Chereads / Love Me or DIE / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Hawak-Kamay

Umpisa ng klase hanggang sa matapos ito ay walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang ginawa ni Kuya.

Pati ang pagtawag ko ng Kuya sa kaniya ay nagagalit na siya.

Nang dahil tuloy sa kaniya, hindi na ako nakakain ng lunch ko. Gusto ko nang magsumbong kay Tiya. Pero natatakot akong mapagalitan. Kahit wala naman akong ginagawa ay baka ako pa din ang pagalitan niya.

Kaya eto litong lito ako nang nagpunta akong hardin ng school namin. May mga bench din naman dito. At kumakalma ako dito. Napaka serene kasi at peaceful ang pagkakatahimik nito. Bukod sa may garden e nagsisitaasan din ang puno dito.

Nang uwian na ay siya ko nakita si Kuya sa harap ng gate ng school namin. Nakapagtataka nga lang. Ang alam ko kasi mas mauuna matapos ang klase ko kaysa sakaniya.

Lalapit na sana ako ng lumapit sa kaniya ang ilan kong kaklase at kinakausap siya. Mukhang nagkakasiyahan naman sila dahil nakita ko ang pagpalo ng isang babae sa braso niya at tumawa.

Natural ang pagkakapabebe ng mga babaeng to. Pati pagtawa ay mahinhin at kontrolado.

Imbes sana na dumiretso na sa kaniya, pinili ko na lamang mag istambay muna sa shed na malapit lang din sa gate. Makikita din naman ako agad dito kung titingin lang si Kuya. Yon ay kung titingin pa nga.

Pero sana magkamabutihan nalang sila ng kaklase ko para naman na niya ako tigilan. Tigilan na ang inuumpisahan niya. Dahil sa totoo lang di nasisiyahan dito.

Nang mabored ako kakapanuod paano kasaya ang kwentuhan nila, nilabas ko na lamang ang phone ko. At dito ay nag scroll sa groupchat. May mga pinapagawa pa ang mga guro namin. Mga takdang aralin atsaka pinapaalalahanan pa kami na magreview.

Puyat na naman ata ako neto.

Ibaback ko na sana nang may magchat sakin.

Napatulala naman ako. Wala naman kasi talagang nagchachat sakin bukod nalang kung may mga activities at by group. Pero groupchat parin eto, kailanman ay wala pang naligaw na mag pm sakin.

"Kris De Leon?" pagbabasa ko sa pangalan nang taong nagchat sakin.

Kilala ko kasi eto. Hindi ko siya classmate pero nakasama ko na siya minsan sa mga school clubs.

Bigla naman may humablot sa cellphone ko. Napatingala agad ako at balak na sanang singhalan ng makita si Kuya na nakakunot noo na sakin.

"Andito kalang pala, pinag antay mo pa ako doon sa gate niyo. At sino namang lalaki yang binabanggit mo? Ang pangit ng pangalan. Di ba siya mahal ng magulang niya?" nakabusangot na sabi nito sa akin. Akala mo naman abusado siya sa pag aantay sakin doon e kita ko namang nag enjoy siya.

Saka makalait wagas. Hayyy. Mas pipiliin ko nalang na wag ng makipag away pa dito. Marami pa ako gagawin mamaya.

"Sorry po. May kausap ka pa kasi kaya dito nalang po ako nag antay."

Umikot lang ang mata niya pero di sakin nakatingin. Sa cell phone ko parin.

"Buti naman di mo pa to nerereplyan. Tara na." Binulsa naman niya ang cellphone ko at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit mo po binulsa phone ko? Ibalik mo na po sa akin. May gagawin pa ako mamaya."

Nakatingin parin ako sa kaniya kahit na naglalakad na kami. Tumingin din naman siya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Bakit? Para replyan ang Kris na yon?" mariin niyang tanong. Kaakibat talaga sa tono niya at pananalita ang kasungitan.

Bakit kanina parang di naman siya ganito kasungit?

"Hindi naman po e. May mga pinapagawa lang teachers namin. E andyan po sa phone ko yon. Kaya ibalik mo na po."

Umiwas na lamang ako ng tingin dito at nag umpisa ng maglakad. Pero natigil ako dahil hawak niya pa pala ang kamay ko at bumalik din ako sa kinaroroonan ko kanina ng hilahin ako nito.

"Mamaya ko ibabalik kung kailangan mo na." may pinalidad na saad nito sa akin. Wala naman na akong magawa kundi sumuko na.

Ano pa nga bang laban ko sa kasungitan niya?

Naglakad na kami at nakita namin sa di kalayuan ang sasakyan at ang driver. Sumakay na kami dito.

And this time inalalayan na talaga ako nitong umakyat sa sasakyan. May kataasan ngayon ang sasakyan na ginamit pang sundo.

Nahiya naman ako dahil nakita kong nakatingin pala si Manong sa kamay na hawak ni Uno. Dagli ko nalang itong hinila ng makaupo na ako ng maayos.

Pumasok naman na si Uno at malakas na sinara ang pintuan ng sasakyan.

"Bakit mo inalis?" pinaandar na ang sasakyan at nag umpisa na kaming bumiyahe.

"Po? Ang alin?"

"Tsk!" iritado nitong saad at kinuha ulit ang kamay ko.

This time, mahigpit na ang pagkakahawak nito. Inilusot niya pa sa bawat puwang ng mga daliri ko ang mga daliri niya.

"Hindi naman po kailangang hawakan ang kamay ko, hindi ba?" Napapansin ko nang pasulyap sulyap samin ang driver. Tila ay nakakaramdam ako na makakarating agad kay Tiya ang ginagawa ni Uno.

Tinignan na lang ako ng masama ni Uno pero di parin binibitawan ang kamay ko. Ipinatong niya pa ito sa hita niya kaya medyo napaurong ako palapit sa kaniya.

Hinayaan ko na lamang siya sa ginawa niya. Basta ba sana ay hanggang ganyan lang siya.

Okay lang siguro yon. May nakikita din namang akong magkapatid na magkahawak kamay.

Baka natatanggap na ako ni Kuya bilang kapatid niya at ayaw niya lang na tawagin ko siyang Kuya dahil di naman gaano nagkakalayo ang edad namin.

Hanggang sa makauwi ay doon na binitawan ni Kuya ang kamay ko. Natuwa naman na ako dahil namamawis na ang kamay ko. Alam kong ramdam niya yon, pero di niya parin talaga binitawan ang kamay ko.

Nakita namin si Tiya sa sala at nagbabasa nang mga papel na nakaibabaw sa mesa. Medyo madami iyon. Siguro sa business nila.

May business kasi sila Tiya na flower shop. At may taniman din sila ng mga bulaklak sa probinsya. Kaya ganoon siguro sila kabusy. Tapos si Tiyo naman ay seaman at nasa barko pa ngayon.

"Ma!" lumapit naman si Kuya sa Mama niya at humalik sa pisngi nito.

Binaba nito ang hawak na papel at tinignan nang masama si Uno. Di ko naman maintindihan kung bakit. Kadalasan kasi ay masaya itong makita si Uno sa tuwing nauwi ito. Ngayon lang talaga siya mukhang irita.

"Tiya, andito na po ako. Mano po."

"Umakyat kana Serina. Padadalhan nalang kita ng meryenda kaya wag ka ng bumaba." nagtataka naman ako sa sinabi nito.

Pero ang Salita niya ay Utos dito sa kabahayan niya. Kaya sumang ayon na lamang ako at pumanhik na papuntang kwarto ko.

Habang naglalakad ay rinig ko ang mariing pagtatalo nila Tiya.

"Napakaaga mo atang umuwi? Hindi ba may isa ka pang klase?" boses ni Tiya.

"Wala namang gagawin, kaya sumabay na ako kay Serina. Wala namang masama doon diba?" kahit sa tono nito ay napakamaloko. Halos mainis kaagad ang kakausap dito.

"Binabalaan kita First Froilan. Hindi sa lahat nang gusto mo ay makukuha mo." eto na lamang ang huli kong narinig.

Pagkarating ko sa silid ko ay nilock ko na agad ito. Maliligo na muna ako bago umpisahan ang gawain sa ibaba. Sobrang init ng panahon kanina at grabe ang ipinawis ko.

Nang matapos maligo ay lumabas na ako. Nagpupunas pa ako ng buhok ko nang may mapansin akong tao na nakaupo sa mesa ko.

"K-Kuya? Bakit ka andito? Labas ka po." nagmadali naman ako ulit na pumasok sa banyo. Nakatapis lang kasi ako ng tuwalya sa katawan ko.

Bakit siya andito sa silid ko? Hindi ba nilock ko ang pinto ko? Hindi ako maaaring magkamali dahil tanda ko pang nilock ko talaga to.

Wala naman ako narinig na yabag ng paglalakad.

"Kuya?" pagtawag ko sa loob ng banyo.

Tumingin naman ako sa labas ng banyo at nandoon pa talaga siya sa kama at busy na sa pagcecellphone. Napansin ko namang cellphone ko iyon.

"KUYA!" Malakas ko nang tawag dito at sa wakas ay tumingin ito sa akin. Tumayo na ito at lumabas.

"Tsk! Istorbo."

Aba ako pa daw ang istorbo. Napaka walang modo naman niya.

Pagkalabas niya ay nagmadali naman at nilock ang pintuan saka iniharang ang isang upuan dito. Medyo may kabigatan ang upuan dahil gawa ito sa kahoy pero nakaya ko namang iurong.

Nang bumalik sa ulirat ko kung paano ulit nakapasok si Kuya sa kwarto ko ay mas lalo akong kinikilabutan. Kaya nagmadali na akong magsuot ng mga damit. Kahit naman mabigat ang upuan na ipinangharang ko makakapasok siya kung nanaisin niya.