Chereads / Love Me or DIE / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Naging ayos naman ang pamimili namin ni Uno sa shop na yon. Nakahanap kami ng babagay sa amoy niya.

Natutunan ko kasi yon. Once na ung pabango mo e hindi nagcocompliment sa amoy mo lalo na sa pawis mo, babaho yon. Mag iiba yong amoy.

At ngayon andito naman ako sa grocery store. Dito din sa loob ng Mall. Nagpapa grocery kasi si Tiya. Nagsend din siya ng mga bibilhin kaya madadalian nalang kami sa pamimili ni Uno.

Kasalukuyan siyang nagtutulak ng cart habang ako naman ang nag gaguide kung saan kami at pahihituin siya kung may kukunin ako. Minsan siya din taga abot.

"We're like a married couple. Like 'hobby can you get that for me?'. Hahaha." out of the blue na sinabi niya.

Ang seryoso ko kasi sa paghahanap ng mga bibilhin namin. Tapos siya kung anu ano na pala ang iniimagine?

"Matanong lang po kita. Ikaw ba nakain na?" tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin.

"Hmm, oo kanina."

"Kanina pa pala. Kaya pala para kang nalipasan dyan. Kung anu ano iniisip mo." pagsusungit ko.

Paghakbang ko palang ng isa, bigla ako nakaramdam ng kakaiba.

Napatigil mundo ko.

Literal na tumigil pati ako tumigil.

Omg. Meron ba ako?

Binilisan ko nalang ang pamimili.

"Nagmamadali ka ba?" bat ba puro siya tanong ngayon?

"Obvious ba? Sige na dalian mo na din." sabi ko sa kaniya at binilisan na talaga.

"Bakit?"

Sabihin ko ba sa kaniya? Ehhhhh nakakahiya.

"Wala, wala." hiya talaga ako.

Nang matapos na ang pamimili namin don na ako di nakatiis.

Paano kaya kung may tagos na ako?

"Uno?" di naman siguro magagalit si Tiya pag di ko muna tinawag si Uno na Sir diba? Wala naman si Tiya e.

"Hmmm bakit?" halata na ding hirap na siya sa pagbubuhat ng mga nigrocery namin.

"Tignan mo nga kung may tagos na ako?" nahihiya man ay tumalikod ako sa kaniya at kunwari ay nasa unahan lang ako nito. Para di halatang pinapakita ko ang pwet ko. Nasa medyo gilid din kami.

"Ung pula ba na marka?" shit meron ba?

"Oo, meron ba?"

"Sa banda sa pwet ba?" potek meron ata.

"Oo, may nakikita ka nga?"

"Wala naman." napalingon naman ako sa kaniya.

"Ano? Wala? Tignan mo nga maigi." tumalikod pa ako at medyo tumutuwad ng onti lang. Kinakamot ko ung tuhod ko kunwari.

"Tsk! Wag ka ngang gumanyan. Wala nga!" May halong inis na ang tono niya.

Nilagay na niya sa iisang kamay ung mga pinamili niya. Tsaka umakbay sakin.

"Totoo? Wala talaga? Malinis?"

Tinignan ako nito ng masama.

"Tatanong lang e." tinatry ko pa tignan ang pwet ko pero pinihit niya ulo ko.

"Halata ka. Wag ka ngang ganyan. Halika na nga." Habang akbay akbay niya ako nawoworry parin ako na baka may tagos ako. Pero naka maong naman ako. Pero sana wala.

Pag tingin ko naman sa kaniya ngiting ngiti parin siya.

"Bakit ka nakangiti dyan? Hindi kaya pinagloloko mo ako at pinagtatawanan na nila ako? Nakatingin pa sila sa atin. Sigurado ka bang wala talaga? Pero alam mo kung ano yon at saan." tumingin ulit ako sa kaniya pagkatapos ko tumingin sa ibang tao. "Hoy, nakikinig ka po ba?"

"Ang cute mo." biglang sambit niya.

Dito naman ay napatulala na ako sa kaniya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

"Kung anu ano naman po sinasabi mo." ramdam ko ang init sa pisngi ko. Hala, mainit ba ako?

"Tsk! Ayan andito na tayo sa cr, maglagay ka muna." hindi ko namamalayan na huminto na nga kami sa cr. At buti nalang meron akong binili kanina na pads. At meron din naman ditong vending machine kung saan makakakuha ka ng pads at tissue kung maghuhulog ka ng barya.

Naghulog naman ako dito at kumuha nalang ng tissue.

Omg. Hassel is real.

Matapos ko mag cr ay pumunta na ako doon sa sink at naghugas ng kamay. Wala din ako gaano kasabayan maliban sa mga babae dito sa gilid ko na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Pagkaalis naman nila, tumalikod ako sa malaking salamin at tinignan kung may tagos ba ako.

Wala naman talaga. Tama si Uno. Pero bakit nakatingin ang mga iyon? Bahala na nga.

Pagkalabas ko ay saktong nakita ko si Uno na kausap ung mga babae na grabe makatingin sa akin kanina sa loob ng cr.

Lalapitan ko na ba siya o mamaya nalang muna?

Bigla ko naman naalala ung sinabi ni Tiya. Na baka malapit sa akin ang loob ni Uno dahil ako lang ang naging kaibigan nito.

Kaya nag stay na lang muna ako sa loob ng cr. Hindi na muna ako nagpakita sa kaniya.

Tama naman diba? Hayaan ko din siya makasalamuha ng iba.

Pero bakit may part sa akin na gusto nalang siya ilayo sa mga ito? Pwede namang mga lalaki ang lalapit sa kaniya diba? Bakit kasi puro babae pa.