Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 55 - Kabanata 55

Chapter 55 - Kabanata 55

Sa DLRU,

Mimay: Mornin' guys.

Vince: Morning.

Harvey: Yow.

Mimay: San si Kelly?

Vince: Nako, late yun surebol.

Harvey: Bakit?

Mimay: Kanina ka pa nandine di mo din alam?

Harvey: So what?

Mimay: Ikaw!!!

Vince: Dumating kasi ang nanay nila.

"Ohhh... " Reaksyon nung dalawa.

Vince: Oo at na surprise sila kaya pinaluhod sila sa munggo.

"Munggo?" Anila.

Mimay: Kawawa naman si Kelly ko bakit daw?

Vince: Nagsinungaling kasi sila kay Tita eh..

Harvey: Ano bang nangyare?

Vince: Mahabang kwento family matter.

Mimay: I see...sandali lang wala parin yung dalawa ni Patrick at Dave?

Harvey: Kung nakikita mo dine eh aba kainaman ka may nakikita kang di namin nakikita.

Mimay: Aba't!!!

Harvey: Tsss...sige aalis muna ako may kailangan lang ako puntahan.

Vince: Sige bumalik ka agad mamaya lang eh start na ng class.

Mimay: Tsss...

Harvey: Sige.

At umalis na nga si Harvey "Anong problema nun?" Ang sabi ni Mimay.

Vince: Curious ka? Bakit di mo itanong?

Mimay: Haysss...wag nalang noh!

Vince: Bakit kasi pakipot ka pa ayan cold na tuloy siya sayo.

Mimay: Edi meow.

"Morning..." Ang sambit ni Dave.

" Oh? Ikaw lang?" Anila.

Dave: Ahhh...magiging busy na kasi si Patrick ngayon eh.

Vince: Bakit?

Dave: Ahhh...nagkasakit kasi ang daddy niya eh kaya siya muna ang mag hahandle ng family business nila.

Mimay: Family business?

Vince: Nalimutan mo na bang sila ang may-ari ng SM? Yung Santos Mall?

Mimay: Ahhh...oo nga pala pero kala ko ba ayaw niya munang umuwi sa kanila?

Dave: Wala siyang choice eh wala ang kuya niya at ayaw naman ng ate niya na mag handle ng family business nila yung mommy naman niya busy mag asikaso sa daddy niya.

Mimay: Ohhh...ang hirap din maging sobrang yaman noh? Ang laki ng pasanin.

Dave: Yeah...

Vince: Eh paano na yung pag-aaral niya?

Dave: Sa ngayon uunahin niya muna ang negosyo nila kesa ang pag-aaral.

"Bakit naman? Against yun sa will niya." Ang bungad ni Kelly.

"Kelly!" Ang pagulat nilang tugon.

Kelly: Morning!

Vince: Kanina ka pa ba diyan?

Kelly: Um...di naman masyado narinig ko yung part na mag stop si Patrick dahil sa negosyo nila? It's unfair!

Dave: Oo master kaya simula ngayon wala na din akong kasabay...Boohoo...

Bineltukan siya ni Kelly "Wag ka ngang mag inarte diyan! Di mangyayare yon." Aniya.

Vince: Ha? Anong sinasabi mo diyan?

Kelly: Di ako papayag na isa satin ang di makakapagtapos ng pag-aaral.

Mimay: Pero babygirl may sakit ang daddy niya kaya si Patrick muna ang mag hahandle ng negosyo nila kaya no choice siya kung hindi ang sumunod sa protocol ng pamilya nila.

Dave: Actually may choice pa si Patrick.

Vince: Ano naman yon?

Sa Opisina ni Patrick,

Marcar: Sir, yan na pong lahat ng mga papeles na kailangan niyo.

Patrick: Okay sige paki-iwan nalang diyan at pwede ka ng umalis.

Maricar: Ahm...Sir...pwede mag tanong?

Patrick: Kailangan ko na bang sagutin yang tanong mo?

Maricar: Di naman po pero di lang po talaga ako makali eh.

Patrick: Sige ano ba yon? Babali ka ba?

Maricar: Opo? Ha? Hindi po.

Patrick: Pffft...masyado ka kasing seryoso diyan.

Maricar: Sir, paano kayo na po ang magiging bagong Chairman? Paano na po ang pag-aaral nyo?

Patrick: Kala ko naman kung ano na yang itatanong mo yan ba ang bagong chismis dine sa office?

Maricar: Ah...eh...na curious lang din po ako.

Patrick: Bakit Ms. Maricar? Sino bang gusto mong nakaupo dito si kuya Richmond?

Maricar: Hin---hindi naman po Sir ang akin lang po...

Patrick: Asus...kala mo di ko alam crush mo noon pa si kuya wag ako Ms. Maricar.

Maricar: Sir naman eh.

Patrick: Ahahaha....masyado kang kabado diyan pero ang totoo yan hanggang sa gumaling lang si Daddy kaya wala akong pagpipilian wala rin naman kasi si kuya nasa America pa kaya ere pag tyagaan niyo ako dito.

Maricar: Hindi naman po sa nangingialam...

Patrick: Pero? Makikialam na ren?

Maricar: Sir naman eh parang others.

Patrick: Ano nga?

Maricar: Napansin ko po kasing malayo kayo kila Chairman ngayon po ba ayos na kayo sa kanila? Umuuwi na po ba kayo?

Patrick: Yeah...simula kahapon nauwi na ako samin kahit labag sa loob ko.

Maricar: Paano po yun? Di na kayo mag-aaral? Paano na po si Kelly?

Patrick: A---anong? Sinasabi mo?

Maricar: Sir, kilala ko na kayo matagal na alam niyo namang kaklase ko ang kuya mo noong college kami kaya wala na kayong maililihim sakin.

Patrick: Sigh... Okay fine! You got me pero ayos na rin ito para mabigyan ko ng oras si Kelly na makapag-isip kung ano ba talaga ako sa kaniya.

Maricar: So, umamin na kayo sa kaniya?

Patrick: Oo kaso sa tingin ko di pa sya ready at nawawalan na rin ako ng pag-asa dumadami na kaming nahuhumaling sa kaniya. Sigh....

Maricar: Pffft...ahahaha...nahuhumaling po talaga? Bakit madami ka bang kaagaw kay Ms. Dela Cruz?

Sa bahay nila Kelly,

Nanonood sila Jacob at Keilla ng tv "Baby boy? Naiinip ka ba?"

Jacob: Um...pwede po ba tayong mag computer?

Keilla: Computer? Marunong ka na?

Jacob: Opo, Mamsie sa generation po namin kapag di kayo in sa mga gadgets weak kayo.

Keilla: Aba at parang matured na matured naman yang baby na yan.

Kiniliti niya si Jacob "Ahahaha...Mamsie wag malaki na po ako wag niyo akong laging tinatawag na baby boy."

Keilla: Ahahaha...ang mga kabataan talaga ngayon parang ang bibilis tumanda.

Jacob: Mamsie, ganoon po talaga lamang na ang may alam.

Keilla: Pero di ko dala ang laptop ko iniwan ko kasi sa lola Karla mo na nasa Canada.

Jacob: Okay lang po meron po ako doon samin.

Keilla: Sa inyo? Oo nga pala nabanggit mo malapit ang bahay niyo dito?

Jacob: Opo ilang steps lang po andoon na po tayo pero...di ko pala dala yung susi wala pa nga po pala si uncle Renzo.

Keilla: Sino naman yung uncle mong si Renzo?

Jacob: Kapatid po iyon ni mommy.

Keilla: Ahhh...ganun pala pero nasan ba yung uncle mo?

Jacob: Umuwi po sa probinsya eh may inaasikaso raw po kasi.

Sa isip-isip ni Keilla "Kaya pala lugar na iwanan siya ng nanay niya kay Kian."

Jacob: Mamsie?

Kiella: Ano yon?

Jacob: Uhmm...Ayaw niyo po ba sa mommy ko?

Keilla: Ha?

Jacob: Gusto ko po sanang magkabalikan sila mommy at daddy.

Sa isip-isip ni Keilla "Sigh...kawawa naman ang apo ko wala siyang kaalam alam na hindi na magkakabalikan ang mga magulang niya. Tsk..."

Jacob: Mamsie, bakit kailangan pa ni mommy na magpakasal kay uncle Ian? Hindi na ba niya mahal si Daddy?

Niyakap siya ni Keilla "Honey, kahit ano pang maging desisyon ng mga magulang mo wala na tayong magagawa kaya sana suportahan nalang natin sila. Okay?"

Jacob: Opo...pero...

Keilla: Wag ka ng sad sinong may gusto ng icecream?

Jacob: AKO PO!!!

Keilla: Halika mag ma-malling tayo?

Jacob: Sige po Mamsie excited na ako.

Habang pinagmamasdan ni Keilla si Jacob sa isip-isip niya "He still a little kid kahit matured na siyang mag-isip. Sigh...kung nalaman ko lang ng maaga di ako papayag na maging broken family ang apo ko."

Kinatanghalian,

Nasa canteen sila Kelly at nananghalian "So, kapag dumating ang kuya ni tukmol na Patrick babalik na uli siya sa pag-aaral niya?" Ang sabi ni Kelly.

Dave: Oo master yung lang ang alam kong paraan para maibalik si Patrick dito sa DLRU.

Mimay: Ohh...pero paano pala kung hindi? Edi di na siya babalik sa pag-aaral?

Vince: Bakit ba I.Tang kinuha ni Patrick? Eh kung siya naman pala ang mag mamana ng negosyo nila? Di ba dapat about sa business ang kinuha niyang course?

Dave: Ahhh...ayaw niya kasing ma-involve sa negosyo nila kaya I.T ang kinuha niya di naman kasi talaga business minded yun puro laro lang kasi inaatupag nun.

Kelly: Oh? Online gamer din siya?

Vince: Tsss...at ang saya mo naman diyan?

Kelly: Ewan.

Mimay: Eh bakit siya parin ang pinag handle ng mga magulang niya? Kung wala naman palang alam si Patrick

Dave: Ahhh...sa SM kasi siya ang General Manager dun kaya may alam naman siya tsaka bata palang siya tinuturuan na sya ng daddy niya about sa negosyo nila.

Kelly: San---Sandali lang si---si Pa---Partrick sino ba talaga siya?

Mimay: Ha? Hindi mo pa ba alam na si Patrick ang anak ng may-ari ng ng SM o Santos Mall? Di ba doon ka nag ojt kayo ni Vince?

Dave: Hindi mo pa ba alam Master? Kala ko sinabi na sayo ni Vince.

Kelly: A---Alam mo Vince?

Vince: Ah...eh...Kelly...Let...Let me...explain?

Umalis si Kelly at iniwan yung tatlo "Kelly!" Pahabol nilang sambit.

Vince: Haysss...ang daldal niyo talagang dalawa.

"Sorry..." Anila.

Mimay: Bakit ba di mo pa sinabi sa kaniya? Nagalit na ata siya.

Dave: Hala, baka di niya na ako ituring na apprentice.

Vince: Hayyysss...di'yan na nga muna kayo ako ng hahabol kay Kelly. Badtrip naman!

At umalis na nga rin si Vince para habulin si Kelly "Ayan! Ang daldal mo kasi." Ang sabi ni Dave.

Mimay: Ano? Ikaw nga diyan kwento ka kasi ng kwento malay ko bang di pa pala alam ni Kelly.

Dave: Paano na yan? Anong gagawin natin?

Mimay: Tsk...di ko rin alam noh!