Chapter 2 - -01-

KABANATA 1

KULANG na lamang ay ihagis ni Angel ang Avaya—isang uri ng telepono na ginagamit ng mga BPO Company—nang dahil sa pagkainis niya sa huling cx o customer na nakausap.

"Ugh!" mahinang usal niya habang pasimple itong pinapalo-palo upang hindi mahalata ng kanilang team leader na kasalukuyang naglilibot ang kanyang ginagawa.

Paano ba naman ay mayroong tumawag sa kanya at sinabing bibile na produktong ibinebenta. Siyempre todo entertain siya dito. Pero ang hiyupak! Mas interesado pa sa kanya kaysa sa naturang produkto. Imbes na ang mga bahagi ng produkto ang itanong ay ang mga bahagi niya ang pinag-uukulan nito ng pansin.

"Yeah, yeah, I will buy one of your product. Anyway, do you have big and round... tits?" rinig ni Angel na sabi ng customer. Talagang ginawa pa nitong pang romansa ang boses noong bigkasin ang tungkol sa pagtatanong ng hugis ng kanyang dibdib.

Sandaling pinindot naman ni Angel ang mute button, huminga siya ng malalim. "Sir, we have a promo, if you will buy two volume, we will give you another one. So it will become three for only 3999."

"Okay then, I will buy two products." customer paused for a while. "How long is your hair?"

"Shoulder." matipid na sabi naman niya upang manahimik na ito. May kung ano lang na tinipa si Angel sa computer habang patuloy pa din sa pagsasalita ang nasa kabilang linya.

"Shoulder? That's nice. In my imagination, I'm behind your back, pulling your beautiful hair while keeps—" hindi na natapos pa ng lalaki sa kabilang linya ang kasunod na sasabihin noong umungol ito. Isang ungol na alam ni Angel kung para saan.

Kung anu-anong sinasabi ng loko. Ganoon pa man ay pinilit ni Angel na maging propesyonal sa kabila ng pagkainis niya sa mga pinagsasabi nito. Iniiba niya ang usapan at binalik sa pagsasabi ng kung anu-ano'ng bagay ang nasa mga produktong inaalok dito. Sa huli ay imbes na makabenta ay sinabihan pa siya nito ng kung anu-ano'ng masasakit na salita.

You bitch! Hard to get, huh? As if you're beautiful. Damn you! sabay bagsak pa nito sa telepono.

"The Avaya is currently bleeding." rinig ni Angel na mayroong nagsalita mula sa kanyang likuran.

Napatigil siya mula sa mahinang paghampas sa Avaya. Dahan-dahan na tinanggal ang headset, at saka lumingon sa kanyang likuran.

"The last one." tanging nasabi lang niya sa kaibigan at ka-trabaho na si Francine. Bahagya pang inayos ni Angel ang suot niyang salamin sa mata na mayroong mataas na grado.

"It's okay, it's part of our job. Some people think that being a call center agent was easy. As if they know what happened here everyday." naiikot pa ni Francine ang mga mata. "Let's go, coffee break."

Tumango naman si Angel dito. "Yeah, I'm used to it."

Mabilis na nag log out siya sa system, saka inayos ang mga gamit na naka-kalat sa harapan ng kanyang monitor bago sila lumabas ni Francine upang makapag kape.

"So, Angel ano'ng plano mo? Malapit na ang February 14, ah?" ani Francine sa kanya. Kasalukuyan na silang nakalabas na dalawa sa floor at pababa na sa Starbucks upang bumile ng kape. Kung kaya naman maari na silang makapagsalita sa tagalog at hindi natatakot na ma-EOP. As if naman!

"Naka-dikit 'yon sa rest day ko kaya napag planuhan na namin ni boyfriend na magpunta sa Siargao. Nakapag book na din kasi siya ng 2 days and 1 night doon, eh." sagot naman ni Angel sa tanong na iyon ng kaibigan.

Noong marating nila ang huling palapag ng gusali ay lumiko sila sa kanan kung saan ang starbucks. Mabilis na pinagbuksan sila ng guwardiya na nandoon ng pinto.

"Ano ba 'yan! Mabuti ka pa. Ako baka sa bahay lang at maglalaba."

"Hindi kayo magde-date ng boyfriend mo?" tanong ni Angel sa kaibigan.

Mabilis naman ang naging pag-iling ni Francine. "Naku! Hindi na. Baka magpunta na lang 'yon sa bahay. At alam mo na? Mag boom boom pow kami doon buong mag hapon." matapos na sabihin iyon ng kaibigan ay sinundan pa ito nang malakas na pagtawa.

"Loka-loka ka talaga!" nailing na sabi naman ni Angel dito. Sanay na siyang marinig na ganoon ang sinasabi ng kaibigan na si Francine. Sa halos apat na taon nilang magkatrabaho ay hindi maiwasan na i-kuwento sa kanya ang kaganapan sa buhay nito. Lalo na sa sex life. Aktibo ang gaga!

"Alam mo bes, pabebe ka din kasi, why don't you try it with Calvin?" tanong sa kanya ni Francine matapos sipsipin ang frappe ay nagpunas pa ito ng bibig gamit ang tissue.

"Hindi ko pa maisip iyon." pagdadahilan naman ni Angel dito.

"Hindi ko pa maisip iyon." pag-uulit ng kaibigan niya at ginawa pang pabebe ang boses. "Pota ka!"

"Ewan!"

Napairap ang kaibigan. "Bakit naman hindi mo pa maisip? Do you think hindi talaga si Calvin ang para sa iyo?"

"Hindi naman sa ganoon. Actually, naiisip ko na nga 'yong future ko na kasama siya, eh. 'Yong tipong nakabuo na kami ng sarili naming pamilya, may mga anak, masaya."

"Eh, 'ayon naman pala, eh!" palatak ni Francine sa kanya. "Sinasabi ko lang sa 'yo, Angel, huh? Eight months na lang. Eight months ka na lang mabubuhay dahil malapit ka na maging beinte singko. Mamatay ka na girl!"

Walang malubhang sakit si Angel, walang taning ang kanyang buhay, pero mayroon daw kasing pangyayari sa pamilya nila noon.

Mga bata palang, sa tuwing umuuwi silang tatlong magkakapatid sa kanilang probinsya sa Antique ay ayon palagi ang naririnig nilang kuwento sa kanila ni Lola Hilda.

Isinumpa daw ang kanilang pamilya at ang mga dalagang hindi pa nag-aasawa at birhen ay mamamatay pagsapit ng ika-25 kaarawan.

"Hayop ka! Huwag ka ngang magpapaniwala sa haka-hakang 'yon ng pamilya namin na ikinuwento ko sa 'yo noon!"

"Hindi natin sure! Mabuti na 'yong sigurado, di ba?"

"Natatakot din ako. Based on the book and some article I already read, they said that it hurts when it's your first time, is that true?"

Tumikhim naman si Francine. "Sort of, kasi 'yong hymen natin mapupunit, bes. But later on, mawawala na 'yong sakit at mapapalitan na ng sarap!" kulang na lamang ay pumalakpak pa si Francine matapos banggitin ang huling salita.

"Hinaan mo 'yong boses mo, nasa loob na tayo ng elevator." pagpapaalala naman ni Angel sa kaibigan.

"Ah, basta, sinasabi ko sa 'yo, kapag nandoon ka na sa moment na 'yon, hindi mo na maiisip 'yong sakit-sakit na 'yan. Saka ayusin mo nga girl ang sarili mo, ah? Look at you, wala na sa passion 'yang mga sinusuot mo. Saka mag suot ka nga ng contacts. Sorry for the word, bes. Pero mukha kang manang."

"Dito kasi ako mas komportable gumalaw." sagot ni Angel habang nilalaro ang straw sa frappe niya.

"Puwes, mag-iba ka na kahit kaunting style lang. Sige ka, baka makahanap ng iba si Calvin. Saka remember, ang sumpa? Parang sine 'yan. Kundi now showing, coming soon. Baka ma-tegi ka."

***

"PARA saan ang mga ito?" tanong ni Angel noong abutan siya ni Francine ng apat na librong mayroong erotica na genre. Out na sila sa trabaho at kasalukuyang nasa may pantry upang tumingin ng makakain bago tuluyang umuwi.

"Kainin mo!" sarkastikong sabi naman ng babae sa kanya. "Natural basahin mo, para may idea ka kung sakaling gagawin niyo na ni Calvin ang bagay na iyon." makahulugan pa na sabi nito.

"Talagang pinu-push mo sa akin ang bagay na 'yan, ah?" hindi maiwasan ni Angel na matawa.

"Oo, saka i-check mo din 'yang phone mo. May text galing sa akin." sabay turo pa ni Francine sa cell phone niyang hawak-hawak.

"Ano naman itong pinasa mo?" tanong niya sa kaibigan. Pinindot ni Angel ang anim na password upang mabuksan ang kanyang cell phone. Sunod ay pumunta siya sa message at tinignan ang sinasabi ni Francine sa kanya na ipinasa nito.

Mabilis na inilapit ng kaibigan ang bibig nito sa kanyang tainga, at saka bumulong sabay sabing, "Mga site 'yan sa porn, i-check mo. Manuod ka para makita mo talaga 'yong mga ginagawa."

Magsasalita na sana si Angel para bulyawan si Francine, pero dali-dali na itong umalis at nagtatakbo palabas sa may pantry. Napailing na lang siya. Ipinasok muli ang cell phone sa kanyang bulsa bago nagsimulang lumabas.

Eksakto namang paglabas niya sa building ay nakita niya ang kotse ni Calvin na pumarada doon sa may harapan. Dali-dali siyang lumapit dito. Kinatok niya ang salamin na bintana ng sasakyan.

"Hey, honey. Sakto lang ba ang dating ko? O kanina ka pa?" nakangiting sabi sa kanya ng nobyong si Calvin.

"Sakto lang. Ngayon lang ako bumaba." sagot niya naman noong makapasok na sa loob ng sasakyan.

Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lamang sina Angel at Calvin ng kung anu-ano. Binalikan nila 'yong mga araw na nagliligawan pa lamang sila. Nakapagtatakang hindi mabigat ang kalsada at inabot lang ng mag-iisang oras ang naging biyahe. Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa tapat ng kanyang tinitirhan.

"Salamat! Ingat ka sa pag-uwi, ah? I love you!" sabi ni Angel. Yumukod siya at hinalikan si Calvin sa labi.

"Okay." bahagyang nag-alinlangan ang binata sa balak nitong sunod na sabihin.

"Bakit parang malungkot ka, Hon?" tanong ni Angel.

"Hon, kailan mo ko pabibigyan?" tanong nito. Hindi man direktang sabihin ay alam ni Angel kung ano ang gustong ipunto nito.

Hinawakan niya ang kamay ni Calvin. "Honey, h-hindi pa ko ready."

"Okay," dismayadong sabi naman ng binata sa kanya.