Chereads / Love Me or DIE / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

Matapos ang pag-uusap namin ni Uno at makapasok ako dito sa kwarto, hindi na ako tinantanan ng mga katagang sinabi niya sa akin. Katagang paulit ulit sa utak ko.

Kaseryosohan sa kaniya ay halata ko. Kung paano niya ito sabihin at kung paano ako balaan ng mga salitang ito.

At hanggang ngayon ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko. Ayaw kong lumabas pa.

Alam ko magagalit si Tiya, pero nais ko muna ang mapag isa. Nais ko munang pakaisipin ang lahat ng bagay.

Bata pa ako. Bata pa kami.

Pero bakit siya ganito?

Kung panaginip lamang sana ito, nais ko na lamang magising. Kung panaginip lang sana ito.

Buong gabi, nakatitig lamang ako sa kisame. Kung nakakatunaw lang ang titig ko malamang na butas na itong kisame. Ilang ulit kong pinilit matulog pero nauuwi lamang akong gising pa rin at nakatitig sa kisame.

Binuksan ko ang cellphone ko at nalamang alas dos na ng umaga. Madaling araw na pala pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok.

Kaya naisipan kong magpinta nalang. Pagpinta ang pampalipas oras ko. Nalalaro ko ang mga kulay at malaya ang kamay ko sa bawat kumpas nito.

Nilabas ko ang pinakatatago kong kagamitan na nasa ilalim ng kama ko. Nakabalot ito kaya hindi mo malalaman kung ano ito hangga't hindi mo nabubuksan. Niset-up ko ito sa tabi ng bintana. Wala ng ilaw sa kwarto ko pero maliwanag ang buwan na sumisilip sa bintana. Kaya naman hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw sa kwarto ko.

Kusa na agad gumalaw ang mga kamay ko. Mula sa paghahalo ng kulay hanggang sa mailapat ko na ito. Tuloy tuloy lang ang kamay ko. Halos wala akong maisip na iba.

Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko hindi ko namalayang nakapasok pala si Uno sa kwarto ko.

Napaigtad na lamang ako ng may mainit na hininga ang dumapo sa batok ko.

Tinigil ko ang pagpinta. Kahit hindi siya magsalita ay kilala ko na ang presensya niya. Hindi na din ako nag taka na nakapasok siya dahil hindi nakalocked ang kwarto ko.

"Bakit ka tumigil?" Lumapat ang braso nito sa bewang ko at pinahinga niya ang baba niya sa kaliwang balikat ko.

Ang inuupuan ko ay walang sandalan, kaya naman madali niya itong magagawa. Umupo naman siya sa isa pang silya na naririto sa silid ko.

Huminga muna ako ng malalim bago inangat na muli ang kamay ko. Pinagpatuloy ang pagpipinta.

Nagsalita siyang muli,  "Hindi ka kumain kanina, hindi ka pa ba nagugutom?"

Kusang umiling ang ulo ko. Parang may sarili itong buhay na sumagot kay Uno.

Hindi ko na muling narinig si Uno na nagsalita. Tanging paghinga na lamang niya ang nararamdaman ko. At ang paminsan minsang pisil niya sa bewang ko hanggang sa yakapin na ako ng kaniyang mga braso.

"Hindi na ako makahinga." sambit ko ng humihigpit na ang akap niya sa akin.

"Sorry," niluwangan naman niya ito pero nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi ko na pinalis ang pagkakayakap niya dahil nararamdaman kong komportable ako. Kahit sagabal minsan ang mga braso niya ay nagugustuhan ko ring nakahawak ito sa akin.

Mahabang katahimikan muli ang namayani sa akin. Nagustuhan ko naman ito.

Natapos na ako sa pagpipinta ng magsalita siya at banggitin ang sinabi niya kanina.

"About a while ago... I'm serious. I think about it every night. Noong una akong makaramdam ng iba towards you, pinigilan ko ito. It's not normal, I know. Something strange whenever I look at you makes me go crazy. Whenever I look at you I just can't take my eyes off. At kahit pigilan ko ito ay mas lalo lamang itong lumalala. Mas nahuhubog ang nararamdaman ko sa tuwing pipigilan ko ito. Hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sayo at paanong napukaw mo ang tingin ko. I usually don't care at everything. It's not my usual self to feel concern towards someone. But when it comes to you everything feels so normal.

Naisip ko ang sasabihin nila Mama at Papa. Kaya pinilit ko talagang ipagsawalang bahala ang nararamdaman ko sayo. Pero napakahirap. Napakahirap ngayong hulog na hulog na ako sayo..."

Ni pag aalinlangan sa tono niya ay di ko nababakasan. Tuloy lang siya sa pagsasalita. Tuloy lang siya sa pag oopen.

"Kung sasabihin mong tumigil ako, hindi ko magagawa. Kasi lagi ko rin pinipigilan ang sarili ko. Ayaw kitang mapahiya at mahusgahan ng ibang tao. Pero mas ayaw kong malayo sayo. Ayaw kong hindi naipapakita sa iyo ang nararamdaman ko ngayong alam kong gusto mo rin ako. Hindi man ganoon kalalim sa nararamdaman ko pero alam kong gusto mo ako," pagpapatuloy niya. Ang yakap niya ay humihigpit at halos ayaw akong pa kawalan pa sa kaniyang bisig.

"Bata pa tayo Uno. Hindi ito ang dapat nating unahin. At kung sakali mang papipiliin ako nila Tiya, kung ikaw o ang pag-aaral ko... Uno... alam mong hindi ikaw ang pipiliin ko," pagpapatotoo ko. Ayaw kong umasa siya sa akin. Kahit pa na gusto ko siya, may pangarap akong gustong abutin. At ito ang uunahin ko. Masakit man pero alam kong makakabuti ito.

Gano'n pa man ay hindi siya nagpatinag. "Alam ko naman iyon e. Hindi ako manggugulo sayo, sa pag-aaral mo. Pero huwag mo naman akong itulak. Huwag mo akong pigilan. Susuportahan kita sa gusto mo, kahit ano pa yan, basta nasa tabi mo ako. Kasama mo akong aabutin ang pangarap mo. Sasamahan kita. Hindi ko ipagkakait ang gusto mo pero gusto ko ay ako lang..."

Kinuha niya ang kamay ko at pinagdaop ang kamay naming dalawa. Gano'n pa rin ang posisyon namin.

"Makakapaghintay ka ba? Wala akong maipapangako sa iyo..."

"Hindi pa ba kita hinihintay sa estado natin ngayon? Pero alam kong kahit gaano pa katagal, hihintayin kita. Hihintayin kong ipaglaban mo ako. Basta hayaan mo ako ngayon. Hayaan mong ipaglaban kita, ang malabong tayo ay papalinawin mo. Basta ba'y bigyan mo ako ng pagkakataon."

Dahil sa sinabi niya, matagal akong nawalan ng sasabihin. Nakakatukso ang mga sinabi niya. Pero natatakot ako. At di ko namalayang naisambit ko din ito sa kaniya.

"Natatakot ako Uno,"

Humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko.

"Alam ko. Kaya ako muna ang lalaban. Para sa atin. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na patunayan ito sa'yo."

Humigpit din ang hawak ko sa kamay niya. Napakahigpit na halos dito ko na ibuhos ang inis ko. Naiinis ako kasi nasa ganito kami. Naiinis ako kung bakit ba kasi siya pa ang naging anak ng mga umampon sa akin.

Kung sana lang ay ibang tao na lang siya, mas magiging madali ang lahat.

Walang pagtutol na magaganap.

Pero kahit sa ganoon ay nakabuo ako ng pasya.

"Uno, nais ko sanang sabihin na ito kay Tiyo. Napakabuti niya sa akin at ayaw kong mawalan siya ng tiwala sa akin kung sakali mang sa iba pa niya malalaman. Kung paghihiwalayin man tayo, susubukan kong ipaliwanag ang nais ko. Bibigyan kita ng pagkakataon pero hindi masisira ang pag-aaral natin. Magiging sikreto muna tayo at sa loob lamang ito ng pamilya. Gayunpaman, ay magiging totoo tayo sa isa't-isa. Mangangako kang ako lang at mangangako akong walang iba kundi ikaw lang din. At kung sakaling lumabag man ang isa sa atin ay hahayaan ko na sila Tiya na paghiwalayin tayo. Kahit anong desisyon mo man ay walang silbi."

Walang pag-alinlangan naman siyang sumagot, "Tinatanggap ko ang pasya mo. At salamat pinagbigyan mo ako. Hindi man ako perpekto pero gagawin ko ang lahat para sumaya ka sa akin at sa pasya mo. Mapapaiyak man kita pero pinapangako kong hindi ko ito sinasadya at ayaw kitang saktan," buong puso niyang sabi sa akin.

Binitiwan ko ang kamay niya at humarap sa kaniya. Iniyakap ko ang mga kamay ko palibot sa kaniyang ulo at nagsumiksik sa leeg niya.

Nagulat man siya, nagawa niya pa rin akong yakapin sa bewang.

Wala ng ibang nagsalita. Katahimikang muli ang namayani hanggang sa hindi ko inakalang nagupo na ako ng antok.