Chapter 4 - Chapter 2

Dark

"What's with that face?"

Nilingon ko si Yvonne na kasalukuyang sumisimsim sa kape niya. Mukhang maganda ang gising niya dahil sa nangyari kagabi.

"Wala, pangit lang ng panaginip ko," asar kong sagot sabay sulyap kay Janus na tahimik na nagkakape habang nagbabasa ng libro.

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa sinabi niya. Anong basehan niya para sabihan ako ng tanga? Kilala ba niya ako para masabi niya 'yon? Akala mo close kami para sabihan niya ko ng tanga. He's too harsh and conceited. He's so full of himself.

"Bakit naman pangit 'yung panaginip mo?" biglang singit ni Kendrick. Nakita ko pa na sumulyap siya kay Yvonne at ganoon din ang kaibigan ko. Parang nag-uusap ang mata nila at ngayon pa lang gusto ko na pag-untugin ang ulo nila.

"Kasi nandoon ka," sagot ko. Inirapan ko pa siya dahil naiinis ako sa kalandian nila ni Yvonne.

Narinig ko naman ang isang mahinang tawa mula sa malayo at napasulyap ako kay Janus na patuloy pa rin na nagbabasa. Nakaangat ang sulok ng labi niya pero ang mga mata niya'y nakatingin sa libro.

Umiling na lang ako at umupo sa isang sulok. Binuksan ko ang cellphone ko at tumingin na lang sa mga latest news para magkaroon ako ng idea sa puwedeng maging topic namin.

"Ito na po ang almusal niyo," napatingin ang lahat kay Mrs. Gonzales at sa school paper adviser  nila Kendrick. Kasama nila ang ilang mga estudyante na bitbit ang almusal namin para sa araw na ito.

Pinatay ko na muna ang cellphone ko at tumayo na para kumuha ng almusal. Pinauna ko na ang mga mas bata sa akin at nagpahuli na lang ako dahil nakakatanda ako sa kanila.

"Thank you po," ngumiti ako sa SPA namin at kumuha na ng pagkain. Sinulyapan ko ulit si Janus na tahimik na nagbabasa habang hinihintay ang lahat na makakuha ng almusal.

Napaisip ako.

"Janus oh," sabi ko sabay abot sa kaniya ng almusal.

Tiningnan niya ako at kinuha ang almusal sa kamay ko. Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin dahil bumaba agad ang tingin niya sa librong hawak niya pagkatapos niyang ilapag ang almusal sa arm rest ng upuan niya.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya kaya tumingin siya sa akin. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Do you need anything?" he asked. I wanted to laugh with his question. Seriously wala man lang thank you galing sa kaniya?

"Thank you Janus," I said sarcastically. I badly wanted to roll my eyes but my lips curved into a smile.

"You're welcome," he simply replied then he started reading again.

Padabog akong bumalik sa kinauupuan ko kanina habang hawak ang almusal ko. Umaga pa lang pero nag-iinit na ang dugo ko. Ang antipatiko niya!

"Umaga pa lang nakasimangot ka na Val. Anong nangyari?" nilapitan ako ni Yvonne at umupo siya sa tabi ko. Nilapag niya ang almusal niya sa arm rest ng inuupuan niya at tumingin sa akin.

"Kilala mo ba 'yang si Janus?" bulong ko.

Tiningnan niya ako at nanlaki ang mata niya. "Val don't tell me siya ang eye candy mo ngayong taon? Naku girl mahihirapan ka landiin 'yan."

Tinampal ko naman siya dahil ang lakas ng boses niya. Napatingin pa sa kaniya sila Maxine at ang iba pang mas bata sa amin. Nginitian ko na lang sila at kinurot ko si Yvonne.

"Nagtatanong lang ako."

Humalakhak naman siya at tiningnan ako. "Sikat na sikat si Janus dahil ang guwapo niya tapos matalino pa kaso girl hindi namamansin 'yan. Makikita mo lagi niyang hawak 'yung libro niya tapos kapag kinausap mo para kang nakikipag-usap sa hangin. Minsan sumasagot siya pero sobrang tipid lang. Maximum na siguro ang 5 words sa kaniya," kuwento niya sabay hagikhik.

"Bakit ang dami mong alam sa kaniya?"

Humalakhak ulit siya at muling sumulyap kay Janus na biglang lumabas. "Siya ang eye candy ko last year pero nahirapan ako sa kaniya. Ang hirap niya landiin."

"Last year? Ibig sabihin lumaban na rin siya last year?"

"Hindi mo rin alam? Simula elementary pa siya pambato ng school nila sa editorial cartooning. Every year siyang nakakapasok ng NSPC."

"Seryoso? Sana all na lang dahil hanggang RSPC lang ako pero bakit hindi ko siya napapansin kapag may training?"

"Malay ko sa'yo. Iba kasi ang eye candy mo sa mga nakaraang taon at ngayon mo lang siya napansin dahil kasama natin ang school nila dito sa classroom na tinutuluyan natin."

Tumango na lang ako sa mga sinabi niya. Matagal na palang lumalaban si Janus pero never ko siyang napansin, ngayong taon lang.

Lumabas muna ako para magpunta sa canteen at bumili ng kape. Naghulog ako ng barya sa vendo machine at wala pang isang minuto nang mapuno na ang lalagyan ko. Pabalik na sana ako nang makita kong naglalakad si Janus pabalik sa classroom namin.

May sumagi bigla sa isip ko. Nagmadali ako sa paglalakad at may nakita akong bato sa isang gilid. Humagikhik naman ako sa naisip ko. Naglakad ako papalapit sa bato at sinadya kong matapilok para matapon ang kape ko.

Natapon ang kape ko pero sumadsad ang mukha ko sa damuhan.

"Fucking shit," I cursed under my breath. Napaupo ako sa damuhan at napahawak sa paa ko. Tumingala ako at nakita kong maraming nakatingin sa akin mula sa second floor.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang school paper adviser na nabasa ng kape. Mabigat ang titig niya sa akin at halos magkasalubong ang kilay niya.

Paanong nangyaring hindi natapunan si Janus? Nilingon ko ang paligid at nakita kong nakatayo si Janus sa tapat ng classroom na tinutuluyan namin.

Sa kaniya dapat matatapon ang kape hindi sa teacher na ito. Agad akong tumayo at yumuko sa harapan niya.

"S-sorry po Ma'am hindi ko po nakitang may bato sa dinadaanan ko kaya po natapilok ako."

Tiningnan ko siya at nakita kong huminga siya nang malalim.

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo at huwag kang tatanga-tanga. Campus journalist ka tapos tanga ka?" bulyaw niya sa akin. Napayuko na lang ako at naramdaman kong namuo ang luha ko.

Naglakad na palayo ang teacher pero nanatili pa rin ako sa gitna na nakayuko. Tanga ba talaga ako? Bakit paborito nilang sabihin sa akin ang salitang 'yan? Pinunasan ko ang luha ko at naglakad na pabalik sa classroom na tinutuluyan namin. Pakiramdam ko maraming mata ang nakatingin sa akin kaya yumuko na lang ako sa sobrang hiya hanggang sa makarating ako sa classroom namin.

"Val anong nangyari sa'yo?" bungad ni Yvonne sa akin. Napatingin naman sa akin si Kendrick pero agad siyang umiwas ng tingin.

"Nadapa lang ako," sagot ko.

Maglalakad na sana ako nang makarinig ako ng mahinang bulong.

"Tanga kasi."

Nilingon ko si Janus na nakatayo sa isang gilid habang hawak ang isang libro. Tahimik siyang sumisimsim sa kape niya. Nilapitan ko siya at hindi ako nag-atubiling sampalin siya. Sa sobrang lakas ng sampal ko pakiramdam ko bumakat ang palad ko sa mukha niya. Natapon din ang kape niya at natapunan din ang libro niya.

Sana pala hindi na lang ako nagkunwaring nadapa kanina. Sana pala diretsahan ko na lang siyang sinampal.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihan akong tanga. Sino ka ba para sabihin sa akin 'yan? Diyos ka ba? Kagalang-galang ka ba? Magulang ba kita?"

Tiningnan niya ako at nagulat ako dahil mabigat ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakita ko ring umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin. Huminga siya nang malalim at pinulot ang librong nabasa.

"That's why I hate fucking stupid girls like you," he said and gritted his teeth in anger. He looked away and he started wiping his shirt and his book.

Naglakad na ako pabalik sa puwesto ko at umupo. Napansin kong natahimik ang lahat sa nakita nila. Mabuti na lang at wala ang mga SPA namin dahil tiyak na malalagot ako.

"Val what the hell happened?" Yvonne asked.

I shrugged and started eating my breakfast. So this is how I started my day.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong naligo at nagbihis. Mabilisan lang ang pagligo at pagbihis dito dahil marami ang gagamit ng banyo.

"Ate Val, alam niyo na po ba na mamayang 12:30 na po tayo lalaban?" nilapitan ako ni Vince habang nagpapatuyo ako ng buhok. Grade 9 pa lang siya at siya rin ang isa pang editorial writer namin. Ako ang English editorial writer sa amin samantalang siya naman ang Filipino.

"Hindi ko pa alam pero thank you sa pagsasabi. Saan daw ang contest area?"

"Sasamahan daw tayo ni Mrs. Gonzales mamaya. Kasabay din natin ang editorial cartooning mamaya tapos sasama sa atin sa biyahe sila kuya Janus."

"Fuck."

Ngumiti na lang si Vince at bumalik na sa kinauupuan niya. Kailangan ko ang concentration ngayon dahil kailangan kong makapasok sa regional level. Hindi ko dapat hayaang masira ni Janus ang buong araw ko.

Nanahimik na lang ako habang nag-aabang kami ng jeep. Nilingon ko naman si Janus na may hawak pa ring libro. Umiling na lang ako at tumingin sa paligid. Napansin ko agad ang mga mata ng kababaihan na nakatingin sa kaniya.

"Tara na po ate Val," sabi ni Vince. Sumunod na lang ako at napansin kong siksikan na sa loob ng jeep. Sumakay ako sa upuan malapit sa driver at nakita kong si Janus na ang huling sasakay.

"Makikiurong na lang po. May isa pa d'yan sa kaliwa," sigaw ng driver.

Umurong naman ang mga tao hanggang sa umabot ang pag-urong nila sa tabi ko kaya nagkaroon ng space sa tabi ko. Umupo na sa tabi ko si Janus at umandar na ang jeep. Hindi naman daw ganoon kalayo ang contest area pero tirik ang araw kaya pinili ng teacher namin na sumakay.

Okay lang sana kaso masyado kaming dikit na dikit ni Janus. Naaamoy ko ang pabango niya at mukhang wala lang sa kaniya ang pagkakalapit namin. Nagulat ako dahil biglang pumreno ang jeep kaya sumubsob sa akin si Janus.

"Pasensya na po!" sigaw ng driver.

Umiling na lang ako at umayos ng upo. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang ulo ni Janus na sumubsob sa leeg ko.

Bumaba na rin kami agad at naglakad na kami papasok sa isang school. Magkatabi lang ang building ng editorial writing at editorial cartooning kaya madali lang kaming magkakahanapan mamaya.

"Mamayang hapon, sasabay kayo kina Janus ha? May kailangan ako puntahan mamayang hapon kaya ibinilin ko kayo sa kanila," biglang sabi ni Mrs. Gonzales. Tumango naman kaming lahat at pinaalalahanan niya kami sa lahat ng dapat naming gawin.

"Galingan niyo ha?"

Tumango kami at naglakad na siya papalayo. Naglakad na kami ni Vince papunta sa session hall kasama ang dalawang estudyante mula sa school nila Janus na editorial writer din.

"Hi anong pangalan niyo?"

"I'm Celine and she's Timothy," the girl with a short hair said.

"Ako nga pala si Val at siya naman si Vince."

Kailangan namin maging magkakilala dahil kami lang din ang magkakasama mamaya hanggang uwian. Pagkapasok namin sa session hall ay agad kong nakita ang ilan ko pang mga kakilala. Nagkabatian kami hanggang sa magdecide kaming umupo sa malapit sa unahan para hindi kami antukin.

Pinilit ko ang sarili kong maging gising kahit sa totoo lang inaantok na ako. Halos dalawang oras ang lecture at marami akong nakikitang humihikab kaya hindi ko rin maiwasang humikab.

I decided to take down notes to keep myself awake. I tried to listen to the lecture while everyone is sleepy. After that, the lecturer told us to go to the classrooms. We went to the classrooms and the lecturer gave us fact sheets. He gave us one hour to finish the articles.

Tahimik akong nagdasal bago ako nag-umpisang magsulat. Hindi ko na ugaling gumawa ng draft kaya nilista ko na lang sa isang extra sheet ang ideas na isusulat ko sa bawat paragraph. Hinimay-himay ko ang lahat ng ideas at saka ako nag-umpisang magsulat. Wala pang isang oras nang matapos ko na ang article. Hindi kalaunan ay pinapasa na rin sa amin ang mga gawa namin. Pagkatapos no'n ay agad akong lumabas para salubungin si Vince. Binuksan ko muna ang cellphone ko at nakita kong may text galing kay Vince.

Vince:

Ate Val nauna po kami sa inyo. Nandito po kami sa bilihan ng mga souvenirs.

Tinago ko na ang cellphone ko at naglakad papunta sa bilihan ng souvenirs. Ilang minuto pa akong naglakad dahil naligaw ako sa sobrang laki ng school. Nagpunta ako sa bilihan ng souvenirs at nilabas ang cellphone ko. Nakita kong may message ulit galing kay Vince.

Vince:

Ate nauna na po kami. Natatae na po kasi talaga ako pero pinakiusapan ko po si kuya Janus na samahan kayo pag-uwi. Hintayin niyo na lang po siya sa gate dahil may bibilhin pa raw po siya. Pasensya na po ate ha pero taeng-tae na po kasi ako.

Ako:

Okay, tae well.

Bumuntong-hininga na lang ako at nag-umpisa ng maglakad. Hindi ko na hihintayin si Janus. Hindi ko kayang makasabay siya pag-uwi. Mas gugustuhin ko pa na maging mag-isa kaysa makasama siya.

Lumabas na ako ng campus at nagdesisyon ako na maglakad na lang dahil 5:30 pa lang naman ng hapon. Tahimik akong naglakad hanggang sa mapansin kong ang tagal ko ng naglalakad pero wala pa rin ako sa school na tinutuluyan namin.

Nilabas ko naman ang cellphone ko para buksan ang Google map pero low battery na ang cellphone ko. Bad trip naman bakit ngayon pa?

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil baka sakaling may convenience store akong madaanan para makapagcharge ako. Naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya nilingon ko ang nasa likuran ko at may nakita akong dalawang lalaki.

Nagdesisyon akong maglakad pabalik pero nilapitan nila ako.

"Miss mag-isa ka lang?"

Hindi ako sumagot sa kanila.

"Miss ang ganda mo naman."

Bumundol ang kaba sa akin lalo na nang mapansin kong walang tao sa eskinitang ito. Napaatras ako habang papalapit sila sa akin. Namumuo na ang luha sa mata ko habang nakatingin sa mga ngiti nilang hayok sa laman.

Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin.

"She's not alone. She's with me."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Janus. Umigting ang panga niya habang nakatingin sa dalawang lalaki.

"Tangina sabi sa'yo may boyfriend na 'yan eh," sabi ng isang lalaki sa kasama niya.

"Oo nga pre imposibleng walang boyfriend ang ganiyan kagandang babae."

Tumakbo na sila palayo. Tinanggal na ni Janus ang pagkakaakbay niya sa akin nang makalayo na ang dalawang lalaki. Naglakad na siya papalayo kaya sumunod ako sa kaniya.

"J-janus paano mo ako nahanap?"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa masilayan ko na mula dito ang school na tinutuluyan namin.

"T-thank you sa ginawa mo kanina Janus. Kung hindi ka siguro dumating baka may nangyari nang masama sa akin," napakagat ako sa labi ko pagkatapos kong sabihin 'yon.

Huminto siya sa paglalakad kaya't napahinto rin ako.

"I really hate stupid girls because they always bring trouble," mababa ang boses niya pero may diin ang bawat banggit niya sa salita.

Napayuko ako sa sinabi niya. "Sorry for causing you trouble Janus."

Umiling na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang kaba sa puso ko habang nakatingin sa likod niya.

For the second time, he walked away leaving me alone in the dark.