Dahil Akin Ka.
Wala ng nagkaimikan sa sasakyan. At ayos naman na sakin yon.
Bente minuto pa ang aabutin ng byahe bago ang eskwelahan namin. Kaya hangga't maaari ayokong mabored dito sa sasakyan. Kaya nilabas ko ang phone ko at nagbasa ng mga chats sa Messenger.
Lahat naman ng andoon ay mga gc. Wala man lang isang private message na naligaw sa messenger ko. Wala din kasi ako kaibigan.
Nagbasa basa lang ako doon ng mga update ng guro namin. Maaga na din nagsabi na ang mga panghapon kong guro ay aabsent. Kaya vacant kami sa hapon.
"You have an account?" bigla naman nagsalita ang katabi ko.
"Opo. Kailangan daw po kasi nang ilang mga guro. Para hindi na sila magpaload kung may sasabihin sila sa amin."
"I see. Let me check it." Bago pa ako makasagot kinuha na niya agad ang cell phone ko. Tsaka siya nag scroll scroll. Pati facebook ko ay pinakielaman na niya.
"Bakit mo pa kailangan icheck?"
Umupo naman na siya ng matuwid ng parang may nabasa siya.
"Bakit may tinatago ka ba?" Tinignan naman niya ako ng malalim na parang binabasa ang mukha ko.
"Ano naman maitatago ko? Kita mo na ngang nasayo na ang phone ko."
Bumalik naman na siya sa paggamit ng cell phone ko.
"Taena nawala antok ko dito ah." bulong niya na rinig na rinig ko naman.
"Bakit po?" tumingin na din ako sa ginagawa niya sa cellphone ko. Nanlaki nalang bigla mata ko ng nasa gallery na pala siya. Kinuha ko naman bigla cell phone ko.
"Hala ka po. Akala ko po ba ang titignan mo lang ung account ko?" nilagay ko na agad sa bag ko ang cell phone ko.
Madami kasi akong tinatagong picture ko. Mahilig kasi ako kumuha ng litrato.
"May sinabi ba ako? Simula ngayon titignan ko na lagi ang phone mo."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit niya naman gagawin yon?
"Hindi naman po kailangan e." kiyeme kong sagot dahil kahit titig niya ay di parin naalis sakin. Napakaseryoso na niya ulit. At mukhang dahil sa sinabi ko ay naiinis na siya.
"Kailangan yon. Trust me." ngumisi pa siya. Lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko. "Dahil kung hindi ka susunod, magagalit ako."
"Nagbibiro kalang naman Kuya diba? Saka privacy ko naman po ito e." umuurong na ako sa gilid ng sasakyan. Natatakot na ako sa kaniya. Parang hindi na siya yong Uno kaninang kasama ko magwalis.
"Bakit naman ako magbibiro? In the first place, akin ka naman diba?" Hinapit pa nito ang bewang ko at muling sumandal sa balikat ko.
Tinutulak ko naman siya. Feeling ko namamanyak na ako. Sinuman ay wala pang gumagawa sakin nito.
Pero sa tuwing itutulak ko siya ay hihigpitan niya ang yakap sa akin. Hanggang sa dumidiin na ang mga kamay niya sa bewang ko.
Tumingin naman ako sa driver. Pero mukhang wala itong pakielam.
"Kuya, kapatid mo ako."
Konti nalang, konting konti nalang maiiyak na ako. Natatakot na ako sa paghawak hawak niya sakin.
"Kuya?" di ko alam pero nang uuyam lang ang tono niya. Na kahit tumawa siya ay mapapansin ang inis dito. "Don't you ever call me that. Or else, malalagot kana sakin."
Hanggang sa hindi na talaga ako makagalaw. Napapaigik naman ako dahil sumasakit na talaga ang bewang ko. Mukhang napansin naman niya iyon kaya hindi na niya hinigpitan.
"Sorry. Ikaw kasi, sumunod kalang sakin ha?"
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Magsusumbong naba ako sa ginagawa niya? Hindi naman siya ganito dati e. Parang mas gusto ko nalang yong hindi namamansin na Uno kaysa dito. Natatakot na ako.
Hinawakan naman niya ang baba ko at pinaharap sa kaniya.
"Diba sinabi kong wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita? Hindi kaba marunong sumunod?" tumataas na ang tono ng boses niya. Ang kaninang malamyos na pagkakahawak ay humigpit na rin.
Nagiging marahas na ang trato niya sakin. At di ko na maintindihan.
" Sagot!" sigaw niya pa na siyang nakapagpanginig na sakin ay unti unting tumulo ang mga luha ko.
Niyakap naman niya ako ng makita ang ekspresyon ko.
"Sshhh, ayan kasi. Kapag sinabi ko, sundin mo lang ha? Nang hindi ako nagagalit."
Pinigilan ko naman ang luha ko.
"B-bakit?"
"Dahil akin ka." huling tugon niya sakin saka na siya lumabas ng sasakyan. Di ko naman namalayan na nasa school ko na kami.
Nilahad naman ni Uno ang kamay niya sakin pagkababa niya. Pero di ko yon tinanggap at bumaba nalang bigla. Hindi naman kasi ako sanay na humawak pa sa kaniya bago bumaba.
"Ginagalit mo ba talaga ako?" matigas niyang tanong.
"Hindi kasi ako sanay."
"Well suit yourself. Kailangan mo ng masanay." Yon na lamang ang narinig ko bago niya halikan ang noo ko at pumasok na muli sa sasakyan.
Doon na ako natulala sa sasakyan na paalis na.
Ano yon? Bakit yon? Bakit niya ginagawa ang bagay na yon?
Puro nalang ata bakit at ano ang nasa isip ko. Mabuti nalang at sumigaw ung guard na malapit na ang bell. Doon ako parang nagkamalay at nagising.
Kailangan ko na pala pumasok at baka malate ako, magalit si Tiya.