Between the bed. May malaking unan na nakaharang. I never thought of this despite the thoughts of I'm not forgiven, yet. I'm disappointed to myself because I expected too much from her eh ako itong nakagawa ng kasalanan. Of course. She's mad. Mad!. I can't just questions her actions. Baka bumalik lang lahat sakin ang tanong ko. Ayokong mangyari iyon dahil hindi pa rin ako handang pakinggan ang paniningil nya. My head is still hard that he keeps on insisting that, I never made a mistake. But upon knowing this. This gap of her and me in one bed is making me sick. Good old days are keeps on coming back to me while blinking and staring at the wall.
"Oo nga Jaden. Saan ka nga ba nagsimula?. Paano ka nagkagusto sa kanya noong una?." Tanong ko sa sarili ko. I close my eyes. "Love at first sight.." Silently answering my own self. Then it all flashbacks.
FLASHBACK.... High School Days...
"Jaden, sama ka?." Makulit na tanong ni Ryan sakin. He's with Aron, Bryle and Bryan. Abala ako sa pagwawalis dito sa bakuran ni Nanay ng dumaa sila. May dala-dalang bola. Mukhang may laro ang mga ito. Huminto muna sila para kausapin ako. And here is Ryan. He keeps on insisting na sumama na ako sa kanila. Boring daw kasi ang laging nasa loob ng bahay.
"Kayo na lang. Kakaumpisa ko palang rito." Isinenyas ko ang walis at ang bakuran. Tinaasan nila ako ng balikat. Ayaw maniwala na iniwan sakin ni Nanay ang paglilinis dito.
"Bahala ka. May chicks duon." Pinagsawalang-bahala ko ang ipinunto ni Bryan. Tumawa pa ang loko!.
"Tara na kasi boy Jaden. Kami nang bahala kay Tita mamaya.." tumigil ako't tinignan sila. Hirit naman nito ni Bryle.
"Saan ba tayo pupunta?." Pagod kuno kong tanong.
"Yes.." masayang sinuntok ni Bryle ang hangin. Napatalon pa nga. Ibinato agad sakin ni Aron ang hawak na bola. Kanina pa ito tahimik. Nakikinig lang sa amin.
"Teka. Hindi pa ako nagpapaalam kay Nanay.." nagkamot ako ng ulo. Papasok na sana sa loob ng bahay ng maramdaman ko ang braso ni Ryan sa balikat ko. "Si Aron na ang bahala." Bulong nito sakin saka ako hinila nito palabas ng gate na gawa sa kahoy.
Wala na nga akong nagawa ng preskong pumasok si Aron sa bahay. Pasalamat sila. Kung di ko lang sila matagal ng kilala. Baka nadedma na sila. Aron is two years older than us. Nabuo kaming lima as basketball team sa isang summer camp dito sa barangay namin. After that camp. Naging magkasama na kami sa lahat ng lakad. Maging sa kalokohan. Sigurado yun.
Lumabas si Aron sa bahay kasunod si Nanay. "Ingat kayo anak. Umuwi ng maaga." Ang tanging paalala nya bago nila ako hinila muli palayo na sa amin. Hindi pa nga ako nakapagpaalam ng maayos kay Nanay. Mga luku-luko talagang mga to!.
"May ipakikilala kami mamaya sa'yo.." Ani Bryan. Nanunukso pa. Tinignan ko lang sya. Tinaasan nya naman ako ng kilay. Nang-iinis!
Kahit anong gawin nyo. Hindi ako interesado!.
"Tsk.." tanging singhal ko lang ang lumabas sa labi ko dahil ano nga bang sasabihin ko diba?. Kung oo ang sagot ko. Mas lalo nila akong tutuksuhin. At kung hinde naman. Lalo din nila akong hihilahin at itutulak sa taong pangtrip nila sakin. Kaya mas maganda nalang ang manahimik.
"Kilala mo si Lance Eugenio diba?." Tanong ni Ryan. Agad naman akong tumango. Sya yung team captain sa kabilang team. Kumbaga. Kalaban namin. Na naging kaibigan na rin dahil naging isang grupo ang team namin nito lang dahil puro injured at nasa bakasyon ang iba. Ako, si Aron, Ryan, Bryan at Lance. Kami yung last na champion sa barangay festival.
"Si Mark Eugenio?. Malamang mas kilala mo sya." Si Aron naman ito. Naninigurong kilala ko nga ang taong tinutukoy nya. Kagat labi naman akong tumango. Boyfriend ni Ate. Pero ang laging bukambibig ni Ate sakin. Lalaking kaibigan. Boy-friend hindi boyfriend daw. Ano nga bang pinagkaiba nung dalawa?. Hayst!.
"Kuya sya ni Lance diba?." Ani Bryan naman.
Nakangiting tumango naman itong si Aron. "Oo. At kuya din ni Bamby.."
Parang may kung anong dumapo sakin dahilan para mapatingin ako kay Aron. Tumaas lalo ang kilay nya't nginisihan ako.
Gago Jaden! Umayos ka nga! Hindi ko naman alam na mapapatingin ako sa gawi nya. Basta nalang. Parang may magnet na humila sa leeg ko para makita sya pagkatapos nyang banggitin ang pangalang yun.
"Hoy! Sinong Bamby yan?." Si Bryle ito na nakisingit na sa gitna namin ni Ryan. Sya na yung akbay nito at ako. Nakawala na sa mabigat nyang braso.
"Wag ka na dun Bry.. Baka masipa ka pa lang ni Lance, umiyak ka na. Hahaha.." kontra ni Aron sa kanya. Sabay gaya ng pagsipa sa may bandang pwetan nya.
"Bakit si Jaden?." Reklamo nito agad sakin. Na para bang, ako ang nagsabi nun at hindi sila.
Nilapitan ako ni Aron at tinapik sa balikat. "Dahil..." huminto sya't bahagyang tumakbo palayo. Sumunod naman na sila. Hindi naman malayo. Sakto lang ang agwat para hindi ko sila mahabol. "...torpe sya.." sigaw ni Aron saka na tumakbo ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit hinabol ko sila ng mas mabilis pa sa takbo ko. At lalong hindi ko rin alam na, nasa malapit na pala ang bahay nila Lance.
Hinihingal kaming huminto sa mataas na bakal na gate ng mga Eugenio. Ilang minuto bago kami tumayo ng maayos.
"Tawagan nyo na si Kuya Poro. Nagtext sya sakin kanina. Andito daw sila." Ani Bryan habang nakatingin ito sa cellphone na hawak.
"Ugok!." Pinalo sya ni Aron. "Nag-utos ka pa. Ikaw na nga itong katext nila." Hinimas naman nito ang napalong parte ng braso.
A minute later. Biglang bumukas yung gate na malaki at iniluwa ang bulto ni Lance na maraming sinasabi.
"Kuya kasi..." I heard someone's ranting voice.
Dumiretso si Lance sa may sasakyang nakaparada at naupo sa may driver's seat. Kasunod nito ay isang dalaga na may petite na katawan. Suot ang maiksing short. Malaking loose na white t-shirt. At nakaipit na buhok. Kumatok ito sa bintana ng kotse at bumukas naman iyon.
"Please.." she's begging to her brother. Ngumiwi lang si Lance saka nya kami nakita sa may salamin.
"No Bamblebiee.. magagalit si Dad kapag sumama ka.. ilista mo nalang yung gusto mo at ako na ang bahala.."
"Baka nga kasi mali ang bibilhin mo.." pumadyak pa sya. She's frustrated.
Pumikit si Lance atsaka kumpyansang umiling sabay sabi ng, "Don't worry okay?. Kasama ko naman sila." Tapos saka sya tumingin samin. Pati tuloy sya, napatingin sakin... Este. Peste Jaden! Samin pala!. Kumaway ang apat na kumag pero ako tangina! Hindi ako makagalaw. Parang awtomatikong namanhid ang buong katawan ko. Lalo na ng, "Diba, boy Jaden?." Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napansin sa oras na ito ni Lance. Kulang na nga lang hindi na ako huminga eh. Bwiset!!..
"Jaden daw?." Hindi ko din alam kung ilang beses na nila akong tinawag. Basta nagising nalang ako ng tapikin ako sa braso ni Aron.
"Ha?. Ano raw?." Dito na sila humagalpak ng tawa at lumapit pa kila Lance. They are now talking about what Bamby is ranting tapos heto pa ako, nakatulala sa mahika nya.
"Hoy! Sasama ka ba samin bibili o dito ka nalang?. Bantayan mo si Bamby?." Si Lance ito na seryosong seryoso. Kulang nalang sugurin ako't sipain sa noo para magising. Walang anu-ano'y tumakbo na ako't lumapit sa kanya. Nakasakay na sila.
"Oh! Come on lil sis. Hindi ka ba naiinitan?. Ang init oh?. Ako na nga lang ang bibili. Just put it on a list.." tahimik na namaywang ang isa. "Or if you want. You'll go but somebody needs to accompany you. Here is Jaden.." pailalim nya akong tinignan. Tumawa ng mahina si Lance sa maliit na ginawang pag-iling ng kanyang kapatid. "Poor young boy.." bulong nya nalang pero dinig ko. Tapos tinanguan nya ako bago sinabi ang, "Sakay na boy. Go inside and wait for us young lady. And please. Have some patience.. haha.." Bakit kailangang isabay ang sasabihin sakin at sa bilin nya para sa kapatid?. Anong meron?.
Pumadyak sya ng mabigat. Sabay sabi ng, "Kuya!!..." May diin eh.
How cute!. Hihi!.. Ulol!...
Yun yung unang araw na parang naging abnormal ang tibok ng puso ko. Nung nakatabi ko na sya. Naging mabilis ito at yung pawis ko, naging buong-buo. Excitement!.
I want to feel that vibe again. That feeling. I'm not saying that I fall out of love. It's just that, I don't know. Or, is it?.
It is, Jaden.