Dahilan
Nakauwi na kami. Dumiretso naman sila Tiya at Nanay sa silid aklatan dito sa loob ng bahay. Soundproof ito. At kahit nasa labas lamang ako ng pintuan ay di ko sila maririnig. At kahit sumigaw ako dito ay hindi nila maririnig.
Andito ako sa tapat ng pintuan dahil sabi ni Tiya ay maghintay ako.
Ilang minuto lang ay lumabas na si Nanay.
"Pumasok kana daw." Ganon parin ang tono nito. Nakakapanghina dahil parang wala na siyang pakialam sa akin.
Tumango na lamang ako dito at hindi nagsalita.
Pumasok na din ako sa loob ng silid at nakita si Tiya sa isang upuan sa gilid.
"Maupo ka dito, Rina." utos nito na aking sinunod. Hindi na masyadong masungit ang tono nito.
Na kahit papaano ay nakakaganda ng mood.
"Nagkausap na kami ni Nanay Saling at sinabi niyang nais na niyang umuwi sa bahay nila sa Cebu." hindi na lamang ako nabigla. Naramdaman ko naman na ito ang nais niya.
"Pumayag po ba kayo Tiya?" may kaunting pag asa sa akin, na sana hindi. Pero pagiging makasarili ito. At ayaw ko.
"Mas makakabuti ito sa kaniya Rina, alam natin iyon."
"Pero Tiya, bakit po ganoon si Uno?" hindi ko masabi ng biglaan ang nais ko dahil baka magalit si Tiya. Kahit ganoon kasi si Uno ay mahal na mahal nila ito.
"Sa totoo lang ay hindi ko alam Rina, pero may obserbasyon na ako dito. Nakikita mo naman, simula pa noon ay walang kaibigan si Uno. Ni ang lumapit sa kaniya ay ayaw ng iba dahil natatakot daw sila sa kaniya. Nung dumating ka ay ilang taon muna bago ka niya nilapitan. Bago sa kaniya ang pakiramdam na may malapit sa kaniya, bukod sa akin at sa Tiyo mo. At dahil sa nag iisa ka ay ayaw ka niyang mawala." mahabang paliwanag ni Tiya. Unti unti ko naman itong naintindihan.
Ang lahat nga ay may dahilan.
Siya nga ay walang kaibigan. Ni ang bumisita sa bahay dito o ang malaman namin na gumala siya kasama ang kaibigan ay wala. Kahit ngayon na magtatapos na siya ng High School ay wala.
At ako lamang ang naging kasama nito.
Naalala ko rin ang minsang naghintay siya sa akin sa gate at doon ay may kumausap sa kaniyang mga kaklase ko.
Masaya siyang nakikipag usap sa mga ito. Parang sabik siya ng kumausap ng ibang tao.
"Nais ko sanang intindihin mo muna siya. Pero wag ka mag alala, bukas ay ipapacheck up ko siya sa kilala kong Psychologist. Hindi biro ang pagtangka niya kay Nanay Saling."
"Sige po Tiya."
"Nais ko din sanang nandon ka kasama niya."
Nabigla naman ako. Bakit kailangan ko pa sumama?
"Baka sakaling matakot siya ay andon ka kasama niya. Alam mo ang malaking epekto sa isang tao kapag alam niyang may kasama siya."
Tumango ako dito. Oo nga, malaking epekto nga ito. At malaki ding epekto kapag aalis na ang taong sandalan mo.
"Sige po Tiya. Pumapayag po ako."
"Pero pupwede mo ba siyang tawaging Sir? Hindi Kuya o Uno, gusto kong tawagin mo siyang Sir."
"Bakit po Tiya? Baka mas lalo po siyang magalit sa akin?"
"Baka magbago pa ang pagtingin niya sa iyo. At kung maaari ay iwasan mo siya. Para di na magtagal ang usapan niyo, sumang ayon kana lamang sa kagustuhan niya o di kaya umalis kana at magsabi na may gagawin kapa. Please lang Rina, ayaw ko na makita kayong ganoon ng madatnan ko kayo sa kusina. Sabay na kayong lumaki Rina at turing ko na sa inyo ay mga anak."
Niyakap naman ako ni Tiya at doon ay umiyak.
Kahit pala strikta sa akin si Tiya ay mahal niya parin ako. Baka ito ung way niya para maipakita sa akin ang pagmamahal niya. Ito ang alam niyang makakabuti sa akin.
At mali ako na nagtatanim ako sa kaniya ng galit at iniisip na kinokontrol niya ang buhay ko dahil sa kagustuhan lamang niya. Kinokontrol niya lamang ito para sa aking ikabubuti.
At dito ay napaiyak ako. Akala ko kasi ay wala na ang dati kong Tiya.
Marahil ang lahat ng tao ay nagbabago. Nagbabago para sa ikabubuti ng lahat.