Chapter 2 - Prologue

Goodbye

"Maayos ba ang pagkakalagay ko ng plastic cover?"

Hinawakan ni Yvonne ang libro at sandaling tiningnan ang cover pati ang nilalaman ng libro.

"Bibigyan mo ng libro si Janus?" halata pa ang pagkagulat sa mukha niya habang hawak niya ang libro.

"Sa pagkakaalam ko kasi favorite author niya si Mitch Albom kaya binili ko 'yang The Five People You Meet in Heaven na libro. Magugustuhan niya kaya 'yan?"

Inirapan niya ako at binalik sa akin ang libro. Nilagay ko na ito sa paper bag at dinikit ko na ang sticky note doon. Napangiti naman ako at kinuhaan ko pa ng picture ang paper bag. Sana magustuhan niya 'to.

Tiningnan ko muna ang messages ko at nagtext kay Janus. Baka kasi makalimutan niya though I'm sure hindi niya makakalimutan 'to dahil nangako ako sa kaniya.

To: Janus

Hello Janus! Remind ko lang na 8 PM ang Paskuhan mamaya sa plaza.

Wala pang isang minuto nang makatanggap ako ng reply galing sa kaniya.

From: Janus

Okay.

I smiled bitterly. Kahit sa text halatang wala siyang interes sa akin. Okay lang, last na naman 'to. I will not bother him anymore.

Sabay kaming pumunta ni Yvonne sa plaza dahil sasayaw ang group nila mamaya. Naatasan naman ako ng school paper adviser namin na pumunta dito ngayon para magawan ko ng article ang event na 'to.

"Val, sigurado ka bang okay ka lang dito?"

"Oo naman Yvonne. Galingan mo sa pagsayaw ha!"

Nginitian niya naman ako at niyakap. Nagpaalam na rin siya dahil may rehearsal pa sila at aayusan pa sila. Nilibot ko naman ang tingin ko at napatingin sa orasan ko.

"Hala nandito ka rin pala?"

"Uy Kendrick!"

Tinapik ni Kendrick ang balikat ko at bakas sa mukha niya na masaya siyang makita ako.

"It's been a long time Val. Last na nakita kita, sinusundan mo pa si Janus," pabiro niyang sabi. Hinampas ko naman ang braso niya dahil baka may makarinig ng sinabi niya.

"Huwag ka ngang maingay baka marinig ka nila."

Humalakhak naman siya 'yung tipong napahawak pa siya sa tiyan niya sa sobrang tuwa kaya hinampas ko siya sa braso.

"Bakit mo itatago? Alam ng lahat na patay na patay ka kay Janus!"

Napanguso na lang ako at nanahimik sa sinabi niya. Hindi na rin niya naman ako kinulit dahil dumating na si Janus. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang dumako ang tingin niya sa akin at sa katabi ko.

"J-janus..."

Hindi siya nagsalita. Umupo na lang siya sa tabi ko.

"Janus kumain ka na?" tanong ko. Kinuha ko pa ang cheeseburger na binili ko kanina at inabot sa kaniya.

"I'm not hungry," madiin ang pagkakabigkas niya at hindi na muling lumingon sa akin.

Sinubukan kong kausapin siya habang nanonood kami pero sadyang maikli lang ang mga sagot niya at tila napipilitan lang sumama dito dahil sa ipinangako ko.

He really wants to get rid of me huh?

"Janus, doon tayo sa giant Christmas tree!"

Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman kong sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak ko pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko.

"Valentina," mahina ngunit mariin niyang sambit, halatang nagbabanta.

"Janus," panggagaya ko. Humalakhak pa ako para asarin siya.

Huli na naman 'to Val. Kaya mo 'yan. Dinala ko siya sa tapat ng giant Christmas tree. Wala masyadong tao dito dahil nakatutok ang lahat sa house of lanterns and lights.

"Janus I have a present for you."

Tinitigan niya lang ako. Walang kahit anong bakas ng emosyon sa mukha niya. Kahit kailan, ang seryoso at ang tahimik niya talaga.

Inabot ko sa kaniya ang paper bag. Tinaasan niya ko ng kilay at nakita ko na kinuha niya ang libro sa paper bag. Inaasahan ko na kahit papaano ay may makikita akong emosyon sa mukha niya pero wala. Nakatitig lang siya sa libro at binalik niya na ito sa paper bag.

"Thanks," tipid niyang sagot. Wala man lang kahit anong effort.

"You're welcome."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ramdam ko na parang dinudurog ang puso ko ngayon habang nakatingin sa kaniya.

Nilapitan ko siya at dinampi ko ang labi ko sa labi niya. Hindi siya gumalaw. Ginalaw ko ang labi ko at humiwalay din agad.

Bahagya niya akong tinulak.

"Valentina."

"I'm sorry Janus. Last na naman," I said as I bit my lip trying to stop my eyes from crying.

"What about the promise?"

"Oh the promise yeah don't worry hindi na ulit kita kukulitin dahil sinamahan mo ako ngayong gabi. Thank you for coming with me Janis."

Tumango siya at tinalikuran na ako. Nag-umpisa na siyang maglakad nang maramdaman kong tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan

"J-janus!"

Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon.

"I love you. I'm sorry for bothering you."

Nagpatuloy na siya sa paglalakad na parang wala siyang narinig. Bumuhos ang luha ko at naramdaman ko ang patak ng ulan sa ulo ko. Hindi ko ito ininda dahil mas nangingibabaw sa'kin ang sakit na nararamdaman ko.

Lumakas ang ulan at nakita ko ang mga tao na nagkakagulo para sumilong pero nanatili ako sa gitna, nababasa ng ulan. Nanatili ang tingin ko sa giant Christmas tree. Dito naganap ang unang kiss namin na naganap din ngayong gabi. Dapat kiligin ako pero mas nasasaktan ako. Tumingala ako at hinayaan kong mabasa ako ng ulan.

Goodbye Janus.