Chereads / No More Promises / Chapter 33 - Chapter 32: Kuya Ryle

Chapter 33 - Chapter 32: Kuya Ryle

Monday. And it's a beautiful day. Mataas ang sikat ng araw subalit medyo malamig pa rin.

Bumaba na ako para maghanda ng almusal. Hindi naman nila iniutos. Sadyang, sanay naman ako kahit noong nasa dati pa naming bahay. Kailangang matutong maging independent.

"Good morning beautiful lady.." bati ni kuya Ryle. Hindi ko sya nakita. Diretsong ref ang lakad ko at dinungaw ang niluluto ni mommy. Saka ko lamang napansin na nakaupo pala sya duon sa dulong mesa. Nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning kuya.." ngiti ko sa kanya. Ang ganda ng araw ko. Sana di magbago. Sana!

"Kumain na kayo.. baka malate kayo nyan.. kanina pa nauna si kuya Rozen mo, Joyce.." ani mommy habang nilalapag sa mesa ang mga pagkain. I tried to help her pero hinila nya ang braso ko't pinaupo. Harapan ni kuya Ryle.

Madalas kasi sabay kaming mag-almusal. SI Denise, madalang naming kasabay o should I reverse it to, ayaw nya akong kasabay. Pareho kapag dinner or lunch every weekend. Nagkukulong sya o tumatakas papunta sa mga barkada nya.

"Sabay na tayo.. hatid kita sa inyo.." tumango nalang ako kay kuya Ryle. Tutal nalalampasan naman nya ang school namin bago ang University nila.

Pareho naming minadali ang kumain dahil baka malate nga kami.

"My, una na po kami.."

"Ingat ka hija. Call me. Nasa shop ako today.." she said. Mabuti buhay pa ang boutique na sinasabi nyang shop. Sabagay. Parang pareho lang naman iyon.

Sumakay agad ako ng pinaandar na nya ang sasakyan. Kumaway si mommy sakin bago kami lumayo ng bahay.

"So?.." biglang bigkas ni kuya Ryle.

Napaayos ako ng upo. Lumingon sa gawi nya. He's driving with one hand. Yabang lang. Gwapo pa rin naman.

"So?.." nahihiya kong tuloy sa kanya.

Matunog syang ngumisi at sinulyapan ako. "Kaibigan pala huh?.."

Oh damn!. Anong sinabi nya?. Anong nalaman nila?.

Nangapa tuloy ako ng sasabihin. Mukhang may alam na eh. Mahirap magsinungaling pag ganun. "Kuya.."

"Hmm.. boyfriend pala eh.." nang-aasar nyang sambit. Kinagat ko ang ibabang labi saka diretso sa daan ang tingin.

Damn it!. Lance naman eh!. Akala ko ba wala kang pagsasabihan?. What now huh?.

"Kuya, it's not what yo--.."

"It's okay, don't be nervous.. hahaha.." pinutol pa ako. Humalakhak ng malakas. "I know him.. he's my friend.." paliwanag nya. Yung kaba kong pinapatay ako. Bigla iyong nawala at naging kalmado ang pakiramdam ko.

A friend?. But how?. Really?

"Kaibigan?.." nautal pa talaga ako. Di makapaniwala. My gosh!

Tumango sya. "Basketball.. we're rivalries inside the court, but we're good friends outside the court.."

Ganun ba yun?. Pero anong konek ko?.

"I know him.. kaya pinagsabihan ko.. hahaha." ang akala ko kaninang okay na. Mali pala. Maling akala. Psh!

"What po!?.." di ko talaga kaya tong sinasabi nya. Pinapasabog puso ko sa kaba.

"Baka paiyakin ka eh.. mabugbog ko."

Aww!. Natouch naman ako.

"Kuya naman eh.. joke ba yan?.." minsan kasi, kakaiba ito kung magbiro. Minsan nakukuha ko. Madalas hinde. Mahilig sa logic.

"No. I'm serious dude.. Ask Rozen.. muntik ko ng masapak.."

"Kuya?.." nagpreno ito sa red light.

"Ahahahaha.." hagalpak nya na naman. "Mas gwapo sakin eh. Gusto kong sapakin mukha nya. ahahahaha. mabawasan man lang.. hahahaha." Ay loko din pala!

Hayst!. Pinag-alala nya naman ako. Biro lang pala. Biro lang ba talaga?. I don't know. Pakiramdam ko. Hinde eh. Basta. Pag nakita ko si Lance this coming days. I'll ask him.

Tsaka, seryoso. Yung sinabi nyang mas gwapo ito sa kanya. Totoo iyon. Malakas pa dating. Kaya nga ako nahulog eh. Malalim. Lumalalim pa.