Aminado ako nag eenjoy ako ngayon, buong buhay ko hindi ako nakaranas sumali sa mga fiesta sa baryo. Pag kasi may fiesta sa bayan buo pamilya kami pumupunta doon, tapos ang nakakaharap namin mga katulad din namin mayayaman. Masyado kami pinalaki sa marangya pamamaraan kaya kulang kami sa kaalaman pag dating sa mahihirap. Nakatayo pa rin kami para manood ng programa, hindi ko din mabilang kung ilang beses na tumawa si lawrence dahil sa napapanood nya sa stage.
"Okay, Excited na ba kayo sa susunod na kakanta?" Tanong ng Emcee.
Lahat naman ng nanonood ay excited dahil may kakanta pa iba.
"Palakpakan natin si Sir Lawrence Perez." Lahat naman sila ay nag palakpakan, iniwan ako ni lawrence sa kinatatayuan namin. Pumunta sa stage at umupo sa bangko nakalaan sa kanya, inayos nya ang gitara hawak nya.
"Happy Fiesta" sabi nya sa mga tao nandito ngayon. Nag palakpakan naman sila, nagulat naman ako nang lumapit ulit sa akin ang batang babae nag bigay sa akin ng bulaklaka na korona. Nahawa ako sa kanya ngiti, kumapit sya sa kamay ko. Sabay namin pinanood si lawrence na kumakanta sa unahan.
Parang pinipiga ang aking puso tuwing pinag mamasdan ko sya kumanta. Ngayon ko lang ulit narinig ang kanya boses habang tumutugtog ng gitara simula nong bumalik sya dito. Lahat sila ay natutuwa at panay ang puri sa ganda ng boses ni lawrence. Ang kanya boses ang isa ko sa nagustuhan sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan balikan ang nakaraan. Bumalik nga sya pero hindi na sya yong dati lawrence.
"Gusto nyo pa ba ng isa kanta mula kay sir lawrence?" Tanong ng emcee, pag katapos kumanta ni lawrence. Lahat nman ng mga tao sumisigaw ng isa pa kanta. Hindi ko maiwasan pag taasan ng kilay ang mga babae nag kakandarapa kay lawrence. Halos mag tulakan sila papunta unahan.
"Okay, kakanta pa ako ng isa, iaalay ko ang kanta ito sa babae wala ginawa kung hindi pahirapan ako." Tumingin sya sa gawi ko, "I hope you remember this song, deyna" pag katapos nya sabihin yon nag strum na sya ng gitara.
It's how you used to say
I love you and I miss you
It's how you pretend to love me then
When you wandered off the things we've done before
Now it's too late to turn back anymore
I used to say I love you
I used to say I miss you
And now it's all gone
Are we fading away
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko, ramdam ko ang bawat emosyon nya sa pag kanta. Ang kanya mga mata ay may lungkot, hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako lalo na kapag naaalala ko ang mga panahon na kami pa dalawa.
Are you coming back into my arms
To love me again
I love you I miss you
I need you now
More than ever
More than words can say
I love you and I miss you
I need you more today
It's how you used to say
I love you and I miss you
It's how you pretend to love me then
That kept me thinkin' off the things we've done before
Now is it too late to turn back anymore
I used to say I love you
I used to say I miss you
And now it's all gone
Are we fading away
Are you coming back into my arms
To love me again
I love you...
Gusto ko sampalin ang ang sarili ko dahil umiyak na naman ako sa lalaki ito. Akala ko ay nawala na ito sakit na nararamdaman ko pero nag kamali ako. Panandalian lang pala ito nawala.
Are you coming back baby into my arms?
To love me again
I love you... Deyna.
Shet.
Bakit sya ganito! Hindi ko na kinaya ang emosyon ko. Agad ako umalis sa kinatatayuan ko, tumakbo ako papaalis doon. Hindi ko na kaya tingnan sya. Bumabalik lang ang lahat ng sakit. Puno ng hinanakit, pang hihinayang at tampo ang nasa puso ko. Tunay nga gusto ko sya bumalik sa akin, pero hindi mawala yong panahon na kung paano nya ako ganon kadali iwan sa kabila ng depresyon ko.
"Deyna!" Tawag nya sa akin, pero hindi ko sya pinansin. Kahit nararamdaman ko na ang pag sakit ng paa ko dahil sa heels na suot ko hindi pa din ako tumigil.
Iniharap nya ako sa kanya nang maabutan nya ako, iniangat nya ang mukha ko nang nakatungo lang ako. Nakita ko naman ang pag kabigla nya nang makita umiiyak ako.
"Bakit ka umiiyak, ano nang yari" inalis ko ang pag kakahawak nya sa akin, pinunasan ko ang luha ko habang nakatalikod ako sa kanya.
"May masakit ba sayo deyna" nag aalala nya tanong.
"Wag mo ako tawagin deyna, dahil hindi na ako yan" wala emosyon sabi ko sa kanya.
Nanahimik kami pareho, wala nag salita. Inayos ko ang sarili ko at nag simula na ulit mag lakad papunta kotse. Naramdaman ko naman nakasunod lang sya. Hindi ko na inintay pag buksan nya ako ng pinto dahil ako na mismo nag bukas non.
"Sorry" sabi nya habang nasa byahe kami pauwi.
Nakatingin lang ako sa daan, wala pa din ako imik.
"Nadala lang ako ng emosyon, sorry dennise"
"Bakit ka pa bumalik lawrence" pinipigilan ko pumatak ang luha ko.
"Dahil may kelangan ako balikan"
"Ano naman yong binalikan mo? Mukhang napaka importante nyan. Dapat hindi kana bumalik pa!" Sabi ko habang nasa labas ng bintana ang tingin ko.
Saglit sya nanahimik, "dahil sa negosyo, kaya ako bumalik" malumanay nya sabi sa akin.
Napapikit naman ako, tama nga hindi ako ang binalikan nya. Tama dennise! Hindi kana nga nya mahal naka move on na sya sayo. Wag kana umasa babalik pa sya.
"Negosyo. Akala ko wala na kayo negosyo dito"
"It's a long story dennise, hindi pa ako handa pag usapan yon. Sorry"
Pumatak na naman ang luha ko, nasaktan ako sa naisip ko. Kung ano naman ang dahilan nya wala na ako pakealam don ngayon.
Katulad ng kanina, hindi ko na inintay pag buksan nya ako ng pinto bumaba na ako ng kusa. Hindi ko na sya nilingon pa derecho na ako pumasok sa loob ng bahay, nakasalubong ko si kuya pero hindi ko sya tinapunan ng tingin.
Hinubad ko ang heels ko pag kapasok ko sa kwarto, nag linis ako ng katawan, pag kabibis ko ng pantulog humiga na ako sa kama. Gusto ko mag pahinga, masyado ako naging emosyal ngayon.
KINABUKASAN, pag katapos mag lecture ng teacher namin, pumunta kami ng canteen ni Monique. Lahat ng studyante nadadaan namin sa hallway ay may pag hanga makikita sa amin lalo na sa akin.
Umupo ako sa favorite spot namin dito sa canteen, umupo naman sa tabi ko si monique. Nakita ko naman sa hindi kalayuan ang kapatid ko kasama ang mga kaibigan nya. Napangisi naman ako dahil yong studyante nakatingin sa kanya. Mukhang si Samantha ang mag mamana ng pwesto ko dito sa school.
"Dennise, bakit ang tahimik mo" tanong sa akin ng best friend ko.
"Kumain kana lang nics, wag kana dumaldal"
"Paano ako makakakain papunta na dito yong tatlo itlugan"
Napairap na lang ako sa kawalan ng makita ko si nathan at lawrence kasama pa nila si leo. Umupo sila sa tapat namin, nag kikwentuhan lang sila parang wala kami dito sa harapan nila.
"Nathan, wala ba canteen sa college bakit dito ka pa nakain!" Singit ko sa kanila.
"Nandito kasi tropa ko den" sagot ng kapatid ko pangit.
Tumingin naman sa akin si lawrence, sinadya ko iwasan ang tingin nya. Hindi pa ako handa kausapin sya.
"Lawrence pare, dito ka pa din mag aral sa next year ha" nathan
Pasimple ako nakikinig sa kanila habang kumakain ako.
"Bahala na pare, baka bumalik na ako sa america para doon mag aral ng college"
Naramdaman ko naman na sinipa ako sa paa ni monique sa ilalim ng lamesa. Kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ang bruha ngumiti lang.
"Paano ang negosyo nyo dito ni Dennise" si leo ang nag salita.
"Hahanap ako ng magaling na business partner ni Dennise bago ako umalis"
Seriously aalis talag sya! Iiwan nya ulit ako. No way! Di ako papayag. Iniwan na nga nya ako dati tapos uulitin na naman nya.
"Hindi pwede!" Hindi ko na mapigilan mag salita.
Tumingin sila apat sa akin, pero hindi ako nag paapekto.
"Bakit naman?" Tanong nya sa akin pag katapos uminom ng tubig.
Sumandal ako sa bangko at pinag krus ko ang braso ko tapos diretso tumingin sa kanya. Nakipag titigan sya sa akin, nilabanan ko naman yon.
"I don't trust anyone, pag dating sa negosyo. You know my attitude, Mr perez. I will bring that bastard of yours in the hell"
"Really dennise" ngumisi sya sa akin. "Akala ko wala ka pake sa negosyo"
Tumayo ako, hinampas ko ang lamesa tinuon ko doon ang sarili ko habang nakatingin sa kanya. Nakuha naman namin ang atensyon ng lahat ng nandito.
"You are not allowed to go somewhere without my permission!"
"Permiso, bakit girlfriend ba kita dennise"
Woaaah! - leo
"Hindi!" Agad ko sagot sa kanya. "Pero business partner kita"
"Wala ka pakealam kung saan ko gusto mag aral"
Hinawakan na ako ni Monique sa braso para pigilan. Umupo ako ulit sa bangko ko, pinag krus ko ulit ang braso ko. Nag titimpi ako ilabas ang galit ko kahit feeling ko sasabog na ako!
"Iiwan mo talaga ang negosyo natin?" Tanong ko sa kanya. "Iiwan mo lang din pala yon, katulad ng ginawa mo sa akin dati" pinunasan ko ang luha ko nasa pisngi ko. Humarap ako sa kanya na ngayon ay nakatitig sa akin. "Bakit ka pa bumalik kung mang iiwan ka din naman pala ulit."
"Dennise" malumanay na tawag sa akin ni Monique.
Hindi ko pinansin ang kaibigan ko, umalis ako doon. Dumerecho ako sa kotse ko. Pinaandar ko yon ng mabilis habang umiiyak ako. Kahit ano pigil ko sa sarili ko kusa pa din lumalabas luha ko. Kahit nag stop light, hindi ako tumigil pinaharurot ko pa din ang kotse ko, wala ako pakealam kung mahuli ako ng pulis.
Pumunta ako sa bar, hindi pa sana ako papapasukin ng bantay, mabuti na lang may dala ako cash, kaya nabayaran ko sila. Pag dating talaga sa pera madami nasisilaw don.
Pumunta ako counter, umorder ako ng hard drinks. Gusto ko mag pakalunod sa alak ngayon. Kahit ngayon lang malimutan ko ang lahat! Madami lumalapit sa akin na lalaki pero dinededma ko lang ang mga kupal.
"Isa pa kuya" sabi ko don sa lalaki nag mimix ng alak. Isa bote na binigay nya sa akin, natuwa naman ako don. Sigurado masarap ito, shet.
"Miss tara sayaw tayo" yaya sa akin ng mukha unggoy na lalaki.
Dahil maganda dedma lang sya sa akin, umalis sya nang hindi ko manlang kinausap. Panay ang pag tungga ko ng alak kahit liyong liyo na ako. Pakiramdam ko ang init na ng mukha ko dahil sa kalasingan. Pinapanood ko lang mga nag sasayaw sa dance flor habang umiinom lang ako. Napakapit ako sa upuan nang maramdaman ko ang liyo nong tumayo ako. Panay kasi ang pag hingi ko ng alak pag nauubos ko ang isa order.
"Mis let's go somewhere" blur na ang paningin ko nang tingnan ko yong lalaki nag salita. Aalisin ko sana ang pag kakahawak nya sa akin pero wala na talaga ako lakas, natutumba na ako.
"Easy baby" bulong nya sa akin, manlalaban pa sana ako pero binuhat na nya ako. "Ano ba!.. Baba mo *huk* ako" alma ko sa kanya.
"Magiging masaya ka sa gagawin natin" ipinikit ko ng ilang beses ang mata ko para makita ko sya ng maayos pero epic fail lang.
Aminado lasing na ako, nag halo halo na ang alak sa katawan ko. Init na init na ako gusto ko na maligo.
"Baba mo ako! Panget" sigaw ko sa kanya. Hindi sya umimik, binuksan nya ang pinto ng kwarto. Nakaramdam na ako ng kakaiba, takot ang nangibabaw sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang inilagay nya ako sa kama.
Kahit liyo ako bumangon pa din ako, ngayon ko lang narealize ang pangit ng lalaki kasama ko ngayon. Agad naman sya tumawa ng makita hindi maayos ang pag kakatayo ko sa sobra kalasingan.
"Wag ka na pumalag miss, sigurado masasarapan ka din naman"
Nangilabot ako sa sinabi nya, agad ko dinampot ang lamp shade na malapit sa akin. Hinagis ko sa kanya yon natamaan ko naman sya nang makakuha ako ng pag kakataon tumakbo ako papunta pintuan, paiyak na ako habang binubuksan yon pero agad nya ako hinila at ibinagsak sa kama. Babangon na sana ulit ako pero agad nya ako dinag anan, isa malakas na sapak ang natanggap ko sa kanya nang manlaban ako. Hindi lang sapak ang ibinigay nya sa akin kung hindi suntok din sa sikmura. Namilipit ako sa sobra sakit non.
Pananabik ang nakita ko sa mga mata nya, habang hawak hawak nya ang pareho ko braso. Nakadagan pa din sya. Umiiyak na ako habang nag mamakaawa sa kanya na wag nya ako galawin pero hindi nya ako pipakinggan. Sapilitan nya ako hinalikan sa bibig, panay ang palag ko hindi sya nakontento doon dahil bumaba ang kanya pag halik hanggang sa leeg, pinunit nya ang uniform ko kaya kitang kita na ang hinaharap ko.
"Please wag po" sabi ko sa kanya habang umiiyak ako. Hindi nya ako pinakinggan dahil panay pa din ang kanya pag iyak, hindi ko na kaya manlaban dahil sa mag kahalo nararamdaman ko pang hihina ng katawan ko. Napakasakit ng sikmura ko dahil dalawa beses nya ako sinuntok doon.
Ang aking pag hikbi na lang naririnig sa kwarto ito, hinubad nya ang pantaas na uniform ko. Lalo ako naniyak dahil sa pang bababoy nya sa akin. Gusto ko humingin ng tulong pero hindi ko magawa.
Lawrence, help me
Humagulgol na ako ng pilit nya hinuhubad ang aking pants dahil nakapang P.E ako pero hindi ako pumapayag. Isa sapak at suntok ang natamo ko.
"Parang awa mo na" hindi sya nakonte hinalikan pa din nya ako. Duming dumi na ako sa sarili ko, kaunti na lang bibigay na ang katawan ko dahil sa sakit. Rinig ko may kumakalabog sa labas ng kwarto pero hindi ko magawa sumigaw para humingi ng tulong.
"DENNISE!" napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Lawrence mula sa labas.
"Fuck" rinig ko mura ng hayop na lalaki na nasa harapan ko. Umalis sya sa ibabaw ko, blur na paningin ko dahil sa pag iyak ko pero rinig ko ang mga tao pumasok sa kwarto.
Ramdam ko may lumapat sa akin na kumot, at may yumakap din sa sakin. Lalo ako napaiyak nang makita ko kung sino ang yumakap sa akin.
"Nandito na ako dennise" sabi nya sa akin. Pinunasan nya ang luha ko nag dodoble man ang paningin ko pero alam ko si Lawrence ang nasa harap ko. "Sorry baby.. I'm so sorry" emosyonal nya sabi sakin"
"Ssshh" pag pigil ko sa kanya. "Let's go home" sabi ko, gusto ko na umuwi hinang hina na ako. "Yes, uuwi na tayo" inayos nya ang pag balot sa katawan ko ng kumot, binuhat nya ako na para ba bago kami kasal. Kumapit naman ako sa leeg nya, ramdam ko safe na ako ngayon dahil nandito na sya sa tabi ko.
"We need to go to the hospital" nandito kami sa kotse, kahit nang hihina kumapit ako sa braso nya para pigilan sya. "Ayoko" pag tanggi ko.
"Kelangan mo macheck dennise"
"Please" pakiusap ko sa kanya.
"Okay fine, tatawagin ko na lang ang private doctor namin"
Ngumiti naman ako sa kanya ng tipid, hinawakan naman nya ng mahigpit ang kamay ko. Ipinikit ko ang mata ko dahil sa sobra panghihina.
Nagising ako nang may gumigising sa akin, nakita ko agad si lawrence. Puno nang pag aalala ang kanya mukha habang nakatingin sya sa akin.
"Okay ka lang ba binabangungot ka"
Tiningnan ko ang kabuuan ko, bago na ang suot ko damit, wala na dugo ang labi ko ng hinawakan ko ito, hindi na din masyado masakit sikmura sinuntok nong lalaki.
"Don't worry, hindi ako ang nag bihis sayo. Si Monique nag bihis sayo"
Inilibot ko ang tingin ko kwarto, nasisiguro ko hindi ko ito kwarto dahil panlalaki to.
"Nandito ka sa kwarto ko, pinacheck kita sa private doctor namin"
"Thanks" tipid ko sagot sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay ko, "may masakit pa ba sayo" tanong nya sa akin. Umiling naman ako.
"Wag ka mag alala, pag babayaran nya lahat ng kahayupan ginawa nya sayo. Pangako ko sayo yan"
Tipid naman ako ngumiti, naalala ko lahat ng naranasan ko, agad naman pinunasan ni Lawrence ang luha ko.
"Wala na gagalaw sayo, dahil lagi na ako nasa tabi mo" hinalikan nya ako sa noo, maingat nya din hinaplos ang pisngi ko.
"Don't leave me again Lawrence" sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata nya.
Patuloy pa din sya sa pag haplos ng mukha ko at dinadama ko naman yon.
"Oo baby, hindi na kita iiwan ulit"
Inalalayan nya ako umupo sa kama, nag luto sya ng makakain namin dalawa. Iniihipan nya muna ang bago luto pag kain bago isubo sa akin. Nakikita ko sa kanya nag eenjoy sya sa pag sisilbi sa akin. Gusto ko ang ganito set up namin. Parang ayoko na umalis dito sa bahay nila.
"Sabi nga pala ng doctor, sugat lang ang natamo mo Pinaamin na din namin yong gumago sayo bukod sa halik wala na daw sya ginawa sayo"
Nakatitig lang sya sa pag kain hawak nya habang sinasabi yon, galit ang nararamdaman nya ngayon. Bahagya ako lumapit sa kanya para yumakap.
"Totoo ba wala na sya ginawa bukod sa halik at bugbog Dennise" hawak na nya ngayon ang kamay ko at nakapatong naman ang mukha ko sa balikat nya.
"Wala na, salamat dumating ka Lawrence"
"Kung hindi pa sinagot ng bar tender yong tawag ko sa cellphone mo hindi sana kita mapupuntahan" lalo ko pa hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Sa ganito paraan nararamdaman ko safe talaga ako.
Pinahiga na nya ako, inayos nya lang kalat pag katapos namin kumain, lumabas lang sya saglit para ilagay sa kusina pinag kainan.
Maya maya pa ay bumalik na sya. Hinalikan nya ako sa noo at pisngi. "Matulog kana, ihahatid na kita bukas pauwi."
Pumunta sya sa sofa at doon humiga. Nakaramdam naman ako ng awa dahil hindi sya kasya doon at saka hindi sya sanay matulog sa sofa.
"Lawrence"
"Hmm"
"Dito kana matulog sa tabi ko"
"Bawal Dennise, we're not married to do that"
"Please, I want to hug you"
"Are you scared"
"Yes"
Nakita ko naman sya bumangon, napangiti naman ako ng humiga sya sa tabi ko. "Can I hug you, baby" hindi ako umimik bagkus ako na ang yumakap at umunan sa braso nya.
Katulad ng ginagawa nya dati. Hinahaplos nya ang buhok ko para madali ako makatulog habang hawak nya ang kamay ko.
"Sorry dennise" rinig ko sabi nya hindi ko na magawa tumugon dahil sa sobra antok, napakagaan ng kamay para antukin ako ng sobra. Humarap sya sa akin at niyakap nya ako, amoy na amoy ko ang pabango nya siniksik ko ang sarili ko sa kanya kaya lalo kami nag kadikit. Hinalikan nya ng matagal ang noo ko, dinama ko yon. Namiss ko ang ganito, ayoko na mahiwalay pa sa kanya ulit.
"Goodnight, I love you dennise" rinig ko bago ako lamunin ng antok.
Itutuloy....