Risk
Nakalabas na si Uno, ngiting ngiti pa nga ang loko. At anong sabi niya? 'Date me'? I'll date him?
Normal kaya iyon? Pero papayagan kaya kami ni Tiya?
Bumakas ang pinto ang sumungaw rito ang ulo ni Uno, "Magready kana, oy!" sigaw niya at bigla rin naman sinarado ang pinto.
Napatawa naman ako. Ang kulit naman niyang manliligaw. Napailing ako saka na tumayo. Nilock ko muna ulit ang pintuan ko at iniharang dito ang mesa. Naninigurado lang dahil baka bigla akong pasukin ni Uno, napakapilyo pa naman niya.
Habang naghahanda ako napapaisip nalang ako sa mga nangyayari.
Isn't it too early? Too rush? And too risky? Am I really ready to walk in this path?
Is it worth it?
I mean, for the past days Uno make me fall in love with him. He draw his special on my heart. He write his own chapter in my life. I feel the sincerity of his actions that makes me believe in him. That makes me to be strong enough to fight for what I love and what I really want.
He secure his place to my life and permanently live in there. That is why I always let him do whatever he wanted with me. Because I like it too.
And because I'm happy with it, too.
This deep thoughts left me with conclusions that it is worth the risk.
I wore a simple pale yellow dress. First date ko 'to so might as well maiba naman ito. I match the dress with a simple doll shoes. Naglagay din ako ng clip sa side ng buhok ko to look more girly, I think. Binagayan ko ito ng simpleng shoulder bag. Iyong maliit, tama lang na paglagyan ko ng phone and wallet ko.
Wala akong ibang ginawa sa buhok ko at sinuklay lang ito. Nagpulbos lang ako and ta-da! Walang nagbago-_-
*knock-knock
"'Wag kana magpaganda po. Maganda ka na." malakas na pagkakasabi ni Uno.
Sumagot ako, "Alam ko po." sabay hagikhik ng mahina.
"Aba! 'Runong na a'. Dalian mo na, anong oras na baka hindi na tayo palabasin."
Binuksan ko na ang pintuan at lumabas dito. Naabutan ko siyang kakatok pa sana kung hindi lang siya natauhan ng makita ako.
From head to toe, he scan me. I scan him too. He's wearing a black shirt match with ripped black pants and sneakers.
I then realized, our outfit are not matched!
"What's with your..." napakunot ang noo ko, hindi ko rin madugtungan ang sasabihin ko.
"My?"
"Nothing." Bahala na nga. Basta feel kong maganda ako ngayon.
Lumabas na ako ng kwarto at bababa na ng hagdan ng bigla akong may naalala. Napahinto ako sa paglalakad at ganoon din si Uno.
"Wait! Nagpaalam ka bang lalabas tayo?" tanong ko.
Naglikot ang eyeballs niya't napakamot pa siya sa likod ng ulo niya. Nangingiti pa siya.
Omg! "Don't tell me you did not, yet?"
Super nanlalaki talaga ang mata ko, ngayon.
"My plan is to get us ready first before we ask for permission."
Ako naman ngayon ang napapakunot ng noo. "You plan what?"
Inakbayan ako nito at hinila pababa, "Para hindi na sila makatanggi, 'di ba?"
Piningot ko naman ang tenga niya. Nakalas tuloy ang pagkakaakbay niya.
"At kung hindi pumayag? Edi sayang 'tong pagbibihis ko?" napapaaray na siya kaya tinigilan ko na ang tenga niya. Pero napatigil kami sa gitna ng hagdan.
Okay siguro sa kaniya kung hindi kami tuloy, hindi naman siya ganoong pormado. It was just his usual clothes. While me? Nagpaganda ako para dito.
"Chill, sinong hindi papayag kung ready na iyong magpapaalam 'di ba?"
"Di ba, di ba, ka pa dyan. Kapag tayo hindi pinayagan wala ng uulit pang date date. Intindi mo?"
"Ang sungit mo tsaka ang nega mo. Trust me ok?"
Inirapan ko lang naman siya at tumuloy na sa pagbaba. Saka ko lang napansin ang mga tao sa ibaba ng hagdan. Nakatulala sila at ang isa'y nakaturo pa sa amin.
"Where you going?" tanong ni Tiya.
Mabilis namang bumaba si Uno at binangga pa ako. Buti nalang nakahawak ako rito sa railing at hindi ako nahulog.
"Mom, Mom! Allow us to go outside please? Please? Promise we're not going to tanan. We'll be back after...uhm few hours maybe? But I'm sure we'll be back hehe. Just allow us to date please?" mabilis na pagsasalita ni Uno. Napansin kong nawiwindang sa kaniya si Tiya. Maging ako man.
He look so funny begging.
"Allow you to what?" nangingiting tanong ni Tiyo. Parang narinig naman talaga ni Tiyo at nagkukunwari lang. Pinapaulit ito na parang may inaasar.
Tumingin si Tiya ng masama rito at sabay sila ni Uno'ng magsalita
"You stop!" / "Date, Pa."
Tiya was staring darkly at Tiyo while Uno looking so happy. Hindi alintana si Tiya.
"Oh, come on Lucy. Napagdaanan natin yan. Huwag mong sabihing kj ka?" pangungutya ni Tiyo.
Tumingin muna ng masama si Tiya sa kaniya at inilihis ang paningin kay Uno.
"Okay, I don't wanna called kj. So, be sure to be back at exactly 9."
Tumingin sa akin si Uno na parang sinasabing 'See? It works.'
"Thanks, Mom, Dad."
"Sige, dalian niyo na at makauwi kayo agad." bitaw na salita ni Tiya bago nag-umpisang maglakad paakyat. Palapit sa kinaroroonan ko, "Ingat kayo Serina." bigkas niya ng nasa harapan ko na siya.
Tumango naman ako at ngumiti, "Opo, salamat." si Tiyo naman ay tinapik lang si Uno at tumingin sa akin saka kumindat.
Ngayon alam ko na kanino nagpaalam sa kapilyuhan si Uno.
"Honey, wait for me." sigaw ni Tiyo na ang pinaparatingan ay si Tiya. Hindi ko naman narinig na sumagot si Tiya pero rinig ko ang pagbilis ng paglalakad niya.
Bumaba na lang ako at lumapit kay Uno. If I was so delusional, I would think that I'm a Princess and he's my Prince Charming waiting for me at the end of the staircase.
"Bagal, parang prinsesa." busangot niya. Then he ruined that imagination and made himself as the asungot of the antagonist. Napairap tuloy ako.
Ganda na sana, panira talaga.
"So what if I want to walk so slowly? Paano kung matapilok ako sa pagmamadali at mapurnada ito? Edi kawawa ka?" pagtataray ko ng makarating ako sa pinakadulo ng hagdan. Nilampasan ko siya at binilisan ang paglalakad.
"Ito naman, napakamoody." bulong bulong niya na rinig ko naman. Tumingin ako sa kaniya, bigla naman akong nginitian. "Hehe, wala ako sinasabi ah. Iimagine ka dyan. Halika na. Excited na ako." may pilyong ngiti sa mga labi niya.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba talaga kami o huwag nalang?
"E saan mo pala ako dadalhin?" pagtatanong ko habang palabas na kami.
"Sa langit, pwede?" sinipa ko naman siya. Napakapilyo akala naman niya hindi ko maiintindihan. "Nakadress ka, oy! Huwag kang maninipa dyan." biglang nagseryoso ang tono niya.
Saka naman ako natauhan na ang girly ko pala ngayon.
"Saan nga kasi?" may iritasyon na sa boses ko.
Inakbayan lang ako ulit nito. "Basta, magugustuhan mo iyon, medyo bagay sa damit mo, haha."
Aayos na sana ang pakiramdam ko pero bigla naman akong nag-alangan sa tawa niya sa dulo.
Ako lang ba 'to o dapat talaga akong mag-alangan?
Iniisip kong sa restaurant kami pupunta o hindi kaya sa mall. Kung sa mall siguro ay pupwede akong sumaglit para bumili ng regalo sa kaarawan ni Heidi.
Ginamit namin ang sasakyan ni Tiyo at si Uno na ang nagdrive. May stud license naman siya kaya safe kami. Nagplay pa siya ng mellow music sa stereo. Iyong tipong karaanan na but sounds so sweet. Binuksan ko ang bintana at hinayaan ang hangin na sumampal sa mukha ko.
Narinig kong natawa si Uno pero binuksan din naman ang bintana sa gilid niya.