Friends
Halos ibato ko ang cellphone ko habang nakatingin sa notification ko sa Instagram. Ilang araw na ang nakalipas magmula nang mangyari 'yon pero sariwa pa rin sa utak ko ang sinabi ni Janus. Naiinis ako sa kaniya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko pa rin sa leeg ko ang halik niya. Hindi niya nga ako hinalikan sa labi pero hinalikan niya naman ako sa leeg. Buti na lang at hindi nagkaroon ng hickey dahil hindi naman ganoon kagrabe ang halik niya sa leeg ko.
"Ang lakas ng loob mo na i-follow ako sa Instagram!" pinindot ko ang profile niya at pinindot ko ang follow back.
Tiningnan ko ang mga posts niya. Tatlo lang ang posts niya at sa tatlong posts niya wala man lang siyang picture doon. Ang isang post niya ay picture ng sunset sa Mt. Pulag at ang isa naman ay picture ng tteokbokki. Ang huling picture ay silhouette ng isang babae.
Pinindot ko ang mismong post at nakita ko ang caption niya.
"I miss you so much."
Sino kaya 'yung babae? Girlfriend niya kaya 'yon? Single ba siya? Pero wala naman siyang sinasabi na single siya. Wala rin naman siyang sinasabi na taken siya.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at nagdesisyon na lumabas sa kwarto. Weekend naman ngayon at wala pa kaming mga group assignment kaya pahinga pa ako dito sa bahay. Pagkababa ko as usual wala na namang tao sa dining room.
"Manang si Daddy po?"
"Ma'am pumunta po si Sir sa Kinji Corporation"
"Bakit po pupunta si Daddy doon? Magkalaban po ang company namin pagdating sa game development ah."
"Hindi ko po alam Ma'am eh. Maiwan ko po muna kayo."
Ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng pinakamalaking gaming company sa buong bansa. Mapalad pa kami dahil ang Unisoft Games ay may partnership na sa Nintendo. Lumaki tuloy ako na maraming Gameboy at PSP.
Pagkatapos kong kumain niligpit ko ang pinagkainan ko at pumunta sa pool area. Kinuha ko ang cellphone ko at nagselfie. Pinost ko agad ito sa Instagram at wala pang isang minuto nang maglike si Janus. Naisipan ko tuloy siyang i-message dahil bored ako.
valentinathegreat: enjoying my pictures? ganda ba ng future fuck buddy mo?
Wala pang isang minuto nang makita kong nagseen siya sa message ko.
janushunter: lol
valentinathegreat: oh i see gandang-ganda ka nga kaya nilike mo agad
janushunter: tf are u saying?
valentinathegreat: lol
janushunter: ok
valentinathegreat: ang sakit ng likod ko janus
janushunter: edi ipahilot mo
valentinathegreat: sumakit kakabuhat ng conversation na 'to
janushunter: lol
Hindi ko na siya nireplyan. Wala siyang kuwenta kausap. Sino bang gaganahan kausapin ang ganiyan? Kapag alam mong walang gana ang kausap mo huwag mo na ipilit ang sarili mo.
Tatayo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Mommy kaya sinagot ko ang tawag.
"Val..."
"Yes Mommy?"
"Pwede ba akong makisuyo anak?"
"Sure mommy. Ano po 'yon?"
"Pwede ka bang pumunta sa bayan? Puntahan mo 'yung restaurant na itetext ko sa'yo and do a review about it."
"Sure mommy, for business po ba ulit?"
"Yes honey. Can you do it for me?"
"Sure mommy. I will!"
"Thank you honey. I love you."
"I love you too mommy!"
My Daddy owns a video game company while my Mommy owns a food corporation. It's a total opposite but I still believe that opposite attract each other.
I decided to fix myself. I wore a black shorts and a pink loose shirt with unique details. I also wore my wedge boots to make my outfit a little more chic. Nagpahatid na rin ako sa driver namin sa restaurant na sinabi ni mommy.
"Ma'am hintayin ko na lang po ba kayo dito?"
"No need na manong. Kaya ko pong umuwi mag-isa."
It's a good thing that my parents are not strict. They always let me do what I want. They never tried to manipulate my life with what they want. My parents may be the busiest people in the world but I love them with all my heart. They are understanding and caring. They always try to fulfill my needs and they never fail to pour out their love for me.
Tiningnan ko ang cellphone ko at ang sabi sa direction kailangan ko pang maglakad bago makapunta doon. Nakatutok lang ako sa cellphone ko habang sinusundan ang tuldok. Nagulat na lang ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako.
"What the f-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumubsob ako sa dibdib ng lalaking humila sa akin.
"Muntik ka na masagasaan ng kotse. Hindi ka lumilingon sa dinadaanan mo dahil nakafocus ka sa cellphone mo."
I was surprised because it was Janus who pulled me. I scanned him from head to toe and he is sporting a simple outfit for today. He is wearing a light blue washed denim pants and a white crew neck tee. He paired it with a cool Vans sneakers.
"Sana hindi mo na lang ako hinila."
"Why? Do you want to die?"
"Pwede rin para hindi mo na ako maging fuck buddy."
Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay. Dumilim din ang ekspresyon niya at halos magsalubong ang kilay niya.
"You're still bothered about that?" I can sense the roughness and anger in his voice.
Alright he's just around 16 or 17 but why the hell he look so matured. His built is leaner than the guys my age.
"Kung makapagsalita ka parang wala lang sa'yo ang bagay na 'yon."
Nagsimula na akong maglakad papalayo pero hinawakan niya naman ang palapulsuhan ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Napatingin ako sa paligid at napansin kong nasa plaza pala kami. Nakatayo kami sa tapat ng malaking simbahan ng Santa Barbara.
"You don't get it."
"Ang alin ba Janus? Na malibog ka? Na sex lang ang habol mo sa babae? Fine!"
Nakita kong mas lalong kumunot ang noo niya. Nagtatagis na rin ang bagang niya sa pagpipigil ng galit. Bakit ba siya nagagalit? Siya pa ang may ganang magalit.
"I'm just joking that day. You didn't even heard what I really answered that day because you dramatically walked out while wiping your dramatic tears."
"W-what?"
"Do you know what I answered when you walked out? May kadugtong pa 'yon."
"A-ano?"
"I won't tell you."
"Nakakainis ka!" hinampas ko ang braso niya at aalis na sana pero hinila niya na naman ako.
"I'm going to tell you my answer in the future. But for now please forgive me for what I've said."
"I'll forgive you in one condition."
"What is it?"
"Let's be friends."
Tumango naman siya at nakita kong bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.
"Okay then."
I smiled and pulled him. "Samahan mo ko."
"Saan?"
"I'll do a food review sa isang restaurant."
Weird pero nagtiwala agad ako sa sinabi ni Janus. Parang nawala agad lahat ng pag-aalala ko. Kung ano man ang kadugtong ng sinagot niya noong araw na 'yon, I'll patiently wait for the day that he will tell me his answer.
Huminto kami sa tapat ng isang Korean restaurant. Ito pala ang Myungdeong Restaurant na tinutukoy ni mommy. Napansin kong may karamihan din ang customers ng restaurant at maganda ang ambiance ng lugar.
"Bakit ka nga pala nandito sa bayan?" tanong ko kay Janus.
"I was about to go home from mall when I saw you."
We had a small talk while waiting from our food. I observed the restaurant and it really gave me the Seoul ambiance. The music was good and even the waiters were Korean.
"Why do you need a food review? Para sa school paper niyo?"
"Nope, utos sa akin ni mommy."
Ilang minuto lang dumating na rin ang pagkain namin. Mataas ang puntos nila sa akin dahil mabilis ang serving nila. Maayos din ang mga waiter at alam ang tamang etiquette.
"What can you say about the soup?" napatigil sa pagkain si Janus at napansin kong ninanamnam niya ang kinakain niya.
"The pickles and kimchi are good. The spicy shrimp go well with the hot soup. It is very soothing to the stomach."
"Kung makapagsalita ka para kang nagsusulat ng essay!"
Umiling na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Patuloy kong nilasahan ang pagkain ko. Ginagawa ko ang food review sa tuwing naghahanap si mommy ng mga restaurants na kung saan puwede siya mag-invest. Most of the time nag-iinvest siya sa mga restaurant na malaki ang potential. Masasabi kong malaki ang potential ng restaurant na ito.
The beef bone soup with tofu and fish is really satisfying to eat. Damn it tastes good. Mommy would love to invest in this restaurant. I tried mixing it with a shrimp paste and it turned out to be great. It is also best eaten with rice although there is an onion and a sesame oil to mix with the rice. This is superb I will rate this restaurant 11/10!
"Grabe nag-enjoy ako sa food. Ikaw ba?"
"It's good."
Nakaramdam tuloy ako ng lungkot na baka uuwi na si Janus dahil tapos na kaming kumain. Ano kayang puwede kong gawin para makasama ko pa siya?
"Val do you want to come with me?" nagulat ako sa tanong niya. Mag-iisip pa lang ako ng paraan para makasama pa siya pero siya pala itong may paraan. I guess hindi ko na kailangang mag-isip pa ng paraan.
"Sure, saan ba?"
"Bibili lang ako ng bulaklak."
"Para kanino?"
Hindi siya sumagot. Hindi ko na rin pinilit pang magtanong kahit nakaramdam ako na parang may nagbabara sa lalamunan ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang flower shop.
"Magandang hapon po," bati ni Janus sa matandang babae. Napangiti naman ang matanda at mukhang magkakilala na sila ni Janus.
"Aba sino itong kasama mo?"
"Kaibigan ko po," sagot ni Janus. Ngumiti na lang ako sa matanda dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
"Ganoon ba ulit Janus?"
"Opo, as always po."
Sandaling nawala ang matanda at bumalik siya na may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Napansin ko na kadalasang binibigay sa mga girlfriend ang ganitong bulaklak. May girlfriend ba si Janus?
"Thank you po," inabot ni Janus ang bayad sa matanda.
"Salamat Janus paniguradong matutuwa si Chelsea sa bulaklak na 'yan."
"Opo paborito niya po ang mga rosas lalo na kapag isang bouquet."
Napatingin ako kay Janus at nakita ko sa mata niya ang excitement at saya. Mukhang gusto na niya ibigay sa kung sinong Chelsea na 'yan ang bulaklak. Girlfriend niya siguro 'yon.
Nanahimik na lang ako habang naglalakad na kami. Hindi rin naman siya umimik. Matagal siguro kaming tahimik na naglalakad hanggang makarating ako sa terminal.
"M-mauna na ako Janus."
Napatigil naman siya sa paglalakad at napatingin sa akin.
"Okay I'll see you then."
"S-sige sana magustuhan ng girlfriend mo 'yang bulaklak na binili mo."
Nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin.
"You're pertaining to Chelsea?"
"Yes diba girlfriend mo 'yon?"
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Tumango na lang siya at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa bulaklak.
"B-bye!"
Tumakbo na ako at pumila. Pakiramdam ko may nakabara na sa lalamunan ko. Sinilip ko naman si Janus at nakita kong naglalakad na siya. Akala ko mauumpisahan ko na ang moves ko sa kaniya pero sino naman itong Chelsea? Hindi rin naman siya umangal kanina kaya sigurado akong girlfriend niya si Chelsea.
Hindi ko naman ugaling manira ng relasyon. Kung may girlfriend na si Janus ayos lang. Okay na rin sa akin na kahit papaano naging magkaibigan kami. May katagalan din ang biyahe bago ako makauwi sa amin. Sumakay pa ako ng tricycle dahil hindi puwedeng basta pumasok sa Seraphine Village.
Pagkauwi ko binuksan ko agad ang Instagram ko at nakita kong may message galing kay Janus.
janushunter: hey are you okay?
valentinathegreat: yes, why?
Nakita ko namang online siya kaya agad din siyang nagreply.
janushunter: you don't look okay awhile ago
valentinathegreat: nahilo lang ako kanina
janushunter: are you sure?
valentinathegreat: yes, sige na bye na baka nakaistorbo ako sa date niyo ni chelsea
It took him awhile before he replied. Ang dami ko ng ginawa habang naghihintay sa reply niya. Inabot pa siya ng ilang minuto bago makareply.
janushunter: sorry just got home from my date with chelsea, i'll introduce you to her soon
It's confirmed. Girlfriend niya nga si Chelsea. Hindi lang basta bastang babae si Chelsea. Girlfriend siya ni Janus.
valentinathegreat: hope to meet her soon, out muna ako
Great, nag-uumpisa pa lang ako pero talo na ako.