Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 5 - Crush

Chapter 5 - Crush

"Nako! Violado! Onti na lang talaga mahahalata na ng buong klase na may crush ka kay ano! Hahahahaha!"

Narinig kong sigaw ni Christina kay Violado nang papasok na ako sa classroom namin. Crush? Sino naman kaya crush neto ni Violado?

"Sino crush ni Violado?"

Tanong ko kaagad kay Christina habang nakatayo na ako sa likuran ng inuupuan nila Christina, Violado at Juliana saka naupo na habang tinitignan ko na silang dalawa. Akma na sanang magsasalita si Christina para sagutin ung tanong ko sakaniya nang biglang mabilis na tinakpan ni Violado ang bibig niya. Uhm… okay… hindi naman ako na-offend dahil ako na isa sa mga close mong kaibigan dito sa school ay hindi alam kung sino crush mo. Okay lang naman. Okay lang talaga. Privacy mo yan, eh. Rerespetuhin ko na lang.

"Christina! Subukan mo lang na ikalat kung sino crush ko, mananagot ka sakin!"

Babala ni Violado kay Christina habang tinitignan na ito at tinatakpan pa rin ang bibig niya. Uhm…Okay? Tumango na lang si Christina kay Violado habang tinitignan na niya ako. Dahan-dahan nang inalis ni Violado ang kamay niya sa bibig ni Christina at saka tinignan ko na lang si Christina at hinintay ang sasabihin niya.

"Ano pagkain mo dyan, Ibon?"

Tanong ni Violado sakin sabay tayo na sa inuupuan niya at saka naglakad na papunta sa likuran ko dahil dala-dala ko pa rin ung bag ko. Mm. Okay. Inalis ko na sa likuran ko ung bag ko at saka ipinatong na un sa upuan na inuupuan kanina ni Violado at saka binuksan na iyon.

"Chin~! Ano yan?"

Tanong ni Christina kay Chin nang makita niyang may iniinom ito sa tabi ni Lara. Agad na tumigil sa pag-inom si Chin at saka nilingon na si Christina, habang si Violado naman ay tinitignan na ang mga biscuit at iba pang pagkain sa loob ng bag ko.

"Kape."

Simpleng sagot ni Chin sa tanong sakaniya ni Christina habang tinitignan pa rin ito at dahan-dahan nang sina sara ang tumbler niya na may lamang kape.

"Kainin na natin 'to Bon, hindi ako nagtanghalian, eh."

Sabi sakin ni Violado nang kunin na ung chichirya sa bag ko at saka bumalik na sa inuupuan niya kanina. Tumango na lang ako bilang sagot kay Violado tapos sinara ko na ung bag ko at saka naglakad na papunta sa puwesto ko sa first-row para ilagay dun ung bag ko at saka mabilis na bumalik sakanila.

"Penge ako Chin~!"

Hingi ni Christina kay Chin habang tinitignan pa rin ito. Tahimik na binuksan ulit ni Chin ung tumbler niya at saka iniabot na iyon kay Christina. Ano kaya lasa ng kape?

"Ano lasa ng kape?"

Tanong ko sakanila Chin at Christina habang tinitignan na ung tumbler na may lamang kape. Tinignan na ako ni Chin, dahilan para tinignan ko na rin siya.

"Matapang pero hinahaluan ko ung kape ko ng maraming gatas."

Sagot ni Chin sa tanong ko habang tinitignan pa rin niya ako. Tumango na lang ako at saka tinignan na ulit ung tumbler ni Chin na may lamang kape na hawak na agad ni Violado.

"Penge rin ako Chin, ha."

Paalam ni Violado kay Chin habang tinitignan na niya ito at ready nang uminom sa tumbler.

"Sige lang. Wag niyo ako ubusan, ha."

Sabi naman ni Chin kay Violado habang tinitignan na rin niya ito. Ano kaya lasa ng kape na may maraming gatas? Tinignan ko na ulit si Chin at saka nilapitan ko na siya ng kaunti.

"Chin~ pwede patikim ako ng kape?"

Tanong ko kay Chin habang tinitignan ko pa rin siya. Tinignan na ako pabalik ni Chin at saka tumango na lang bilang sagot sa tanong ko sakaniya.

"Sige. Violado tama na yan!"

Sabi ni Chin habang tinitignan na niya ulit si Violado na tuloy-tuloy na sa pag-inom ng kape niya.

"Hoy, babae! Bumili ka na lang ng sarili mong kape! Hindi ung mang-uubos ka pa ng kape ng iba!"

Sigaw ni Christina kay Violado habang tinitignan na niya rin ito. Inabot na sakin ni Violado ung tumbler ni Chin sakin, samantalang si Juliana naman ay tahimik na kumakain sa tabi ni Christina habang nagsecellphone lang siya. Kinuha ko na ung tumbler kay Violado at dahan-dahan ko nang ininom ung kape ni Chin saka… wow… ang sarap~! Bakit ngayon ko lang 'to tinikman!?

"Akin na. Baka maubos pa."

Sabi ni Chin sakin, dahilan para matawa na lang ako at saka ibinalik na sakaniya ung tumbler niya. Ilang saglit pa ay dumating na ung first subject teacher namin, dahilan para magsi balikan na kami sa mga puwesto namin at sa kalagitnaan ng discussions niya ay tsaka pa lang nagsisidatingan ang iba pa naming mga classmates. Late din si Jervien. Wait, what? Ano ngayon sayo Yvonne kung late si Jervien? Ano nanamang nangyayari sayo? Okay ka pa ba?

Lumipas ang apat na subject na patago kaming kumakain nila Violado, Christina, Juliana, Chin, Lara at Micah sa bawat subject, habang ang iba naman naming mga kaklase ay nagkekwentuhan, nangtitrip ng tropa, natutulog, nagsecellphone, nakikinig, nagsusulat at nagtatanong sa teacher ng hindi nila naintindihan sa lesson. Last subject na namin ngayon at wala pa rin kaming teacher sa Media and Information Literacy, kaya kung ano-ano na lang din ang mga pinaggagagawa namin sa loob ng classroom. Naka puwesto kami ngayon nila Christina, Violado, Juliana at ng iba pa sa right column at sa pangatlo at pang-apat na row. Bale ganito ang puwesto namin:

(Extra chair) Ako | Violado | Antipuesto | Morris | Ceejay | Angela

Christina | Juliana | At iba pa naming kaklase na di ko na maalala

"Bakit kaya wala pa tayong teacher sa MIL?"

Tanong samin ni Violado habang nakaharap siya samin at nakatalikod siya kay Jervien na kausap si Morris. Nagkibit balikat na lang ako sakaniya at saka tinignan na si Christina na palipat-lipat ang tingin kay Violado at Jervien… anong ginagawa nitong babaeng 'to? Tinitignan ko pa ng mabuti si Christina habang si Violado naman ay kinakausap na si Juliana. Ilang saglit pa ay dahan-dahan nang lumapit sakin si Christina.

"Laging nilalapitan ni Violado ung crush niya."

Bulong sakin ni Christina sabay balik na ulit sa puwesto niya at saka tinignan nanaman si Violado at si Jervien. Ilang saglit pa ang lumipas ay hindi ko pa rin gets kaya takang tinignan ko na lang si Christina.

"Ang slow mo naman Ibon! Hirap mong bigyan ng clue!"

Inis na sigaw ni Christina sakin, dahilan para matawa na lang ako, si Juliana ay nagulat at si Violado nama'y malakas na hinampas na si Christina sa braso nito.

"Aray! Po+@#$%^& yan! Masaket!"

Reklamo ni Christina kay Violado habang hinihimas na niya ang kaniyang braso na hinampas ni Violado. Natawa pa ako lalo dahil sakanilang dalawa habang si Juliana naman ay natawa na rin.

"Napaka mo naman Christina!"

Sigaw naman ni Violado kay Christina. Unti-unti na akong natigil sa pagtawa tapos napatingin ako kay Jervien… Ah! Si Jervien! Si Jervien ung crush ni Violado! Napa kagat labi na lang ako habang nakangiti tapos kinalabit ko na si Jervien na nakatalikod kay Violado at nakasuot ng maong na jacket. Nang unti-unti na siyang lumingon samin, tinignan ko na sila Christina at Violado na nagkekwentuhan na.

Nang makatingin na si Jervien samin, nilingon ko na siya at saka tinuro na si Violado. Nang mapansin ni Violado na tinuro ko siya ay natigil siya sa pakikipag-usap kay Christina at lumingon na sa tinitignan ko. Natawa na lang sa tuwa si Christina at si Juliana sa ginawa ko, habang si Violado nama'y akma na sana akong hahampasin sa braso ko nang bigla na lang niyang hinarap si Christina at nakipag-usap na ulit sakaniya.

Ilang saglit pa ay kinalabit ko ulit si Jervien at nagmaang-maangan ulit ako. Nung lumingon na ulit siya samin, tinuro ko ulit si Violado. Wala man lang siyang sinasabi. Inulit ko ulit hanggang sa nakita na ako ni Morris na kinakalabit ko si Jervien at saka tumigil na ako. Okay. What the fvuk? Anong pumasok sa kokote mo Yvonne? I mean… ba't ang pogi ni Jervien? Wait, what? Naku, Yvonne! Umayos-ayos kang babaita ka!

Lumipas ang oras nang nagkekwentuhan na lang kami nila Juliana, Christina at Violado hanggang sa mag 7:00 pm na at nagsi labasan na kami sa classroom namin kahit 7:20 pa ang uwian. Naglalakad na kami nila Christina, Juliana at Chin sa field habang nasa likuran lang namin sila Violado, Morris, Stephen, at Jervien.

"Ngayon alam mo na kung sino crush ni Violado?"

Tanong ni Christina sakin habang naglalakad kami sa field. Natawa na lang ako ng kaunti at saka tinignan na si Violado sa likuran namin na malapit kay Jervien. Uhm… ba't parang nakaka ramdam ako ng lungkot? Anong nangyayari sayo, Yvonne? Kailangan ko na bang kumausap ng therapist? Mababaliw na ako rito, eh.

"Sino crush ni Violado?"

Tanong naman ni Chin kay Christina habang patuloy pa rin kami sa paglalakad sa field. Tinignan na ni Christina si Chin at saka nilingon na rin nito si Violado sa likuran.

"Si Antipuesto."

Sagot ni Christina sa tanong sakaniya ni Chin. Si Antipuesto.

"Lagi niyang nilalapitan un, eh. Lalu na pag katabi ni Antipuesto si Herrera. Kinakausap ni Violado si Herrera para lang makalapit kay Antipuesto."

Sabi naman ni Juliana habang naglalakad siya sa tabi ni Christina. Wow. Ibang klase rin 'tong si Violado, ah. Samantalang ako hanggang tingin lang kay crush sa malayo. Okay na rin un. Ayoko nang maulit pa ung mga pagkakamali ko nung mga nakaraan.

"Wag na kayo maingay! Papalapit na si Violado."

Sabi ni Christina samin sabay tingin na naming apat kay Violado na tumatakbo na papalapit samin.

"Ano? Naka usap mo na si Antipuesto?"

Tanong ni Christina kay Violado nang maka sabay na siya sa paglalakad naming apat. Nanahimik na lang ako at lumipat na sa tabi ni Chin habang si Juliana naman at Christina ay hinihintay na ung isasagot ni Violado sa tanong nito.