Hindi na natigil kakaasar sa akin si Uno mula pa kanina noong dumating siya. Halos masapak ko na rin siya dahil talaga namang nakakaasar na siya.
Lalo na 'yong ngiti niya. Ang laki laki ng ngiti niya at kahit anong gawin kong pambabara dito, hindi pa rin natatanggal ang ngiti niya. Bagkus mas lalo pa ata siya'ng natutuwa.
Kaya naman pinili ko nalang ang manahimik at nag-ayos ng requirements.
Sakto rin kasi na nagsend na ang lahat ng teachers namin ng kani-kaniyang requirements para mapirmahan na rin ang clearance namin. Meaning, kapag napirmahan na ng lahat ng teacher namin ang clearance namin, qualified na kami for moving up and free to vacay.
I was busy capturing every paper I have para maipasa ko na at maisend sa email ng teacher ko, when someone suddenly hug me from the back.
"Are you mad at me?" nilingon ko siya at mukha siyang maamong tuta. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay at hinayaan.
Naalis naman ang pagkakayakap niya sa akin at pinihit ako paharap sa kaniya. "You really mad? I was just teasing, I'm sorry. Forgive me already, please?" Nag-puppy eyes pa siya. Napatitig ako sa mata niyang parang nangungusal. Pakurap kurap pa ang mga ito na 'kala mo naman madadala ako. Napababa ang tingin ko sa labi niya ng bigla siyang magpout.
Aba! Dito napanganga na ako at nilayo ang mukha niya gamit ang isang kamay ko.
"Ang lapit mo masyado. Usog doon." pagpapalis ko pa sa kaniya sabay turo sa kung saan malayo siya sa akin.
Nangunot naman ang noo niya at hindi gumalaw.
"Bakit sa malayo? Pwede naman sa malapit tulad neto." sabay ngiti niya na kita na pati ang gilagid niya.
"Anong maganda sa pagkakalapit mo? Ang init init." pagrereklamo ko. Totoo naman. Kahit umaga palang grabe na ang init. Malapit na din kasi ang summer.
"Edi wag!" bumitaw na siya sa akin at lumayo nga. Umupo siya medyo malayo sa akin. Tinignan niya pa ako ng masama saka nagpout.
'Akalain mong marunong pala siyang magtampo?
Bahala siya dyan magtampo. Hmp!'
Sabi ko sa isip ko. Saka nagtuloy na sa ginagawa ko.
Paminsan minsan din akong lumilingon sa kaniya. Para siyang batang umasta. Iiwas siya ng tingin saka ipagkocross ang mga braso niya. Pero ibabalik din naman sa akin ang tingin ang sasamaan ako ng tingin.
'Ang sungit! Parang babae kung magtampo!'
Sigaw ko sa isip ko na hindi ko na isinatinig. Baka sumama pa ang loob niya at sakalin ako. Wala pa naman ako sa mood dahil parang dadatnan ako.
Nang matapos na ako at mabalik ang mga papel ko saka naman lumapit sa akin si Uno. Ganoon pa rin ang tingin niya. Pero sa paraan na parang nag iinarte lang. Kaya di ako natatakot.
"Ano?" pagalit ko kunwaring tanong.
Napahawak naman siya sa bewang niya, "Ano'ng ano? Ikaw pa galit? Hoy nagtatampo ako!" bakas sa tono niya ang pagkaasar.
"Ano naman ngayon?" tanong ko ulit. "Dapat ba magpaparty ako kasi nagtatampo ka?"
"You should persuade me! Suyuin mo ako!" malakas niyang sabi habang nakapamaywang pa rin.
Ako naman ay natatawa na, "Why would I?"
"Anong?" hindi siya makapaniwala sa sagot ko.
Pero mas di ako makapaniwala ng bigla siyang ngumiti at unti unting lumapit sa akin.
Napaatras naman ako. Sa bawat hakbang niya palapit ay siyang hakbang ko rin paatras.
"Wala ka naman gagawing masama 'di ba?" alanganin man sa tanong pero kakikitaan talaga sa ngiti ni Uno na nauwi sa ngisi ang isang masamang balak.
Oh noes!
Bumili ang pag-atras ko hanggang sa kama na pala ang nasa likuran ko kaya naman napahiga ako dito. Sumunod agad si Uno at kumubabaw sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
Kiniliti niya ako sa aking tagiliran!
Lumabas sa bibig ko ang malakas na tawa. Pilit ko siyang tinutulak at pinipigilan ang kamay niya, ngunit walang epekto eto sa kaniya dahil nanghihina na rin ako. Pati ang mga paa ko ay 'di ko maigalaw dahil inilit ito ng dalawa niyang paa.
"Stop hahahahaha... Uno haaa... S--topppp... Mama-matay na akoooo hahahaha..."
Halos maubusan na talaga ako ng hininga ng tumigil siya at niyakap nalang ako. Hindi talaga siya titigil kung hindi ko pa siya wawarningan na mamamatay na talaga ako.
Napahawak naman ako sa balikat niya at naghahabol pa rin ng hininga.
Ayaw ko talaga ng kinikiliti ako!
"You're not going to die, right?" itinukod niya ang magkabilang siko sa gilid ng umangat siya para tignan ako. Umiling ako na siyang nakapagpaliwanag ng mukha niya. "Good. Because I'll die too."
"Corny." nasambit ko na lamang. Ngingiti pa sana ako ng bigla naman niya akong halikan sa aking noo.
"Tell me to stay here with you and I'll stay." bulong niya sa tenga ko. Saka ulit nagpatak ng halik pero sa pisngi ko naman na ito.
Stay? Baka ito ang sinasabi ni Tiya. Iyong about sa vacation nila.
"The vacation? Sumama ka nalang po kila Tiya." sagot ko. Ayaw ko namang dagdagan pa ang inis sa akin ng kamag-anak nila. Alam ko kasing gustong-gusto nila si Uno na andoon.
Tumingin siya sa akin.
"How about you? Mag-isa kalang dito."
Inangat ko ang kamay ko at pinang haplos ito ng kaniyang buhok. Nagulo kasi. Ramdam ko ang kalambutan ng buhok niya ng lumapat na ang kamay ko upang hagurin ito at maiayos.
"I'm okay here. I'm used to so don't worry about me and just go to your relatives." still the doubt on his face are visible.
"Sumama kana lang please?" tinulak ko naman siya sa gilid ko at nagpatulak din naman siya. Buti naman.
"Alam mong ayaw nila sa akin doon."
"I have a deal first. Sasama ako doon basta ba girlfriend na kita." napatingin naman ako sa kaniya at bigla kong sinapak ang braso niya. "Ouch!" ang OA pa nitong mag-ouch na akala mo ang sakit e hindi naman gaano.
"That's too much. At ang bilis mo naman daig mo pa si Flash."
Napatawa naman siya. Ang lakas niya rin talaga magbiro.
"You're suitor then?" lumapit pa siya sa akin at idinantay ang isa niyang binti sa paa ko. Sinipa ko naman ang binti niya. OA ulit siyang nagreact dito.
Hindi naman ako sumagot.
"If I say yes, sasama kana kay Tiya?" tumango naman siya ng walang kagana gana. "Promise?" umupo pa ako.
Umupo na rin siya, "A'rayt, I'll promise po. Once you say yes, I'll come too."
"Okay. Deal."
Dito napangitina siya. "Deal, then. So I'm your suitor now? Does it mean I'll be your boyfriend soon?"
Bakit ang advance niya mag-isip?
"Gawin mo muna ang pinapagawa ko at pagbalik mo ay manliligaw na kita." pagkasabi ko sa huling mga salita saka biglang lumitaw ang pula sa pisngi ni Uno. Hanggang sa umabot ito sa tenga niya. Maging sa leeg niya ay namumula.
"Nagbablush ka ba? Kinilig ka don?" manghang tanong ko sa kaniya na mas lalo niyang ikinapula.
Yumakap naman siya sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko.
"Don't look. I'm shy!"
Potek! Nahiya pa nga🤦♀️