Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB)

🇵🇭Chixemo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
62.3k
Views
Synopsis
You have to endure the strong storm if you want to enjoy the brightest sunshine. -Bamby Eugenio
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Irritation

"Daddy, bilisan mo naman. Kanina pa kami nag-aantay.." sigaw ko mula sa sala. Naiinip na ako na naiinis sa kabagalan ng taong to. Tumanda na't lahat. Ang bagal pa rin. Ano nalang nagbago sakanya?. Edad?. Pangangatawan?. Tsk! Nakakainis! Lagi nalang late sa tuwing papunta kami ng bahay.

Nagkamot ako ng ulo saka kinalabit si Knoa na abalang naglalaro sa kanyang ps4.

"Knoa, can you call your Daddy upstairs. Tell him na mauuna na tayo pag di pa sya bumaba.."

"But mom, I'm playing. Can't you see?.." umikot ng ilang ikot ang mga mata ko sa isinagot nito.

Where on earth did he got that kind of attitude?. Sarkastiko! Bwiset!!

Napabuntong hininga ako kasabay ng paglipad ng kamay ko sa hawak nyang gadget. "You go upstairs or I'll throw your thing?.." ako naman ngayon ang parang nagbuga ng malaking apoy sa mata at ilong ko dahilan para di sya agad makapagsalita.

Pinalaki ko pa lalo ang normal ng aking mata. Di pa muna sya kumurap ng ilang segundo. Bagkus, lumaki din ang singkitan nyang mata saka na mabilis na tumayo palayo sakin at sumigaw ng

"Wahhh!!!! Daddy! Let's go!! Mommy is angry!!!...." anya habang patakbong akyat ng hagdanan.

"Knoa, look out.." tinuro ko pa ang huling baitang ng hagdanan ngunit di na nya ako narinig o pinansin pa dahil agad itong nagtago sa likod ng kanyang ama. Sinipat ako ni Jaden mula sa itaas kung saan sya preskong nakatayo.

Agad akong tumalikod ng magtama ang aming mga mata.

Nakakainis! Kanina pa ako nakapalit tapos sya?. Ugh! Go to hell Jaden!!!

"Why are you running around Knoa?.." tanong pa nito sa anak. Uggghhhh!!!

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Hindi ko iyon pinakita o pinarinig sa kanya. Wala ako sa mood at ayokong marinig o makita ang mukha nya. Nakakainis tignan!!

"Hon, I'm sorry. May emergency kasi sa site kaya inasikaso ko muna.."

Oh dear!! That site again! Puro nalang site ng trabaho, opisina, telepono?. Paano naman kami, ako?..

Bahala ka nga sa buhay mo! Manigas ka!!

Di ko sya sinagot. Basta nagpauna na akong naglakad patungong garahe at pumasok na sa loob ng sasakyan kung saang sa likod ako umupo, hindi sa tabi nya.

Agad din naman silang sumunod sa akin. "Mommy is mad, daddy. What are we gonna do?.." dinig kong bulong ni Knoa sa kanya. Humalukipkip ako't tumingin sa malayo. Nagpanggap akong malalim ang iniisip kahit ang totoo ay sila pa rin ang tumatakbo saking isip.

Ganito pala ang pakiramdam ng mayroong pamilya. May mga araw na masaya, at may araw ding malungkot. Bilang sa kamay ko ang sinusuyo ako dahil madalas pa ang pagkaabala nya o ako, namin sa kanya kanyang trabaho. Ganunpaman. Di naman humahantong sa malalang sitwasyon ang lahat. Mali man ako o sya. May isa talaga sa amin ang laging nanunuyo. Iyon ay si Knoa. He knows when we're on fire with his Dad. Gumagawa sya ng paraan para kami'y magkabati ni Jaden. Kaya nga kahit anong inis ko kanina, di ko sya magawang pagbuhatan ng kamay. Natatakot akong matakot ko sya. Natatakot akong pag-isipan nya ako ng masama. Iniisip ko palang, nasasaktan na ako.

"Let's treat her later. For now. Stay quiet and let her think what she wants to think.. understood?.." mahinang sabi nito sa bata bago nito ako sinilip. Nang di ko sya pinansin. Pinaandar na nya ang sasakyan paalis.

"Hmm.. yes Dad!.." agresibong sagot nito sa ama. Sumaludo pa.

At gaya nga ng gusto ng ama. Tahimik lang ang anak. Wala naman itong hawak na gadget pero talagang sumunod ito sa utos ng ama.

Pero saglit lang iyon ng gumalaw ito at sinilip din ako. "Mom, are you still mad at me?.."

Unexpected yung naging tanong nya. Nagulat ako bigla dahil kalmado naman na ako. Di katulad kanina.

"Nope baby. Mommy will never get mad at you.." sinsero kong sagot. Umalis ako sa pagkakasandal atsaka inayos pa ang

kwelyo ng kanyang polo.

"Yehey! How about Daddy then?. Are you still mad at him?.." he asked while glancing at his Dad.

Kinagat ko ang ibabang labi sa narinig. Eh! ibang usapan na yan anak!. Gusto ko itong sabihin subalit inunahan na ako ni Jaden. "She's not mad at me baby. Unfortunately, she's just hungry."

"Really dad!?."

"Hmmm.. she wants some mangoes dip in an ice cream.. hahaha.."

"What!?. That sounds weird po.."

"Ahahahaha.. ask your mommy. It's not weird baby.. hahaha.."

"Jaden!!.." halos lumuwa ang mata ko sa pagtawag sa kanya. Paano nya nagagawang tumawa gayong naiinis ako rito?. Nakakabwiset talaga!!

"Oh what honey!?. I miss your voice calling me that way.. Sexy.."

"Jaden!!?." kinurot ko ang braso nya. "Knoa! Put your headphones on!.." utos ko sa bata. Ayokong iparinig dito ang kung anumang iniisip nang baliw na taong to!

"But mommy, I don't have headphones.." reklamo agad ng bata.

"Ahahahaha.." hagalpak na naman ni Jaden. Isang batok tuloy ang nakuha nya. Yung mahina lang naman dahil nagmamaneho pa rin sya. "Aw honey! That was so sweet.." tudyo nito sakin.

"Isa pa Jaden!.."

"Hahahaha!. Ano bang ginawa ko?.."

"Jaden, dalawa!.." banta ko.

"Hahahaha.. look at mommy Knoa.." utos nito sa bata. Tuloy, na curious ito sa akin.

"Why po?.." he asked curiously while looking at me.

"Because she's the most beautiful girl in the world.."

Susmaryosep! Nambola pa!! Di mo na ako madadala sa ganyan boy!

"And the kindest, Dad.." dagdag naman ni Knoa. Tuloy di ko alam gagawin. Kung ngingitian ba ang anak o babatukan ang asawa. Tinuturuan mambola ang bata eh!

"And loving, caring, gorgeous of all.."

"Gosh! Fine. Stop it boys. I'm just hungry.." ngiwi ko sa likuran ni Jaden na nasa front mirror ang paningin. Doon nagtama ang aming mata saka isang nakakalokang ngisi ang iginawad nito sa akin. Inikutan ko sya ng mata dahilan para bigla na naman itong humagalpak. Pinagpapalo ko ang likuran nya hanggang sa pumarada sya sa isang restaurant.

Kakatawa ni Jaden at sa ingay naman ni Knoa. Di na namin namalayan na nasa loob na pala kami ng restaurant. "And miss. Do you have any green mangoes here?.." ani Jaden sa staff matapos umorder ng napakarami.

"I'm sorry sir but we're out of stock today.."

"Aw.. my bad for my lovely wife.." he winked at me jokingly. Ngumuso nalang ako't tumingin sa malayo. "Can I have some ice cream then. Mango flavor please.." ngiti nito sa staff.

"Okay sir.." tumango ang staff saka umalis para kunin ang mga order.

"Yehey ice cream!.." galak na tumalon pa si Knoa sa tabi ng kanyang ama.

"Baby, that's just for mommy. Ice cream is not good for you.."

"But Dad?. I'm not sick anymore.."

"Mommy will get mad again if I let you ate that.."

I interrupted them. "it's okay. You can have some baby.."

"Yehey!.." nagdiwang ng husto ang bata. At aaminin kong hindi lang ang bata ang naging masaya kundi ako rin. I thanked Jaden and smiled at him sweetly.

I ate my favorite!. Yummy!!