Chereads / Love Me or DIE / Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 22 - Chapter 21

Gabi na at nasa bahay na kaming lahat. Walang nangyari kanina bukod sa pagtingin sa akin ng masama ni Uno. Pero bukod doon ay wala namang nangyaring marahas.

Nagkulong din ako sa kwarto ko at buong maghapong nagcellphone. Tumambay ako sa social media. Nag google din ako ng tungkol sa mga bagay bagay na hindi ko alam.

At mayroon akong nabuong konklusyon.

Dahil si Uno lang naman ang lalaking naging malapit sa akin, marahil ay kailangan ko ng magkaroon ng iba pang malapit sa akin. Mapa babae man o lalaki.

Sa paraang ito baka mahanap ko ang kasagutan na hinihiling ko.

*knock-knock

Agad naman akong tumayo at pinagbuksan ito. Not minding kung sino ang kumakatok. Pagbukas ko ay naabutan ko si Tiya.

"Tiya bakit po?"

Hindi naman ako nito tinanong at bigla na lamang pumasok sa silid ko.

"Rina, about sa sinabi ko kanina. Pumapayag na ako sa inyo ni Uno. Pero paano nalang ang Tiyo mo?" Nahulog kami sa mahabang katahimikan ni Tiya.

Mabait man si Tiyo, alam kong magagalit pa rin ito kung malaman niya ang mga bagay tungkol sa amin ni Uno.

"Nag-aalala lang ako sa inyong dalawa ni Uno, Rina. Kilala ko nang lubos ang Tiyo mo. Kapag galit siya hindi mo na mapipigilan ang gagawin niya. At alam kong hindi niya 'to magugustuhan."

"Pero Tiya wala naman na po akong planong palalimin pa ang pagkagusto ko kay Uno. Napag-isipan ko na pong balewalain ang kung anong hindi maaaring nararamdaman ko kay Uno. Napag-isip ko pong baka naguguluhan lamang ako at naninibago dahil si Uno lang din po ang lalaking malapit sa akin." paliwananag ko. Sa buong oras na pagkukulong ko sa kwarto eto ang nabuo kong konklusyon. Napakainam gawin kahit delikado.

Hindi pa man ulit nakakasagot si Tiya may pumasok na muli sa kwarto ko.

Si Uno.

"B-bakit ka and-dito?" sa klase pa lang ng tingin nito na nakatutok lamang sa akin ay pinanginginigan na ako. Nawala na ulit ang Uno na masaya. Heto na naman siya sa nakakatakot niyang awra.

Hinawakan ni Tiya si Uno sa braso. Naglalakad ito palapit sa akin pero pinigil siya ni Tiya.

"Sandali lamang Uno, nag-uusap pa kami ni Rina."

Pero parang hindi niya naririnig si Tiya. Tinignan niya lamang ito at bumalik na muli sa akin ang tingin niya.

Tinanggal nito ang pagkakahawak ni Tiya sa braso niya. Saka ito tumingin kay Tiya.

"Sinasabihan mo na naman ba siyang layuan ako? Pinatunayan ko na sayong wala akong sakit bakit mo pa siya pinapalayo?" Saad ni Uno. Gusto ko sanang umapila sa sinabi niya. Gusto ko sanang ipagtanggol si Tiya, pero wala akong lakas para gawin ito.

Ngumiti si Tiya, "Ganyan ba ang tingin mo sa'kin, anak?"

Kahit nakangiti si Tiya mahihimigan mo pa rin ito ng sakit.

"Ikaw naman talaga ang unang tumutol sa amin, 'di ba?" Nararamdaman ko na ang inis sa tono ni Uno. "At ngayong may nararamdaman na siya para sa akin, pipiliin na niyang pigilan ito dahil utos mo, gano'n ba?" Nang uuyam ang tono niya.

Lumapit naman ako sa kanila ay bahagyang tinulak si Uno.

"Bakit ka ba ganyan makipag-usap sa mama mo? Mama mo siya Uno, hindi kung sino lang. At may karapatan siyang pigilan ka kung makakasama sa'yo ang ginagawa mo."

Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ng loob ko pero isa lang ang gusto kong mangyari, ang hindi masaktan ni Uno ang mama niya. Ang walang away na mangyari sa pagitan nila.

Natawa naman siya. "Sabihin mo nga sa akin Serina, anong masama kung mahal kita? Hindi tayo magkapatid Serina."

Hinawakan ako nito sa siko. Kita sa mukha niya ang pagsusumamo.

"Pero sa paningin ko magkapatid kayo. Please Uno, pwedeng iba nalang?" Si Tiya ang nagsalita. May parte talaga sa kaniyang ayaw niya. Kahit sinabi niyang tinatanggap na niya kami, may parte sa kaniyang ayaw talaga.

"Ma naman..." napayuko si Uno, nabitawan na rin ako nito. Nanghina siya sa sinabi ni Tiya. "Hindi kami magkapatid pwede ba huwag mo ipagpilitan 'yan? Minsan lang ako humiling Ma..." hindi na itinuloy ni Uno ang sasabihin niya sana.

Hindi naman nakasagot si Tiya at lumabas ng bigla sa kwarto ko. Hindi na ito muling tumingin sa amin habang naglalakad siya palabas.

At dito muling nagsipatakan ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa ako ang pinagmulan ng away ng mag-ina o dahil ba sa hindi talaga tanggap ni Tiya.

Pinunasan naman ni Uno ang luha sa pisngi ko. Wala siyang sinasabi at hinahayaan lang ako.

Matapos ang ilang sandali kumalma na muli ako.

"Pwede bang lumabas kana?" pakiusap ko sa kaniya. Wala naman siyang pagtutol na ginawa bagkus pinatakan na lamang ako nito ng halik sa noo.

"Goodnight, Serina. Sabay tayo bukas." huling salita niya bago siya lumabas. Nagulat pa ako sa paghalik niya sa noo ko kaya hindi na ako nakasagot pa.

Hanggang sa makatulugan ko na lang ang pag-iisip kay Uno.

Kinabukasan, nagsabay nga kami sa pagpasok. Binilinan pa ako nitong magsasabay kami pauwi.

Pero binilinan naman ako ni Tiya na maunang umuwi dahil mamamalengke pa ako.

Sa classroom, himala namang may lumalapit na sa akin.

Si Heidi. Ang class president namin. Friendly talaga si Heidi pero ngayon lang talaga siya lumapit sa akin para kausapin ako.

"Hi. Kumusta ang weekend mo?" sambit nito kanina nang tumabi ito sa akin. Nakakabigla man pero nakagaanan ko agad siya ng loob ng nagtuloytuloy ang usapan namin.

"So ano, sabay ka sakin kumain mamaya?" tumango naman ako agad. Ni ang ngiti ko ay hindi matanggal sa labi ko dahil sa galak na nararamdaman ko.

Sa wakas, may kabigan na rin ako.

"Ayos. Papakilala kita sa iba kong friends." Sabi pa niya at hindi na talaga umalis pa sa tabi ko kahit pumasok na ang teacher namin.

"Baka ayaw nila sa akin?" tanong ko naman sa kaniya.

"Bakit naman sila aayaw sayo? Weird ka lang pero masaya ka rin pala kasama. Magugustuhan la nila panigurado." natawa naman ako sa kaniya. Sana nga.

Nagtuloy lang kami sa pag-uusap pero this time ay about na sa tinuturo ng teacher. Ang topic kasi ay about sa Statistics. Medyo complicated pero tinutulungan naman ako ni Heidi.

"You know what Rina? Ang ganda mo pala kapag nakangiti." nabigla naman ako sa sinabi niya nang palabas na kami ng classroom dahil lunch na.

"Ikaw din naman. Maganda ka kapag nakangiti." balik ko sa kaniya na ikinatawa niya saka ako pinalo sa braso. Napa 'aray' naman ako pero siya tumawa lang.

"Enebe, I know right?" sagot niya na ikinatawa ko nalang din. Ang kalog niya talaga.

Hanggang sa makapunta kami ng canteen at makaupo, puro pa rin siya sa kalokohan niya. Ang daldal niya at hindi naman ako nagrereklamo. Natutuwa pa nga ako.

At dumating na nga ang iba niyang kaibigan.

Isang babae at tatlong lalaki.

"Oh Serina, mga bobo kong kaibigan pala. Si Shane, David, Mac, at Gray." kumaway naman sila sa akin at nginitian ko sila.

Pwera lang kay Gray na nakatingin lang sa akin at walang ibang expression ang mukha. Pero kahit ganon ay binigyan ko pa rin siya ng maikling ngiti.

"Grabe ka naman sa bobo, Heidi. Porque president ka lang ng classroom." Inis na sagot ni Shane kay Heidi.

"Bakit? Bobo ka naman talaga Shane ah." sagot naman ni Mac. Tinignan siya ni Shane ng masakit saka ito binatukan. Natawa naman ako.

"Oh, awat. Kakain tayo. Hindi magwre wrestling. Tsaka hindi ba kayo nahihiya? May bago dito oh." Nagsalita naman si David.

"Ayos lang haha." sagot ko naman. Nginitian lang naman ako nito. Pero tumahimik na ang mesa namin. At isa isa ng nag-order ng pagkain.

Inorderan naman na ako ni Heidi ng pagkain. Tumatanggi ako pero sabi niya sagot niya na. Pang welcome daw.

Ano naman kayang welcome yon? Kaya naman ay ako lang ang naiwan sa mesa namin.

At habang tinitignan ko sila Heidi at iba niyang kasamang nag-oorder, napapangiti ako. Ang kulit pala nila. Kung makulit na si Heidi, mas makulit ang mga kasama niya. Pwera lang kay Gray. Napatingin ako sa kaniya at sakto namang nakatingin din ito sa akin. Pero agad naman niyang inalis ng mahuli ko ang tingin niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko dito. Naalala ko si Uno, kasi kung si Uno 'to, mas lalo niya lang akong tititigan.

Napailing iling naman ako. Hindi siya si Uno, ano ba.