Chereads / Love Me or DIE / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

Unexpected

The ride was so fun. Hinayaan ni Uno na nakabukas ang bintana. Hinayaan din niya akong pumili ng tutugtugin sa stereo. And, sinabayan namin pareho ang mga kanta.

I was kinda shocked hearing him sing. I never knew that he can sing so well. Hindi ko pa siya naririnig kumanta, ngayon lang.

And I'm amazed. Malamig ang boses niya pero malamyos ito. Tila hinihele ka lang talaga ng pagkanta niya. Sabayan pa ng malamig na hangin, talagang nakakaantok. Pero kahit gano'n nakatitig lang ako sa kaniya at pinipigilan na makatulog.

Ang gwapo niya lang ulit sa paningin ko.

Nabigla na lamang ako ng huminto na kami sa lugar na di ko alam.

"Is this the place?" Nagtanong na ako.

"Opo, Miss. Dito tayo magdedate." ngiting ngiti ulit siya. May pasipol sipol pa.

"I thought sa fancy resto tayo. I mean, sabi mo bagay ang place na ito sa suot ko." naguguluhan kong tanong.

Kasi I expected something talaga. Na at least sa resto o sa mall kami. For sure may bukas lang mall dito.

Pero in a public food court?

Napatampal nalang ako ng noo ko. At napapikit.

Bakit pa pala ako magtataka na sa matinong lugar kami e siya nga hindi nakabihis ng matino?

Naramdaman ko namang pumulupot ang mga braso sa bewang ko. And I know si Uno 'to. Tinignan ko naman siya at kitang kita ang pagkakangiti.

"Dito nalang tayo? Please?" at nagpout pa siya! Who am I to resist this cutie patootie? Char. Baka magalit kapag sinabi ko iyan.

"Alright! May magagawa pa ba ako?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at kinurot.

"Mashakit!" daing niya ng higpitan ko pa ang pagkakapisil. Nanggigil na ako e. Binitawan ko na lang tuloy. Kaawa naman. Namumula na agad ang mga pisngi niya hahaha. Bumakat iyong kamay kong pinangpisil ko sa kaniya. Though, gwapo pa rin naman siya.

*tsup

Nabigla naman ako ng kintalan niya ako ng halik sa pisngi. Napatulala tuloy ako. Biglang huminto ang lahat. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang mga nasa bagay na nasa tiyan ko at para akong kinikiliti. Ang lakas ng tibok ng puso ko at halos gusto ng lumabas sa dibdib ko. Naririnig niya kaya ito?

Muli ay hinalikan niya ako sa pisngi pero ngayon ay nagtagal ito. Nagtagal ang labi niya sa pisngi ko na siyang nagbigay ng kuryente sa katawan ko. Para talaga akong kinikilig pero pinipigilan kong gumalaw. Ayokong mahalata niya. Omg!

Halos ilapat na niya ang katawan niya sa akin kaya inilagay ko ang dalawang kamay ko sa tapat ng dibdib niya at pinipigilan siya.

Humiwalay na ang labi niya sa pisngi ko at napunta ito sa tenga ko. Doon ay ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Mabilis ang paghinga niya at para talagang hinahabol niya ang paghinga.

Lumapat na tuloy ang mga kamay ko sa dibdib niya ng maigi. At doon ko naramdaman ang mabilis din na pagtibok ng puso niya. Kasabay ang akin. Shemay! Paano nangyari iyon!

Our hearts are beating so fast synchronizing!

Pinapakinggan ko itong mabuti at unti unti na lamang akong napapangiti dahil magkasabay ang mga puso namin. Magkasabay na magkasabay talaga.

"Don't laugh, Miss. My heart beats so loud and fast whenever you're around. It's like my heart recognizes my love, my heart recognizes you, Miss." bulong niya sa tenga ko. Nakiliti naman ako kaya lumayo ako sa kaniya. Natawa nalang din siya at humawak nalang sa kamay ko.

"Ang ganda mo, Miss. Sarap mo nalang itago sa bulsa."

Umangal naman ako sa sinabi ni Uno, "Aba kung maganda ako bakit mo pa ako itatago sa bulsa mo?"

Umakbay siya sa akin, "Syempre, baka agawin ka pa sa akin."

"Sayo ba ako?"

Papunta na kami sa mga stall ng pagkain. Madami ditong tent kung saan andoon ang mga nagbebenta ng kung anu ano. Barbecue at iba pa. Nakaka excite! Hindi ko alam na gusto dito ni Uno.

First date namin ito at nag-expect talaga ako ng iba. Pero sa public food court niya ako dinala. Wala akong maramdamang disappointment o kung ano pa man. Bagkus, mas lalong nadadagdagan ang excitement ko.

"Papakuha ka pa sa iba? Akin kana, oy!"

Pinaghila niya ako ng upuan ng makakita kami ng mesa na hindi pa okupado.

Medyo siksikan ang ibang mesa dito. Pero sakto lang naman para may madaanan ang ibang tao. Halos magkakalapit-lapit lang din ang mga nagtitinda.

At unang tingin ko palang sa mga binebenta nila halos maglaway na ako. Antagal ko na ring hindi nakakain ng mga ganito.

Pumitik sa harap ng mukha ko si Uno, na siyang kinatingin ko sa kaniya. "Nakikinig ka ba?"

"Oo." sagot ko agad kahit hindi ko na maalala ang huli niyang sinabi dahil sa natatakam na ako sa mga pagkain.

"Oo daw pero 'di naman sumagot." bubulong bulong siya pero rinig ko naman.

Napatitig nalang ako sa kaniya ng makita ang pose niyabat background. Nakatagilid ang ulo niya't nakahalukipkip pa. Na-emphasize tuloy ang matangos niyang ilong at mapipilantik na pilik-mata. Isama na rin ang umiigting niyang panga dahil siguro sa pagkainis sa akin, pinipigilan niya lang ang magsalita. Kapansin-pansin rin ang malapad niyang dibdib at medyo pumipintog na braso dahil sa kasikipan ng kaniyang t-shirt. Sakto pa na itim ito kaya halata mo ang kaputian at kakinis ng kaniyang leeg.

Sa likod naman niya ay ang usok na nanggagaling sa lutuan ng barbecue.

Agad ko namang nilabas ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato. Medyo lumayo pa ako para kita talaga ang background niya. Napangiti naman ako ng makita ang nakuha kong litrato.

"Hoy, ano yan ha!" bigla naman niyang inagaw sa akin cell phone ko. "Shit! Ang pogi ko talaga!"

"Hangin naman. Magaling lang talaga ako kumuha ng litrato." Kukunin ko na sana ang phone ko ng ilayo niya ito. "Bakit? Akin na yan!" pilit ko pa ring inaabot at nakatayo na ako.

"Kuhanan din kita ng litrato." nangingiti niyang sambit.

"Naku! 'Yang pangiti ngiti mo na yan. Hindi na ako magtitiwala dyan." napaupo nalang ako sa pagod. Napasimangot naman siya sa tinuran ko.

"Anong problema sa ngiti ko? Mas lalo nga akong pumopogi kapag nangiti ako, e." tinignan niyang muli ang cellphone ko at napapangiti. Iyong mukha niya siguro ulit ang tinitignan niya. "Dali na kasi. Kuhaan kita ng picture."

"Ayoko. Tsaka alam mo bang gutom na ako? Bumili kana lang kaya ng makakain natin."

Tumingin siya sa akin, "Hmm sige. Basta ba picturan kita mamaya."

"Oo na. Akin na muna yang phone ko. Bili ka na doon."

Inabot niya sa'kin phone ko, "Ano bang gusto mo?" tumingin tingin naman ako sa mga stall.

"Barbecue nalang. Iyong isaw, dugo, ta's iyong longanisa. Damihan mo iyong suka, ha! Tapos may buko juice doon at hamburger, gusto ko rin no'n. Iyong may egg sa burger ang bilhin mo." mahabang lintanya ko. Nakikinig lang naman si Uno at patango tango lang.

"Got it Ma'am! May gusto ka pa ba? Siomai? Siopao? Bibingka?"

"Hala! Diba may siomai rice? Pag meron bili kana rin no'n."

"Sige. Hintayin mo nalang ako rito. Huwag kang makikipag-usap kahit kanino lalo na sa lalaki. Babantayan kita kahit nasa malayo ako. Dito kalang at huwag kang aalis." bilin niya sa akin na para akong bata at siya ang tatay ko.

"Para naman akong bata at hindi alam yan. Alam ko po iyan, okay? Kaya bilis na bili kana. Makalimutan mo pa mga gusto ko."

Pumunta naman siya sa gilid ko at bigla ulit akong ninakawan ng halik sa pisngi. Tinulak ko agad sa gulat.

"Ano ba yan! Manliligaw ka pa lang puro kana halik. Paano pa pag boyfriend na kita? Parang ayaw ko na tuloy."

Nangunot naman agad ang noo niya. "Bawiin mo iyon oy. Gusto mo ko maging boyfriend. Hinahayaan mo nga ako halikan ka e."

"Hindi kita hinahayaan. Nagnanakaw ka po." singhal ko sa kaniya.

Nakakunot pa rin ang noo niya pero iyong labi niya kumikibot kibot. Parang natatawa pa pero pinipigilan.

"Tignan mo! Natatawa ka pa dyan."

"Bibili nalang ako, Miss. Basta ha? Antayin mo ko."

"Yes po." tumango nalang siya at dali daling nakipagsiksikan sa ibang tao at bumili na.

Napapansin kong madaming napapalingon sa kaniya. Sa tangkad at tindig niya talagang kapansin-pansin kaysa sa iba. May iba pang nagtutulakan na mga babae sa gilid at gustong gusto naman ito ng tinutulak. Akalain mong nahihiya pa dahil natatawa.

Tumingin naman ako kay Uno at hindi niya ito napapansin dahil busy siya sa paghahanap ng gusto ko.

Napatayo na lamang ako ng malakas na naitulak iyong babae at saktong bumunggo ang katawan kay Uno. Nakita kong tinignan lang siya ni Uno at hindi pinansin. Umiwas ito at pumunta sa kabilang bahagi. Pero sumunod ulit ang babae. This time, humawak na ito sa braso ni Uno.

"What the?!" lalakad na sana ako ng may kamay na pumigil sa akin.

Tinignan ko ang may-ari nito at nakita ko ang isang babaeng tulad ko ay nakadress sa ganitong lugar. Naka-make up pa ito pero simple lang. At base sa kulot kulot nitong buhok halata mong mayaman ito at hindi pumupunta sa mga ganitong lugar. Nakakapagtaka, naliligaw ata ito?

"Bakit? Bitawan mo nga ako. Hindi kita kilala." bulyaw ko rito.

"Sorry, dear. But I can't let you disturb those couples." maarte ang pagkakasabi nito pero mahigpit ang hawak sa braso ko. Halos bumaon ang mahahaba nitong mga kuko sa balat ko.

"Couple? Hindi ko kilala yang pinagsasabi mo at wala akong pake. Pwede ba bitawan mo na ako." pilit kong kinakalas ang braso ko pero mahigpit talaga hawak niya. Ramdam ko na tuloy ang pagbaon ng mga kuko niya at alam kong dumudugo na ito. Ang tulis pa naman ng kuko niya.

"Miss, I'm not here to hurt you but I have no choice. You see, First and Lexie girl looks good together, ayt? That's because they have past relationships. Lexie is trying to save their relationship so please, don't be a disturbance to their love story."

What she said left me starstruck.

Past relationship?

Uno had a past relationship with... with that girl?

I thought he never...he never had a girl before?

Paano nangyaring may ex pala siya?

Tell me your thoughts about it on the comment section.

Thanks💭