Leaving
Nang maghapon ay hinatid namin si Manang sa Clark Airport. Nais na niyang umalis bigla. Pero hanggang ngayon ay hindi niya pa ako kinakausap. Ni paghingi ko ng paumanhin kanina dito ay sinawalang bahala niya.
Ganon nga siguro ang galit niya sa akin dahil buhay niya ang nakasalalay.
Pinaalalayan naman siya ni Tiya sa isang Stewardess at dahil marami ang dala ni Nanay. Lahat ng gamit nito ay dinala niya at wala ni isang tinira.
Ayaw na talaga bumalik ni Nanay. Grabeng takot at trauma ang dala dala nito.
Hiling ko na lamang sa Maykapal ang kaligtasan ng pagbiyahe nito at nawa ay bumuti na ang pakiramdam nila. Mawala ang takot at pangamba ngayong malalayo na siya sa amin. At nawa ay mapatawad na ako nito.
Mamimiss ko ito ng husto.
Kababalik niya palang pero mawawala na ulit siya.
At ngayo'y mawawala ng tuluyan.
Hindi namin kasama si Uno, o Sir, dahil may klase pa ito. Pero nagpaalam naman daw si Tiya dito. Mukhang nagalit pa daw dahil nais nitong sumama pero bakit kami nagmamadali.
Pinagbantaan pa kami nito at baka daw ay tumakas ako.
Isinawalang bahala nalang namin dahil di naman ako tatakas.
Mahaba habang byahe pa ang aabutin namin at mukhang inabutan pa kami ng rush hour sa daan dahil sa Biyernes na at maggagabi na.
Itinulog ko nalang dahil kulang pa talaga ako sa tulog. Pagod na pagod ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari siguro.
Nagising na lamang ako ng huminto ang sasakyan at ginising ako ni Tiya.
Nagulat naman ako ng hindi sa bahay kami huminto. Nasa isa kaming restaurant.
Sa harap pa lamang ng pintuan nakita na namin si Uno na naghihintay.
At pagbaba ko pa lamang ay lumapit na ito sa akin. Iniyapos nito ulit ang kamay sa bewang ko.
"Buti naman at di mo ako iniwan." bungad nito sa akin at ginigiya na ako nito papasok ng restaurant.
Ngiti na lamang ang naging sagot ko dito at hindi na muling lumingon dito. Kahit kapansin pansin ang pagtitig nito, pinirmi ko lamang ang tingin ko sa harap.
"Ano sabi ni Nanay Saling? Galit ba siya sa akin?" dito na patingin ako sa kaniya. Halata sa mukha nito ang kaunting pag aalala.
"Hindi naman. Mabuti naman siya. Nakangiti na siya ng magpaalam sa a-amin." actually I lied a little bit there. Mabuti na siguro pakiramdam niya dahil malayo na si Uno sa kaniya. Mabuti na siguro pakiramdam niya dahil malayo na din ako sa kaniya.
At hindi naman siya nagpaalam sa akin. Bagkus para lamang akong hangin dito. Hindi niya pinapansin o binibigyan lamang ng sulyap.
Isipin lamang ito nanghihina na ako. Namimiss ko na agad ito.
Bigla naman may nagpahid ng pisngi ko. Lumuluha na pala ako.
"Gusto mo bang pabalikin ko siya dito?" tanong nito sa isang napakalambing na tono.
Umiling ako agad.
'Para gawin mo ulit panakot sa akin at mapahamak siya? Wag nalang. Titiisin ko nalang ang sakit.' sambit ko lamang sa isipan ko dahil baka magalit siya at iba na naman ang magawa niya.
Hinalikan naman nito ang tuktok ng ulo ko.
"Huwag kana mag alala sa kaniya, di siya pababayaan ng pamilya niya. Matutuwa na din ang mga pamilya ni Nanay Saling." atleast his words comforted me.
I smiled at him and nodded.
I just can't talk that much. My heart hurts a lot. Ayaw ko pa makapagbitaw ng masasakit na salita.
"Umupo kana. I'll just order something you will like." he said again. Mukha yatang mahaba ang pasensya nito sa akin. Hindi siya naiinis kahit halos hindi talaga ako magsalita.
Nakita ko naman si Tiya na umupo sa harap namin. Bale pang apat na tao lamang ang table namin. Couch-like ung style ng chairs dito. Mukhang mamahalin.
"Mademoiselle, your orders please." pagsasalita ng isang waiter kay Tiya. Mukhang sanay naman na dito si Tiya at nagbanggit siya ng pangalan ng isang pagkaing di ko naintindihan ni masundan man lang.
Ganoon din sa order ni Uno. Hinayaan ko na lamang sila. Kaysa pasakitin pa ang ulo ko sa kakainin namin, isipin ko na lamang na wag akong mapili pa.
"Your drinks please?" ang waiter ulit.
Nagsabi si Tiya ng red wine. At si Uno naman ay tumingin muna sa akin.
"Juice nalang po akin."sabi ko dito. Yon na din inorder niya para sa kaniya.
Nang makaalis na ang waiter saka tumingin ng taimtim sa amin si Tiya. Malalim ang pagkakatitig nito at hindi man lang nagbigay ng pake si Uno dito.
Kaya siniko ko na ito tsaka pa lamang siya tumingin kay Tiya.
"Since umalis na si Manang, ikaw na ang gagawa ng lahat ng gawain sa bahay Serina. Lalo na ang pagluluto." Isa na din ito sa inaasahan ko.
Hindi kasi agad agad nagtitiwala si Tiya at si Manang lamang ang nag iisa.
"Opo Tiya."
"Bakit mo pa uutusan si Serina, Mama? We can just find another maid." pagsisingit ni Uno na may kasamang inis.
Bumuntong hininga naman si Tiya. "We can't trust someone so easily. And okay naman kay Rina, hindi naman siya nagrereklamo. So stop complaining, First Froilan. Why don't you be like Rina? She agreed so easily. Try it, its more convenient."
I hear sarcasm in Tiya's words. At tingin niya ba ginugusto kong sumunod lagi sa kaniya? Duh.
If only I have a choice.
"Whatever Ma. Its not like Rina really like it, she maybe just agree because–"
Before Uno can continue whatever he will say, I hold his hand on his thigh and pressed it lightly.
Nawala naman ang atensyon nito kay Tiya at lumipat sa akin. Umirap lang ito sa akin at siya na ang humawak sa kamay ko.
Wrong move ata. Pero okay na din ito kaysa mag away o magbangayan sila ni Tiya.
Dinners went well except that I can't eat because of Uno's stares. Here he come again.
Buti nalang at binitawan na niya kamay ko. Pero pagtayo na pagtayo pa lamang namin yumapos na ito sa akin na para ako nitong isang pag aari.
His touch speaks possessiveness. And I don't like it.