"Dennise may problema ba, kanina ka pa paikot ikot dyan nahihilo na ako saiyo"
Nandito ako ngayon sa dean's office kasama ko ang wala kwenta kapatid ko na si nathaniel, kanina pa sya ngawa ng ngawa habang prenta nakaupo sa upuan. Hindi ko magawa lumingon sa kanya dahil kanina pa ako nag iisip kung paano iwasan si lawrence!
"Denden ano ba!" Tawag sa akin ni nathan.
"Manahimik ka dyan kung ayaw mo busalan ko bibig mo!"
"Tumigil kana kase dyan nakakahilo kana e!
"Wag mo ako tingnan para hindi ka mahilo!"
Panay ang sagutan naman dalawa ni nathaniel, naramdaman ko nag bukas naman ang pintuan. Nakita ko naman lumiwanag ang mukha ng kapatid ko dahil sa pumasok.
"Brad, kamusta ngayon lang ulit kita nakita" tumayo sya sa pag kakaupo at nilapitan si lawrence.
Naalala ko na naman yong nangyari sa amin. Ang gaga ko talaga bakit ako pumayag sa ganon! Ex ko na sya hindi dapat ako bumigay ng ganon na lang. Nakakahiya baka sabihin nya easy to get ako. Bumuntong hininga muna ako bago lumingon sa dalawa panget.
"Denden, tara sabay kana sa amin kumain" pag yaya sa akin ng kapatid ko.
Tumingin muna ako kay lawrence, balik na ulit sa dati ang kanya mukha napaka blangko wala manlang emosyon. Hindi na naman niya ako matingnan ng maayos, agad ko naman kinatampo yon. Ganon na lang ba talaga kadali sa kanya kalimutan ang nangyari sa amin.
"Dennise" tawag sa akin ulit ni nathan
"Okay ka lang ba" nag aalala tanong nya sa akin, lumapit sya sa akin at hinipo ang noo ko. "Wala ka naman lagnat, ayos ka lang ba"
"H-ha oo ayos lang ako"
Hinawakan nya ako sa balikat at sinuri ang mukha ko, "namumutla ka" agad ko naman iniwas ang mukha ko sa kanya. "OA mo nathan, ayos lang ako"
Nangunot lang kanya noo, tara sabay kana sa amin" yaya nya ulit sa akin. Gusto ko man sumabay pero naiilang ako sa presensya ni lawrence.
Iimik pa sana ako pero hinila na din ako ni nathan palabas ng office, nakita ko lang sumunod na sa amin si lawrence. Sa iba direksyon sya nakatingin.
"Dyan ka lang oorder lang kami, padating na din si monique" nag taka naman ako paano nya nalaman na pupunta dito si monique. Ngumiti lang sa akin ang loko, at iniwan din nila ako.
Humaba ang nguso ko, sa oras na ito ginagamit ni nathan ang pagiging panganay nya. Napakadaya!
"Dennise" tawag sa akin ng bruha si monique, laki ng pag kakangiti sa akin habang papalapit sa pwesto ko.
Inirapan ko lang sya ng nakaupo na sa tabi ko. Halata masaya ang babae, samantalang ako HINDI.
Maya maya pa ay dumating na din yong dalawa itlog, inilapag ni lawrence sa tapat ko ang pag kain ko. Tiningnan ko naman sya pero wala pa din sya reaksyon, nasa pag kain ang atensyon nya. Nanlumo naman ako, akala ko ba mag babago na sya pero bakit ganito pa din kami. Nag kwentuhan sila, hindi ko masabayan ang topic nila masyado ako lutang ngayon.
"Dennise, bakit hindi mo ginagalaw foods mo" rinig ko sabi ni monique, pero nakatingin ako sa iba studyante. Ramdam ko may humipo ng leeg ko, pero hindi ko nilingon kung sino yon.
"Dennise!" Sigaw sa akin ni kuya, lumingon naman ako sa kanya.
"What?" Wala gana sagot ko.
"Kanina ka pa ganyan, may problema ba"
"Pwede ba umuwi na ako, half day muna ako ngayon" tama uuwi na lang ako, wala talaga sa wisyo isip ko ngayon. Tumingin naman sila lahat sa akin.
Matunog naman bumutong hinga si nathan, "okay ihahatid kita pauwi den" pag payag ni nathan.
"Pahinga ka ng maayos dennise, ako na bahala sa lectures natin" sabi ni monique, ramdam ko nag aalala sya sa akin.
"Ako na mag hahatid sa kanya brad" pag prisinta ni lawrence, agad naman ako kinabahan. Kaya nga ako uuwi dahil ayoko makita pag mumukha nya!
Akto ibibigay na sana ni nathan ang susi kay lawrence agad ko naman yon kinuha, ayoko mag pahatid sa kanya.
"Hindi ka aalis dito, hanggat hindi ka mag papahatid dennise!" Banta sa akin ni nathan.
Napapikit naman ako sa inis, hindi naman ako makaangal dahil panganay sya kesa sa akin. Nakakagigil na!
"Let's go dennise" rinig ko sabi ni Lawrence, inirapan ko sya. Hindi naman sya umimik kinuha nya bag ko at inilahad nya ang kamay sa harap ko. Hindi ko tinanggap yon kusa ako tumayo at nauna mag lakad.
Bakit pa kasi ako pumayag na hindi dalhin kotse ko kanina! Masyado sila OA wala naman mangyayari sa akin masama hindi tuloy ako makaalis basta basta. Pinatunog ni lawrence kotse nya, pinag buksan nya ako ng pinto sa passenger seat. Wala pa din ako imik, tiningnan ko lang sya mag lakad papunta driver seat. Pag kaupo nya don agad inistart ang engine.
Tahimik lang kami habang nasa daan, naalala ko na naman ang nangyari sa akin nong gabi yon. Para bangungot na ayaw ko na balikan pa sa panaginip ko. Ilang araw din ako hindi nakatulog non, ang hirap makarecover. Ang mas masakit pa napag buhatan ako ng kamay ni daddy nong nalaman nya. Sinabihan pa ako ng masasakit na salita, pero hindi ako umiyak ipinakita ko sa kanya na balewala lang sa akin yon. Pero napakasakit para sa akin, muntik na nga ako magahasa napag buhatan pa ako ng kamay.
Pinahid ko ang luha ko, dapat hindi ako umiyak ayoko makita ako ni lawrence na mahina. Ipinikit ko ang mata ko gusto ko mag pahinga kahit saglit lang.
Naramdaman ko may halik sa pisngi ko, kaya agad ako gumising. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Lawrence.
"Nandito na tayo" sabi nya sa akin.
Tiningnan ko ang paligid, napairap na lang ako dahil hindi naman ito hacienda namin! Ito yong pag mamay ari namin dalawa na lupa.
"Bakit tayo nandito!" Tanong ko sa kanya.
"Para marelax ka, presko hangin dito"
"Pinag loloko mo ba ako! Alam mo ba pag nandito tayo naiistress ako dahil dito sa lintek na lupaing ito maaga ako naging negosyante! Hindi ko yon pinangarap! Wala ito sa plano ko!"
Nagulat sya sa sinabi ko,"Pero bakit mo tinanggap kung ayaw mo talaga" seryoso na sya habang nakatingin sa akin.
"May choice ba ako! Syempre wala! Dahil ito ang gusto ni daddy. Anak lang ako Lawrence wala pa ako ipag mamalaki sa ama ko! Dapat kasi hindi kana bumalik! Dapat hindi mo tinanggap ang alok ni daddy para maging business partner ko! Ganon kana ba talaga kagahaman sa pera at negosyo ha!"
Napailing sya, nahilamos nya ang kamay sa mukha. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa alam dennise!"
"Paano ko malalaman wala naman nag sasabi! Bumalik kana sa america! Tama ang disisyon mo don na lang mag aral hindi na kita pipigilan bumalik kana don!"
"Damn it! Bakit ganyan na lang kadali sayo kung ipag tabuyan ako? Hindi mo manlang tinanong kung ano naging buhay ko don!"
"Wala ako pakealam kung ano naging buhay mo don! Basta ang gusto ko umalis kana! Wag kana mag pakita sa kompanya o kung saan pa! Epal ka e! Alam mo yon? Nakamove on na ako sayo. Alam ko ganon ka din!"
"Fuck" hinampas nya ang manebela nya pero hindi ako nag patinag.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap ito para sa akin dennise! Pag katapos ng nangyari sa atin ganito lang mangyayari!"
Naninikip na dibdib ko, nasasaktan na ako pero pilit ko binalewala yon.
"Kalimutan mo na yon! Wala ako pakealam kung may nangyari sa atin"
Nakita ko ang galit sa mga mata nya, halo emosyon ang makikita sa mukha nya nandon ang sakit at galit.
"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung bakit ako bumalik dennise?"
"Hindi. Dahil wala ako oras para pakinggan ka! Naiintindihan mo ba yon Lawrence"
"Nag bago kana, hindi na ikaw yong dati ko minahal. Marahil nasaktan nga kita dahil sa pag alis ko kaya ka ganan sa akin. Balang araw maiintindihan mo din ang lahat"
Hindi ako nakaimik, inistart nya ang engine. Para ako natauhan, bakit ko yon nasabi sa kanya. Shet ang bobo ko!
Nang tumigil kami sa tapat ng bahay, hindi ako makakibo nakatungo lang ako. Pinapakiramdaman ko kung kikilos ba sya o kakausapin ako.
"Wag mo muna sana ako paalisin ngayon, bigyan mo muna ako ng panahon. Dito ko gusto mag tapos ng high school. Pangako, pag kagraduate natin aalis na din ako."
Nanlumo ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hinalikan nya ako sa sintido pag katapos non lumabas sya para pag buksan ako ng pinto. Gusto ko mag taray ng mag katinginan kami, pero hindi ko magawa. Wala na ako lakas para awayin sya. Masyado masakit ang sinabi ko sa kanya kanina.
Ngumiti sya sa akin pero hindi yon abot hanggang mata, "alis na ako, mag pahinga ka" pag katapos nya sabihin yon tinalikuran na nya ako.
Pag kaalis nya, bumagsak na ang luha ko. Nanghihina ako habang pinag mamasdan sya makalayo. Iyak ako ng iyak, hindi ko maiwasan isipin pag dumating na ang araw na aalis na sya at pupunta na america. Napaupo na ako sa hagdan sa labas at ipinatong ang ulo sa dalawa ko braso na nakapatong sa hita, para ako bata iniwan dito habang umiiyak. Halo halo na ang nararamdaman ko, may parte sa akin na nasasaktan ako ng sobra. Ang dami katanungan na gusto ko itanong sa kanya pero wala ako lakas ng loob. Panay pa din ang pag iyak ko, gusto ko ilabas ang lahat ng luha ko na naipon na simula pa nong sinaktan ako ni daddy. Bumalik na naman yong pakiramdam na naramdaman ko nong umalis sya. Para ako na trauma non, ilan beses ko inisip ang dahilan kung bakit nya ako iniwan. Nagalit ako sa kanya noon, dahil umalis sya ng wala paalam. Wala sya pasabi kung ano dahilan nya pati si kuya hindi din alam. Natatakot ako maulit uli yon. Pero heto ako ngayon ipinag tatabuyan sya.
Maya maya pa ay Narining ko may nag parada ng kotse, pero hindi ko maangat ang mukha ko. Patuloy pa din ako sa pag iyak.
"Dennise" nagulat ako sa tumawag sa akin, iniangat ko ang mukha ko. Napahagulgol ako dahil hindi ko akalain babalik sya. Umupo sya sa harap ko at hinawakan ang pisngi ko, umiiyak na din sya kagaya ko. Hinalikan nya ako sa noo, dinama ko naman yon.
"Lawrence" tawag ko sa kanya.
Pinunasan nya ang luha ko gamit ang dalawa hinlalaki, "sorry Lawrence" sabi ko sa kanya. Hindi sya umimik, binuhat nya ako mula sa pag kakaupo ko, panay pa din ang pag iyak ko.
"Lawrence I'm sorry" paulit ulit ko sa kanya sinasabi yon habang nag lalakad na sya papasok ng bahay.
"Please sorry Lawrence" sabi ko sa kanya, sinalubong kami ng mga maid at lahat sila may katanungan bakas yon sa mga mata nila. Wala ako pakealam kung mag mukha ako bata sa harap nila.
"Sorry Lawrence, wag mo ako iwanan please, hindi ko na kakayanin pag iniwan mo ulit ako." Sabi ko sa kanya.
"Pleae Lawrence" (个_个)
Inihiga nya ako sa kama ko, hinaplos nya ang buhok ko habang nakatingin lang sa akin. Hawak ko naman ang kamay nya, baka iwan nya ulit kasi ako.
Humihikbi ako habang nakatitig sa kanya, pareho kami wala imik. Pinunasan nya ang luha ko, pag katapos hinalikan ang kamay ko.
"Wag mo ako iwan" mahina pero sapat na para marinig nya.
Nakatitig pa din sya sa akin, bumangon ako sa pag kakahiga ko. Kinuha ko ang kamay nya at inilapat sa mukha ko. Matagal na nang huli ko ito ginawa, namiss ko ito.
"Dennise" malambing na pag tawag nya sa akin.
"Sorry Lawrence, hindi ko sinasadya. Hindi ko intensyon sabihin yon sayo.. Sorry"
Hinalikan nya ako sa noo, "wag kana umiyak, hindi naman ako galit sayo"
Niyakap ko sya, ganon din ang ginawa nya. "Wag mo na ako iwan please"
"Hindi naman kita iiwan, hindi ko kaya iwanan ka uli baka ikamatay ko na pag ginawa ko sayo yon."
"Pero sabi mo kanina pupunta kana ng america pag kagraduate natin"
"Nabigla lang ako kanina, kahit ipag tabuyan mo ako ng paulit ulit hindi pa din ako aalis, ayoko na iwan ka dennise"
Ipinag dikit nya ang noo namin, "kahit ano mangyari nandito lang ako para bantayan ka at mahalin dennise, pangako hindi na kita iiwan" napangiti naman ako sa sinabi nya. Nakahinga ako ng maluwag dahil don.
Hinawakan nya ang magkabila pisngi ko at siniil ng halik ang labi ko, hindi ako tumanggi dahil namiss ko ang labi nya. Nakakaadik ang halik nya ang sarap halikan ng paulit ulit. Pareho kami nag habol ng hinga pag katapos non, nakita ko naman sya ngumiti.
"Alam mo nakakaadik ka babe"
Ngumuso naman ako, ano tingin nya sa akin drugs. Pero sabagay ganon din naman ako sa kanya.
"Wag ka mag pout, baka magahasa na kita e"
Sinamaan ko naman sya ng tingin, tumawa naman sya ng parang wala bukas.
"Nakaka tempt ka kasi hubaran pag ganyan ka. Masyado ka ksi maganda pag nakapout ka"
Napangisi naman ako, iba talaga ang karisma ng isa dennise villareal. HAHAHAHAHA
"Alam mo ang manyak mo Lawrence"
Nilapit nya pa ako lalo sa kanya, "sayo lang ako nagiging manyak babe"
"Siguraduhin mo lang, pag nalaman ko may iba ka pinag mamanyakan tutusikin ko mata mo!"
Tumawa na naman sya,"takot ko lang sayo babe" hinalikan nya naman ako sa labi pero saglit lang yon.
Napangito naman ako, "I love Lawrence"
Nagliwanag naman ang mukha nya nang marinig ang sinabi ko. "Ano sabi mo?" Hindi makapaniwala sabi nya.
"Nah. Bawal na ulitin"
"Dali na ulitin mo.. Isa lang"
Tumawa naman ako, "sabi ko I love you Lawrence"
"I love you too Dennise" may tumulo luha sa kanya, pinunasan ko naman yon agad. Tears of joy ☺
Tinadtad naman nya ako ng halik, leche amoy laway na ako nito mamaya!
"OMG! SPG!" Napatigil naman kami dalawa nang sumigaw si Samantha.
Tumawa naman kami ni lawrence, akala siguro nya nagawa na kami ng pornhub dito.
"Ate tapos na ba kayo" tumawa naman ako nang makita sya nakatalikod.
"Ano tapos ka dyan, pumunta kana dito bruha ka"
Umupo si lawrence sa upuan na nasa tabi ng higaan ko, hawak nya pa din kamay ko. Lumapit naman sa akin si samantha at umupo sa kama ko, tiningnan nya naman kamay namin ni Lawrence bago tumingin sa akin.
"Mabuti pa kayo stay strong, samantalang ako" humugot sya ng malalim saka bumuga ng hangin "nag hihintay pa din ako sa kanya."
Nangunot naman noo ko "ano pinag sasabi mo dyan sam? Bakit nandito kana? Wala ka ba klase?"
"Wala ate. May klase kami ngayon pero umuwi agad ako nag aalala kasi ako sayo"
Nakakainis sino may sabi mag cutting sya! Piningot ko tenga nya. Kaya panay ang pag aray nya.
"Ate ang sakit!" Nakangiwi sya habang hawak ang kamay ko na nasa tenga nya.
"Kelan ka natuto mag cutting ha!"
"Ngayon lang ate! Natatamad din naman kasi ako umattend ng klase, halos alam ko na tinuturo nila e.. Bitawan mo na ako masakit na"
Binitawan ko naman tenga nya, himas himas nya naman yon. Nakanguso lang sya, hindi nya magawa bulyawan ako alam nya kasi madadali ko sya e.
"Kamusta na pakiramdam mo ate" tanong nya.
"Hindi pa ako okay e" nangunot naman ang kanya noo, pero nanatili pa din ako nakangiti.
"Bakit nag katrauma kana ba? Akala ko ba wala ka trauma"
Napangiti naman ako, nag aalala kapatid ko bunso. "Wala ako trauma, kulang kasi ako sa yakap ng kapatid ko"
Napangiti naman sya, agad sya lumapit sa akin at niyakap ako.
"I love you ate" bulong nya sa akin, agad naman ako napangiti dahil don, hinaplos ko ang buhok nya. Tumingin naman ako kay Lawrence, nakangiti din sya sa akin habang nakayakap pa din ako kay Samantha.
Lahat ng sakit na nararamdaman ko kahit papaano ay nawala dahil sa kanila dalawa. Napakasaya ko dahil meron ako ng katulad nila.
Itutuloy....