Lumipas siguro ang limang minuto ng mainip na talaga ako. Mauna nalang kaya ako at dito muna si Uno? Pwede naman.
Pagkalabas ko palang ng pintuan ay saktong si Uno na ang nadatnan ko. Nadatnan ko itong nakasandal sa pader at nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang braso.
Bat ang pogi niya tignan? Shokt.
"K-kanina ka pa?" tanong ko. Umalis na ba agad ung mga babae?
"Di ko alam. Andito na ako nung pumasok ka ulit e kalalabas mo palang. Ano tapos kana?" hala nakita niya ako?
"Ah oo, hehe. May naiwan lang kasi ako." nagpakita pa ako ng kyemeng ngiti. Mukhang kumbinsido naman siya.
Kung kanina ay umakbay lamang ito sa akin, ngayon naman ay sa bewang ko na siya humawak.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at di ko ang gagawin. Bigla ay parang hindi makagalaw ang buong katawan ko. Naparalisado na ata.
"Bakit?" tanong naman niya. Shet. Obvious ba, Uno? Nakakabigla naman na bigla siyang hahawak sa bewang ko.
"Bakit dyan ka po nahawak?"
"Nakita ko ung iba dito naman nakahawak. Tsaka komportable din pala pag hinahawakan ka dito e." nakangiti niya pang sinabi at inakay na ako palabas ng mall.
Wala na akong nagawa kasi mariin na ang pagkakakapit niya sa bewang ko. Hanggang sa sumakay kami sa sasakyan nila at paandarin ni Manong ang sasakyan, hindi parin nawawala ang kamay ni Uno sa bewang ko. Halos yakapin na din ako ng braso nito.
At ng tumingin si Manong sa amin, alam kong nakita niya ang braso ni Uno sa bewang ko. Parang gusto ko tulog lumubog sa lupa.
Isipin ko pa lang ang iniisip ni Manong, nahihiya na ako.
Si Uno naman, pinatong pa ang baba sa balikat ko at iniyakap pa ang kaniyang kabilang kamay sa akin. Kaya para na talaga siyang nakayakap sa akin.
Tinatry ko naman na tanggalin. Dahil tingin pa ng tingin si Manong sa amin. Manong naman, focus lang sa pag drive. Wag sa amin.
"Ang saya ko ngayon." bulong ulit ni Uno na nagpatayo sa balahibo ko sa batok dahil abot doon ang hininga niya.
Hindi na din ako makaalis sa pagkakaakap niya dahil mahigpit na ito.
"Bagay kayo Sir." sambit naman ni Manong.
Na siyang nagpatawa kay Uno.
Ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib niya dahil nakadikit na talaga siya sa akin.
"Talaga po? Galing ko po pumili noh?" may halong yabang sa tono ni Uno ng sumagot ito.
"Opo Sir."
At tuwang tuwa pa siya ng sumang ayon si Manong.
Kaya lang, para yatang wala ako dito kung mag usap sila? Ano akala nila sa akin, bingi? Amp.
Hanggang sa makauwi kami ay ganon parin si Uno at si Manong. Tawa parin sila ng tawa sa mga pinagsasabi nila.
At kahit papaano, nakikita ko na may nagbabago kay Uno.
Eto ang kauna unahang beses na kumausap siya kay Manong at nagtatawanan pa. Sana ganito nalang siya lagi.
Tumingin ako sa kaniya at naabutang nakatingin siya sa akin. Nakangiti pa siya. Kaya ngumiti din ako. Ang pogi niya kasi talaga.
"Ayon. Akin kana talaga." sambit niya. What?
"Ano? Anong pinagsasabi mo dyan?"
"Sabi na e. Lutang ka. Sabi ko po, kapag tumingin ka sa akin at ngumiti, akin kana talaga. Pero kahit di mo naman yon gawin akin ka parin. May pinatunayan lang ako kay Manong." ngiting ngiti niyang sabi.
Ahh yon pala yon.
Wait ano?
Sakaniya na ako? Talaga?
"Uno??!" pagsasaway ko sa kaniya. Pero mahina lang ang boses ko. Ayaw ko siya ipahiya kay Manong.
"Ikaw na talaga Sir hahaha." sambit din ni Manong.
Hala silaaaaa. Bakit silaaa ganyaaan.
Si Uno naman pinili ng matulog. At wala na naman ako magawa.