Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love Me or DIE

🇵🇭snowy_wynter
--
chs / week
--
NOT RATINGS
84k
Views
Synopsis
DISCLAIMER: This story is written in English-Filipino language. An original story of Oleen Pau also known as Snow Wynter.
VIEW MORE

Chapter 1 - Synopsis

Ang Simula

Hinihila ako ng isang lalaki papunta sa kaniyang silid. Kahit nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak niya ay hindi ako makapagreklamo.

Baka kapag nagreklamo ako ay mas lalo pa siyang magalit sa akin.

Lumalabas ang mga ugat sa leeg niya sa tuwing tatalim ang mata niya at iigting ang panga niya.

Nang madala na niya ako sa kaniyang kwarto agad niya akong tinulak sa kama niya. Napaupo na lamang ako doon. Buti nalang malambot.

"Sir, ano pong ginagawa niyo?"

Nakita ko kasing nilalock niya ang pinto. Napatayo ako sa bigla.

Pero mas lalo naman tumalim ang tingin niya. Ramdam na ramdam ko na ang galit sa awra niya.

Anytime, mapapatay na niya ako base sa tingin niya.

"Didn't I told you to wait for me at the gate, para sabay tayong umuwi? But what did you do? You made me wait there for freaking 3hours. Do you know how stupid I looked like there?"

Parang patalim ang bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig.

"S-sorry po, Sir. Ak-akala ko po kasi nauna na kayo. Kaya nauna na din po ako umuwi." nakayuko kong sabi. Gusto ko nalang lamunin na ako ng sahig. Ayaw ko na makausap pa ang lalaking ito.

"And you even called me Sir ha? How respectful of you my love."

Hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sa kaniya.

"P-pero po yon ang sabi ng Mama niyo. M-magagalit po siya sakin." pagsumbong ko dito.

Kumunot naman ang noo niya.

"Oo nga pala. Ang pakielamera kong Mama. Nakinig ka naman sa kaniya? Mas takot kana ngayon sa kaniya kaysa sakin?"

Hindi na ako muling nakasagot ng unti unti nalang bumababa ang kamay niya na mula sa panga ko ay nasa leeg ko na.

Hinawakan ko ito at sinusubukan alisin ng unti unti itong humihigpit. Sinasakal na niya ako. Ngunit sa tuwing susubukin kong alisin ay mas lalo niyang hinihigpitan.

Mas lalo na akong nanghihina.

Unti unti ng nagsisipatakan ang mga luha sa mata ko.

"Sa susunod, sakin ka sumunod ng hindi ka nahihirapan ng ganito."

Pinatakan niya pa ng halik ang mga luha ko at tinanggal na ang pagkakasakal niya sa akin.

"Bakit ba Sir ang gusto niya ipatawag sakin? E magkapatid naman tayo. Yon nga lang, ampon ka."

Nawala na ang nakakatakot niyang awra at napalitan ito ng medyo nakakaasar. Nakangisi na siya ngayon sa akin. Ang aking Kuya.

Niyakap naman niya ang bewang ko at iginiya kami pahiga sa kama niya. Kinuha niya pa ang mga kamay ko para iyakap din sa kaniya.

Ngiting ngiti naman siya sa position namin.

"Bakit ba tutol na tutol sila sa pagmamahalan natin, e ampon ka naman?"

Doon na lamang ako napasuko sa kaniya. Wala na akong ibang magagawa dahil mapapatay na niya ako kung makakagawa pa ako ulit ng ikakagalit niya.