Serina's POV
Tatawa tawa akong bumaba. Nakakatuwa palang asarin si Uno paminsan-minsan. Nakita ko naman si Tiya sa hapag kainan at dito na ako tumahimik at pinirmi ang mga labi na hindi ngumiti.
Nahiya ako.
Baka isipin ni Tiya ay umaabuso ako kahit kakapayag palang ni Tito. Kaya naman tahimik nalang akong umupo nang seryoso ang mukha.
"Gising na ba si Uno?" nagulat naman ako ng mahinahon lamang akong tinanong ni Tiya at napakalambing pa.
Tumango ako, "Opo Tiya. Nag-aayos lamang po siya at pababa na rin po."
Ilang sandali lang din narinig na namin ang pababang hakbang ni Uno. Halos mapirmi ang mata ko sa hagdan at hinihintay siyang bumaba.
"Serina, ang mga plato?"
Abang na abang akong naghihintay sa kaniya.
"Serina? Pababa na si Uno, nasa'n na ang mga kubyertos at makakain na tayo."
Bakit parang antagal naman ata niyang bumaba? Ang bagal ng hakbang niya akala mo nasa buwan.
"EHEM!"
Nawala saglit sa hagdan ang paningin ko ng malakas na tumikhim ang nasa likuran ko.
Si Tiya.
Mabilis naman akong tumingin kay Tiya, "Naririnig mo ba ako, Serina?" mababa ang tono ng pananalita ni Tiya pero kutob ko ay naiinis na siya sa akin.
Kanina pa pala siya nagsasalita hindi ko man lang napapansin. Hala, kainis.
"Ano po iyon Tiya?" may alanganing ngiti ang nakapaskil sa labi ko ng magtanong ako.
Lagot ako. Kung kailan naman ako unti unting tinatanggap saka ako nagkakamali.
"Ang mga kubyertos." pahayag ni Tiya.
Dagli naman akong tumayo.
"O-opo Tiya. Paumanhin po." nauutal pa akong sumagot. Halatang kinakabahan ako.
Bago pa ako makaalis nakarinig pa ako ng tawa. Nilingon ko ito at nakita si Uno. Natawa pa talaga siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy na sa kusina at kumuha ng plato't kutsara, tinidor at baso. Isa isa ko iyong maayos na inilapag. Tutulungan pa sana ako ni Uno ng umiling ako. Hinayaan na din niya ako ng umpisahan na ni Tiya na kausapin siya.
"Malapit na ang bakasyon niyo, uuwi tayo kila Lola mo."
Napatingin din ako kay Tiya ng buksan niya ang topic na 'to. Naalala ko ang usapan namin dati na hindi ako makakasama sa kanila kung doon sila magbabakasyon.
"Sasama ako...kung sasama rin si Serina." normal ang pagkakasabi ni Uno na parang wala lang ito.
Tinignan ko naman siya ng masama pero nginitian niya lang ako.
Bumalik na ako sa kusina para kumuhang pitcher ng tubig. Pero kahit andito ako narinig ko pa rin ang sagot ni Tiya kay Uno.
"Alam mong ayaw nila Serina. Sasama lamang ang loob ni Serina kung sakaling pupunta pa siya roon."
Naalala pa pala ni Tiya kung paano ako nawalan ng gana at umiyak habang andoon kami sa mga kamag-anak nila.
"Then, I won't go there too." matapang na sagot ni Uno na ikinabigla ko. Muntik ko pa mahulog ang pitcher. Buti nalang at nakaalalay ang isa kong kamay dito.
Bumalik na ako sa lamesa at inilapag sa gitna ang pitcher. Umupo na rin ako sa katapat na upuan ni Uno.
Nagsalita ulit si Tiya pero nakatingin na siya ngayon sa akin. "Serina, nais ko sanang pilitin mong sumama sa akin si Uno." hindi pakiusap ang dating ng mga salita ni Tiya. Bagkus isa itong utos.
At sino naman ako para tanggihan ito?
Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako pupwedeng tumanggi sa kanila.
"Uno, sumama kana sa kanila. Batid kong namimiss kana din ng iyong kamag-anak doon. Lalo na ang iyong lola at lolo." nakangiti at mahinahon kong pakiusap kay Uno.
Inirapan naman niya ako.
Aba! Nagsusungit pa talaga siya.
"Kumain muna tayo, Mama." sa sinabi niya mukhang natauhan si Tiya at nagbigay na ng hudyat para kumain na kami.
Naging tahimik lang kami sa pagkain. Naunang natapos si Uno, napansin ko kasing nagmadali siya sa pagkain. Ako naman ay halos maubos na rin dahil kaunti lamang ang kinuha ko. Nabusog na ako dahil naggatas din ako pagkagising ko. Si Tiya ay ganoon din.
Natapos kaming lahat at inutusan na akong magligpit. "Ikaw naman Uno, mag uusap tayo." bumalik sa pagiging masungit si Tiya. Ayaw na ayaw niya ang kumokontra sa nais niya, napapansin kong ugali ni Tiya.
Naghugas naman ako ng pinagkainan at nag vacuum sa loob ng bahay. Saka ako pumunta sa taas at dumiretso sa kwarto ko.
Nalalapit na ang pagtatapos ng klase kung kaya't naisipan kong ayusin na ang mga school works ko. Mga exams and quizzes ang una kong inayos, saka ang mga activities and projects. Niclassify ko sila base sa subjects and dates.
Halos patigil tigil naman ako sa pag-aayos sa pag aalala kung ano ang gagawin ko sa bakasyon. Hindi naman kasi pupwede na sumama ako kila Tiya. Hindi ko rin naman gusto ang tumunganga lang dito sa bahay.
Maganda siguro kung maghahanap ako ng trabaho. Sa mga karinderya lang siguro ako pwede dahil grade 11 palang naman ako at underge pa.
Si Uno naman, gagraduate na siya ngayon sa Senior High. Magka-college na siya. Nais ko sana siyang regaluhan may naipon din naman ako.
Pero wala naman akong maisip na iregalo sa kaniya. Ang mamahal din kasi ng mga gamit niya. Baka di ko afford ang mga iyon. At kung bibili ako ng mumurahin ay baka di niya gamitin.
Mamaya siguro ay bubuksan ko na ang alkansiya ko at magtitingin mamaya ng pupwedeng iregalo through online. Pero sana naman may mura doon.
"Hoy!" may biglang humawak sa braso ko.
"Ay mahal!" napasigaw naman ako sa gulat.
Iyong taong nanggulat naman sa akin ay nabigla din. At halos lumuwa na ang mata niya dahil sa sobrang pagkakalaki nito.
Napansin ko rin ang pagpula ng pisngi nito na umabot hanggang sa tenga at leeg ko.
Hala! Saka lang nag sink in sa utak ko ang sinabi ko.
Hindi naman iyon endearment e, pero dating ata may Uno ay na tawag ko siyang MAHAL!!!
Naku naman self🤦♀️
***
In the photo was Serina. Remember when Uno invade her phone and saw pictures of Serina so many? It is because Serina is into Photography. And she make herself as her own model.
Hope you enjoy it. Tell me your thoughts, plishhh???