Chereads / Love Me or DIE / Chapter 34 - Chapter 33

Chapter 34 - Chapter 33

Nakauwi na kami at ni isang salita mula kay Uno ay wala akong narinig. Hindi man lang siya nagsalita. Kaya naman pagkapatay niya palang ng makina bumaba na agad ako. Hindi ko na rin siya inantay pang makababa at pumasok na agad ako sa bahay.

Wala akong nadatnan ni isang tao. Pero nakabukas ang pintuan. Marahil ay nasa kusina lang sila Tiya. Hindi ko na tinignan kung tama ba ang hula ko. Nagmadali na lamang akong pumunta ng taas at magkulong sa kwarto ko.

Pagkatapos ko ilocked ang pintuan ay iniharang ko pa ang kahit anong makita ko. Kahit mabigat ang bagay na iyon hindi ko na ininda.

Lalo na ng unti unting magsipatakan ang luha ko.

Wala akong ibang maramdaman pero alam kong masakit.

Nablanko ang isipan ko at nais na lamang ng katawan ko ang nasusunod. Ang umiyak. Iiyak ang lahat lahat.

Napaupo nalang ako sa isang sulok ng kwarto ko at doon ay patuloy na umiyak. Umiyak ng walang tunog. Ayaw magpahalata sa ibang tao. Ayaw may makaalam na umiiyak ako.

Ayaw kong makita nila akong mahina.

Ayaw kong makita nila kung gaano ako nasasaktan ngayon.

Na sa sobrang sakit ay wala na akong ibang maramdaman kundi sakit. Sakit sa pisikal na katawan at lalo na sa emosyonal. Naghalo na ito at hindi ko na maisip kung ano ang mas matimbang.

Kahit ilang ulit ko pang punasan ang mga luha sa pisngi ko, may patuloy pa ring bumabagsak. Ganito ba talaga ito?

Ganito ba kasakit ang magmahal?

O ganito lang kasakit kasi nasaktan din ako pisikal?

O nasasaktan ba ako kasi nakita ko ang totoo ngunit ayaw lamang paniwalaan ng puso ko?

Lintik na puso 'to! Nasasaktan na nga, umaasa pa rin.

Hawak ng magkabilang braso ang tuhod ko, sumubsob ako rito at hinayaan na lang ang mga luhang hindi na mapipigil kahit anong gawin ko. Marahil ay makakabuti ito. Makakabuti ito para sa akin na mailabas ang nararamdaman ko at hindi siya maipon sa loob ko. Marahil makakabuti ito upang maibsan man lang ang sakit.

Little did I know, I fell asleep.

Napatulala nalang ako ng maramdaman ang position ko. Hindi na ako nakaupo, nakahiga na ako ng patagilid. At hawak ko pa rin ang mga tuhod ko. Mukhang natumba ako kanina habang natutulog ako.

Ngunit hindi iyon ang nagpagising sa akin. Kundi ang paulit-ulit na kalabog sa pintuan. Pilit pumapasok ng kung sinuman.

Nagising bigla ang inaantok kong diwa. Kung si Uno man ito at kung tama ang hula ko ayaw kong makita ako nito.

Ang ibig kong sabihin ay ayokong makita niya ako ngayon sa ganitong estado. Gulo gulo ang buhok at mugto ang mga mata.

Dali dali akong humiga sa kama ko at nagtulog-tulugan. Wala na akong pake kung masira man niya ang pintuan o pati ang mga iniharang ko. Ang importante ay makita niya akong tulog na kung sakaling makapasok man siya.

"Anong kaguluhan ito?" narinig ko ang boses ni Tiyo. Hala, pati sila ay nagising na. Nahinto panandalian ang pagkalabog sa pintuan.

Sunod ay kay Tiya, "Uno ano ba yan? Madaling araw na hindi ka pa natutulog?"

Hindi ko narinig na nagsalita si Uno. Wala siyang sagot. At ipinagpatuloy ang pagkalabog sa pintuan.

Napapikit ako ng mariin. Nais ko sana siyang labasan, gusto ko. Pero may part sa akin na ayaw ko.

Ayan na ba? Sasabihin niya na ba sa akin ang totoo?

"Serina! Open this damn door!" nabigla ako sa biglaang sigaw ni Uno. Napamulat ako ng mga mata at napaupo.

Ramdam ko sa tono ng boses niya ang pagod, hindi galit.

"Ano ba yan Uno! Ipagpabukas mo nalang iyan. Baka tulog pa si Serina." pag-aawat ni Tiya.

"No, Mom. I-i need to s-see her." pagsusumamo ang nasa tono nito.

"Nag-away ba kayo Uno?" si Tiya ulit. Patuloy pa rin ang pagkalabog ng pintuan. Halos matumba na talaga niya ang iniharang ko dito.

Tumayo na ako at lumapit. Akmang tatanggalin na ang iniharang ng marinig ko naman si Tiyo na magsalita.

"I'm sure she heard you Uno. Sa lakas ng nagagawa mong tunog, malamang ay gising si Serina. And that's the point Uno, gising siya at hindi ka niya pinagbubuksan dahil ayaw niya. You can't force someone, Uno. Kung pupwede ay ipagpabukas mo nalang at baka makausap mo na siya."

And everything fell into silent. Wala ng kalabog at walang nagsalita. Wala na akong ibang maririnig kundi ang ingay ng dilim. Napakapayapa.

Hanggang sa makarinig ako ng papalayong mga yabag. Papaalis na sila. Inantay ko lamang na makaalis pa lalo ang mga yabag na ito. Saka ko tinanggal ang iniharang ko at tinignan ang nagawang pinsala ni Uno sa pintuan ko.

Aapak palang sana ang paa ko para tumalikod na ay siyang pagbukas ng pintuan. Tumingin ako rito at nakita ko si Uno na sinugod agad ako ng yakap.

Isang mahigpit na mahigpit na yakap.

Natuod na lamang ako sa kinatatayuan ko. Ang sakit na nararamdaman ko kanina ay bigla nalang bumalik. Akala ko nawala na. Akala ko naibuhos ko na lahat sa iyak ko. Akala ko wala na akong muling iluluha pa ngunit heto at nagsibagsakan muli sila.

At sa higpit ng yakap ni Uno ay siya ring higpit ng sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry. I'm s-so sorry. Serina, she's not my ex. She never was. And I'm sorry for not telling you that. I thought you're mad, and you won't believe me because you're mad.

But I realize that I made you mad when I didn't speak. I realize I was asshole there. For not telling you what is that. But believe me, she was never my girl. Believe me, please."

Napatitig na lamang ako sa kaniya dahil sa kaniyang mga sinabi.

Halos hindi maintindihan ang sinasabi niya dahil sa mabilis at tuloy tuloy nito magsalita. Samahan pa ng patuloy kong pag-iyak.

Ngunit isa lang ang tumatak sa isipan ko, that girl was never been his ex. Never been his girl.

But why is she acting like that?

And here's the most tricky part. Ang sabi ko kanina ay sa kaniya lamang ako maniniwala kung sakaling magsalita man siya.

Ngunit bakit ako nagkakaroon ng agam agam ngayon? Bakit ako nagdududa sa sinasabi niya? Bakit ako nagdadalawang-isip na paniwalaan siya?

Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?