Chereads / Love Me or DIE / Chapter 35 - Chapter 34

Chapter 35 - Chapter 34

"You're telling me that you two were not a thing pero ganoon siya umasta? Nakita mo ba kung gaano siya kagalit kung tumingin sa akin? If looks could kill I'm already gone." I spat at him.

His embrace tightened even more making me feel his body. He's shivering. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya nagpapahiwatig na nagpipigil lamang siya, maybe from bursting out.

He can't get mad at me, now. He knew it.

"Maybe she's good at it? Acting like a pro is her forte and everyone else could believe her." makahulugan niyang pahayag sa akin.

Isa ba ako sa mga napaniwala niya? Kaya ba nagdududa ako kay Uno?

"I guess, napaniwala ka rin niya." his embrace suddenly became weak. Nanghina siya sa kaniyang ispekulasyon sa akin.

Which is true. Napaniwala nga ako ng babaeng yon.

"I-i don't k-know." I'm not sure.

Inilapat niya ang kamay sa pisngi ko't iginiya ito paharap sa kaniya. Kinailangan ko pang tumingala sa kaniya.

"Puwede bang ikaw naman ang maniwala sa akin?" nangungusap ang mga mata niyang tumitig sa akin. Nakakapanghina ang dumaang sakit sa mata niya. Natupok ang itinayo kong pader at nawalang bigla ang agam agam ko sa kaniya.

Sumandal ako sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Napapikit ako sa marahan niyang haplos dito. At unti unti alam kong tinutupok na naman ako ng apoy niya. Naglalagablab at nakakapaso bagaman nagbibigay ng kaginhawaan ang init nito.

Pinatakan niya ng marahang halik ang noo ko, napamulat ako rito. Nangangapa man, inalalayan ako nito patungo sa higaan ko. Dahan dahan ang bawat galaw nito nag-iingat na baka ako'y masaktan.

"Magpahinga kana muna." malambing nitong paalala tila hinehele na ako nito.

"Magpahinga kana rin." kusa akong sumagot.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Nakulayan ang mukhang kaninang matamlay.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tumabi siya sa akin at pinilit isuksuk ang sarili sa kumot ko.

"Anong ginagawa mo? Lumipat kana sa kwarto mo." turo ko pa sa pintuan kong nakabukas kita ang kwarto niya.

"Inaantok na ako. Nakakatamad ng lumipat." hindi naman gaanong malamig sa kwarto ko pero kung makasiksik siya sa akin animo lamig na lamig.

Ipinikit na niya ang mga mata na para bang handa na talagang matulog.

"Echos mo!" singhal ko sa kaniya. "Ang lapit lapit lang ng kwarto mo, oh!"

Nagtuloy-tuloy pa ang pangungumbinsi ko sa kaniyang lumipat na at ang pangungumbinsi niya sa aking tamad na talaga siya.

Hanggang sa hinayaan ko na lamang siya. Ang ganda na ng pwesto niya at pagkakapikit niya. Mula sa liwanag sa nakabukas na pintuan at sa bintana, kita ko ang mahahaba niyang pilikmata. Pati ang matangos niyang ilong at ang mapusyaw na mga labi, nakakabighani nalang pagmasdan.

Mas bagay niya ata maging babae, tingin ko lang.

"Gwapong gwapo ba?" lumingon siya sa akin at nagmulat ng mga mata. Lumabas din ang pantay pantay niyang ngipin dahil ngumiti pa siya. Ngiting pang-asar.

Napairap ako, "Ang feeling mo naman po ata."

Lakas naman ng tawa niya. Kumuha nalang ako ng isang unan at nilagay sa gitna namin. Saka iyon niyakap.

"May pangharang pa talaga." nangingiti niya pang komento.

"I don't trust you enough pala, hehe."

Tinignan niya ako ng masama. Ako naman ngayon ang napatawa ng malakas.

"Tawa tawa ka dyan." tonong nagtatampo pero alam ko namang hindi. Arte niya lang 'to.

Sasagot pa sana ako ng unahan ako ng hikab. Napasunod din siyang humikab. And that's when we call it a night.

"Goodnight Uno, sweetdreams."

"Yes, sweetheart. You too."

Tumingin ako sa kaniya ng masama.

"Ano na naman?" hindi mawala wala ang ngiti sa labi niya. Buhat ng kaantukan, pinili ko na lang na irapan siya at hindi sumagot.

Napatawa naman siya ng mahina. Ang saya naman ata niya.

"Goodnight, Serina. Dream of me." feelingero talaga.

I felt something soft touch against my forehead. At bago ko pa malaman kung ano iyon mabilis na akong nagupo ng tulog.

Sunlight flash through my eyes as I open my eyes. Masakit ito sa mata pati na rin sa balat. Hula ko'y late na kaya ganito na kainit ang araw.

I tried to get up but a strong arms stopped me.

"You awake already? Aga pa, tulog pa tayo." bumubulong ata sa akin isang demonyo. Char.

Nakiliti ako sa hininga niyang dumadapo sa batok ko kaya lumalayo ako pero hindi naman niya ako hinahayaan.

Sa pagkakaalam ko may harang sa pagitan namin bago kami natulog. Kita mo nga naman, nawala na. Dikit na dikit na naman kami.

"Tulog pa kasi tayo." aba nangdedemonyo nga talaga.

"Alis na nga. Ang init init na oh ang sakit sa balat." tinulak ko na ang mukha niyang pilit sumisiksik sa batok ko. Pati ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko pinilit kong alisin.

"Maya pa nga sabi!" angal niya pa.

Tumingin ako sa kaniya ng masama, "Naiihi na ako, ano ba!"

Binitawan naman niya ako bigla.

"Umagang umaga galit ka na. Wala bang 'goodmorning' muna dyan?" hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa banyo ko.

Nag-umpisa na ako sa gawain ko doon. Napansin kong may benda na ang braso ko. Mukhang bagong lagay ito ngunit may bahid na ng dugo. Nilagyan niya siguro kanina.

Tinanggal ko ito at nilinisan. Saka pinalitan ng bago. At paglabas ko naabutan ko pa rin siyang nakadapa at nasa kabila na siya nakatingin.

Pinili ko munang takpan ang bintana para makapagpahinga pa siyang mabuti. Iiwanan ko na sana siya para bumaba ng bigla siyang bumangon.

"Ayyt!"

"Sorry, kanina ka pa?" matamlay niyang sabi halatang inaantok pa. Bumabagsak din ang talukap ng mga mata niya. Kaya naman lumapit ako sa kaniya at iginiya siyang humiga. Bigla naman siyang yumakap sa akin, ang tsansing lang talaga.

"Antok kana nga, nananantsing ka pa. Itulog mo na." panenermon ko.

Kinuha niya ang unan ko at eto nalang ang niyakap niya, "Saan ka ba pupunta?"

"Sa baba, madami akong gawain. Baka magalit si Tiya." inayos ko pa ang kumot niya bago ako naglakad palayo. Hindi na siya muling nagsalita at patuloy lang na nakapikit.

Marahil sa antok at pagod niya kagabi ngayon nalang siya babawi ng tulog. Naalala ko pa ang ginawa niyang pagbubulabog sa akin kagabi makapasok lang.

Muli tinignan ko siya bago isinara ang pinto.

"Serina," napatayo ako sa gulat ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

Tumingin ako rito, "Tiyo, nakakagulat naman ho kayo."

"Kamusta naman si Uno? Ginugulo ka ba niya?" bahid ang pag aalala sa tono nila. Napahinga naman ako ng malalim.

"Okay na po kami ni Uno. May hindi lamang po kami pagkakaintindihan. Pero naayos naman po."

Naglakad si Tiyo na siyang sinusundan ko. Nasa likuran lamang niya ako habang pababa kami ng hagdan. Dumaan ang katahimikan sa akin ngunit pinutol din ito kaagad ni Tiyo.

"Hindi ako natutuwa sa ikinikilos niya, Serina. Mula sa pagbabanta kay Manang at sa pagbubulabog niya sayo kagabi." seryoso ngunit kalmado si Tiyong nagsalita.

Napalunok naman ako. Alam kong kasalanan ko ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi aalis si Nanay ay hindi magkakaganito si Uno.

Nakaka guilty pero wala naman akong magawa. Maging ako hindi ko siya mapigilan dahil pati ako'y natatakot sa kaniya. Hindi ko siya makilala kapag galit na siya.

"Bukas ang alis namin papunta kila Mamang. Ayaw ko sanang iwanan ka mag-isa rito ngunit baka pagbuntunan ka nila ng inis doon. Lalo't nagkakagulo sila sa mana at negosyo, baka madamay ka." pahayag ni Tiyo na parang wala kaming pinag-usapang mabigat kanina.

Tumango ako rito kahit hindi niya ako nakikita. Alam ko naman na ito at naiintindihan ko. Masyadong kumplikado ang pamilya nila at dadagdag lang ako ng stress sa kanila.

"Hihilingin ko sana sayong bilinan mong mabuti si Uno. Tungkol dito sa pag-uugali niya lalo sayo. Sana mabago mo ang nakikita nating ugali niyang nakakasama hindi lang sa atin kundi sa sarili niya. Ikaw lang ang maaasahan ko rito at alam kong hindi mo ako bibiguin."

Nakarating kami sa dulo ng hagdan. Lumukob sa akin ang kaba at kalituhan. Kalaunan ay naintindihan ko rin ang nais nilang iparating.

Ngunit may parte sa aking nagsasabing ako dapat ang umayos nito dahil ako ang may kasalanan. And so many thoughts continue as I stare at my Tiyo.

And before it get worse, I reminded myself a positive thing. Hindi ko ito gagawin dahil sa naguiguilty lamang ako o naaawa. I'm doing this because I care for him.

I'm not vocal of my feelings but I'm not denying it.

Little did I know, nakapagpasya na rin akong sumang-ayon sa sinabi ni Tiyo.

"Hopefully, mapag-usapan niyo ito ni Uno." ngumiti si Tiyo na siyang nakapagpagaan ng loob ko. Nawala na ang negative thoughts sa isip ko kaya naman sinuklian ko rin sila ng ngiti.

Assuring I'll try my best but I'm not promising. May sariling isip pa rin si Uno at nasa sa kaniya na yon kung gugustuhin niyang mapabuti.

Hindi ko siya pipiliting magbago gaya ng utos, pero susubukan kong mapabuti siya.