Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 61 - Chapter 11: Sana lang

Chapter 61 - Chapter 11: Sana lang

Sunday morning. Sinadya ko talagang gumising ng maaga para pumuntang mag-jogging sa labas kahit isang oras. Exactly 3 am pababa na akong hagdan. The least I expected is that, my wife is now awake. Nasa sala sya at half naked. I guess. Kasi mula sa pinakamataas na parte ng hagdan. Tanaw ko ang dalawang pares nyang mga hita. May suot naman sya pero yung legs sya. Kita kong halos walang takip dito. I gulp. Hard. May biglang nabuhay sa akin kahit inaantok pa sana ako. I tried walking slowly and silently. Para hindi nya maramdaman ang yabag ko o kahit ang pressensya ko. I tried but I failed.

"Ang aga mo yata?." Honestly. I don't know how to react after I heard her whispering voice. Parang kusang nagsitayuan ang maliliit na buhok sa batok ko. I caressed that part para ibsan ang mas lalong pagkalat sa buong katawan ko. Ayoko ng ganito e. Sa totoo lang. This is her effects to me. Kapag nasa ganitong mood na ang katawan ko. She turn me on. At hanggat maaari. Sa sitwasyon pa namin ngayon. I need to practice how to control this, atleast for now.

"Mag-jogging lang.." hindi ko alam na may ganitong klaseng boses pala ako. Ang liit. Kulang nalang hindi marinig. Kingina! Para akong bakla neto!.

Then she turn around at tiningala pa talaga ako. And I'm right. Ang nighties na suot nya ay masyadong maiksi. Ang isang manipis pa na strap nito ay nalaglag dahilan para matanaw ko ay bagay na hindi dapat. Bilang asawa. Kahit mag-asawa pa kami't asawa ko sya, respect should reign. Ayoko yung ayos ng damit nya. Kaya pumikit ako ng mariin. Lumabas din ng di ko inaasahan ang malakas na buntong hininga ko.

"Masyadong maayos yata ang porma mo.." sa isang iglap. Sya na ang nasa harapan ko. She knows me. Alam nyang ayaw ko rin ng damit nyang masyadong sexy. Natutukso ako.

Teka. Binabalik nya ba sakin ang ginagawa ko?.

Alam nyang ayaw ko sa damit nya, kaya ba sinita nya rin ang suot kong damit?. Simpleng jogging pants at black hoodie lang naman ang suot ko. Tapos rubber shoes na. Iyon lang. At ear pods na. Tapos. How come na itatanong nya saking masyadong maporma ang damit ko?. Anong mali?. May mali ba?.

"Magpapalit ba ako?." Tanong ko pero nilagpasan na nya ako. Dinunggol pa ako. Sadya man o hinde. Gusto ko iyon. It's like. It has a meaning. It is already has a meaning kaso I know the limits she had for me today. Tinutukso nya lang talaga ako.

"Aba. Ewan ko sa'yo.." lumingon pa sya para lang sabihin to sakin. "Go, wherever you want. You are free on your own after all." And that is one a big blow!

Iniwan nya akong nakanganga at nakatayo lang duon. Masyado akong nagulat sa sinabi nya.

I guess, this the consequences na mahirap tanggapin. Ang marinig mismo sa kanya na naging makasarili ako. Hindi lang isang beses iyon kundi dalawa na. I admit. I have my dark side. Unti unti ko naman iyon inaaral pero bakit yung mga mahal ko sa buhay naman yata ang kapalit?. Hindi ba dapat sarili ang unahin sa.lahat ng bagay? Bago ang iba?.. Para kapag may humingi sa'yo ng tulong, you are fully ready and strong alone.

After an hour. Duon lamang ako nakalabas ng bahay. Umupo muna ako sa sala kanina bago nagsimula.

Madaling araw na, nagtatrabaho pa sya?. Bakit hindi ko iyon alam?.

"Jaden!." Gigil kong sinambit ang pangalan ko. Wala na nga yata akong magandang nagawa sa buhay. Puro palpak!.

Hindi na naging isang oras ang takbo ko. Kinse minutos lang yata ang tinapos ko. Bumalik na ako ng bahay. I need to talk to my wife. Bahala na kung magalit sya sakin. Basta I need to talk to her.

Kumatok ako sa silid namin at hindi na hinintay pa ang sasabihin nya.

"Jaden?." Taka nyang sambit. Pumasok ako't dali-daling nilock ang pinto. Kasalukuyan na syang nagpapalit ng damit. Kakatapos yatang naligo dahil sa tuwalyang nakapulupot sa kanyang buhok.

"We need to talk.."

"Ayoko.. lumabas ka na. Nagpapalit ako." She said. Snorting.

"Bamby, I need to talk to you.." giit ko pa rin. Tumayo ako sa tabi ng pintuan kung saan sya pumasok para kumuha pa ng damit.

"Hindi pa ako handa na pakinggan ka Jaden. Kaya lumabas ka na.."

Natahimik ako sandali. Napalunok. Nagkaroon ng bagay bigla sa lalamunan ko. Bumara ito dahilan para mapalunok ako ng mariin.

"Hindi mo na ba ako mahal?." It's now or never Jaden!.

"Wag ka ng makulit Jaden. Saka na tayo mag-usap." Lumabas sya sa may dresser. Saka ako mabilis na tinulak palabas ng silid. Yung tuwalya sa buhok nya. Nawala na. Bagsak na ngayon ang basa nyang buhok.

"Hindi mo na ako mahal?." Kulit ko pa. Hindi ako gumalaw kahit pilit nya akong tinutulak palabas ng kakabukas nyang pinto. Nagmatigas ako sa kinatatayuan ko. Kahit anong tulak nya. Di ako magpapatinag.

"Saka na nga tayo mag-uusap. Marami pa akong gagawin.." anya na. Parang maiinis na.

Mabilis akong kumawala sa mga palad nya't nilock muli ang pinto sa loob. Ngayon naman. Magkaharap na kami. Hinapit ko na sya ng sobrang lapit. "Mahal mo ako?."

"Jaden.." nagpumiglas sya. Pilit kumawala pero mas malakas ako.

"O mahal na mahal?."

"Ano ba, Jaden?." Sinuntok nya ako ng sinuntok sa may dibdib. May sampal pa ngang natanggap ang pisngi ko. Pumikit ako dahil nasasaktan ako sa tanawing umiiyak sya sa harapan ko. "Paano, napaka-walang hiya mo kasi.." patuloy ang pananakit nya sakin. I let her para maibsan ang sakit na nararamdaman nya para sakin. Medyo lumuwang na rin ang yakap ko sa kanya. Unti unti na rin kasing sumasakit ang bawat tama ng mga suntok nya. I didn't open my eyes not until sya ang nagtanggal ng yakap ko sa kanya. "Ang sakit, alam mo ba.yun Jaden?. Kaya, wag mo akong tatanungin kung mahal pa ba kita dahil kung hinde, hindi ako masasaktan ng higit pa sa inaakala mo.."

"I'm so sorry.. please forgive me. Please.." lumuhod ako sa harapan nya. Ito ang naisip ko lang na paraan para humingi ng tawad sa kanya. I hugged her thighs. "Patawarin mo akong muli mahal ko. Nagkamali na naman ako.." she didn't bother to answer. Basta tahimik lang syang umiyak. Sa malayo nakatingin.

Lumabas ako ng silid ng sinabi nya saking dito na raw ako matutulog muli.

Hindi iyon ang hinihingi ko.

Gusto kong tumalon sa tuwa. Magpasabog ng fireworks. Pero hindi iyon ang gusto ko. Patawad nya ang hinahangad ko.

Sana lang. Unti unti. Maayos na namin to. Sana lang.