Hardest goodbye?.
β yung hindi ko gusto pero kailangan. Kailangan kasi masakit na. Kailangan kasi, durog ka na. Kailangan kasi, hindi na kayo masaya. Kailangan dahil, ubos ka na.
Mga linyang tinatawan ko lang noon sa mga drama sa telebisyon. Ginagawan pa ng biro, kasama ng mga taong walang kaalaman alam. Noon iyon.
Pero ngayon?.
"Bakit?. Anong mali ko?. Saan ako nagkulang?.." umiling lang ako dahil hindi ko kayang magsalita. Punong puno ng mga salita ang aking isip pero umiling nalang ako. Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. Pagod na ako. Kung hindi nya pa makuha iyon. Di ko na alam gagawin.
"Mahal, naman.. wag ganito.. ayoko ng ganito.." hinawakan nya ang likod ng kanyang batok sa frustration. Nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita nyang umiiyak ako. Baka magbago lang ang isip ko kapag hinawakan nya ako.
"Wala akong babae.." ilang ulit ko na yatang naririnig mula sa kanya ang linyang yan. Pero sa bulag nga ako noon. So naive. Wala. Nagpakatanga ako kahit obvious na. Kahit kitang kita ko na sa mismong harapan ko. Nagkunwari pa rin akong walang nakita. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sa kanya. Pagmamahal nga bang tawag doon o kabaliwan. Di ko matukoy dahil sa dami ng iniisip ko.
Una, ang pamilya kong hindi ko maintindihan kung pamilya pa bang matatawag ko. Pangalawa, ang kaibigan ko na pinag-isipan ko ng masama. Pangatlo, sya. Oo lihim na nga sa lahat. Pero sana, wag nya sanang isipin na hindi ko nakikita ang ginagawa nya. May mata ako at tao rin ako kung alam nya iyon.
"Mahal, wag mo naman akong iwan.. nagmamakaawa ako.." now he's begging. Kulang nalang lumuhod sa harapan ko. Umatras ako upang huwag nya akong tuluyan na mahawakan.
Umiling muli ako.
Humakbang sya muli kaya napaatras pa ako. Natigilan sya ng ginagawa ko iyon. "Pag-usapan naman natin to please.. nababaliw na akong walang naririnig mula sa'yo.."
You deserved that! Gustong isigaw ng isip ko pero ayaw ng malambot kong puso. Tiklop lagi ito sa kanya. Sa presensya at sa umalingawngaw nyang bango. Pinanghihina ako.
"Fine.. Ito ba talaga ang gusto mo ha?.." bakas na ang galit sa kanyang himig. Tanaw kong nilagay na nya sa magkabila nyang baywang ang kanyang mga kamay. Meaning, he's now mad and angry. Traits when he's mad at his little sister.
"Pagod na ako.." mahina ngunit sapat na ito para marinig nya.
"Sige..para sa ikasasaya mo.. ibibigay ko... lalayo ako.. kalilimutan ka.. at maghahanap ng sinasabi mong babae.." nagpakawala sya ng mabigat na hininga. Nag-angat ako ng tingin. Alam kong nagulat sya sa pula ng aking mukha. Pero binalewala nya iyon dahil sa galit na makikita sa kanyang mata ngayon. "Pero kapag nagkataong nagkita ulit tayo... wala ka ng babalikan pa.." iyon lamang at mabilis na nya akong tinalikuran.
Nagbabanta ba sya?. O well. Kung iyon ang kapalit ng sakit na dulot ng ginagawa ko ngayon. Okay lang. It's better that way! Naiintindihan ko!
Ang sakit makitang naglalakad na sya palayo sa akin. Hindi ko naman ito gusto. Ginawa ko lang para magfocus muna sya sa kanyang pamilya at sa sarili nyang career at buhay. Ayokong, magsuffer sya dahil sakin. Sobra ko syang mahal at kahit masaktan pa ako, kung para sa ikabubuti nya. I'll let him go.