"Where are you" umirap ako sa kawalan ng marinig ko ang boses nya sa kabila linya.
"On the way na!" Sigaw ko sa kanya. Bahal sya kung mabingi sya sa sigaw ko.
"5 minutes na lang mag sisimula na ang meeting, napaka bagal mo talaga! Naunahan ka pa ng kuya mo." Nainis naman ako sa sinabi nya. Kapal talaga ng apog nito kahit kelan!
"Wala ako pake leche ka!" Pag katpos ko sabihin yon pinatay ko na agad ang tawag, ibinalibag ko ang cellphone ko sa dashboard ng kotse ko. Pero parang gusto ko mag sisi nang naisip ko na baka masira ang cellphone ko.
Bobo mo Dennise!
Pinaharurot ko na ang kotse, uusok na ang ilong non pag late na naman ako! Malay ko ba hindi nag alarm ng maaga alarm clock ko. Leche
Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba sa kotse, ibinigay ko sa panget na lalaki susi ko para sya na mag park non. Itinaas ko ang salamin ko at nag lakad ng taas noo sa harap ng empleyado dito. Pinag taasan ko sila ng kilay nang may haharang pa sana sa akin. Subukan lang nila yari sila sa akin.
Sinigurado ko maamoy nila ang pabango at hahanga sila sa suot ko, kaya sinadya ko bagalan lakad ko. Napangisi naman ako nang may pumuri sa akin, kinig ko yon kahit binulong nya lang.
Pero nasira lang ang pag momodel ko nang makita ko si Lawrence na nakaabang sa labas ng elevator, tiningnan nya ang relos nya bago tumingin ulit sa akin. Umiling sya sa akin ng pinag masdan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Bilisan mo Villarreal" utos nya sa akin. Sa halip na sundin ko sya binagalan ko ko pa lalo, nang maubos na ang pasensya nya hinila na nya ako at pumasok na kami sa elevator. Binawi ko agad ang braso ko sa kanya nang makapasok na kami. Nakapamewang lang sya habang nag hihintay makarating kami sa floor na pupuntahan namin.
"Tayo na lang wala sa meeting, ang bagal mo kasi" sisi nya sa akin.
"Pake ko!" Asik ko sa kanya. Sa halip na pansinin ako lumabas na agad kami, hila na nya ako. Kakainis mawawala ang poise ko dito!
Binitawan nya lang ako nang makapasok na kami sa meeting area. Taas noo ako umupo sa kulay pink ko upuan. Pumunta sya sa unahan, may inayos lang sya sa laptop nya at nag sinimulan na nya ang meeting. Isa ako sa board of director, kakatawa nga isipin sa edad ko ito! Nasabak na agad ako sa ganito.
Nakinig lang ako sa kanya, iniirapan ko lang sya pag tumitingin sya sa akin. Ipinapaliwanag nya kung paano bumababa ang sale namin sa market, tapos nag bibigay ng opinyon ang iba para mapataas ulit ito.
Pinapakinggan ko lang sila. Wala ako pake sa usapan nila. Si Lawrence ang bahala sa marketing, ako sa finance, mommy ko ang president. Daddy ko ang CEO Kuya ko ang Vice president. Si Samantha na lang ang kulang para buo na kami dito.
Ewan ko ba kay daddy, bakit nya kinuha si lawrence. Kung ako sa kaniya tanggalin na lang nya si Lawrence kaya ko naman sa marketing e. Sa kanya pa talaga binigay yon!
Kahit may kanya kanya kami posisyon dito nag tutulungan pa din kami. Hindi pa man nakakgraduate si kuya ng college may negosyo na sya. Ibinigay ni daddy yon sa kanya. Kaya doble stress nya ngayon.
"Dennise ano masasabi mo sa opinyon ng iba" tanong sa akin ni daddy.
"Para sa akin approved yon"
Pinag taasan ako ng kilay ni Lawrence. Alam nya kasi hindi ko naman iniintindi ang pinag uusapan nila. Ngumiti lang ako sa kanya ng napaka ganda ganda. Kaya agad sya umiwas, natawa naman ako sa pag lunok nya at saka binaling sa iba ang atensyon. Iba talaga ang karisma ko pag dating sa kanya.
Sisiguraduhin ko lawrence, mapapasa akin ka ulit! Tandaan mo ito araw na to. Magiging Mrs. Perez ako balang araw. You will be mine as soon as posible.
Kumain kami sa mamahaling restaurant na pag mamay ari ng kaibigan ni daddy, kami lang pamilya ang mag kakasabay. Nakauniform pa si Samantha nang pumunta dito. Panay ang tingin nya sa amin. Inirapan ko lang sya kaya tumagil na sya. Nandito din si lawrence sa tabi ko. Tahimik lang kami lahat.
"Lawrence iho, ano kukunin mo course pag dating mo ng college" tanong ni daddy. Agad naman ako nag karoon ng interes sa tanong nya kaya nakinig ko.
Umayos ng tayo si lawrence, "Engineer muna po sana, don"
"Bakit yon ang kukunin mo, magaling ka sa negosyo iho"
"Pangarap ko po yon, balang araw po kasi gusto ko mag tayo ng firm kung saan sa akin mismo mag tatrabaho ang engineer at architect na magagaling, tapos isusunod ko kukunin ang Marketing tutal naman po doon ang nahasa sa kumpanya nyo"
Humanga ako sa kanya sinabi, hindi ako makapaniwala. Ang lawak na ng pangrap nya kesa noong una.
"Magandang ideya yan iho, basta habang nag aaral ka sa amin ka pa din mag tatrabaho, tutulungan mo din ako sa negosyo nyo"
Nag taka naman ako, ano ibig sabihin doon ni daddy, nasaan ba parents ni Lawrence. Tiningnan ko naman si kuya, umiwas lang sya ng tingin sa akin. Kelangan ko malaman kung ano nangyari sa magulang nya.
"Ikaw Dennise, ano course na kukunin mo sa college" tanong sa akin ni mommy.
Napalunok naman ako, sa totoo lang hindi ko pa alam ang kukunin ko course. "Dennise baby" tawag ulit sa akin ni mommy.
"Architect po kukunin ko my" namilig naman ang mata nya sa sinabi ko.
Shet.
"Ate diba pangarap mo maging designer" singit ni sam. Tumawa naman si nathaniel sa sinabi ko.
"Nag bago na ang gusto ko sam, hindi na yon ang gusto ko, architect na ang pangarap ko" tumawa ulit si nathan, inirapan ko na lang sya.
Inilapag ni daddy ang baso sa lamesa at seryoso nakatingin sa akin.
"I'm so disappointed, akala ko pa naman business related ang kukunin mo dennise!"
"Dad, mapapakinabangan nyo pa din naman ako sa kompanya. Promise ko yon sayo" sabi ko sa kanya.
"Papayagan kita kung magiging valedictorian ka ngayon, at hihigitan mo ang grades ng kuya mo noong nag tapos sya ng high school"
"No way!" Angal ko sa kanya.
"Mamili ka"
"Fine!" Pag payag ko.
Tumahimik sila lahat ng sumagot ako. Agad ako nag isip kung paano higitan ang 95 na grade ni kuya non. Pakiramdam ko mawawala ang kaluluwa ko pag nag aral ako ng nag aral.
"Ate bakit Architect ang kukunin mo!" Tanong sa akin ni sam, nandito na kami sa kotse, si nathan ang nag dadrive.
"I don't know" totoo naman hindi ko alam kung bakit yon ang pinili ko.
"Nalaman mo lang na engineering kukunin ni Lawrence, yan na agad ang pinili mo" si nathan na nag salita, nakatutok sya sa pag mamaneho pero nakikinig pa din sya sa amin.
"Sabagay kuya, bagay kasi sila pag Engineer si kuya Lawrence tapos sya ang magiging architect nya sa building na gagawin nya ... Diba parang popoy at basya lang ang tema" pag epal ni Samantha.
Nag tawanan naman sia dalawa dahil sa naisip ni Samantha. Napaka supportive nila talaga! Grabe.
"Ano tapos na kayo sa pag tawa!"
Tumahimik sila agad ng maramdaman nila irita na ako.
"Yari ka kay daddy, mamaya pag dating. Bakit kasi hindi pa business related kukunin mo!"
"Wala ako pakealam! Manahimik kayo dalawa"
--------
Bumangon ako sa kama ko maganda, ang ganda ng pag kakangiti ko dahil holiday ngayon, So ibig sabihin wala pasok. Ito ang pinakagusto ko bilang studyante. Pag may holiday automatic wala agad pasok. Kaya may time kami mag pahinga lang sa bahay. Insinuot ko ang sapin sa paa ko at pumunta ng banyo para maligo.
Hinayaan ko ang katawan ko mabasa ng tubig galing sa shower, nag iisip kasi ako kung saan pwede pumunta ngayon. Napangiti ako nang sumagi sa isip ko pumunta mall. Agad ako kumilos para maligo nang maayos.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, nang makontento na ako lumabas na ako ng kwarto ko. Pag kababa ko, nakita ko si dad na nag babasa ng dyaryo sa sala. Napairap naman ako sa kawalan ng pag masdan nya ako. Mukhang masama ang kutob ko ngayon ah.
"Saan ka pupunta" tanong ng tatay ko sa akin.
"Mall" tipid ko sagot.
"Intayin mo si Lawrence" sabi nya sa akin nang muli sya bumalik sa pag babasa.
Gusto ko mag maktol. Ayoko pa makasama sya ngayon! Ayoko pumunta sa Farm. My god. Init na init kaya. Nong last ko mag babad sa init namula ako ng husto. Umupo ako sa single sofa at pinag krus ko ang binti ko. Natatamad na ako kumain nawala na ako ng gana.
Nakailan ako pikit bago rumihistro ang kabuuan ng itsura ni lawrence habang papalapit sya sa gawi namin. Naka glasses sya habang naka pantalon ng maong at T-shirt na kulay black. Habang isa kamay nya ay nakapasok sa bulsa at isa naman ay ginamit nya sa pang tanggal ng salamin. Bigla bumagal ang paligid nang makita ko sya. Bakit bigla lalo sya umayos ang itsura ngayon. Agad ako umayos ng upo nang makalapit na sya sa akin, umiwas din ako ng tingin sa kanya.
"Good Morning, Mr. Villarreal" bati nya sa akin ama. Ramdam ko naman na tumingin sya sa akin pero binalewala ko lang yon.
"Good morning, nandyan kana pala. Handa na si Dennise. Mag ingat kayo ha"
What the hell. May lakad kami ngayon ng lalaki ito! Ang bilis ng tatay ko pumayag. Nakakainis na talaga!
"Dennise" rinig ko tawag sa akin ng kutong lupa.
Agad ako tumayo, nauna ako sa kanya lumabas. Mukhang pinag usapan nila ni daddy ito nang hindi ko alam. Pinag buksan nya ako ng pinto, sumakay na lang ako ng wala imik. Sayang ang porma ko ngayon, nakakainis talaga!
Tahimik kami habang nasa daan, ayoko mag aksaya ng oras para kausapin sya. Masyado mahal ang laway ko. Tch.
"Wala ka pa din pag babago, Deyna"
Natigilan ako sa pag tipa ng cellphone ko nang marinig ko ang sinabi nya sa akin.
Deyna. Seriously! Kelangan pa ba nya yon itawag sa akin. Halos nakalimuntan ko na nga yon e.
"Shut up!" Asik ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo na ba tawagin kita Deyna"
"Hindi deyna pangalan ko!"
Tumawa naman sya sa sinabi ko, "so ayaw mo na talaga tawagin kita sa pangalan ako mismo ang nag bigay sayo"
"Pass na yon!" Ayoko balikan ang nakaraan. Iniwan nya ako dati kaya ayoko na balikan pa yon!
"Hindi mo manlang ba ako kakamustahin"
"Bakit pa kita kakamustahin ang tagal mo na naman nandito! At saka wala ako pake sayo."
Hindi sya sumagot, bigla ko naman naalala yong tungkol sa pinag usapan kahapon yong tungkol sa pamilya nya. Hanggang ngayon hindi ko pa yon natatanong kay nathan.
Katulad nga ng inaasahan ko dinala nya sa farm, hindi ko na sya inintay pag buksan ako ng pinto kusa na ako lumabas. Masyado na naging seryoso ang pakikitungo nya sa akin. Wala ako pakealam don.
Sinalubong kami ng mga tauhan namin, lahat sila lumapit kay Lawrence hindi sila nag tangkang lumapit sa akin dahil alam nila ayoko ng ganon.
May lumapit sa akin na bata babae, may dala sya korona gawa sa bulaklak. "Ate para sayo po ito" inaabot nya sa akin yon. Tinitigan ko muna sya bago tanggapin yon. "Isuot nyo po, bagay po sayo yan para ka po diwata pag sinuot nyo yan" ginulo ko naman ang kanya buhok. Naiilang ako tumingin sa mga tao nandoon, pinag taasan ko lang sila ng kilay.
"Tara po ate, mag sisimula na po ang programa" sabi ng bata. Inilagay ko sa ulo ko ang korona bigay nya. Tuwang tuwa sya habang tinitingnan ako. Napangiti naman ako, napaka babaw ng kaligayahan nya. Hinila ako ng mga bata papunta sa mga kumpulan ng mga tao. May maliit na stage don, may naka disenyo sa kurtina na mga letra. Fiesta ngayon dito sa baryo kung saan sinasakupan ng lupain namin, kabila bayan na to malapit na dito ang hacienda namin ni lawrence. Katulad ng fiesta sa iba bayan may mga badiritas din dito.
Abala ako sa panonood ng nga nag sasayaw sa stage ng bigla lumapit sa tabi ko si lawrence. Hawak ko naman sa kaliwa kamay ko ang bata kasama ko kanina pa. Uminit ang pisngi ko na bigla ko naimagine na para kami isa pamilya. Bumitaw sa akin ang bata babae at pumunta sa kaniya ina. Tiningnan ko naman si lawrence na nakatutok sa lang sa unahan. Nakita ko din tumatawa sya dahil sa bakla nag sasalita. Umakbay sya sa akin pero hindi nya ako tiningnan. Ewan ko ba pero hindi ko maalis ang pag kakahawak nya sa akin, parang nag tatalo ang puso at isip ko.