Shet!
As in isang malutong na Shet talaga.
Isa ito sa pinaka ayaw ko sa lahat ang mababad ako sa initan! Hindi ako makapag Focus sa sinasabi ni tito luciano dahil panay paypay ko sa sarili ko.
Nakakawala ng poise ito. Sayang ang mamahalin ko kutis at damit dahil panay ang uli namin sa hacienda ng mga imperial.
"Wag mo naman iiwas sa akin ang payong!" Inis ko sabi sa hampas lupa katulong na nag papayong sa akin.
Ganon na ba sya kagaga para hindi nya ako mapayungan ng maayos! My god. Ang bobo!
"S-sorry po"
Tinaasan ko naman sya ng kilay "bilisan mo!" Bulyaw ko sa kanya.
Aligaga naman sya sa pag sunod sa akin.
Kelan ba ito matatapos. Init na init na ako. Mabuti na lang mabango ang pawis ko.
Panay ang pagbaba ng palda ko para hindi mainitan ang hita ko. Tanghali tapat na kasi hanggang ngayon hindi pa kami tapos! Kakainis na.
"Ahmm Tito.." Tawag ko sa matanda.
Tumingin muna sya sa akin, natatawa naman sya sa akin dahil panay ang aking pag paypay gamit ang kamay ko.
"Bakit iha?" Don Imperial.
Manhid ba sya! Ang init na kaya hindi pa ba kami matatapos dito.
"Tito, pwede time out muna. Init na kasi.. Sakit na sa balat" Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mukha ko.
Napailing naman sya, "dapat kasi umaga ka ng punta dito para hindi tayo tinanghali iha.."
Wow. Kasalanan ko pa ba ngayon kung tinanghali ako ng punta dito! Grabe na to.
"Pano kasi tito, inintay ko muna makaalis si samantha"
Shet. I need some water na talaga!
"HAHAHAHAHA" umalingawngaw naman ang boses nya dahil tumawa sya.
Mapasukan sana ng langaw bunganga mo tito luciano!
"Sa lahat ng anak ni Armando.. Ikaw talaga ang naiiba Dennise"
Tinaasan ko sya ng kilay. Ano gusto nya iparating sa akin.
"O sya. Pakihintay na lang dito ng business partner mo.. Tutal naman mukha naman alam mo na ang lahat"
WHAT!
"Tito ngayon ko po makikilala yon?"
Tumawa naman sya ulit, inirapan ko na lang sya.
Mabilaukan ka sana tito. Kanina ka pa e!
"Oo iha..pupuntahan nyo na kasi ang hacienda nyo"
What the Fuck! Bakit lalo palala ng palala ang kamalasan ko ngayon!
"What ever tito luciano!"
"Galingan mo dennise, dahil magaling yon pag dating sa hacienda"
Obvious naman! Kaya nga sya ang kinuha ni dad! Lagot sa akin yon! Sisiguraduhin ko na mag baback out yon!
HAHAHAHAHA
"Sisiguraduhin ko ako ang mas magaling don!"
Bigla kinuha ni tito ang cellphone nya sa bulsa, nag senyas sya sa akin ng wait lang daw dahil kakausapin nya lang daw yon.
Wala ako pakealam!
"Mam, gusto nyo po ba ng tubig?" Tanong sa akin ng panget na katulong.
Tiningnan ko muna yong tubig na hawak nya, tapos tumingin ako sa mukha nya.
Yaks.
"No. Thanks! Kadiri." Wala sa wisyo ko sagot.
Natawa na lang ako ng binalik nya sa lamesa yong tubig at pinayungan ulit ako.
Nandito kami ngayon sa kubo, kung saan makikita mo kung gaano kalawak ang hacienda ng imperial.
Yaks! Ang dumi ng kamay ko. Shet talaga! I hate this day. Bukod sa mawawala si sam ng isang linggo ganito pa nangyari sa akin!
Nakakainis na!
Bumalik si tito, tatawa tawa sya habang nakatingin sa akin.
Baliw ba to?
"Malapit na sya dumating iha, hintayin na lang natin sya"
"Akala ko ba aalis kana?" Wala sa sarili ko sagot.
"Hihintayin ko na muna sya para maipakilala ko sya sayo"
Hindi ako umimik, naging abala ako sa pag gamit ng cellphone ko. Masyado madami na nasayang na oras ko dito! Nasa mall na sana ako ngayon o kaya nag babar na! Pero wala, nandito ako ngayon sa impyerno.
Pinapaypayan na ako ngayon ng katulong na panget. Aba dapat lang. Amo nya ako!
Bahagya ko binaba ang salamin ko mamahalin ng may makita ako sasakyan na tumigil sa tapat namin.
Owww. Ito na sya!
Get ready old man. I will make your life suffer. I will sure you na doble mararanasan mo kesa sa akin!
Agad kami tumayo ni tito, para salubungin yong panget na dumating.
Tinaas ko ang shade ko para makita nya kagandahan ko.
Pag kabukas ng pinto. Nakita ko ang kanya maputi legs.
Wait. Bakit pang teenager ang binti nya!
Akala ko ba...
OMG
WAIT!
Agad ko sinuot ulit shade ko, ayoko makita nya mata ko habang umiirap ako sa kanya.
Shet sya ba talaga!
Pero bakit!
Pagkababa nya ng sasakyan, nag mano sya kay tito luciano. Tumingin muna sya sa akin. Bago tumingin ulit kay tito.
"Lawrence iho, ito nga pala si miss Villarreal your business partner. She is the daughter of mr. Villarreal.." Tito
"Dennise Anastasia Villarreal.. Nice meeting you." Formal nya sabi sa akin.
King ina!
Binuo pa pangalan ko! Sarap mo patayin brad.
"Kilala mo pala sya" tanong ni tito.
"Yes tito we know each other" ako na sumagot ayoko ma OP dito.
Nag smirk naman sya sa akin. Inirapan ko na lang sya.
I hate this day ever!
"Kilala nyo na pala ang isa't isa
.. So iho, ikaw na bahala dito kay dennise ha"
Ngumiti naman sya sa matanda "sure tito"
Plastik ng puta.
"Okay. Take your time.." Pag katapos nya sabihin yon umalis na si tito.
Shet. I'm freaking dead!
Pinag masdan nya ako mula ulo hanggang paa. Hinayaan ko naman sya kahit hindi ako mapakali dito.
Sumandal sya sa sasakyan nya, "seriously. Yan ang suot mo ngayon araw?"
Kumunot naman noo ko. Ano pakealam nya sa outfit ko ngayon! Ano masama sa fitted ko dress. Inggit ba sya sa katawan ko pang model.
"Ano pakealam mo!"
"Para ka pupunta party... Hahahaha"
Lord sorry kung mapapatay ko ito ngayon.
"My god! Ito na lang ba pag uusapan natin o negosyo!" Irita ko sabi sa kanya.
"Fine. Kung yan talaga ang suot mo ngayon.. Let's go na"
Sa wakas. Nag yaya din umalis!
Sasakay na sana ako kaso. Pinigilan nya ako.
"But before you enter in my car, paalisin mo muna katulong mo. Dahil hindi mo kelangan yan don!"
Nakaharap sya sa akin ngayon habang nakahawak sya sa nakasardo pinto ng kotse nya. Tapos yung isa nya kamay nakapasok sa bulsa nya.
"Freaking no way!"
Ayoko wala katulong ko, wala mag papayong sa akin!
"Ayaw mo. E di mag lakad ka!"
Shet.
Pinatunog nya kotse nya at sasakay na sana sya sa sasakyan nya pero pinigilan ko
"Seriously! Iiwan mo talaga ako dito. Ano klase ka business partner gusto mo ba isumbong kita kay daddy!" Bulyaw ko sa kanya.
"E di isumbong mo. Tingnan natin kung sino ang papagalitan!"
Fuck you ka Lawrence!
Tiningnan ko sya ng masama, bago tumingin naman ako sa katulong ko.
Holy shit.
"Hey ugly maid!" Sigaw ko sa katulong ko. Tumingin naman sya sa akin. "P-poo" tugon nya sa akin
"Take care of my things. Make sure na wala mawawala dyan! Alam mo kung ano mangyayare sayo pag may nawala dyan!"
Rinig ko naman tumawa ang katabi ko.
"O ano happy kana!" Tanong ko sa kanya.
Hindi sya umimik, pinasakay nya na ako sa kotse nya. Sa unahan ako sumakay kahit labag sa kalooban ko.
Habang nasa daan kami nilakasan kon ang aircon na nasa tapat ko. Kanina ko pa ito kelangan dahil sobra init.
Grabe.
Tiningnan ko naman sya. Nakatutok lang sya sa daan habang nag dadrive.
"So.. Totoo pala sinabi ni nathan, may hacienda na pala kayo sa kabila bayan"
"Yes.." Tipid nya sabi sa akin.
Nakakainis. Ayoko sya makasama ngayon. Ang awkward kase! Tsk
"Laetera kana pala ngayon" rinig ko sabi nya.
Ngayon nya lang yon nalaman. Bobo naman nya.
Hindi na lang ako umimik dahil wala ako sa mood.
Nakarating kami sa isa sa malawak lupain dito sa kabila bayan.
In fairness malawak nga ang hacienda nila. I wonder kung mag kano ininvest ni daddy dito.
"Are you ready?" Tanong nya sa akin.
"Saan naman!"
Tumawa lang sya sa akin. "Follow me"
No choice ako kung hindi sumunod na lang. Letse talaga! Humanda ka sa akin. Ikaw ang mag baback out sa atin dalawa.
"Since ikaw ang business partner ko, sayo ang kalahati nito hacienda. Ako ang nakipag deal sa daddy mo about dito."
Wala na ba katapusan pag uuli ang mangyayari sa akin ngayon! Pagod na ako.
"Pakealam ko!" Wala emosyon na sabi ko.
Tumigil naman sya sa pag lalakad.
"Ganyan kana ba talaga ngayon, wala kana ba talaga pakealam sa lahat"
Inirapan ko sya. Ano ba pakealam nya! Babalik sya dito tapos ganyan sya.
"Oo matagal na! May angal ka."
Hindi nya ako pinansin, nag patuloy sya sa pag sasalita habang nag lalakad.
"Dito sa parte na ito ang manggo tree"
"Shet alam ko na yan! Wala na ba bago! Pagod na ako. Kanina pa ako pauli uli. Gusto ko na mag pahinga!"
"Hindi pa tayo tapos miss Villarreal" sabi nya sa akin at nag patuloy na sya sa pag lalakad.
Nasapo ko naman ang noo ko. Napaka malas ko talaga ngayon araw na ito! Mukhang hindi talaga ako makakapag pahinga.
Panay naman ang sunod ko sa kanya. Actually hindi na ako nakikinig sa kanya. Nag papaypay na lang ako ng sarili ko gamit ang kamay ko.
Banas na banas na ako. Tapos uhaw pa! Kanina pa kami nag uuli ng pangit na ito.
Ayoko mag back out sa lintek na negosyo ito! Baka kunin sa akin ang credit cards ko ni daddy. Mamatay ako pag nawala yon!
"Nakikinig ka ba sa akin" tanong nya sa akin ng tumigil kami sa ilalim ng puno.
Ano ba palagay nya. Diba hindi!
Hindi ako umimik. Patuloy pa din ako sa ginagawa ko.
Nag lakad ulit sya at pumunta na kami sa kulungan ng mga hayop.
King ina ayoko dito! Ang baho baho dito.
"Seriously. Ano ginagawa natin dito!" Tanong ko sa kanya.
Tumawa naman sya. "Sasali tayo don sa nag lalaro" tinuro nya yong mga tao nag uumpukan.
Lumaki naman ang mata ko ng makita ko kung ano nang yayari don.
My god seryoso. Sasali kami don! Aapak talaga kami sa putik tapos huhulihin yong baboy.
Shet. Kadiri!
"No way. Ayoko... Ikaw na lang" tanggi ko sa kanya.
"Sir Lawrence, nandito na pala kayo" sabi nong binata na lumapit sa amin.
Nakipag kwentuhan lang saglit don si Lawrence.
"Come with me, I know you enjoy this" Lawrence
"Bobo ka ba. Hindi mo ba nakinig yong sinabi ko sayo kanina. Di ba sabi ko ayoko!"
Hinilot naman nya ang sintido nya. "Ngayon ko lang nalaman na natanggi na pala ang isa Dennise"
"Sino hindi tatanggi dyan, kadiri kaya!"
"Sir.. Parang ayaw naman po ni mam e" sabi nong binatilyo.
Mabuti pa sya marunong makiramdam.
"Let's make a deal, pag ikaw ang nakahuli ng baboy.. I will be your slave, pag ako naman nakahuli. Susundin mo utos ko"
Magiging slave ko sya. My god that is good Idea for me.
"Deal.."
Pag katapos ko sabihin yon pumunta na kami don. Pero parang gusto ko mag back out. Nadidiri talaga ako.
Hinubad ni lawrence ang kanya damit pantaas at sapatos. Nakagat ko naman ang labi ko.
Hot
"Ano titingnan mo na lang ba ako"
Bumalik naman ako sa ulirat. Hinubad ko ang heels ko. Napapikit naman ako ng mariin nang umapak na ako sa putik.
Kadiri grabe!
Tumawa naman ng malakas si lawrence dahil sa itsura ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
I can't believe this. Feeling ko ang dumi ko na.
Nag bigay ang hudyat ang mga tao kaya. Nag simula na kami hulihin ang letse baboy na ito.
Nakaka bwisit ang ilap nya. Hindi ko sya mahuli. Ang dungis ko na.
Pati mukha ko may putik na. Tapos ang dress ko mamahalin sobra dumi na.
Dahan dahan ako lumapit sa baboy. Nang akto huhulihin ko na tumakbo naman ang letche.
"King ina ka bumalik ka dito!" Sigaw ko habang hinahabol ang baboy.
Nag agawan kami ni lawrence nang pareho na namin nahawakan. Ang bwisit ayaw bitawan.
"Bitawan mo na. Akin na yan si piggy!" Sabi ko sa kanya.
"No. This is mine!"
Shet ka talaga lawrence.
Pareho namin nabitawan kaya tumakbo ulit sya. Pagod na ako grabe!
Panay naman hiyaw ng mga tao nanunuod. Tch. Kung ako sa kanila tumulong na kaya sila para may silbi naman!
"Bitch come here! Lelechunin talaga kita pag nahuli kita"
Tawang tawa naman si lawrence sa pinag gagawa ko sa buhay.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag huli nang bigla umulan ng malakas. Iniwan kami ng tao samantalang naiwan naman kami dito.
Really. Umulan pa talaga ngayon!
King ina talaga.
"Shet naman oh! Malas ko talaga ngayon araw na to!" Sabi ko habang nag papadyak sa putik.
"Let's go" yaya nya sa akin
"Ano masaya kana! Basa na ako. Tapos ang putik putik ko na!"
Umiling naman sya. "Hindi ko naman alama na uulan."
"Syempre hindi mo alam yon dahil hindi ka naman Pag-asa na malalaman kung ano lagay ng panahon ngayon!"
"Ano mag iinarte ka na lang dito! Kung kanina pa tayo umalis. E di sana hindi tayo nabasa ng husto!
Shet. Ang sakit nya sa ulo promise!
Lumayas ako sa harapan nya. Dinampot ko ang heels ko at nag lakad na ako. Bahala na kung saan ako dalhin ng paa ko.
Ramdam ko naman sumunod sya sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin.
Hinawakan nya braso ko, kaya napatigil ako.
"I'll drive you home.."
Pinag taasan ko sya ng kilay. Bagsak na ang kanya buhok dahil basa na sya ng ulan. Gwapo nya sana pero ang bobo lang.
"Ano aarte ka pa ba!" Tanong nya sa akin.
Again no choice na naman ako! Gusto ko na din naman umuwi e.
"Fine"
Pinatay nya lahat ng aircon sa kotse dahil parehas kami nilalamig. Actually parang ako lang naman nilalamig, samantalang sya nakahubad pa.
May kinuha sya jacket sa backseat "wear it" walang emosyon nya sabi.
Kinuha ko muna yon pero inamoy ko muna. In fairness, ang bango!
"Hindi yan mabaho. Suotin mo na"
Sinuot ko naman yon, kahit labag sa kalooban ko.
Tahimik lang kami sa daan, wala ako maopen na topic. Saka kung mag oopen naman ako baka masabi ko lang yong pass namin.
Pass is pass.
"I will pick up you on next Saturday"
Really. For what reason!
"Bakit naman"
"Meet up for investor"
Umirap naman ako kawalan "ayoko. Ikaw na lang"
"Hindi pwede, kelangan nandoon tayo"
"Okay fine!" Irita ko sabi sa kanya.
Pag baba ko ng sasakyan, una bumungad sa akin ang wala ko silbi kapatid!
Tatawa tawa naman sya ng makita ako parang basang sisiw habang hawak ko ang heels ko.
Nag apiran ang dalawang monggoloid. Parang wala ako dito. Tsk
"O dennise nag enjoy ka ba don." Nathan.
Humugot muna ako ng hangin bago mag salita "ano sa tingin mo ha!"
"Relax lang kapatid. Nausok na naman ilong mo e!"
Binato ko sa kanya ang heels ko, sayang hindi natamaan sa mukha.
"Seriously denden ipapakita mo pa talaga ganyan ugali mo kay Lawrence"
"Ugh. You such a bullshit nathaniel!" Sigaw ko sa kanya.
Tumawa naman sila dalawa. Nakakagigil talaga ang kapatid ko sarap lasunin.
Mag lalakad na sana ako papasok nang pigilan ako ni nathaniel
"San kana pupunta"
"Bobo ka ba! Malamang mag bibihis na. Nilalamig na ako!"
"Hindi ka manlang mag papaalam kay baby lawrence mo?"
"Fuck you! both of you!" Sigaw ko at pumasok na ako sa loob.
Narinig ko naman tumawa ang dalawa kahit nasa loob na ako.
Hindi ko na lang pinansin umakyat na ako sa kwarto at naligo na.
Kinuskos ko ang buo ko katawan pakiramdam ko ang dumi dumi ko talaga dahil sa putik.
Pumyemas talaga!
Ilang oras ako nag babad sa banyo bago nagbihis. Nag lagay ako ng lotion sa buo ko katawan. Saka humiga na sa kama ko malambot.
Sigurado pag naikwento ko ito kay monique, tatawanan ako non. Mabuti na lang nasa marinduque sya.
In fairness nakakamiss ang bruha yon.
Nakita ko ang jacket ni lawrence na nakalagay sa sofa. Ewan ko ba pero bigla ko yon niyakap at inisip ko sya.
"Hoy denden ano yan" nathaniel
Kelan kaya ako lulubayan nito!
Padabog ko nilagay sa sofa ulit yung jacket at umupo na ako sa kama.
Nilapag naman nya sa table ang tubig at cake. "Kainin mo ito dennise"
Sumimangot naman ako. Hindi ko sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya.
"Alam ko miss mo na sya.. Pero move on na dennise"
Inirapan ko sya. "Pake mo ba!"
Tumawa lang sya at ginulo nya buhok ko. Umalis sya sa kwarto ko pag katapos nya ako bwisitin.
Ininom ko lang ang tubig na dala nya at tuluyan na ako humiga at tumulog.
Itutuloy....