Chereads / No More Promises / Chapter 2 - Chapter 1: Suplado

Chapter 2 - Chapter 1: Suplado

"Joyce, faster.. let's play na.." tawag sakin ni Bamby nang nasa bahay na nila kami. Pareho na kaming nasa grade six at magkaklase. Namamangha kong nilibot ang mata sa maganda nilang bahay. Dalawang palapag ito. Kulay krema at talagang may kaya sila sa buhay. Di iyon maipagkakaila mula pa salabas ng mataas nilang gate.

"Joyce!.." muling umalingawngaw ang boses nya mula sa taas. Kahit patuloy ako sa pagkamangha, humakbang na ako paakyat sa magara nilang hagdanan. Purong kahoy ito at sobrang kintab pa. Parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok sa linis nito.

Di katulad sa bahay na kung wala si Mommy, hindi talaga malinis ang bahay. Si Daddy naman kasi, laging wala o abala sa trabaho. Gabi ko lang din sya nakikita. Minsan pa. Sa weekend na. Tinanong ko minsan si mommy, tungkol sa trabaho nya. Ang sabi nya lang. Sa isang kumpanya raw. Hindi na sinabi ang pangalan kaya di ko alam.

"Ano bang ginagawa mo dyan?.." muling lumabas si Bamby sa kanyang silid para lang puntahan ako sa gitna ng hagdanan. Nakatayo ako doon. Sa ibaba ng mismong larawan ng isang batang lalaki na nakangiti. Hawak ng kaliwang kamay nya ang bola at ang kanan naman ay nakaturo sa mismong kumukuha ng litrato.

Sino kaya sya?.

"Sino bang tinitignan mo?.." tumabi na sya sakin. Ginaya ang pagtingala ko sa larawan. "Tsk!. Bat dyan ka pa nakatingin?. Hindi yan gwapo.. Tara na nga.." siring nya saka kinawit ang braso saking braso at hinila papasok sa kanyang kwarto. Pero bago pa iyon. May nadinig akong pintuan na kumalabog at bago ko pa matanong si Bamby, padabog na nabuksan na ang pintuan nyang kakasara nya lang.

"Can you please let me sleep at peace Bamblebie!..." hawak nya ang saradura habang ang kalahati ng katawan ay nakatago sa may hamba. Suot ang itim na pajama at sandong puti. Nakamedyas itong lumabas ng sariling kwarto. Puti pa.

"Bakit ba?. Hindi naman kami maingay ah.." Ani Bamby. Nakanguso na ito sa kapatid na di maipinta ang mukha. Ganunpaman. Ang lakas pa rin ng dating nya. At.. bakit ganito ang tibok ng puso ko?. Ang bilis... lumakas pa ng sulyapan nya ako ng limang segundo. Ganun kabilis nya akong tinapunan ng tingin. Para pa ngang naasiwa sya sa mukha ko. Hay! Lihim akong bumuntong hininga. Bakit?. Pangit ba ako?. Tsk!. Di na nya kailangan pang sabihin, dahil aware naman ako duon.

"Anong hinde?. I heard you scream some random name.." sungit nito sa kapatid. Nakaramdam agad ako ng hiya.

Ayaw nya siguro sa maingay. Mabuti nalang at di ko rin sinagot si Bamby kanina ng malakas. Dahil kung nagkataon. Malaking turn off iyon.

"Psh!!. Ang arte!.." irap nitong aking katabi. Di ko mapigilan ang magbaba nalang ng tingin sa hiya.

"What did you say?.." inis nyang sagot.

Bumilis ang aking paghinga. Sobrang nahihiya sa sagutin nilang magkapatid. Di man nila sabihin, alam kong ako ang dahilan nito.

"Wala.. ang sabi ko.. ang gwapo mo!. alis ka na nga.. akala ko ba matutulog ka?.."

"Bamblebie!?.." tawag naiinis sa kapatid.

Mahinang humalakhak si Bamby saking tabi. "Yeah right!.." pabagsak na sinarado pa nya ang pintuan matapos umalis ang kanyang kapatid.

"Nakakainis sya.. di naman dinig boses ko mula sa kwarto nya.. ang arte talaga!!.." halos talunin pa nya ang malaki nyang higaan mula sa kinatatayuan nya. Isa ring may sapak eh. Paano kung nadapa sya mula pagtalon?.

Gaya nga ng gusto nya. Hindi kami o ako gumawa ng kahit anong ingay. Si Bamby lang ang may lakas ng loob dahil alam nyang wala syang laban kapag nagsumbong ito sa papa nila. Papa's girl eh.

Nagkipaglaro ako ng walang ingay na nagagawa. Di ko alam kung bakit para akong halaman na makahiya. Biglang tiklop nang makita, madinig, o masilayan sya. Ganun pala sya sa personal. Gwapo talaga! Pero sayang lang dahil mukhang suplado. Papasa kaya ang beauty ko?.

"Uy, kanina ka pa tahimik.. May problema ba?." siko sakin ni Bamby habang kami'y nag-aayos ng damit ng mga laruang Barbie doll.

Luminga muna ako bago nagsalita. Baka kasi marinig nya. "Baka kasi marinig tayo.." ibinulong ko ito sa mismong tainga nya para siguradong di nya maririnig.

Impossible na talaga kung maririnig nya pa!

"Bakit ka naman takot kay kuya?. Tsk!. Ganun lang iyon.. maarte.."

"Eh.. basta.. nakakahiya.."

"Wag mo na nga lang syang pansinin. Laro nalang tayo.." anya. Tumango ako sa kabila ng hindi maintindihan na kaba. I can't name it easily. It's so raw, at ngayon ko lang ito naramdaman.