Chereads / Love Me or DIE / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

Pagkabalik ko ng kwarto ko, I don't think I'll be able to sleep. Bumabagabag sa isip ko ang mangyayari bukas.

Hanggang sa kinatulugan ko na ang pag iisip ko kay Uno.

Kinaumagahan...

Nagising ako ng maaga kaysa sa usual ko. Lumabas na agad ako ng kwarto ko at trinabaho ang garden ni Tiya. Nagtagal din pa ako ng ilang oras doon sapagkat masyadong napaaga ang gising ko.

Halos kakapikit ko lang din ng magising ako. At dahil na rin sa body clock ko, maaga talaga ako nagigising.

Pero hindi man lang ako nakakaramdam ng antok ngayon. Gising na gising parin ang isipan ko para isipin uli si Uno.

Ano ba naman yan.

Para mawala na muna kahit papaano sa isipan ko si Uno, nagplay ako ng music habang nagtatrabaho. Nagsuot na din ako ng headset.

And that calms me and my mind.

Busy akong nagtatrabaho ng biglang may humugot mula sa tenga ko ng headset ko. Humarap ako sa taong humugot nito at sisinghalan na sana.

But I stop as I saw a pair of eyes coldly staring at me. But I compose myself immediately. Nakakahiya lang dahil nakanganga na ako para magsalita pero natigil lang.

Hindi ko na lamang ito pinansin at tinuloy na ang ginagawa.

"Its my check up today, di mo ako papansinin?" After niya tanggalin ang headset ko, di ko na ito muli pang ibinalik sa tenga ko. Binulsa ko na lamang.

"Did you know its rude to just pull headset from someone and not saying sorry?" well, dapat siguro pag sabihan din siya ng kahit simpleng pagkakamali niya diba?

Tolerating him just makes it worse.

"If only you will hear me. Kanina pa ako nagsasalita, hindi mo naman pala ako naririnig because of that thing." singhal niya sakin.

"Una, di ko naman kasalanan yon. Magheheadset ako sa ayaw o sa gusto ko. At pangalawa, ganon mo talaga gusto kuhanin atensyon ko? Pwede mo naman ako kalabitin. At don pwede ko namang hugutin ung headset ko ng sarili ko. Hindi mo kailangan hugutin yon ng pabalang. Masakit din kaya yon." mahabang litanya ko dito.

Hindi naman ito nakaimik at nakatingin na lamang sa akin. Kino contemplate niya siguro ang sinabi ko.

Hanggang sa magbuntong hininga siya at mawala na ang pagkasungit sa mukha niya.

Maamo na ulit ito.

"Okay, I'm sorry. I won't do it anymore." halata ko naman ang sensiridad sa boses nito. Kaya tumango na lamang ako at ginulo ang buhok nito. Saka umalis sa harapan niya at niligpit ang mga kagamitan na ginamit ko.

Nakasunod lang naman siya sa akin. Na hinayaan ko nalang din.

Pumunta na ako sa kusina at doon ay nagluto ng almusal.

Tinulungan niya ulit ako tulad ng kagabi at napapansin ko ang pagkakunot ng noo niya habang nagpiprito ako.

Nang matapos ako ay ganon parin ang kilay niya. Magkasalubong.

Kaya humarap ako sa kaniya at hinawakan ang kilay niya saka kunwaring inayos ito.

"Ayusin mo to, sige ka baka tuluyang magdikit yan haha." cool ko na lang na sinabi dito. Mukha kasing dinamdam niya ang sinabi ko kanina. Hindi na niya ako inimik pa e.

"Hindi kana galit?" tanong niya.

"Hindi naman po ako galit. "

"Pero kanina, you look mad." tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa kilay niya. Di ko napansin na nakahawak parin pala ako don.

"I'm not. Pinagsasabihan lang po kita. Btw, ready kana po ba mamaya?" tanong ko na lamang dito. He should be ready. Ang alam ko maaga pa kami dahil makikimisa muna kami bago dumiretso sa doctor.

"Andon ka naman e. Okay lang ako." his answer was kinda weird. But its fine. Okay lang daw siya e. Ready or not, ang maganda okay siya.

Nagkibit balikat nalang ako sa kaniya at nagprepare na ng almusal.

And the usual set up sa table, hanggang sa pagbibihis ko sa kwarto ko. At pag alis namin sa bahay.

I am wearing a simple dark blue dress with white collar. May butones din siya. At pinaresan ko ng white sneakers. Nagdala din ako ng maliit na sling bag na pinaglagyan ko ng phone, ID and wallet ko. I also put some lip gloss. Para presentableng tignan.

At kapansin pansin ang pagtitig sa akin ni Uno.

Sinabihan din ako ni Tiya na wag maglalapit kay Uno kapag nasa public na kami. Sa kaniya nalang daw. And so, I obliged.

Kahit sa sasakyan, pinasakay ako ni Tiya sa harap. Uno was staring at me the whole ride and Tiya was aware with it. Kaya kinakausap niya si Uno at pinipilit talaga na kuhanin ang atensyon nito. But it looks like his stares were locked into me. Kaya nag cellphone na lamang ako.

I also took some random photos of me inside of the car. Like I took photo of my shoes, my bag, my dress, and myself in the side mirror of the car.

Then nagpost na lamang ako sa ig acc ko.

Sakto naman nakarating na kami sa simbahan at nauna na agad na bumaba si Uno. Bumaba na din ako at andon na agad siya sa harapan ko.

"Shoot!" random words again when I'm shocked.

"Stay by my side. I'm getting pissed." walang gana niyang sinabi saka hinawakan ang kamay ko at hinila papunta kay Tiya.

Tyetyempo na sana ako para alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero tinignan ako nito ng masama.

Tumingin naman sa amin si Tiya at halata na ang inis nito.

Heto na naman. Naiipit na naman ako sa kanilang dalawa.

"Stop it, First Froilan. Nasa simbahan tayo." sermon agad ni Tiya ng magsama sama na kami papasok. Hindi naman na umimik si Uno, pero humihigpit ang pagkahawak nito.

Napapansin din namin ang patingin tingin ng ilan sa amin. Kaya nagmadali na lamang kaming pumasok sa simbahan at naghanap ng mauupuan.

Nang papaupo na kami, Tiya made herself sit in the middle of me and Uno.

Alam ko na kailangan namin maging mabait ngayon kay Uno, pero not in public. Mamaya nalang siguro namin siya susuyuin once na kami kami nalang ang magkakasama.

People here knows we're siblings. And it is a sin if they found out Uno is acting weird on me. We're not blood related, pero sa mata nila at paniniwala nila ay magkapatid kami.

And now I understand why Tiya blocking what Uno doing.

Kasi kami lang din ni Uno ang masisira. Everyone will judge us, just like how Tiya judge in the first place.