Morning came and this time, inagahan ko na ang pagbangon. Pati pag tulog ko ay inaagahan ko. Kahit madaming bumabagabag sa isipan ko nakatulog parin naman ako. Through the help of music.
Pagbaba ko ay binilisan ko na ang pagdidilig ng mga halaman at pag wawalis. Saka ako nagluto ng almusal. Sabado na ngayon pero maaga parin si Tiya na nag aalmusal.
Lahat pala kami ay maagang kumakain. Kahit si Uno ay sumasabay na din sa amin mag almusal ng napakaaga.
Heavy meal ang mostly na almusal ni Uno, si Tiya naman ay hindi mawawala ang tinapay at omelet at kape, samantalang ako ay paiba iba.
Gutom naman ako ngayon kaya nagsaing ako ng kanin saka nagluto ng ham at dinamihan ba ang omelet. Nag fried na din ako ng hotdog. Ang ibang hotdog naman ay nicut ko into small circle at prinito kasama ng ketchup.
Saka niprepare ko na ang kape ni Tiya. Gatas naman sa amin ni Uno. Saktong alas syete ng matapos ako. Nakita ko namang nakababa na si Uno, nakangiti habang nakaupo. Maganda ata ang gising.
Ngumiti din ako sa kaniya. Saka din naman bumaba si Tiya at may dala dalang newspaper. Mukhang galing siya sa labas.
"Magandang umaga Tiya." bati ko dito.
"Magandang umaga din sayo." bati ko din kay Uno.
Mas lalo naman lumawak ang pagkakangiti nito. Si Tiya naman ay ngumiti lang din.
Saka na kami inutusan na mag umpisa ng kumain kaya kumain na kami. Tahimik lamang akong kumakain at rinig na rinig ang malakas na pagbanggan ng kutsara at tinidor sa plato nito.
Magana itong kumain to the point na nabilaukan ito. Yep nabilaukan.
"Uno, what are you doing?" dinaluha ito ni Tiya at buti nalang may tubig sa harap nito. Ininom nito agad ang tinapik tapik ang dibdib.
"Bakit kasi nagmamadali?" nag aalala ko ding tanong.
"Ang sarap ng pagkain ngayon Mama e." saka ito tumingin sa akin at kumindat.
Nagkatinginan naman kami ni Tiya.
Iba ata epekto sa kaniya nung hotdog na prinito kasama ang ketchup?
¬¬¬|
Pagkatapos kumain at maghugas ay pumunta ako sa taas at naligo. Mayroon kasi kaming project na by group. Nagchat naman sila sa groupchat namin na ngayon na nila nais gawin ito para sa mga susunod na mga araw ay wala ng poproblemahin.
Lahat naman sila sumang ayon kaya wala na akong nagawa pa. Paglabas ko ng banyo, nagbihis agad ako ng isang maong na pullover at sa loob nito ay simpleng white shirt na may print sa harap at sa likod.
Niprepare ko din ang bag na gagamitin ko. Pinili ko na lamang ang totebag. Nilagay ko dito ang isang notebook, ballpen, gunting, pandikit at iba pang materyales na gagamitin namin. Naglagay din ako ng earphone, panali ng buhok, at extra shirt na nilagay ko sa isang plastik para di madumihan.
Sa pang ibaba ko naman ay nagsuot lamang ako ng slide na step in. Masyadong comfy lang sa paa at para halatang mag aaral lang at hindi gagala.
Lumabas na ako at nagpaalam kay Tiya. Sakto naman andon si Uno kaya narinig niya kung ano gagawin ko.
Masama na ang tingin nito sa akin at nakakunot ang noo.
"Tiya, aalis na po ako." pamamaalam ko at lumabas na. Hindi ko na lamang pinansin si Uno. Nag iinarte lang siguro ito.
Bigla naman may nagtext sakin.
'Dalian mo sa paggawa ng project mo. May bibilhin ako, samahan mo ako.'
Sa pagkakautos palang nito alam ko ng si Uno ito.
Kaya pala parang nakapanlakad din siya.
Nagtype na din ako ng reply.
'Opo.'
Sabi ko nalang dito. Nag reply naman siya ng oras at lugar kung saan kami magkikita. Alas onse daw at sa SM nalang kami magkikita. Umoo nalang ulit ako.
Atsaka pumunta sa isang park kung san andoon na ang ibang kagroup ko. Inumpisahan na agad namin ang ibang gagawin sa project namin. Para matapos agad.
Bandang alas dose na din ng matapos kami. Ako agad ang unang nagpaalam saka pinuntahan si Uno. Ni silent ko kasi ang phone ko kasi iniistorbo ako nito.
Text ng text kung ano na ginagawa ko, matagal pa daw ba, sino kasama ko, dapat daw madami kami, at kung anu ano pa.
Napaka bored na niya ata sa buhay.
Malapit lang ang park kung nasan ako sa SM. Dito ko naman nakita agad si Uno. Nakakunot ang noong nagtatype sa cellphone.
May plano sana akong gulatin ito. Pero bago ko palang siya magulat, tumingin na ito sa akin. Kaya in the end, ako ang nagulat.