Nag re-retouch ako sa kotse habang nasa daan kami, Ayoko maging pangit sa harap ng madami tao mamaya.
Napailing na lang si nathan nang makita ako nag lalagay ng lipstick sa labi ko.
Tinaasan ko na lang sya ng kilay, wala sya pakealam kung ano gusto ko gawin sa mukha ko.
Napangiti ako ng makita ko kung gaano ako kaganda sa salamin, sigurado madami na naman hahanga sa akin nito.
Few minutes pass, bumaba na ako sa kotse dahil nandito na ako sa school. Sinara ko ng malakas ang pinto ng kotse, ayoko mag babye sa kapatid ko pangit.
Taas noo ako nag lakad papunta sa classroom dala ang Gucci bag ko na kulay pink.
Wala nag tatangka humarang sa daan ko, dahil baka masampal ko lang sila.
"Good morning dennise" bati sa akin ng unknown person, hindi ko sila pinansin. Masyado mahal ang oras ko para makipag plastikan.
Pumasok ako sa classroom nang wala pakialam sa mga nakatingin sa akin.
Uminit dugo ko nang makita ko may nakaupo sa bangko ko.
"Excuse me.. Sino may sabi pwede ka umupo dyan?" Sabi ko habang nakatayo sa harapan nya.
Dali dali sya umalis nang makita ako, napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kabobohan nya ginawa.
Kapal ng mukha.
Nakita ko si monique na papalapit sa akin, inabot ko sa kanya ang pang spray ko. Para mag spray ng bangko ko, baka may germs.
Aangal pa sana sya, pero pinang lakihan ko sya ng mata. Susunod din pala din pala ang gaga, may pailing iling pa!
Pag katapos nya gawin yon, umupo na ako. Nakaka stress agang aga!
"Dennise, last review na namin mamaya" monique
"So?" Wala pakialam ko sagot.
"Isasama ko ulit si Samantha sa mall.."
Napatigil ako sa ginagawa ko nang sinabi nya yon.
Tumingin sya sa akin, inirapan ko na lang sya.
"Payag ka ba?" Tanong nya sa akin.
I flipped my beautiful hair.
"NO" may diin ko sagot sa kanya.
Napabuntong hininga na lang sya, siguro nakaramdam na ayoko pag usapan ang tungkol don.
Dumating teacher namin, lahat kami ay tumahimik na para makinig sa kanya.
Sa totoo lang kaya ayoko isama ni monique si sam dahil ayoko mahuli sya ni daddy. Pag kasi papagalitan yon wala kami magawa ni kuya, pag umiiyak sya sa kwarto nya nakikinig namin ni nathan yon, hindi kami makalapit dahil utos ni daddy.
Discussion
Quiz
Activity
Discussion
Discussion
Discussion
Iniwan na ako ni monique dahil pupunta na sya sa college library, kay monique ko ipinasa ang responsibilidad na dapat ay sa akin.
Ako dapat ang ilalaban para sa 3rd and 4th year High school, pero tinanggihan ko yon. Actually nailaban na ako nung Elementary ako I got 2nd place, then my brother is the winner sa high school level.
Pinagalitan ako ni daddy non dahil 2nd place lang ako, Ano ba magagawa ko kung yun lang nakuha ko. Disappointed sya sa akin non! Ilang araw nya ako hindi kinausap grounded din ako. Sobra laki ng pressure sa akin nung araw na yon dahil isa ako Villarreal tapos kasama ko pa si kuya, ang taas pa ng expectations ni daddy.
Simula nung araw na yon, nag sumikap na ako mag aral para hindi na ganun ang trato ni daddy sa akin.
-----
Habang nag lalakad ako nakatingin sa akin ang mga studyante nadadaanan ko.
"Ganda nya talaga noh" rinig ko sabi ng isa sa bitches na babae.
"Oo nga tapos ang talino pa, bagay talaga sa kanya ang tawag na Ms. Perfect" sigunda pa nung isa.
Napangiti na lang ako sa rinig ko, "Ms, perfect" Yeah, yan ang tawag nila sa akin dito sa campus.
Hindi ko sila masisisi, Matalino ako maganda din ako at mayaman ako. Lahat ng katangian na gusto nila nasa akin na.
Agaw pansin ako sa campus ni nathan nang pumunta ako don, pupunta ako sa dean office dahil ako ang pupwesto doon.
Kami ang may ari, May angal ka?
"Hi Dennise." Bati sa akin ng hampas lupa hindi ko kilala.
Dumerecho na lang ako sa office dahil wala ako oras para doon.
Pag kabukas ko ng pinto, nakita ko si nathan na nakaupo sa upuan ng dean. Tinaasan ko sya ng kilay, nginitian nya lang ako pag katapos non lumipat ang tingin nya sa likod ko.
"Excuse me" nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses nya. Hindi ko akalain na maririnig ko ulit yon.
Nakita ko si nathan na ngumisi sa akin, ginantihan ko naman sya ng pag irap.
"Excuse me, miss" ulit nya sa akin
Kabado ako ng lingunin ko sya, wala pa din sya pinag bago. Makinis nya mukha, mapupungay na mata, mapupula labi na kay sarap halikan, messy hair, tumangkad pa sya lalo sa akin, nandon pa din ako kanya kaputian.
Sandali ako bumalik sa wisyo nang mag salita ulit sya.
"Excuse me, miss kanina ka pa nakaharang sa dadaanan ko"
Bigla ako napahiya kaya tumabi ako, nang makapasok sya sa loob dumerecho sa upuan.
Umupo ako sa sofa, para wala ako dito kung mag usap ang dalawa. Pasimple lang ako sinusulyapan ni nathan pero umiiwas ako, alam ko nararamdaman nya ang awkwardness.
It's been 5 years since last na nakita kita.
"So pare dito kana ulit mag aaral" rinig ko tanong ni nathan, awan ko ba parang sinasadya nya yon iparinig.
Nakakagigil sya.
Nakita ko sya nag tumango sa kapatid ko. Pag katapos nya umalis babalik ulit sya. Bakit?
Nang maramdaman ko aalis na sya umayos ako ng upo, nang makatayo na sya tumingin sya sa akin, sinalubong ko ang tingin nya pero mabilis nya binawi yon.
May kirot ako naramdaman sa ginawa nya.
Nakahinga na ako ng maluwag nang tuluyan na sya umalis ng office.
"HAHAHAHAHA epic fail ang mukha ng kapatid ko"
Tiningnan ko ng masama si nathan, kapal ng mukha nya para biruin ako ng ganon!
"KAPAL MO! HINDI KAYA!!" sigaw ko sa kanya.
"Relax, kapatid!"
Kakainis.
"Bakit nandito yon ha?" Tanong ko sa kanya
"Dito na ulit sya mag aaral" sabi ng kapatid ko siraulo habang nakataas ang kanya paa sa mesa.
"Bakit? Para saan pa?? Akala ko ba ayaw na nya mag aral dito ha!!"
"HAHAHAHAHA, syempre may binabalikan sya dito"
Bigla ako namula sa sinabi nya, totoo ba yon? May babalikan sya dito. Ako kaya yon.
"Kung may babalikan sya dito, hindi ikaw yon! HAHAHAHAHA Wag ka ashumera kapatid."
Fuck you ka nathaniel.
"King ina ka nathaniel! Hindi ako naasa na ako ang babalikan non" nauutal ko sabi sa kanya.
Ano ba! Alam ako naman na hindi ako ang dahilan nya.
"May plantasyon na sila sa kabila bayan kaya sya nandito" nathan
"WALA AKO PAKE!" Sigaw ko sa kanya.
Iniwan ko sya sa office, naiirita na ako sa kanya! Nakakawala ng gana ang biro nya.
Kakainis.
Nakita ko si monique at samantha sa oval, kinawayan ako ni samantha.
"Tara ate, kain na tayo ng lunch" yaya nya sa akin.
Sumama ako sa kanila sa canteen, maya maya pa ay nakita ko na si nathan monggoloid.
Umorder sya ng pag kain para sa amin apat, dapat lang yon sya ang lalaki.
Sinundan ni Monique ng tingin si nathan, kaya napatawa na lang ako. Hanggang kelan kaya sya magiging ganan.
"Oy ate, nababaliw kana ba" tanong sa akin ni sam
Sinamaan ko sya ng tingin. Ako nababaliw Hindi kaya!!
"Huy dennise, tama ba yung nakikita ko si ano ba yon?" Monique
"Ano sabi mo monique?"
Napatingin na lang kami ni sam sa tinuro ni monique. Nakita namin na kasama ni nathan si Lawrence na papunta dito.
Paking shet!. Mapapatay ko talaga si nathan mamaya.
Ibinigay sa amin ni nathan ang pag kain namin pag katapos tumabi sya sa akin.
Okay na sana kami lang apat pero kasama nya si Lawrence! Paano ako makakasubo ng maayos nito!!
Mabuti na lang tumabi sya kay nathan, hindi sa akin.
Gaga ka dennise bakit naman yun tatabi sayo, close kayo? Tsk.
"Hi kuya lawrence" bati ni sam.
Feeling close ka sam!
"Hi" tipid nya sagot kay sam.
Sinamaan ko ng tingin si Samantha, tumawa lang ang gaga sa akin.
Mapapatay ko talaga kapatid ko.
Grabe na.
Tahimik kami kumain lima, wala na nag tangka umimik pa dahil alam nila na bibigwasan ko sila pag umimik pa!
Ang awkward kasi. Mommy help me please!
Una umalis si Lawrence, ang rinig ko sabi nya uuwi na daw sya kasi may aasikasuhin pa daw sya.
Nag paalam ang tatlo ko kasama na bobo, tiningnan ko lang sya pero hindi sya tumingin sa akin.
"Kuya, kelan papasok dito si kuya Lawrence?" Tanong ni sam
Nag kunwari na lang ako hindi nakikinig sa kanila.
"Sa lunes.." Nathan
As in Sa lunes? My god!!
"Wow, mabuti na lang dito ulit sya mag aaral"
King ina.
Tumingin sa akin si nathan, "may babalikan daw kasi sya" pabiro sabi ni nathan.
"King ina ka nathaniel"
"HAHAHAHAHA ayan ka na naman kapatid" nathan.
"Bakit sino babalikan nya dito kuya?" Tanong ng chismosa ko kapatid.
"HAHAHAHA.. Yung---"
"Subukan mo lang nathaniel! Susunugin ko gamit mo!" Pag babanta ko sa kanya.
"Si ate ang epal naman e" sam
Natataw na lang sa amin si monique.
"Tumahimik ka bata ka! Kung ayaw mo ibuhol ko bibig mo!!"
Sumimangot na lang sya.
"Ang taray mo dennise, ayaw mo ba ishare yun kay Samantha?"
Patawarin nyo po ako kung mapapatay ko talaga si nathaniel.
Padabog ako umalis sa pwesto, ayoko na sira na araw ko! Nakakainis na.
Narinig ko tinawag ako ni monique pero derecho pa din ako sa pag lalakad. Ayoko na makipag usap sa kanila!
Pag kadating ko sa campus, dumerecho agad ako sa cr kelangan ko mag retouch feeling ko nahaggard ako dahil sa nang yari.
"Alam nyo ba yung balita, bumalik ulit si Lawrence dito"
Rinig ko sabi ng isa babae sa tabi ko. hanggang dito ba naman!
Tinapos ko lang ang ginawa ko, pumunta na din ako sa classroom.
----
Lumipas ang mag hapon ko sa school, halos mag hapon ako nakatutok sa teacher ko pero yung utak ko lumilipad!
I hate distraction.
Nandito ako ngayon sa duyan ko sa labas ng bahay, sabado bukas buong mag hapon na naman ako nasa bahay.
Tutulungan ko na lang si Samantha mag impake, tutal naman linggo alis nya.
Mamimiss ko sya. Sana manalo sya!
"Binibini, tawag na po kayo sa loob" sabi sa akin ng impakta ko katulong.
Panira ng moment ko.
Pag kadating ko sa loob na kita ko si daddy sa sala. Pinalapit nya ako sa kanya, kaya tumabi ako sa tabi nya.
"Kamusta school Dennise"
School na naman.
"Okay lang dad" wala emosyon ko sabi sa kanya.
"Tutal wala ka naman gagawin sa linggo papapuntahin kita sa hacienda ni luciano" daddy
WHAT? AS IN!!
"Ano gagawin ko don daddy"
"Pag aralan mo kung paano patakbuhin ni luciano ang plantasyon" daddy
"Bakit hindi na lang po dito, bakit hindi na lang kayo"
"Sayo ko ipapangalan ang kalahati ng bago plantasyon natin, gusto ko pag aralan mo bawat produkto dinadala sa iba't iba lugar"
Napanganga ako sa sinabi nya.
"Ang bata ko pa po para dyan daddy!"
"Sa ayaw at gusto mo, gagawin mo yon" pag kasabi nya non umalis na sya.
Napahilamos naman ako ng mukha, ang daya naman e! Akala ko makakapag shopping ako ng linggo.
Umakyat ako sa taas para puntahan si nathan. Napailing na lang nang madatnan ko sya nakatutok na naman sa ginagawa nya.
"Paano mo mapapansin si monique kung lagi ka ganan!" Sabi ko sa kanya.
Natigilan sya sa ginagawa nya.
Binggo. HAHAHAHA
"Wag mo muna ako guluhin denden"
Fuck you ka talaga nathan! Denden na naman tawag mo sa akin. Tsk
"Gusto ko lang tanungin kung bakit ako pinili ni daddy! Bakit sa akin ipapangalan yon!" Inis ko tanong sa kanya.
"Kanino mo gusto ipangalan yon, sakin?.. Alam mo naman na sa akin na nga ang kompanya natin tapos sa akin mo din yun ibibigay!. Hustisya naman kapatid!!"
"Ayoko ng obligasyon! Alam mo naman yon kuya!!"
"Hayaan mo na, mag eenjoy ka din naman don.. Promise!"
Padabog ako umalis sa kwarto nya panget. Kakainis ito mag hapon na ito!
Ayoko talaga ng negosyo! Promise.
Itutuloy ....