Mad/Pity
Knowing he can enter my room without me noticing it feels like I'm not safe. Like someone can do bad to me.
"Uno, alam ko po nakakatanda ka. Pero hindi naman po tama na pumasok ka ng basta basta sa kwarto ko. Lalo pa wala ang permiso ko neto. Masama pa doon ay..." tinignan ko naman siya ng mariin bago tinuloy ang sinasabi ko. "...n-naliligo ako."
Napapikit na lamang ako bigla dahil unti unti saking pumapasok ang pagkahiya at galit. Nahihiya ako. May times kasi na lumalabas ako ng banyo kahit hindi nakatwalya. Lalo na pag tanda kong nailocked ko ang pintuan ko. Which I usually do.
At galit. Galit kay Kuya dahil pinipilit niyang pasukin ang pribadong espasyo ko. Una, ang cellphone ko. That's the very first thing he can invade easily, and he just did. Pangalawa, eto ang kwarto ko.
I am a conservative person. I don't like anyone, even Kuya, invade my privacy without my permission.
Antagal niya hindi nakaimik. At ng tignan ko na ito ay nakayuko na lamang ako.
"So you're mad at me now, huh?" parang nanghihina nitong saad. Parang napakasakit para sa kaniya na mapagsabihan ko ng tulad neto.
"Dapat po ba hindi? Dapat po ba okay lang sakin mga pinagagawa mo po? Hell no." huling turan ko bago ko siya iniwan at lumabas na ng kwarto ko.
Unang beses na sumuway ako sa pamamahay na to. Unang beses na naisatinig ko ang nais ko. Unang beses na hindi ako nagpa control sa mga tao dito.
And it feels so surreal/unrealistic.
Mabibigat ang mga hakbang ko. Kahit katawan ko yata ay nagagalit.
At eto ang pinakaunang nailabas ko naman ang galit ko.
Dati rati kasi sa tuwing di ko gusto ang sinasabi o iniuutos ni Tiya, gagawin ko parin ito ng walang galit o dabog na maririnig. Pero pagkatapos nito at pumupunta ako ng kwarto ko at doon ay umiiyak.
Hinihiling ko nalang na sana isinama na ako ng mga magulang ko kung nasaan man sila. Mapa langit o impyerno man. Pakiramdam ko din naman kasi, hindi ako nabubuhay. Para akong robot kumbaga. Kinokontrol ng ibang tao ang bawat galaw.
Pero ngayon, nais kong maiyak sa tuwa sana. Pero galit ako. At gusto kong maramdaman ang emosyon na to. Dahil tuwing galit ako, tumatapang ako.
Dumiretso ako sa kwarto ni Nanay Saling. Kumatok naman muna ako.
"Nanay?"
"Oh? Sandali lamang." sagot nito sa loob at narinig ko na ang pagbukas ng pinto.
"Bakit iha? Nagugutom kaba ulit?" nag aalala nitong tanong.
"Hindi po. Gusto ko lamang kayo makita. Namiss ko po kasi kayo ng sobra." ang totoo niyan, namiss ko lang ang taong kailanman ay hindi ako diniktahan at ang taong tingin sakin ay tao at hindi manika na pwedeng kontrolin naisin mo lang.
Niyakap ko ulit siya. Naamoy ko pa ang natural na amoy neto na nakakapagpakalma sakin. Hindi man ito mabango tulad ng sa mayayaman, eto parin ang pinakamabangong amoy para sakin.
It smells like home. And whenever I hug her, I feel home.
"Nakuuu, ikaw na bata ka talaga. Pumasok nga tayo at wag tayo sa labas mag iyakan." pumasok naman kami at umupo ako sa sahig nila habang sila ay sa kama.
"Nangulila kaba sa akin talaga o may problema ka lang? Alam mo iha, masama yang ginagawa mo. Pilit mong kinikimkim ang lahat, kaya nagagawa mong saktan ang iyong sarili." even her voice soothes the hell out of me.
It makes my anger vanish and replace with something so genuine.
Mabuti na lamang andito siya dahil di ko alam ang gagawin ko kung sakaling wala ako ulit matatakbuhan.
"Nay, pagod na po ako." pagkasabi ko nito ay umagos ng tuloy tuloy ang mga luha ko. Walang tigil. At nang akapin ako ni Nanay, ay mas lalo itong nagsisilabasan. Halos hindi na ako makahinga.
"Tahan na Rina, tahan na anak. Ang lahat ng bagay ay may rason bakit ito nangyayari. Maaaring di mo nakikita ngayon, balang araw ay malalaman mo rin. Hindi habang buhay ay makokontrol ka nila. Sikapin mong mabuti na umangat at tiyak magiging malaya kana."
Hanggang sa pagpahingain na lamang ako ni Nanay sa higaan niya. Kahit ang unan at higaan niya, naaamoy ko siya. Hindi naman eto ung mabaho dahil mapalinis si Nanay. Pero dahil dito nakatulog ako agad.
Nagising na lamang ako dahil sa isang masamang panaginip. Nawalay na daw ako ng tuluyan kay Nanay Saling.
Pati ata panaginip ko ayaw sa akin.
Pero tumingin naman ako sa tabi ko at nakita dito si Nanay Saling. Niyakap ko naman ito. Pero dahil mababaw lang lagi ang tulog nila nagising sila.
"Iha gising kana?" tumango naman ako.
"Hindi na kita ginising nung hapunan. Masyado kasing masarap ang pagkakatulog mo. Napakapayapa mo tignan kapag natutulog." hinahaplos naman nito ang buhok ko habang ako ay nakayakap parin dito.
Hmm, ang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing hahaplusin ang buhok ko.
Sa gitna ng gabi at tahimik na kwarto, narinig namin ang pagtunog ng tiyan ko.
"Oo nga, hindi ka kumain. Haha. Oh siya iha, gusto mo ba ipaghanda kita?"
"Huwag na po. Ipahinga niyo na lamang po dyan at ipagpatuloy ang pagtulog. Kaya ko na po ito."
"Oh siya at maaga pa ako bukas."
Ngumiti naman ako sa kanila at lumabas na. Saka dumiretso sa kusina at naghanap ng makakain.
Gusto ko humigop ng mainit na sabaw. Noodles nalang muna ang kainin ko.
Gutom na gutom na din kasi ako. Kaya maigi na itong mabilisan. Habang nagluluto may bigla naman umakap sakin.
Nagulat pa ako dahil malalaki ang bisig ng umakap sakin.
"Kuya?"
Humarap ako dito kahit nakayakap pa siya. At siya nga. Akala ko ay bibitaw na siya sa pagkakayakap sakin pero hindi. Muli lang siya umakap sa bewang ko at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.
It feels awkward at dapat galit ang maramdaman ko sa kaniya. Pero hindi galit ang nararamdaman ko ngayon.
Kundi awa.