Uno's POV
(wait kinikilig ako🤣🙈, request granted na sa isang reader dyan😘)
The talk we had felt so surreal. Parang hindi totoo. Pero nagbigay sa akin ng kapayapaan. Ang bawat sakit na kinikimkim ko, bigla nalang nawala na parang bula. Nag uumapaw sa kaligayahan ang nararamdaman ko ngayong nakakulong siya sa aking bisig at yakap niya din ako.
Kaya lang nang magtagal tagal na ay naramdaman kong parang bigla siyang bumigat sa akin.
Nang silipin ko siya na nakadantay sa dibdib ko, nakita kong nakapikit na ang mga mata nito at payapa na ang paghinga nito. Nakatulog na nga ang Mahal ko.
Napangiti naman ako sa tinawag ko sa kaniya. Kung noon ay makokornihan ako, ngayon nama'y napapangiti na ako nito.
Mas hinigpitan ko muna ang pagkakayakap ko sa kaniya ng ilan pang sandali bago napagpasyahang buhatin siya pahiga sa kama niya.
Hindi naman ako nahirapan dahil hindi siya ganoong kabigat, isama pang hindi siya kumain. I feel guilty, tho. Ako ang dahilan bakit hindi siya nakakain at bukas na bukas din ay babawi ako sa kaniya.
Ipagluluto ko siya.
Napangiti naman ako ulit. Never in my life I cook for someone else. Pero kahit ganoon ay excited ako sa isiping ipagluluto ko siya.
Inayos ko ang kumot at binalot siya hanggang sa balikat niya. Tumayo muna ako at inayos ang kagamitan niya. Natuwa naman ako ng makita ko ulit ang pininta niya.
Isang mukha. At unang tingin palang mahahalata mo ng mukha ko ito. Hindi man ganoon kaklaro. Hindi man ganoon kaperpekto. Pero makikilala mo agad ito.
Napansin ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Simpleng pagpinta niya lamang sa akin, grabe na ang sayang nararamdaman ko.
Mas lalo pa nang bigyan ako nito ng pagkakataon. At ipinapangako kong hindi ko ito sasayangin.
Nang matapos ako sa pagligpit ng gamit niya, humiga na ako sa tabi niya.
Napagpasyahan kong dito muna ako matutulog. Hindi naman siguro siya magagalit at lalong hindi naman pinapansin ni Mama.
Yumakap na muli ako sa bewang niya at sumiksik sa leeg niya.
I guess, this is my favorite.
Her neck is so soft and smell like baby. Kahit yata magpawis siya, mabango pa rin siya.
At bago pa ako pumikit, pinagmasdan ko muna siya. Minemorya ko na ang bawat hugis ng kaniyang mukha at pinatakan ng halik ang noo niya at isa sa pisngi. Saka bumalik sa leeg niya at tuluyan nang matulog.
Nagising ako nang nasisilaw. Binuksan ko ang mata ko at napansing umaga na pala. Medyo late na pero ayos lang, ang sarap naman kasi ng tulog ko. Napangiti ako at kinapa kung andito pa siya sa tabi ko. Ngunit napawi lamang ang ngiti ko ng wala akong makapang 'Serina' sa tabi ko.
Napatayo ako bigla at lalabas na sana ng biglang bumukas ang pintuan.
Sinalubong ako ng nangingiting Serina.
Napasimangot naman ako.
'Bakit ang ganda niya?' bulong ng isip ko na ikinangiti ko kalaunan. Masyado akong nahumaling sa pagtitig sa mga mata niyang mapupungay kaya hindi ko na namalayan na lumapit na siya sa akin at pinitik ang noo ko.
Tinignan ko naman siya ng masama.
"Tulala ka po dyan?" sabi niya.
Hindi naman ako nagsalita. Naalala ko kasing hindi ko siya nadatnan nang magising ako. Kaya naman para akong wala sa mood.
Kumunot naman ang noo niya dahil sa hindi ko pagsasalita. Pero ganoon pa man, gumaganda pa rin siya sa paningin ko. Kahit yata anong gawin niya, pupurihin ko ang kagandahan niya. Kainis.
"Hinahanap ka na ni Tiya. Baba ka na po doon para makapag-almusal na tayo." pagsasalita niya. Tumalikod na siya sa akin at pinagtuunan ng pansin ang kama niya na kanina lamang ay hinigaan ko, namin pala.
Kaysa gawin ko ang iniutos niya, pinili ko na lamang ang yakapin siya kahit nakatalikod siya. Naramdaman ko namang nanigas ang katawan niya nang halos masakop ng mga braso ko ang manipis niyang tiyan. Dito ay napangiti akong muli. Ang sarap niya lang talaga ikulong sa mga bisig ko.
Naamoy ko pa ang buhok niya. Malambot ito at mabango. Pinatakan ko naman siya doon ng halik.
Ha! This girl is mine.
Sumiksik na muli ako sa leeg niya at nasinghot ko ang natural niyang amoy. Amoy baby! Tinulak naman niya ang ulo ko.
"Nakikiliti ako Uno. Lumayo ka po." mukha atang naasar na siya base sa tono niya. Kaya naman lumayo na ako.
Baka kapag ininis ko pa siya lalo ay bigla niyang bawiin ang sinabi niya kagabi. Ayaw ko iyon mangyari.
"Goodmorning, MySerina." bati ko sa kaniya saka ngumiti ng pagkalapad-lapad.
Natigil naman siya sa pag-aayos ng kama saka tumingin sa akin.
Nang makita niya ako, ngumiti rin naman siya saka kinurot ang ilong ko.
"Goodmorning din, Makulit."
Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya, "Ako? Makulit?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Opo. Ang kulit mo po matulog. Buti hindi ka po nahulog." sagot niya at bumalik na muli sa pag-aayos.
"Hindi kaya. Stay put lang ako doon sa gilid. Ikaw nga dyan ang likot mo. Halos sakupin mo na kama mo at ihulog ako."
"Ha! Ako pa po pala? E ikaw po dyan ang malikot. Yakap ka po ng yakap e napakainit po. Tatanggalin ko tas ibabalik mo." nakapamaywang niyang sabi habang may paturo turo pa siya sa kaniyang sarili at sa akin.
Natawa ako. Pero hindi ko pinahalata dahil gumilid ako para hindi niya makita.
'Guilty ako do'n a.'
"Ha! May patawa tawa ka pa pong nalalaman dyan." nahuli pa pala niya ako. Niyakap ko nalang siya. Hindi naman na siya tumanggi pa. Pero nang nagtagal pa at hindi na ako bumitaw, kinurot niya ako sa baywang. Kaya naman napalayo ako.
Masakit din siya mangurot a.
Tinignan ko siya at inirapan.
"Hala? Bakla ka na?" bigla niyang tanong na ikinairap ko ulit sa kaniya.
"Sayang naman, nakausap ko na si Tito. Pumapayag pa naman siya sa atin. Hayyy!" banggit niya sa issue namin na ikinabigla ng buong pagkatao ko. Ni hindi rin ako nakagalaw.
Napansin ko nalang na nakanganga ako sa kaniya ng isinarado niya ang bibig ko.
"Papasok langaw, hehe!" pero hindi ko iyon masyadong napansin dahil nagsisink in pa sa akin ang una niyang sinabi bago iyon.
"Totoo? Pumayag si Papa?" pag tatanong ko pa ulit. Tumango naman siya ng nakangiti. "Bakit noong ako ang nagpaalam hindi siya pumayag? May bias a! Ako ata ang anak dito?"
Natawa naman siya sa sinabi ko. Totoo naman e. Nagpaalam na ako sa kaniya pero hindi niya ako pinayagan. ILANG BESES PA IYON HA! Tapos kinausap lang siya ng ISANG BESES ni Serina, pumayag agad siya?
Aba, aba!
"Huwag ka na po magtampo dyan. Ayaw mo ba yon? Pumayag na?" pang-aalo niya sa akin pero nagsalita naman siya agad. "Oo nga pala. Ayaw mo yon kasi... BAKLA KA!" Lakas naman ng tawa niya pagkatapos niya magsalita. May pahawak hawak pa siya sa tiyan na parang hirap pa sa paghinga.
Tinulak ko naman siya sa kama at pinatungan.
"Umirap lang bakla na agad?" seryoso kong tanong sa kaniya na ikinabigla niya.
Tatayo pa sana siya nang hawakan ko ang magkabilang pulso niya. Naibigay ko rin sa kaniya ang buong bigat ko.
"Joke lang naman po iyon e. Sorry na." malambing naman niyang salita kaya naman nanlambot nalang ako at umalis sa ibabaw niya.
"Isa pang joke mo ng ganon, hindi lang patong gagawin ko sa'yo." seryosong pagsasalita ko ulit sa kaniya.
Tumayo naman siya at tumakbo sa pintuan.
"Ows?" pang-aasar niya pa sa akin. Hahabulin ko pa sana ng sinaraduhan ako ng pinto. Narinig ko pa ang mabibilis niyang yabag pagbaba.
Siya ata ang makulit sa amin?