Napatulala na lamang ako. Nakapako lang ang mga mata ko kila Uno. Wala rin akong ibang maisip kundi ang mga sinasabi ng katabi ko.
Maniniwala ba ako? Magdududa ba ako kay Uno?
Tumingin naman ako sa babaeng nakahawak sa braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ayaw bitawan.
Tumingin ako ng diretso sa mata niya. Tumitig din siya sa akin.
Maniniwala na sana ako ng bigla siyang umiwas ng tingin at humagalpak ng tawa. Tinignan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Uno papalapit sa amin.
Mariin ang pagkakatingin niya sa amin hanggang sa dumapo ang tingin niya sa braso ko na hawak hawak pa rin ng babae. Then, he stare at it so dark.
Mukhang hindi napansin ng babae kaya ako nalang ang nagtanggal. Pero ayaw niya pa rin.
"Ano ba! Bumitaw ka nga!" naiinis kong bulyaw sa kaniya.
Hindi pa rin siya bumitaw at nakalapit na si Uno.
"Do you want me to cut your arm or you'll take it off instead?" Uno said calmly. As if he's not raging mad.
Napatawa naman ang babae at agad agad na rin itong bumitaw.
"Parang hindi ka na mabiro, First ah!" she teasingly said.
Hinigit naman ako ni Uno sa bewang palapit sa kaniya bago sumagot, "Did I give permission for you to call me First?" masungit ang pagkakasaad niya. Napansin kong napahiya ang babae at napayuko nalang.
Hinawakan ko naman sa damit si Uno at hinihila na ito paalis doon. Madami na ang nakatingin sa amin at nakakagawa na kami ng eksena.
Nagpahila naman si Uno. Kinuha niya ang bag ko na nasa mesa at siya na mismo ang nagdala habang naglalakad kami. Papansinin ko na sana iyon ng may biglang sumabunot sa akin.
"YOU BITCH! HOW DARE YOU STEAL FROILAN AWAY FROM ME? Nagkahiwalay lang kami nilandi mo na agad? Bitch, nagmana ka sa mama mo!" sigaw ng babaeng humablot sa buhok ko na halos wala akong maintindihan dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya. Nahahapdian na rin ako sa braso ko dahil sa tuloy tuloy nitong pagkalmot na parang pusa.
"OMG! Lexie you're crazy! Stop!"
"Lexie! Don't do that! Stop!"
Mga tili nilang halos nakakabingi sabayan pa ng paulit ulit na pagbigkas ng 'bitch' and 'whore' ng babaeng sumasabunot sa akin.
I can't even say a single word because of excruciating pain! Matindi talaga ang pagkakasabunot sa akin at halos mahilo na ako.
Kinuha ko naman ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko at binaon ang mga kuko ko. Ginamit ko rin naman ang isa kong kamay para hablutin ang buhok niya. Inapakan ko rin ang paa niya.
"Stop it Lexie! You're hurting her, I said stop!!!" umalingawngaw ang boses iyon ni Uno na siyang nagpatigil sa babae.
Ramdam ko siyang pumagitna sa amin at hinahawakan ako sa bewang. Hanggang sa maramdaman ko ng naalis ang hawak ng babae sa buhok ko kaya tinanggal ko na rin ang pagkakahawak sa buhok niya.
Yakap yakap na ako ni Uno. Nakalagay pa rin ang mga kamay ko sa ulo ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit dito. Nakasubsob na rin ako sa dibdib ni Uno at halos maiyak na.
Sumisigaw sigaw pa rin ang babaeng sumabunot sa akin, ngunit pahina ng pahina ang naririnig ko sa kaniya. Mukhang inilalayo na siya.
Mabuti naman dahil hindi ko na kaya kung sasabunutan niya pa ulit ako. Masyadong masakit na ang ulo ko.
"Sir, okay lang po ba si Miss?"
May lumapit sa amin. Titingin na sana ako ng pigilan ako ng mga braso ni Uno.
"I can handle her. Thanks." sagot na lamang ni Uno. Ramdam ko rin ang inis sa tono niya.
Umalis na lamang ako mula sa pagkakayakap niya at naglakad. Nakayuko ako at nagmamadaling maglakad. Nahihiya sa kaguluhang naganap. Marami ang mga taong andoon at alam kong ilan sa kanila ay tumulong para awatin ang babae.
Naramdaman kong katabi ko na ulit si Uno at inaalalayan akong maglakad.
My mind can't think straight as of the moment. Blanko ang utak ko at magulo ito dahil sa nangyari.
Nawindang ata ang utak ko sa pagkakasabunot na iyon. Samahan pa na hindi nagsasalita si Uno kaya talagang magulo pa ang utak ko.
Pero kung magsasalita ba siya maliliwanagan ako? Papaniwalaan ko ba kung magsasalita siya?
Magsasalita kaya siya? Magsasabi kaya siya ng totoo?
And there goes the never ending question. Andaming tanong, sumasabay pa ang doubt.
Ayaw ko namang pangunahan sa Uno sa sasabihin niya. Ayaw kong magtanong at magduda at baka masaktan ko siya.
Nakarating na kami sa sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at inalalayan akong pumasok. Tumakbo naman siya sa kabila para pumasok. All the while, I can see him clenching his jaw.
Mukhang naiinis siya at pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili. Ganito pa siya mula pa kanina. Ramdam ko iyon at natatakot na ako.
Isa ito sa pinaka-iniiwasan ko. Ang maipon ang nararamdaman at bigla na lamang akong sasabog. Kaya naman pinigilan ko agad si Uno ng akmang paaandarin na niya ang sasakyan.
"M-mag-usap tayo, pwede ba?" nanginginig ko pa siyang hinawakan sa braso.
Tumingin naman siya sa akin, "Not now, you need to go to hospital first!"
"What? Hindi na. Hindi naman ako nasugat." angil ko.
Hinawakan niya ang braso ko, "At anong tawag mo rito? Damn, ang habang galos nito. Malilintikan talaga sa akin ang babaeng 'yon!"
Ngayon ko lang din napansin ang mga galos sa braso ko. May ilang maliliit at mayroon ring malaki. Dumudugo pa ito. Kinuha ko naman ang tissue at pinunasan ito.
Kaya pala mahapdi ang pakiramdam ko!
"So, you know her?" curious na curious na talaga ako hindi ko napigilan ang magtanong. Base na rin sa sinabi niya kanina, mukhang magkakilala talaga sila. Pati na rin iyong babaeng humawak sa braso ko.
He sighed, "Hmm yes..." kumuha rin siya ng tissue at pinunasan ang braso ko.
"Is she your girl?" nakatingin na lamang ako sa kaniya at tinitignan ang bawat ekspresyon sa mukha niya. Mula sa paminsan-minsang pag-igting ng panga niya dahil sa galit at sa pagkakakunot noo.
Napatigil siya sa pagpupunas at tumitig na lamang sa akin.
"Let's go to hospital. We need to clean and treat your wounds." iniba niya ang topic. Umiwas din siya ng tingin at muling pinagana ang sasakyan.
Does it mean its true?
He can just easily deny it, if it wasn't true. But he don't.
Binuksan niya ang bintana sa tabi niya.
"Bubuksan ko na rin ang bintana sa gilid ko." sambit niya.
Inalis ko na lamang ang pagtitig sa kaniya at tumingin na lamang sa labas ng bintana.
"Huwag na. Ayos na ito." kinabit ko ang seatbelt ko ng akmang ikakabit niya ito.
Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi na ako muling lumingon pa sa kaniya.
"Huwag na tayo sa hospital. Galos lang naman ito. Sa bahay nalang agad tayo." Buo ang pagkakasabi ko at halos walang gana.
"Pero malaki ang sugat." angal niya pa pero hindi ko na lang pinansin. Sumandal nalang ako at tumingin lang sa mga tanawin sa labas ng bintana.
Napapangiwi na lamang ako dahil sa tuwing kumikirot ang ulo ko. Kaya naman hindi na ako nag-iisip pa ng kung anu-ano.
Hinanap ko na lamang ang bag ko at kinuha ang phone ko. Buti nalang at lagi kong dala ang headset ko.
Sinuot ko ito at nagplay ng music. Marelax man lang ang utak ko. Saka sumandal ulit at pumikit.
Ayokong isipin na totoo ang sinabi ng babae. Pero dahil sa sagot ni Uno hindi ko mapigilang hindi magduda.