Nagising ako ng madilim pa ang paligid. Sa tantiya ko ay madaling araw palang. Ngunit nagmadali na ako sa pag aayos ng kama ko bago pumunta sa banyo.
May pasok ngayon ngunit kailangan ko linisin ang hardin ni Tiya Lucy.
Si Tiya Lucy ay asawa ni Tiyo Filo, ang kumopkop sakin. Si Tiyo Filo ay kaibigan ng nanay at tatay ko. Siya na ang nag alaga sa akin simula ng mamatay ang mga magulang ko at naiwan na lamang akong nag iisa.
Limang taong gulang ako ng dalhin ako ni Tiyo Filo sa kaniyang bahay. Dito nakatira si Tiya Lucy at ang anak nilang si First. Na minsan ay tinatawag nilang Uno.
Nung una, maganda ang pinapakita sa akin ni Tiya Lucy. Naging mabait din ako dito at masunurin. Ngunit ng mangibang bansa na si Tiyo ay unti unti na ako nitong sinusungitan at pinapagalitan kahit sa mga maliliit na bagay lamang. Natuto din akong gumawa ng gawaing bahay dahil ayaw niya ng wala akong ginagawa.
Simula din noon ng mapansin ako ng anak nilang si Uno.
Tahimik lang naman ito at hindi kami nagkakausap. Ngunit pansin ko lagi ang pagtitig nito sa hapag kainan.
Isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil wala naman siyang ginagawang masama. Hanggang sa dumating ang araw na kinakausap na nga niya ako.
Una ay nagtatanong siya kung nasaan ang gamit sa kusina. Kasi ako din ang naglilinis at nag aayos ng kusina. Minsan naman ay sinasabay niya ako papuntang eskwelahan. Di kami pareho ng school pero mag kalapit naman ito.
Nasa private school kasi ito. At ako naman ay nagpublic nalang.
Nahiya kasi ako nang minsang kausapin ako ni Tiya ay sinabihan niya niya akong napaka kapal naman daw ng mukha ko kung gugustuhin ko pang mag aral sa private. Kaya kahit gusto ni Tito na sa private ako mag aral, tinanggi ko na lamang ako.
May punto naman si Tiya at ayaw ko na magalit pa siya. Okay lang naman sakin ang public.
Natapos din ako sa pagligo, sa wakas at bumaba na. Nasa ikalawang palapag kasi ang lahat ng mga kwarto. Katapatan ko ang kwarto ni Uno. Nagulat naman ako ng makita siyang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya.
"Goodmorning." bati ko dito. Pansin parin ang malalim niyang pagtitig. Hanggang sa unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Magandang umaga din sa iyo. Nalate ka ata ng bangon ngayon Miss?"
"Hindi ko naman alam na inoorasan mo pala ako." napatawa naman ako sa naisip ko. Masyado naman siyang seryoso at di man lang natawa. "Ang aga mo naman yata ngayon?"
Naglalakad na ako pababa ng hagdan at sumunod naman siya.
"Maaga naman ako lagi ah." may pagkainis ang tono nito. Hmm.
"Sige kung iyan ang sinabi mo." nagkibit balikat pa ako.
Di naman na siya sumagot.
Pumunta na ako sa likod ng bahay. Andito kasi ang hardin ni Tiya. Maganda ang hardin. Kaya nung utusan ako na mag alaga nito ay di na ako nag atubiling humindi. Kahit nakakapagod ay sulit naman kung makikita ko ang magagandang bulakbulak at halaman na tumutubo at namumunga dito.
Kinuha ko ang walis at dust pan. Saka inumpisahang walisin ang mga nahulog na dahon. May mga malalaking puno din kasi dito sa likod. Eto lang nagpapahirap sakin e.
"Bakit ba sinusunod mo si mama?" nakasunod pa pala sakin si Uno.
"Bakit ko naman siya hindi susundin?" balik tanong ko dito.
Nagwawalis na ako ng mapansing kong wala siyang ginagawa. Akala ko pa naman sasamahan niya ako sa paglilinis, sasamahan niya lang pala ako dito.
"Di mo naman siya mama ah."
Mukhang mangungulit lang ito sakin. Tulad ng mga parati niyang ginagawa.
"Kahit na. Kayo kumupkop sakin e. Utang na loob nalang kumbaga. Saka baka magalit siya e di niyo naman ako pamilya tapos aasta akong senyorita sa bahay niyo."
Nagulat pa ako ng mapunta siya sa likod ko at humawak sa bewang ko.
"E kung sabihin kong girlfriend nalang kita para di ka na niya utusan?"
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Mukha siyang seryoso pero ayaw kong seryosohin ito.