Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 12 - Their Childhood

Chapter 12 - Their Childhood

Dollar's POV

"Aray!" At sabay hampas ko sa binti na kinagatan ng lamok. "Moi matagal pa ba 'yan?"

"Magbilang ka ng isang libong baboy, saktong tapos ko na din 'to." Sigaw niya mula sa pagkakatalungko habang inaayos ang motorsiklo niya.

"Ayoko nga! Malilikot kaya sila, hirap bilangin!"

Hay! Kainis! Ngayon pa nasira ang motorbike ni Moi. Nakakapagod magperya at antok na antok na 'ko. Pero dahil nasa matarik kaming daan kung saan ang gilid ay bangin at ang kabilang gilid naman ay kakahuyan, madalang ang mga sasakyan, at malalim na ang gabi, wala akong magagawa kundi mangalumbaba, umupo sa patay na puno, magpakagat sa mga lamok at manampalataya sa kakayanan ni Moi na ayusin ang sirang motorsiklo.

"Magpasundo na lang kaya tayo kay Zilv?" suggestion ko.

"No."

"Bakit naman?"

Nag-angat ng ulo si Moi."May importanteng ginagawa si Zilv. Wag na nating abalahin."

"Weh? Importante? Baka may date?"

Bahagyang tumawa si Moi. "Alam mong hindi tayo ipagpapalit ni Zilv sa mga babae niya."

"Malay mo seryoso na siya?"

"Who? Si Zilv? Never! Fling lang ang mga babae sa kanya. Para namang hindi mo kilala ang taong 'yon."

Yeah. Tama si Moi. Hindi si Zilv ang tipong nagseseryoso. Pero wala naman akong pakialam sa mga escapade ni Zilv. Ang mga ganoong bagay ay hindi naming pinag-uusapang tatlo. Tinanong ko lang 'yon para may pag-usapan kami ni Moi. Masyado kasing malamig at tahimik dito.

"Eh ikaw? Ano sa 'yo ang mga babae?" tanong ko kay Moi.

"They're pretty flowers, na kailangang bigyan ng pantay na atensyon para lalong lumago at gumanda." Then he grinned.

"And you're the playful bee?"

"No. I'm the gorgeous playful bee."

"Hmp! Yabang mo. Magkapareho lang kayo ni Zilv. Mabaet ka sa lahat ng mga babae pero hindi mo naman sila kahit kailan seseryosohin. Si Zilv naman hindi gentleman, pero hindi naman siya nag-iiwan ng mga luhaang babae."

"Dahil alam ng mga babaeng 'yon ang score bago sila makipagrelasyon kay Zilv. While me, I have this rule that my girl and I are happy while it lasts, no sweet promises, hindi nga lang nila matanggap 'yon minsan sa huli. Pero mas matino ako kesa kay Zilv."

"Asus. Pareho lang 'yon. Hindi ba kayo natatakot sa karma? Paano kung dahil sa pagiging playboy ninyo ay ang balikan ng mga kalokohan ninyo ay ang mga taong mahalaga sa inyo?"

"Ikaw, kunwari?"

"Oo."

"Hindi rin. Hindi ka naman masyadong importante sa 'kin." And he chuckled.

"Kainis ka! Kapag ako, hindi nakapag-asawa, humanda ka sa'kin."

"Tsk, tsk, tsk. Walang karma, Dukesa, at kung kakarmahin man ang isang tao, sa kanya mismo babalik 'yon hindi sa iba. At bakit ba nag-aalala ka agad sa mga pag-aasawa-asawang 'yan? Ang bata mo pa, you're only sixteen, for crying out loud! Nagta-tantrums ka pa nga eh."

Binato ko siya ng maliit na bato."Hoy! Yabang mo! Hindi kaya!"

"Anong tawag mo dyan? Pero wag kang mag-alala, kapag treinta ka na at wala pa ding pumapatol sa 'yo, ako mismo ang bubugbog sa lalakeng gusto mo para makasama mo siya sa altar."

"Oows! Kaya mong bugbugin si Rion?"

He didn't answer. Pagkalaglag lang ng ginagamit niyang screw driver sa lupa ang narinig ko.

"What did you say?" tanong niya mayamaya. Nakakunot ang noo niya.

Haaay! Bakit hindi ko naalalang tutol nga pala sila kay Rion?

"Huwag mong hintayin Dollar na gwardyahan ka namin ni Zilv sa school para lang matigil ka sa kabaliwan mo kay Rion. Hindi dahil tahimik na tao 'yun ay mas mabaet na siya kesa sa 'min, mas luko-luko pa nga 'yon."

"Demon or saint, I like him at hindi nyo 'ko mapipigilan."

Maski ako nagulat sa sinabi ko, ganoon na ba kalalim ang infatuation ko kay Unsmiling Prince para masabi 'yon? Nakipagtitigan lang sa 'kin si Moi at mayamaya ay bumalik na sa pag-aayos ng motor niya.

"Sige, ituloy mo yan, Dollar. Ok lang, hindi ka naman kahit kelan papatulan ni Rion. Mas baliw ka kasi kesa sa kanya."

"Kainis ka Moi ha! Dapat nga ine-encourage mo 'ko dahil kaibigan mo ko!" Then I pout.

"Hindi kita kaibigan, Dollar. Dahil kapatid na ang turing ko sa'yo, namin ni Zilv. Kaya nga ayaw namin kay Rion para sa'yo. You'll only end up in a heartbreak." Moi whispered the last sentence.

Ano daw? What do they have against Rion? Bakit ganoon na lang ang pagtutol nila kay Rion?

"I know. Ganoon din naman ako sa inyo. You two are my big brothers. I'm sorry." Hindi ako humingi ng sorry dahil sa ginagawa kong kalokohan kay Rion, humingi ako ng sorry dahil nasimulan ko pa ang tungkol kay Unsmiling Prince. Ok, lesson learned: Never talk about Rion when I'm with Zilv and Moi.

"Umupo ka na lang muna dyan. Malapit na 'to."

"Ok." At nilabas ko ang maraming barya na nasa backpack ko. As expected, mas marami akong napanalunan sa color game kesa kay Moi.

"Moi dapat pagkatapos kong bilangin lahat ng baryang 'to dapat tapos ka na din dyan, ok?"

"Oo na, oo na, huwag mo ng ipaalala na ikaw ang nanalo kanina."

"Hahaha!"at sinimulan ko ng bilangin ang mga baryang hindi magkasya sa kamay ko. Ang saya! May ihuhulog na naman ako sa alkansya ko.'

"106... 107...108...Ooops!" huling barya na sana pero hindi sya nag-shoot sa plastic bag at sa halip ay gumulong papunta sa kalsada.

Sinundan ko ang piso at dadamputin na sana nang makarinig ako ng rumaragasang motorsiklo. Hindi nya 'ko mababangga dahil nasa kabilang lane siya pero nagulat ako nang may sumulpot pang isa na nag-over-take sa una kong nakita!

Sa direksyon ko tumutumbok ang pangalawang motor!

In one moment, I was there. Tinitingnan ang pagdating ng dalawang motor. Mulat na mulat ako kahit nakakasilaw ang mga headlights nila. Pero hindi nangyari ang inaasahan kong pagkabangga dahil sa mabilis na pagkabig ng driver ng motor. Nilagpasan niya ako nang gahibla lang ang layo sakin! Nakita ko pa nang huminto ang dalawang bike ilang dipa ang layo sa'kin. Bahagya akong nilingon ng dalawang sakay na naka-helmet at pagkatapos ay pinasibad na ulit nang mabilis ang sinasakyan.

"Dollar?!" hinila ako patayo ni Moi at ch-in-eck kung walang nasaktan sa'kin. "Are you okay? Shit! I'll kill that two sonofabitch!"

"O-okay lang ako M-Moi." Nakatingin pa din ako sa dinaanan ng dalawang bike kahit usok na lang ang nakikita ko.I have this odd feeling...

Nagpaakay ako kay Moi sa gilid ng kalsada samantalang tuloy pa din sya sa pagmumura. "Moi, they're riding Harley Davidson!"

"Kahit kariton pa ang mga 'yun, Dollar! Mapapatay ko sila kapag nagalusan ka man!"

Galit na galit pa din siya na minsan lang mangyari.

"M-Moi, those two motorbikes are Harley. 'Yung isa mong bike, Harley din. Magkakaiba lang ng mga modelo. But Harley is Harley. Konting tao lang ang may ganoon sa Pilipinas lalo na dito sa Norte!"

"You're insane! Wala akong pakialam kahit Harley pa ang isa sa pinakamahal na motorbike! Shit! Mapapatay ko ang dalawang 'yon at mapapatay ko din ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo!"

"N-No need to worry Moi. O-ok lang ako, promise!" ngumiti pa 'ko sa kanya para malaman niya na ok lang talaga ako kahit medyo nangangatal pa din ako.

"You should be! Kung hindi...Tss! Hop in!" at nirebolusyon niya ang bike. "Remind me na ipapa-chop-chop ko na ang bike na 'to. Dahil kung hindi tayo tinirik nito, kanina pa sana tayo naka-uwi."

Dinampot ko muna ang mga barya ko sa lupa at saka umangkas.

"Moi, wag mo ng sabihin kay Zilv ha?" Sobra din kasing mag-alala ang isang 'yon.

"Believe me, he already knew..."

Pero hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil pinasibad na niya ang bike palayo.

^^^^^^^^

Zilv's POV

Shit! Shit! Shit!

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ako pa ang papatay sa kaibigan ko!

Konti na lang at... Shit!

Binilisan ko lalo ang pagpapatakbo at nilagpasan ang motor na nasa unahan ko. I'm flying in anger now.

Hindi ko pwedeng sisihin si Dollar kung bakit nasa gitna siya ng kalsada nang ganoong oras ng gabi. Sinanay ko ang sarili ko para bumilis ang reflexes ko pero muntikan na akong sumablay! And that will mean my friend's life!

Dollar. She's not just a friend but my dear little sister.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawawala na naman ang isa sa importanteng tao sa 'kin dahil sa kapabayaan ko.

She meant a lot to me and I vow to protect her when we were still children. Kami ni Moi. That was a promise I made when Dollar and Moi accepted and treated me as a family. Ang dalawang tao na nagpahalaga at nagtitiwala sa'kin.

Shit!

And through the dark of the night, the memories of our childhood flashed in front of me...

Eleven years ago...

Mainit na ang sikat ng araw dahil tanghali na pero hindi pa din ako umaalis mula sa pagkakahiga sa malapad na sanga ng puno. Malamang hinahanap na ako ni Nanay Leona, ang mayordoma namin. Pero ayaw ko pang umuwi sa bahay. Dumating kasi sina Mama at Papa mula sa Europe.

At walang nagbago. Hindi nila 'ko pinapansin. Lagi silang nag-aaway. Basta magulo. Pero dito sa gubat, tahimik, maaliwalas ang hangin at wala akong dapat iwasan.

Tumuntong ako sa isang sanga at kukunin ko sana ang manggang malapit sa 'kin nang may marinig akong boses ng dalawang bata.

"Tingnan mo, Moi, nakita ko sa lamesa ni Uncle, k'nina."sabi ng boses ng batang babae.

Tumingin ako sa baba at nakita ang dalawang batang mestiso at mestisa. Sa unang tingin, parang magkapatid sila, pero hindi naman sila magkamukha. Naglalaro sa apat o lima ang edad nila. At dahil mag-e-eleven na 'ko, alam ko na kung ano ang pinapakita ng batang babae sa kalaro nya.

Bote ng alak. Maraming katulad noon sa cellar namin sa bahay.

" 'Nu yan?" tanong ng batang lalake.

"Iniinom 'to eh, tara tikman natin, nagdala ako ng tasa." At naglabas siya ng ceramic na tasa. "Salinan mo 'ko, Moi, Kunwari ikaw ang butler tapos ako ang princess."

True enough. Her cute face spoke regal. She's like a royal doll.

Pakamot-kamot naman sa ulo ang batang lalake. "Eh mukha naman akong bakla nyan eh."

"Indiiii... naglalaro nga tayo eh. Sige na..!"

Sinunod naman ng batang lalake ang utos ng kalaro.

"Uumn. 'Tarap, isa pa."

Muntikan na 'kong matawa dahil namula ang pisngi ng bata. Alam kong nakakalasing ang ganoong mga inumin. Nakikita ko sa mga naglalaro sa Al's Billiards. Nakakailang tagay na ang batang babae pero hindi pa din siya nahihilo. Malakas ang alcohol tolerance niya. Namumula lang pero hindi bumabagsak.

"Ikaw naman, Moi." Inabot niya ang tasa sa kalaro.

"Pweeeek! Bakit ang baho, ampait!" at nabitawan niya ang bote at nagdudura sa lupa.

"Hoy! Ha?! Nakita din namin kayo!" sigaw ng bagong dating na bata. Sina Boy Bully kasama ang dalawang alipores niya. Kaedad ko sila. Mga bully sa lugar namin. 'Yon nga lang, takot naman sa 'kin.

"Soooo?!" mataray na sagot ng batang babae at nameywang pa.

"Ikaw na bubwit ka?! Ikaw ang sumunog sa robot ko ah!" at tinulak niya ang batang babae.

"Hoy!" sigaw ng batang lalake na tinawag na Moi at tinulak si Boy Bully at sinuntok sa tiyan.

Pero dahil doble ang laki ni Boy Bully, madali lang nyang nabatukan ang bata na napasubsob sa damuhan.

Tumalon ako sa puno. Ayokong makialam, pero ayoko namang may nakikita akong kinakayankayanan lalo na at walang kalaban-laban ang dalawang maliit na bata.

"Tama na 'yan!" sabi ko.

"Aba! Si Zilvestriong mayabang pala 'to eh!" sabi ng kasama ni Boy Bully.

"Imbes na kinilala mo ko, bakit hindi ka na lang agad tumakbo at iligtas ang sarili mo?"

"Yabang mo ah!" itutulak sana ako ni Boy Bully pero nahawakan ko ang mga braso niya at pinilipit. Itinulak ko siya at binigyan ng sipa sa mukha. Uupakan ko din sana ang dalawang kasama niya pero nakatakbo na sila palayo. Sumunod si Boy Bully na nagkakandadapa pa sa pagtakbo.

"Wag na kayong babalik dito!"

Nagpagpag ako ng kamay at nilingon ang dalawang bata na nakatingala sa'kin at pumapalakpak. Gigil na gigil sila sa pagpalakpak habang mulat na mulat pa ang mga mata nila.

"Ang galing mo!" sabi sa 'kin ng lalake.

"Oo nga! Kaibigan ka na namin ha?" 'yong batang babae naman.

"Ayoko." sagot ko at naglakad na palayo.

Pero sumunod sila at kinulit ako ng kinulit.

At hindi doon natapos ang lahat. Araw-araw nila akong sinusundan at inaabangan. Nalaman din nila pati ang bahay namin. At madalas ay doon na sila dumadayo ng laro dahil nakagiliwan na sila ni Nanay Leona. Maiingay sila at magugulo. Ilang beses ko na silang tinaboy at tinakot pero hindi pa rin nila ako tinitigilan. Hindi nila ako mapilit sumali sa mga pambatang laro nila pero hindi ko naman matiis na hindi sila tingnan mula sa malayo. Nakatanaw lang ako sa kung anong mga ginagawa nilang kalokohan. At madalas, ako ang nagtatanggol sa kanila. Nang mamatay ang mga magulang ko noong mag-do-doce anyos ako, lalo akong lumayo sa mga tao, nasangkot sa mga gulo at kung anu-ano pang kalokohan. Pero hindi pa rin nila ako tinigilan. Nakipagkaibigan pa din sila kahit malayo ang edad nila kesa sa 'kin.

At nagising na lang ako isang araw na sumasama na 'ko sa mga pinupuntahan nila, nakikitawa sa mga kababawan nila, at tumayong nakakatandang kapatid sa kanila. At itinuring din sila bilang natitira kong pamilya...

Present...

Mula sa highway ay lumiko ako sa isang makipot na daan sa gitna ng kakahuyan. Ilang metro lang at nasa tapat na ako ng sikretong basement na 'yon sa likod ng Al's Billiards. Automatic na nagbukas ang bakal na gate at pinasok ko ang motorsiklo ko.

Kasunod ko si Rion na pinaparada na rin sa loob ng basement ang sasakyan. Kahuhubad ko lang ng helmet ko nang lumapit siya sa tapat ko at sinuntok ako ng malakas sa panga.

Sumadsad ako sa pader pero hindi ako nag-abalang tumayo. Well, I think I deserved that.

"Para 'yan sa hindi mo pag-iingat! Should you get her killed, I'll make sure that your next stop will be in hell!"

Napatawa ako ng mahina dahil sa galit na nakikita sa kanya. "Tama ba Rion ang iniisip ko na nahuhulog ka na rin kay Dollar para mag-alala nang ganyan?"

Nakipagtitigan siya sa'kin ng ilang segundo. "No." he said firmly. "Dahil kahit na sino pa ang nasa gitna ng kalsadang iyon kanina, ganito pa din ang magiging reaksyon ko. Huwag kang mandamay ng inosente."

There was a long silence...

"Wag kang mag-alala, Rion. Dahil kung may mangyayari mang masama sa mga kaibigan ko, ako mismo ang papatay sa sarili ko."

He gave me one last look and walked to his Reventon. Binuksan niya ang driver's seat pero tinawag ko ulit siya bago pa man siya makasakay.

"What?"

"Nasabihan na kita dati. Pero uulitin ko sa'yo, iwasan mo si Dollar."

He smirked at inalis ang mga gloves sa kamay at basta na lang initsa kung saan sa basement. "I follow the orders of no one. Lalong hindi, kung galing sa 'yo. You must know that by now, Zilv. But don't worry like a sissy... She's out of my league." at pinasibad palabas ang sasakyan.

Hinawakan ko ang nasaktang panga

That bastard! I'll make sure na iyon na ang huling suntok na ibibigay niya sa 'kin pagkatapos ng hindi mabilang naming away noon.

^^^^^^^^

Shamari's POV

Inihinto ko ang sasakyan ko sa malawak na garahe ng Villa. Sa isa sa mga sasakyan doon ay nakita ko si Rion na nakasandal sa kotse niya.

"Hey." Tawag ko sa kanya. Parang malalim ang iniisip niya.

" 'Kala ko ba masama ang pakiramdam mo? Bakit tumuloy ka pa din?" tanong niya.

"As if naman matatanggihan ko si Don Marionello." I said irritably.

"Matuto kang sumuway sa utos kung ayaw mo talaga, Shamari."

I just rolled my eyes.

"What's this box?" at tinapik niya ang malaking kahon na nasa likod ng pick-up.

"Ref. Nanalo ako sa raffle nang wala akong kamalay-malay. Thanks to your stalker."

Hindi siya nagsalita pero alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.Nag-iisa lang naman ang baliw niyang stalker. Hindi magkakalakas ng loob ang ibang babae na habul-habulin siya. He's a royal snob. Mapapahiya lang ang babaeng gagawa noon. I still wonder kung bakit nanalo siya sa pagiging President ng SSC.

And I am also wondering kung saan kumukuha ng guts si Dollar para habul-habulin si Rion. Tsk. Tsk. Tsk. Baliw talaga.

"What so bad about winning in a raffle?"

"W-Wala naman." Nahalata niya siguro na iritado ako. Bakit nga ba?

"Ibigay mo na lang kay Tess." Tukoy niya sa isa sa mga kasambahay ng Villa.

"Yeah. Eh ikaw? Kamusta ang lakad mo?"

He didn't answer and just shrugged his shoulder at tinungo ang pinto papasok sa sala.

But he stopped when he's almost in the door. "Magpahinga ka na, Shamari. Maaga pa ang pasok natin bukas." At tuluyan ng pumasok.

That was Rion. Cold and distant. Hindi lang sa'kin kundi sa lahat ng tao. And I can't blame him for that...

Mayamaya ay pumasok na 'ko sa loob ng villa. Tiningnan ko ang madilim at malawak na sala at umupo sa unang baitang ng grand staircase.

Wala naman talaga akong balak umalis kanina. Pero naalala ko na itong araw na 'to ang ika-labindalawang taon ko dito sa Villa kaya sinunod ko na din ang utos ni Don Marionello.

This is where it all started. In this very spot.

Sa mismong sala na 'to kung saan lahat ng makikita ninuman ay kayamanan ang halaga mula sa pinakamaliit na antigong vase hanggang sa mga chandelier.

In this very same spot where the family's skeleton was revealed to me twelve years ago...

Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko pagpasok pa lang namin sa bahay na 'yon. No. Hindi siya bahay. It's a palace! Parang katulad ng mga nakikita ko sa TV. Kasama ko ang kapitbahay namin na si Tita Lemi. Sa edad kong pito, hindi ko pa maintindihan kung bakit dinala niya ko dito at kung bakit ilang araw na din akong hindi binabalikan ni Inay. Inaasahan ko na dito ko makikita si Inay. Tuwang-tuwa pa nga ako kanina nang pumasok kami kanina sa bukana ng rancho. Ang daming malalaking kabayo!

Nakarating kami sa sala at sinabihan kami ng naka-unipormeng maid na maghintay. Nakita ko ang pagpasok ng isang batang lalake na dalawa o isang taon yata ang tanda sa'kin. Matangkad siya sa edad niya. Hindi man lang siya ngumiti nang ngitian ko siya at sa halip ay lumakad palabas matapos akong tingnan ng walang emosyon. Gusto ko sana siyang sundan pero pinigilan ako ni Tita Lemi. Nakatingala kami sa matandang lalake na pababa sa mataas na hagdan. Hindi siya nakakatakot pero natakot pa din ako sa diretsong pagtitig niya sa 'kin. Hindi siya nakangiti. Nag-usap sila ni Tita Lemi pero hindi ko maintindihan kung tungkol saan. Pero alam kong nagagalit ang matandang lalake kaya tumungo na lang ako. Hindi ko iniintindi ang pinag-uusapan nila dahil hinahanap ng mga mata ko si Inay.

Mayamaya ay nagpaalam sa'kin si Tita Lemi at inihatid naman ako ng isang maid sa isang magandang kwarto. Iyon daw ang magiging silid ko. Ganoon lang. Hindi ko alam ang nangyayari. Miss na miss ko na si Inay pero wala akong mapagtanungan. Patay na si Itay kaya si Inay na lang ang pamilya ko. Lumipas ang tatlong linggo at may bago na din akong mga gamit at pumapasok na din ako sa bagong school. Sa loob ng tatlong linggong 'yon ay minsan ko lang makita ang batang si Rion at ang matandang lalake na nakilala ko na si Don Marionello.

Naging limang buwan ang pagtigil kong 'yon sa Villa Flaviejo. Umiiyak ako sa gabi dahil miss na miss ko na si Inay. Gusto ko sanang tanungin si Don Marionello pero natatakot talaga ako. Napatunayan ko namang mabait siya pero hindi pa rin mawala ang takot ko sa kanya. Isang hapon ay nakita ko si Rion na kagagaling lang sa school. Hindi siya pumasok sa bahay kahit naka-uniporme pa siya. Sinundan ko kung saan siya pupunta hanggang sa makarating kami sa paanan ng bundok na parte pa rin ng lupain ni Don Marionello. Hindi ko alam kung alam niyang sinusundan ko siya pero hindi ako tumigil kahit pagod na pagod na 'ko. Nakarating ako sa loob ng gubat at hindi ko na siya makita.

Sa isang patag na parte ay may nakita akong puntod. Lumapit ako doon at binasa ang nakasulat.

Pangalan ni Inay! Marienella Flaviejo. Flaviejo ang nakalagay na apelyido sa halip na Prieto pero ganoon din ang kaarawan niya. Ang petsa ng pagkamatay ay isang linggo bago ako tumira sa Villa.

Umiyak ako ng umiyak. Ayaw kong maniwala pero hindi ako iiwan ni Inay ng ganoon katagal kung hindi may masamang nangyari sa kanya.

Tumigil lang ako nang makarinig ako ng boses.

"I'm a bastard." Si Rion. Naka-upo siya sa malaking bato na ilang dipa lang ang layo mula sa kinauupuan ko. "How was she as a mother?" tanong niya sa 'kin.

"S-Sino? S-Si inay? Napakabait niya at mahal na mahal niya ako." At napahikbi na naman ako.

"Then you're lucky."

Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya. Ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ako. "A-Anong ibig sabihin mo na b-bastard k-ka?"

Tumayo siya at umupo sa tabi ko. "Do you really know kung bakit ka nandito?"

"Hindi. A-at hindi pa-patay si Inay di ba?"

"Ako mismo ang magsasabi sa'yo dahil hindi kahit kelan sasabihin sa'yo ni Lolo ang totoo. Listen to me. The woman in this tomb was y-your mother. She was killed by a large syndicate leader. Hindi pa alam kung ano ang dahilan. At dito ka nakatira dahil kinupkop ka na ni Lolo. Y-Your mother was Lolo's only daughter."

Ang hirap paniwalaan ng sinabi niya. Bata rin siyang katulad ko kahit mas matanda siya ng ilang taon. At kung lolo ko si Don Marionello, bakit kelan ko lang siya nakilala?

"Eight years ago ay lumayas ang I-Inay mo dito para pakasalan ang ama mo. Ginawa niya 'yon dahil tutol si Lolo sa tatay mo." paliwanag pa niya.

Kaya pala iba ang kilos ni Inay kesa sa mga kapitbahay namin sa squatter. Dahil galing siya sa mayamang pamilya.

"E-Eh ikaw? Kaanu-ano kita?"

Matagal bago siya magsalita.

"Nine years ago, your mother had a child before she eloped with your father..."

"At ikaw ang batang 'yon?"

Hindi siya sumagot at nagsimulang maglakad palabas ng gubat.

Iniyakan ko lahat ng iyon. Hapon na 'ko nakauwi. Umiyak ako ng umiyak sa harap ng puntod ni Inay.

Tinanggap ko na rin na sa Villa na ako titira. At nang mga sumunod na araw, nalaman ko ang totoo mula sa mga lihim na pag-uusap ng mga tao dito sa hacienda.

Rion is illegitimate. Anak siya ni Inay sa unang kasintahan niya. Pero hindi sila naikasal at pagkatapos nang may mangyari sa kanila, Rion's father vanished. Walang nakakaalam kung alam ng lalakeng 'yo na may anak siya kay Marienella. At nang maglayas ang Inay dahil sa rebelyon sa ama ay umalis siya sa poder nito at nakilala ang Itay niya. Leaving the baby Rion to Don Marionello...