. Gosh! Ano nang gagawin ko?. Saan ako pupunta?

Di ko na alam.

Nakayuko akong maglakad ng may biglang bumusina sa likuran ko. Nagugulat akong gumilid ng hindi nililingon ang sasakyan. Sa semento pa rin nakatingin.

At sa puntong iyon. Wala na naman ako sa sarili. Hindi makapagreact sa taong humila ng palapulsuhan ko.

"Get in.." malamig nitong utos.

Natulala ako sa gwapo nyang mukha. Walang kupas kahit unti unti nang nababasa ng ambon.

Dumagundong bigla ng kaba ang puso ko. Ganun kabilis ang epekto nya sakin.

Kalaunan. Hinlla nalang nya ako sa loob ng sasakyan. Wala eh. Para akong estatwa. May buhay pero hindi normal. Hindi alam ang kilos o nakikilala ang mga taong kaharap.

Kahit basang basa ang damit ko. Pinaupo nya pa rin ako sa harapan. Katabing upuan nya. Nang pumasok sya. Hininaan nya ang aircon. Kinabit ang seatbelt ko. Saka may kinuha sa likod na upuan. "Magpalit ka na muna.." anya sabay abot ng pares ng jersey nya. Nakatupi pa iyon sa loob ng maliit na kahon. Tinignan ko lang ang kamay nyang nasa harapan ko. Ang puti talaga nya. Nagbalik na naman ang kulay ng buhay ko. Subalit, muli na namang nag-init ang mata ko. Naluluha sa lahat ng nangyayari. Nasasaktan ako dahil heto na naman sya sa tabi ko. Lagi nalang tuwing may problema ako.

"Please change now. Baka magkasakit ka na.. Sa labas na muna ako.." hinawakan nya ang kamay ko upang ipinatong sa binti ko ang kahon at mabilis nang lumabas kahit umaambon pa.

Ilang sandali pa muna ang dumaan bago ako nakakilos. Paano nya ako nahanap? Hindi pa ba sya umuwi sa kanila?. Pero, iba na ang suot nyang damit. Mukhang bagong ligo pa. Ang bango!

Maraming gumugulo sa isipan ko tungkol sa kasama. Ngunit pinagsawalang bahala ko nalang para madali akong makapagpalit. Tinted naman ang kotse nya kaya di kita sa labas ang ginagawa ko.

Kumatok ako sa bintanang sinasandalan nya nang matapos na ako. Hawak ko ang maputing towel. Pinupunasan pa rin ang buhok. Nilagay ko sa kahon ang basang damit para di tuluyang mabasa ang loob ng sasakyan nya.

Nang makitang basa din ang buhok nya. Pinatong ko iyon sa ulo nya tsaka pinatuyo. Alam kong nagitla sya doon kaya bahagya syang huminto sa gilid ng daan. Huli ko nang natanto na di ko dapat iyon ginawa.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi ng tapunan ko sya ng tingin. Kaya walang kamalay malay kong binitawan ang hawak na towel. Kumawala ang mahina nyang halakhak. Di iyon nakatakas saking pandinig. Tipong, musika na nakakapagbago ng aking iniisip.

Damn Joyce!

Pinaandar na nya ang sasakyan. Walang nagsalita samin. Pawang sabay nag-iisip ng kung ano. Maya maya. tumunog ang cellphone nya't sinagot iyon.

"Bro.." matigas nyang bati sa kabilang linya. May nakatagong ngiti sa kanyang himig. Di ko alam kung sinong kausap nya dahil gamit nya ang earphone.

"Hmm.. yeah.. I hope so.." sagot nya sa mga tanong ng kausap. Kasabay noon ay ang iilang sulyap nya sakin. I wonder kung sinong nasa kabilang linya.

Either sa dalawang kuya ko. Kuya?

Pinakinggan nya pa iyon hanggang sa nagpaalam na.

Alam ko na kung sinong kausap nya. It's kuya Ryle. Hindi ko na kailangan pang tanungin dahil tanaw ko na sya sa isang fast food chain. Nakatanaw sa malayo. Suot lamang ang sumbrero.

"Ayoko rito.." napapaos pa ang boses ko. Damn!. Nag-iwas ako ng tingin ng sulyapan nya ako. Ngunit huli na ng huminto ang sasakyan nya sa harapan mismo ni kuya.

Binuksan ni Lance ang bintana upang kausapin sya. "Thanks bro.." pasalamat nya dito. Garalgal ang boses. Pinipigilang umiyak. "Joyce.." baling naman nya sakin pagkatapos. Nasa tabi pa rin sya ni Lance.

Tiim bagang kong itinikom ang labi sa inis. "Can we talk?." marahan nyang sabe. Di ako tumango o umiling. Wala akong maisip na ideya na maaaring gawin.

Hinawakan kalaunan ni Lance ang kamay ko. Nabaling tuloy sa kanya ang paningin kong sa malayo kanina. "Uwi na tayo please.." now, kuya is begging. Pinisil ni Lance ang hawak nyang kamay ko. "I'll explain everything.. please.." paniniguro pa nya.

Nagdadalawang isip talaga ako dahil hindi ko alam ang paniniwalaan pagkatapos malaman ang lahat.

"Joyce, you need to hear their story first before judging them.. hmm.." si Lance ito. Nagpapaintindi. I looked at his beautiful eyes. Kumikinang ito na para bang pinapasa sakin ang iba't ibang kulay na meron doon. "Promise, dito lang kung sakaling di mo na kaya.." he promised. With a smile.

At sa sinabi nyang iyon. Para akong nagkaroon ng karamay sa lahat. Taong siguro, o baka o di kaya'y makakaintindi sa lahat ng nangyayari sakin.

Wala sa sarili akong tumango.

Kalaunan. Kinausap nya si kuya at bumaba na.