Chereads / No More Promises / Chapter 8 - Chapter 7: High school

Chapter 8 - Chapter 7: High school

First day of school. Hinatid ako ni Daddy. Sasama raw sana si mommy kaso may kameeting ngayon kaya nagmadaling umalis sa amin.

"Are you excited?.." Ani daddy nang nasa daan na kami. Huminto sya sa gitna ng kalsada dahil sa red light. Nilingon nya ako. Kasalukuyan kong iniipit ang clip na bigay nya noong sabado lang. I don't know kung paano sila nagkaayos ni mommy. I didn't tried to ask. Baka kapag nagtanong ako ay mag-away na naman sila. And I'm so sick of dramas. Nakakapagod. Napapagod ang utak mong intindihin sila.

Sa totoo lang. Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. It's just that, gusto ko lang ng tahimik at buong pamilya. Hindi iyong wasak at nagpapanggap lang na buo kahit hindi naman.

I was once heard mommy talking to her older sister. Kinwento nya dito na may babae raw si Daddy at gusto na raw nitong bahayan na. Umiiyak sya noong sinasabi iyon kay tita Alice. Hindi ako nagpakita. Sinadya kong magtago sa loob ng kanilang closet at doon tahimik rin na nagdamdam. Hinayaan ang sariling umiyak ng tahimik sa isang sulok. Tinatanong kung totoo ba iyon o hinde. May nagtutulak sakin na tanungin si Daddy but I'm that afraid na baka tuluyan na nya kaming iwan. Pumunta sa kanyang babae.

"Hey?.. you okay?.." tapik nya sa balikat ko. Doon ako natauhan. Nakalimutan kong kasama ko pala sya at ihahatid sa school. Huminga ako ng malalim saka tumango ng mabilisan.

"Yeah.. I'm fine po.." pagsisinungaling ko. Kalahati totoo at hinde. Ganun kakumplikado ang isip ko ngayon.

"You look not?. why hija?.." o?. Bakit sya concern ngayon?.

May namuong galit sa puso ko. Maliit lamang iyon pero habang dumadaan ang pitik ng orasan, lumalaki sya at malapit na akong kainin.

"Wala po Dad.. hehehe.." sige Joyce! Lokohin mo pa sarili mo!. Maglokohan pa kayo ng ama mo! Anong mapapala mo sa di pagsabi ng hindi ka okay?. Wala diba?.

Kumontra agad ang puso ko sa galit ng aking isip. Meron naman siguro. Ang makasama pa namin sya ng matagal. Na baka, pwede, o maaari pang mabuo muli ang may lamat nang pamilya namin.

"Are you sure?. Nag-aalala ako hija?.." sa wakas. Mabuti nalang at nasa may gate na kami ng school. Hinagilap ko ang strap ng bag ko saka isinuot.

"Don't worry Dad.. I'm perfectly fine.." humalik ako sa pisngi. "I need to go po.. take care.." paalam ko saka bumaba.

Kinawayan ko sya nang sya ay umalis na.

Nanlumo ako sa binubulong na naman ng aking isip. Sa paalis nyang sasakyan. Pakiramdam ko, tuluyan na nya kaming iiwan sa darating na panahon. Di ko alam kung anong gagawin kapag nangyari ang bagay na iyon. Wag sana!.

Bumuntong hininga ako pagpasok ng gate at sa kasamaang palad. Kasabay ko syang pumasok. "Bakit di ka na pumupunta sa bahay?.." lumaki ang tainga ko sa biglaan nyang pararang. Nilingon ko sya dahil halos magkasabay na kaminh maglakad ngayon. "Malungkot tuloy si Bamblebie.. tsk.." sinulyapan nya pa ako minsan bago tuluyang naglakad patungong building nila.

Natigilan ako't naestatwa sa kinatatayuan. Nanuyot ang lalamunan ko kahit kakainom ko lang kanina. Nagpawis rin ang mga palad ko at nanikip ang dibdib sa kaba. What on Earth is he meant by that?. Hinanap nya ba ako?. Namiss nya ba ako?.

Whoa!!!

Damn Lance!

Ah! Hello!. High school life. Be good to me okay! And to Lance, please!