I Thought
"Ang tagal naman matapos ng klase na 'to," bumubulong-bulong na ako kay Yvonne na kaunti na lang pipikit na ang mata sa sobrang antok.
Tiningnan ko naman ang orasan ko at nakita kong limang minuto pa bago matapos itong English subject namin. Gusto ko na matapos ito para makaalis na kami ni Yvonne. Alam kong excited na rin siyang makaalis dito.
"Okay class get 1/4 sheet of paper."
Narinig ko naman na umangal ang mga kaklase ko. May mga narinig akong mahihinang mura at ang iba naman ay nakasimangot na.
"Tanginang 'yan kung kailan five minutes na lang saka pa siya magpapaquiz," narinig ko na nagreklamo pa si Yvonne sa tabi ko. Kahit ako inis na inis na rin. Bakit ba may mga ganitong teacher na magpapaquiz kung kailan ilang minuto na lang natitira?
"Ismael pahinging papel," kinalabit ko pa ang kaklase kong nasa unahan ko dahil tinatamad na akong kunin sa bag ko ang papel. Nagligpit na kasi ako ng gamit ko kanina para pagkadismiss lalabas na agad kami.
"Val ihingi mo rin ako," bulong pa ni Yvonne. Tumango naman ako at kinalabit ulit si Ismael.
"Ismael pahinging papel dali na. Dalawang papel na pala," hindi umimik si Ismael. Para bang wala siyang naririnig.
"Number one..." lalo akong nataranta nang marinig ko na si Ma'am Facunbit. Kinalabit ko lalo si Ismael at niyugyog na.
"Tangina Ismael pahinging papel dali!"
"Number two..."
Niyugyog ko na talaga nang mas malakas si Ismael. Lalo akong napepressure dahil wala pa rin akong papel at nasa number 2 na sila.
"Number three..."
"Ismael bilis ang bagal tangina naman," padabog kong kinuha ang dalawang papel at binigay agad kay Yvonne. Buti natandaan ko 'yung tanong at nasagutan ko agad sa isip ko kaya nakasagot ako.
"Val anong sagot?"
Mukhang may tunog ng hayop na nangangailangan ng tulong.
"Val pakopya," bulong ulit ni Yvonne. Inabot ko ang papel ko sa kaniya at mabilis niya namang sinulat ang mga sagot ko. Natapos din ang quiz dahil five items lang naman.
"Let's check?" maraming humiyaw at napamura dahil sa sinabi ni Ma'am Facunbit. May mga nakatayo na at nakasuot ng bag na napilitang umupo.
"Check your own paper so we can do it quickly."
Dahil mukhang nagmamadali ang lahat at atat na umuwi, walang nangahas na mag-ingay habang nagchecheck kami.
"Ma'am tama po b-" naputol sa pagsasalita ang kaklase ko nang hilain siya ni Yvonne paupo.
"Alam mo bida bida ka. Huwag ka na magtanong i-check mo na lang 'yan please," halatang inis na inis na si Yvonne. Napagbuntungan pa niya ang kaklase kong magtatanong lang naman kung acceptable ba ang sagot niya.
Pinasa na namin ang mga papel namin at nagligpit na ng gamit. Sinuot na namin ang mga bag namin at napatingin kami sa labas ng classroom dahil marami na ang nag-uuwian. Nakakainis ang hilig talaga ni Ma'am Facunbit mag-overtime.
"Goodbye Grade 10 - Diamond."
"Goodbye and thank you Ma'am Facunbit. See you tomorrow."
Naghiyawan agad ang mga kaklase ko pagkalabas ni Ma'am Facunbit. Marami akong narinig na nagmura at ang iba ay hinampas pa ang mga arm rest ng upuan at hinahampas pati ang blackboard. Natatawa naman ako dahil may mga umuungol pa at nagsisigawan. Ganito talaga sa section namin tuwing uwian, hindi na bago ang ugaling dugyot.
"Tara na Val," hinila na ako palabas ni Yvonne. Alam kong excited na siya makita si Kendrick dahil halos isang linggo rin silang hindi nagkita. Ganoon din kami ni Janus.
"Bakit ka nga pala sasama sa akin Val?"
"Para kay Janus," agad kong sagot. There's no point of hiding my real agenda. I want to pursue Janus and I will make him mine.
"Sinasabi ko na nga ba!" humalakhak pa siya habang naghihintay kami ng tricycle. Ilang minuto rin kaming naghintay ng tricycle.
"Manong dalawa nga pong Nueva."
May kalayuan ang school namin sa school nila Janus. Malapit na rin kasi sa bayan ang school nila kaya malapit din 'yon sa plaza. Halos dalawampung minuto rin kaming nakasakay sa tricycle hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang school.
Bumaba na ako sa tricycle at agad kong nakita ko kung gaano karami an estudyante sa school nila. Maraming food stall sa tapat ng school at maraming nagtitinda ng palamig at mga tusok tusok. Maingay ang paligid at marami akong naririnig na nagmumura.
"Hala nag-aaral ba 'yan sila sa Atienzo?"
Inirapan na lang ni Yvonne ang mga babaeng nakatingin sa amin. Kung ikukumpara sa uniform ng mga Nueva, mas maikli ang palda namin kaysa sa kanila. Hanggang tuhod lang ang palda namin samantalang sa kanila naman sa baba ng tuhod.
"Asan na ba sila Yvonne?"
Hindi pa nakakasagot si Yvonne nang marinig ko na ang tilian ng mga babae. Napatingin naman ako sa gate at nakita kong naglalakad si Janus kasama si Kendrick at ang dalawa pang lalaki. Wow feeling F4 na kayo niyan?
I looked around and I saw the admiration in their eyes. Kulang na lang tumulo ang laway ng mga babaeng nakatingin sa kanila. May nakita pa akong isusubo sana ang kwek-kwek niya pero nalaglag 'yon sa blouse niya dahil sa pagkakagulat niya sa paglabas ng mga feeling F4.
"Babe!" kumaripas ng takbo si Yvonne at agad na niyakap nang mahigpit si Kendrick.
"Girlfriend nila 'yang mga taga Atienzo na 'yan?"
Napatingin naman ako kay Janus at nakita kong nakatingin siya sa akin. Napangiti ako at kumaway sa kaniya. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Val may movie marathon daw sila sa bahay ni Kendrick. Sama tayo?"
"Sure!"
Kumapit naman si Yvonne sa braso ng boyfriend niya habang ako naiwang naglalakad mag-isa. Bad trip naman.
"Hi I am Gilleo," pagpapakilala sa akin ng lalaking may dimple. Sa asta pa lang niya alam kong naglalaro lang ang isang 'to.
"I am Zach," ngumiti naman sa akin ang lalaking chinito. Kumpara kay Gilleo, mas maamo ang mukha ni Zach.
"I'm Val, nice to meet you!" nakipagkamay ako sa kanilang dalawa at kinausap nila ako habang naglalakad kami papunta sa kung saan.
Huminto kami sa isang parking lot at nakita ko ang tatlong motorbike.
"Val sasabay ako kay Kendrick. Ikaw sumabay ka kay Janus tapos si Zach at Gilleo naman sa isa pang motorbike."
Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko nang mapatingin ako kay Janus na may hawak na dalawang helmet. Parang buong biyahe akong mamumula habang nakaangkas sa kaniya.
"Take this," inabot sa akin ni Janus ang helmet at sandaling nagkadikit ang tip ng daliri namin. Para akong nakuryente sa simpleng pagdampi ng daliri ko sa daliri niya.
"Thanks."
"Bye Val. Kita na lang tayo doon!" humarurot na ang motorbike ni Kendrick at hindi ko na sila nakita. Sumunod namang humarurot ang motorbike ni Gilleo at nasa likod naman niya si Zach.
"What are you waiting for?" nagulat ako dahil nakasakay na pala si Janus.
"Itali mo 'to sa baywang mo," binato niya sa akin ang isang jacket at itinali ko ito sa baywang ko. Sumakay na ako sa motorbike niya at naramdaman ko kaagad ang awkwardness.
"Malalaglag ka kung hindi ka kakapit sa akin."
Marahan kong nilagay ang kamay ko sa baywang niya. Naiilang naman akong yakapin siya dahil hindi naman dapat 'yon.
"Gusto mo bang mamatay Valentina?" nagulat ako dahil inayos niya ang kamay ko kaya ang nangyari ay napayakap ako sa kaniya.
Nagulat ako dahil dumiin talaga ako sa kaniya at halos dumikit na ang dibdib ko sa likod niya. Mukhang wala lang naman sa kaniya 'yon pero para sa akin may ibang kahulugan 'yon.
"Puwede na pala kayo magmaneho? 16 or 17 years old lang kayo ha?"
"Alam mo ba 'yung student license?"
Natahimik na lang ako dahil pinaharurot na niya ang motorbike. Lalong humigpit ang yakap ko dahil pakiramdam ko huling biyahe ko na ito.
"Pakibagalan naman ayoko pang batiin si San Pedro!"
Narinig ko naman ang paghalakhak niya dahil binilisan niya pa lalo ang pagpapatakbo. Napansin kong papasok kami sa Josephine Village. Humigpit ang yakap ko kay Janus at halos ibaon ko na ang mukha ko sa likod niya. Nanatiling ganoon ang posisyon ko hanggang sa huminto kami.
"Easy there Valentina, you can loosen your hug now. You seem to enjoy hugging me."
Napabitaw naman ako sa pagyakap sa kaniya kaya pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. Tinanggal ko na rin ang helmet at inabot sa kaniya.
"S-salamat!"
Hindi na siya nagsalita. Sumunod na lang ako sa kaniya at napahinto kami sa isang malaking bahay. Dire-diretsong pumasok si Janus kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Pumasok kami sa loob ng bahay at agad kong napansin ang malaking picture frame nila Kendrick. Sumunod naman ako kay Janus at huminto kami sa tapat ng isang mini theatre room. Binuksan niya ang pinto at nakita kong marami ng pagkain ang nasa loob.
Nakaakbay si Kendrick kay Yvonne at nakahilig naman si Yvonne sa dibdib ni Kendrick. Ang cute nila tingnan at nakakainggit. Nagkaboyfriend naman ako pero hindi ko naranasan 'yan. Nagboyfriend lang ako dahil cool pero hindi ko naman talaga 'yon mahal.
"Anong panonoorin natin?" tanong ko. Sumalampak ako sa isang sofa at ako lang mag-isa ang umupo doon.
"Fifty shades of Grey," agad na sagot ni Gilleo.
What the fuck! Ang awkward panoorin no'n kapag may kasamang babae.
"Are you kidding me?"
Umirap naman si Janus at sinuntok sa braso si Gilleo.
"Gago ka talaga."
Humalakhak naman si Gilleo at napatingin sa akin. Sinulyapan ko naman si Janus at nakita kong may hawak na naman siyang libro.
"You choose Val," si Kendrick. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakahalik na siya sa leeg ni Yvonne. Seriously I find this really really awkward. Gusto ko na lang umuwi at kalimutan ang agenda ko ngayong araw.
"Puwede bang walang landian? Can we play something na thrilling?" I asked. Napatigil naman si Kendrick at Yvonne at tumingin sa amin. Mapupungay pa ang mga mata nila at halatang sabik pa sa isa't isa.
"Truth or dare na lang tayo," suggestion ni Zach. Tumango naman ako at kinuha ang isang bote.
Umirap naman si Janus. Akala ko hindi siya sasali pero lumapit din siya sa amin. Hindi naman pala KJ ang isang 'to.
Pinaikot ko na ang bote at tumama kay Janus ang nguso habang ang ilalim naman ng bote ay kay Zach.
"Janus truth or dare?"
"Dare."
Ngumisi naman si Zach dahil bigla siyang binulungan ni Gilleo. Nakisali rin si Kendrick at nagtawanan silang tatlo.
"Gago kayo baka pinagtutulungan niyo ako ha," napangiti naman ako sa sinabi ni Janus. Ang cute niya. Ngayon nakikita ko ang side niyang ganito, ang side niya bilang isang kaibigan. I thought he's hard and cold but I was wrong.
"I dare you to kiss Valentina's neck!"
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanila. Nilingon ko si Janus at nakita kong wala lang sa kaniya ang sinabi ng mga kaibigan niya.
"Okay," nagulat ako dahil pumayag siya. Pakiramdam ko matutuyuan ako ng laway dahil sa pagpayag niya.
"S-seryoso ba kayo?" tanong ko. Tumango naman silang lahat at nagtawanan. Nakita ko namang napangisi si Yvonne sa akin.
Bumuntong-hininga ako at lumapit kay Janus. Mabigat ang pagtitig niya at pakiramdam ko malulunod ako sa bawat titig na ipinupukol niya sa akin.
"Do you want to do this?"
"J-janus..."
"I'll tell them right away if this is not okay with you."
Lumunok ako at tumingin sa kaniya. "I-it's fine with me."
"Really?"
Tumango ako. Hinawakan ko ang balikat niya at nilandas ko ang kamay ko pababa sa braso niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baywang ko at hinila papalapit sa kaniya. Nagdikit ang dibdib namin at pakiramdam ko kaunti na lang ay liliyab na ang apoy sa katawan ko.
Tumingala ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya. Naramdaman ko ang dila niya sa leeg ko at ang marahan niyang pagkagat sa leeg ko. Gusto kong dumaing pero pinigilan ko ang sarili ko.
Para akong nalalasing sa simpleng paghalik niya sa leeg ko. Napapikit ako sa nakaliliyong nadarama hanggang sa tumigil siya. Halos habulin ko ang hininga ko at umiwas ako ng tingin sa kaniya. I've done this before sa mga inuman kasama ang mga kaibigan ko pero bakit iba ang dating ng mga halik ni Janus?
"That was hot!" bulalas ni Gilleo.
"As what I've expected from you Janus. You're a damn monster."
Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Janus pero hindi ko siya nilingon. Parang nararamdaman ko pa rin siya sa leeg ko at nag-iinit ako dahil doon.
Pinaikot na nila ang bote at tumapat sa akin ang nguso ng bote, ang ilalim naman ay kay Kendrick.
"Truth or dare?"
"Truth."
Ayoko sa dare nila. Mamaya ako naman ang humalik sa leeg ni Janus. Mapapahiya lang ako dahil hindi ako magaling.
"Puwede ko bang malaman kung bakit ka sumama sa amin ngayon? May iba bang dahilan?"
Natahimik silang lahat. Ramdam ko ang panunuya nila sa bawat pagtitig nila. Alright lakasan mo ang loob mo Valentina. Bakuran mo na si Janus.
"I'm here for Janus."
Nakita kong napangisi sila sa sagot ko. Naghiyawan naman sila at kinantyawan ang kaibigan. Nilingon ko si Janus at nakita kong seryoso lang ang mukha niya.
"I want to pursue him. I want to know him more. I like Janus!"
"Oh no oh no. That's dangerous Valentina," saad ni Gilleo. Hinampas naman siya ni Kendrick.
"Do not take me as a challenge," seryosong sambit ni Janus.
"You're not a challenge to me. You're the person I want to know deeper."
Umiling na lang siya at hindi sumagot. Pinaikot ulit nila ang bote at tumama na naman ang nguso kay Janus habang ang ilalim naman kay Zach.
"Truth or dare?"
"Truth."
Ngumisi si Zach at tumingin sa akin. "Can you see yourself in the future being in a relationship with Valentina?"
Halos malaglag ang panga ko sa tanong ni Zach. Si Yvonne naman ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Nakangisi naman si Gilleo at Kendrick. Tumingin ako kay Janus at nakaramdam ako ng kaba sa isasagot niya.
"No."
"Bro n-" naputol ang sasabihin ni Zach dahil nagsalita pa si Janus.
"But I can see her as my fuck buddy in the future."
Humalakhak naman silang lahat at pakiramdam ko nabastos ako sa sinabi niya. Yvonne look worried while looking at me.
"Tangina sex life mo pa rin ang inaatupag mo Janus. Wala ka pa ring pagbabago," dagdag pa ni Gilleo sabay halakhak.
Nanginginig kong tinaas ang kamay ko at sinampal si Janus.
"I hate you!"
Bumuhos ang luha ko at niligpit ko ang gamit ko. Agad akong tumakbo papalabas ng kuwarto. Narinig ko pang tinatawag ako ni Yvonne pero hindi ako lumingon.
Pakiramdam ko binastos ako ni Janus na para bang hinubaran ako sa harapan niya. So all this time I thought he's a guy who loves to read books all day but I was wrong.
He was a damn fuckboy hiding beneath his bookish facade.