DISCLAIMER:
This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
----- ❤❤❤
Nakaramdam ako ng pag haplos ng kamay sa kamay ko kaya agad ko minulat ang mata ko. Ngiti ni nathan ang sumalubong sa akin, pero hindi ko yon pinansin bagkus pinag kunutan ko pa sya ng noo.
"Nagising ba kita.. Sorry"
"Ano ginagawa mo dito pangit ka!"
"Nandyan si daddy, hinahanap ka"
Bumangon naman ako para umupo, sa iba direksyon ko tinuon ang paningin ko ayoko tingnan kapatid ko dahil naiinis ako sa mukha nya.
"Mag ayos kana ng sarili mo, kakain na tayo"
Pag katapos nya sabihin yon, umalis na din sya ng kwarto ko. Sa totoo lang ayoko bumaba para kumain, Tch. Kung hindi lang dahil sa ama ko hindi ako kakain ngayon ng hapunan. Nag hilamos ako ng mukha sa banyo at sinuklay ang buhok ko, pag katapos din non bumaba na ako.
Umupo ako sa tabi nathan, hindi ko sila tinapunan ng tingin nag sandok ako ng kanin at nag lagay ng ulam sa pinggan ko. Pipiliin ko na lang manahimik, kesa kausapin ang tatay ko. Rinig ko kinakausap sya ni kuya tungkol sa negosyo pero hindi ako nakisalo sa usapan nila.
"Dennise balita ko dumalaw dito si Lawrence, totoo ba yon?" As always hindi manlang nya ako tinanong kung kamusta ako.
Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko, pinunasan ko din ang labi ko saka humarap sa kanya.
"Yes dad tama po kayo" wala gana sagot ko.
"Pinag usapan nyo ba ang tungkol sa pag kalanta ng iba panananim nyo at pag peste ng iba prutas na nakatanim don" nag taka naman ako sa sinabi nya, bakit hindi ko alam yon. Wala binanggit si lawrence tungkol don.
Bukod sa pag papahangin Kaya nya ba ako dinala don para ipakita yon. Baki ngayon ko lang narealize yon.
"Mukhang hindi nyo pa yan pinag uusapan dennise" seryoso nakatingin sa akin si daddy.
Ibinaling ko sa pagkain ko ang paningin ko, hindi ko magawa tumingin sa kanila. May nagawa na naman ako kapalpakan! Nakakahiya, bakit hindi ko manlang tinanung kay Lawrence kung kamusta na ang taniman namin. Pinairal ko na naman ang kapabayaan ko!
"Paano nyo mapapalago yon dennise, kung ikaw mismo nag papabaya. Mukha mag aaksaya lang si lawrence ng pera, lahat pa mandin ng inipon nya doon lang napapunta."
"Ano ibig sabihin nyo dad?" Naguguluhan ako.
"Kung tutuusin, wala dapat ako pakealam doon dahil wala naman ako share don, pero dahil concern ako pareho sainyo hindi ko maiwasan hindi makialam dahil sa akin din hinabilin si lawrence ng kanya magulang"
"Akala ko ba may share ka don? At saka diba buhay pa magulang nya, bakit naman ipapaubaya nila sayo si lawrence"
"Wala ako share don dennise, kay lawrence lahat yon. Ikaw ang pinili nya business partner dahil yon ang gusto nya" napailing naman sya habang nakatingin sa akin. "Madami ka pa nga hindi alam dennise"
Mag sasalita pa sana ako pero tumayo na sya. Pero nakakailang hakbang pa lang nag salita ulit si daddy.
"Kung gusto mo mag tanong tungkol sa kanya, ikaw na mismo pumunta don para mag tanong." Pag katapos non umakyat na siya.
Tiningnan ko naman ang dalawa ko kapatid pati na din si mommy, pero hindi sila umimik.
Nag pagulong gulong ako sa kama, habang nag iisip tungkol sa sinabi ni daddy, naguguluhan ako. Dapat ba ako mag tanong sa kanya o hindi. Hindi ako mapakali, ano ba nangyari sa kanya nong umalis sya, masyado pa kami bata non. Tanda ko pa nong huli ko sya makita non napakasaya nya pa, ganda ganda pa ng pag kakangiti nya. Pero yon na pala ang huli dahil kinabukasan wala na sila dito sa pilipinas.
"Dennise" Tawag sa akin ni kuya, hindi ko namalayan nakapasok na pala sya dito. Abala pa din ako sa pag iisip.
Umupo sya sa kama ko, pero nakatulala lang sya. Mukha may problema din ito.
"Nathan may alam ka ba kung bakit umalis dati si Lawrence"
Humiga sya sa tabi ko nakaunan sya sa dalawa nya kamay habang nakatitig sa kesame. Saglit sya tumingin sa akin, tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Sya na lang tanungin mo denden"
"All this time, may alam ka kung bakit umalis si Lawrence" hindi ako makapaniwala.
"Gusto nya ilihim sayo, sasabihin naman nya sayo pag nakabangon na sya"
"What?" Naguguluhan ako.
"Itikom mo na lang bibig mo dennise, hayaan mo sya mag sabi sayo"
"Napaka wala mo silbi talaga!"
"Sayo lang naman ako wala silbi pero sa iba bagay may silbi ako."
"Whatever"
Tinalikuran ko sya, ipinikit ko ang mata ko ayoko na alalahanin yon. Kung ano man yon balewala na sa akin yon.
"Mabuti ayos na kayo ni Lawrence, hindi mo lang alam kung gaano sya nasaktan sa ginawa mo... Sa susunod wag mo a sya ipag tabuyan dennise, dahil ikaw lang ang meron sya"
Nakagat ko naman ang labi ko, naalala ko na naman ang kasalanan ko sa kanya. Nakakainis!
Humarap ako sa kanya, nakaharap na din sya sa akin. Ngumisi naman sya, "kating kati kana talaga malaman no"
"Pano ba naman kasi naguguluhan na ako!"
"Matulog kana, tanungin mo sya bukas. Tutal naman pupunta kayo sa hacienda nyo!"
Inirapan ko naman sya, "dito ka ba matutulog?" Ngumiti naman sya ng pagkalaki laki. "Yes dito ako matutog, wag kana umangal!"
Wala ako nagawa, dahil kahit ano pilit ko ng pag tataboy sa kanya sya pa din ang mananalo. Ipinikit ko na lang ang mata ko, naramdaman ko naman na kinumutan nya ako. Ramdam ko din na hinalikan nya ako sa noo. Pag katapos non ay pareho na kami nilamon ng antok.
KINABUKASAN, maaga ako nagising dahil sa leche katulong na gumising sa akin. Kinusot kusot ko pa ang mata ko habang minumura sya sa isipan ko! Nababadtrip ako, pakiramdam ko kulang pa ang tulog ko. Wala na dito si nathan, malamang nasa office na yon.
"Binibini, nasa baba po si sir lawrence iniintay na po kayo" agad naman ako nagising sa narinig ko.
Shet. Agang aga nandito na agad sya! Tumakbo ako papunta Cr para maligo, nag kuskos ako ng maigi para maging mabango ako sa harapan nya. Nag shampoo din ako ng dalawa beses para mabango din ang buhok ko. Pag katapos non nag sipilyo din ako ng maigi, dalawa beses tapos nag mouth wash pa para mabango hininga ko pag hinalikan nya ako.
Leche. Kanina pa ako nag hahanap ng susuotin basang basa pa ang buhok tapos naka robe pa ako hanggang ngayon, nakalabas na ang iba ko damit wala talaga ako mapili maganda. Nang makita ko ang isa short na yellow at black na crop top agad ko yon kinuha. Nag lotion muna ako pag katapos non nag bihis na din ako. Pinatuyo ko ng maigi buhok ko tapos sinuklay ko ng maigi yon, nag lagay lang ako ng konti make up, then nag pabango.
Nang ayos na ang lahat, bumaba na ako ng hagdan. Nakita ko si lawrence na kausap ang kuya ko at si daddy. Nainom sila ng wine!
"Wow baby, ang ganda no naman" puri sa akin ni mommy. Napangiti naman ako dahil don, lumapit ako sa kanya para humalik sa pisingi. Ganon din ang ginawa ko kay sam.
Pinasadahan naman ako ng tingin nil Lawrence bago kami pumunta sa dining area. Ngumiti naman ako ng pag kaganda ganda, pinag taasan nya lang ako ng kilay. Ngumuso naman ako, parang ayaw nya ng outfit ko.
Mag katabi kami ng nasa hapag na kami, hindi ko mapigilan mapangiti dahil pinag sisilbihan nya ako. Pero agad yon nawala dahil ang dami nya nilagay na pag kain sa plato ko.
"Ubusin mo yan" bulong nya sa akin
"Ang dami nito Lawrence" angal ko sa kanya.
"Hindi ka makakaalis pag hindi mo yan inubos, at saka mag palit ka ng damit mamaya" napanguso naman ako, ayaw nya nga sa outfit ko.
Nag simula kami kumain, nag kwentuhan lang sila nakikisali din naman ako, pero pinoproblema ko kung paano ko mauubos pag kain ko. Mukhang mali ang pag tabi ko sa kanya. Tsk
Feeling ko, nabuntis ako sa pag kain na kinain ko Ang laki ng tyan ko pinilit ko ubusin ang nakalagay sa plato ko Hinamas ko ang tyan ko napanguso na ako todo dahil lumaki talaga sya. Nakita nakita ko naman pinipigilan ni Lawrence tumawa dahil sa kinikilos ko.
"Wow ate, himala hindi kana diet! Naubos mo ang pag kain mo diba ang dami non"
Sinamaan ko naman ng tingin si Samantha. Nakakagigil ang pag tawa nya!
"Wag kana kasi mag pasexy dennise, nasayo na naman Lawrence e" pag epal naman ni nathan.
"Tumigil ka dyan Nathaniel!" Naiinis na ako sa kanila.
"Imagine mo kuya pag tumaba si ate, bubutog mukha nya ng malaki"
Nag tawanan naman sila, hindi ko naman kinatuwa yon! Kinainis ko pa.
"Magiging baboy na si ate HAHAHAHAHA"
Humanda ka sa akin mamaya Samantha!
Pag katapos namin kumain, kinausap muna ni daddy si lawrence at nathan sa office. Nakaupo lang ako dito sa sofa nag iisip kung ano ba dapat suotin ko ngayon, ayaw ni lawrence na naka short ako. Tutulong daw kami mag tanim ngayon sa farm. Shete, kung alam ko lang hindi na ako nag abala mag paganda. Sayang lang make up ko!
"Bakit hindi ka pa bihis" tanong sa akin ni lawrence nakatayo lang sya sa harapan ko. Nakaupo naman si nathan sa kabila sofa habang nainom ng wine, samantalang si sam lumayas na!
Pinag krus ko ang braso ko at ngumuso, ayoko kumilos! Ayoko mag bihis.
"Dennise, mag tatanim tayo hindi rarampa. Mag palit ka ng damit" sabi nya sa akin.
Sinamaan ko naman sya ng tingin, ang rude nya talaga sa akin, samantalang kahapon ang lambing nya pa sa akin!
"Mag papalit ka o ako ang mag papalit sayo" uminit naman ang pisngi ko, bigla ko naalala ang nangyari sa amin. Napatayo ako ng wala sa oras, iba na kasi tingin nya sa akin para may pag nanasa.
Narinig ko naman tumawa kapatid ko, hindi ko na lang pinansin pumunta na agad ako sa kwarto ko.
Kinuha ko ang T-shirt na maluwang sa akin at pants na hindi lalampas ng tuhod, tapos sandals. Napailing na lang ako, nang hihinayang ako sa kutis ko pag naiinitan. Pinuyod ko ang lahat ng buhok ko para hindi dumikit sa akin pag napawisan na. Inalis ko na din ang koloreta sa mukha ko gamit ang wipes, nag lagay lang ako ng lip gloss. Inayos ko naman ang bag na dadalhin, body bog na lang dinala ko para lagyan lang ng lipstick at cellphone tapos powder.
Napasimangot naman ako ng makita ang kabuuan ko sa salamin, para ako pupunta palengke sa itsura ko. Nakasimangot ako habang nag lalakad papunta sa dalawa itlog na nag uusap. Kasunod ko din si daddy, kaya nanahimik sila ng makita kami.
"Mas maganda ka dennise pag simple lang" puri sa akin ni nathan.
"Ano maganda dito! Mukha ako pupunta ng palengke" tumawa naman ang kupal
Umakbay naman sa akin si lawrence, "kahit mukha ka namemelengke maganda ka pa din" pakiramdam ko namula ako sa sinabi nya.
"Gusto ko pag punta ko don, ayos na ang lahat Lawrence" si daddy na ang nag salita.
"Opo tito, aalis na po kami mag kita na lang po tayo mamaya"
Tumingin sa akin si daddy, at tumango na lang sya.
Itutuloy.....