Habang nasa labas ng Orphanage,
"BABAENG NAKAPUTI?!"
Kelly: Oo kanina nandiyan siya sa mga picture ko eh.
Mimay: Patingin nga?
Kinuha niya ang cp ni Kelly "Oh? Puro bulaklak lang ito eh infairness ang ganda mo kmuha ah."Sabi ni Mimay.
Dave: Master, naman eh bakit di mo ko sinabihan na mag pipicture taking ka.
Harvey: Oh nasan ang babaeng nakaputi diyan?
Vince: Pis, ikaw ba eh nagugutom? Baka gutom lang yan wala namang babaeng nakaputi dine sa mga picture mo eh.
Kelly: Pero andiyan talaga siya hinatid niya nga ako dine eh teka...wala ba kayong nakitang kasama ko kanina?
Patrick: Ako unang nakakita sayo at bigla ka nalang lumitaw kung saan at wala akong nakitang babaeng nakaputi.
Kelly: Eh? Pero ang ganda niya pa nga eh tapos mukhang may pinag-aralan pa nga eh kasi nag eenglish siya.
"Siya si Marie Rose Cuenco ang babaeng nag papakita sa flower filed dito." Sabi nung isang matandang lalaki na hardinero
Sabay-sabay silang lumingon sa likod "Ay palaka! Lolo naman wag kayong basta basta sumusulpot." Ang sabi ni MImay.
"Pasensya na narinig ko kasi ang usapan niyong mga kabataan ako nga pala si Jose tawagin niyo nalang akong Ka Jose. Matagal na akong hardinero ng White Angel Orphanage."
At nagpakilala din sila isa-isa at nung si Kelly na ang nag pakilala "A---ako po si Kelly Ann Marie Kelly nalang o for short."
Jose: Kay gandang bata kaya siguro nagpakita sayo ang apo kong si Marie kasi katukayo mo siya.
"Katukayo?"Anila maliban kay Kelly.
Nag bless si Kelly kay Ka Jose pero hinila naman ka agad siya ni Vince "Ha---ha—ha...pasensya na ho kayo ano? Pero kailangan na po kasi naming pumasok."Ang sabi ni Vince at papaalis na sana sila.
Jose: Sandali lang, halika ija lumapit ka sandali.
Kelly: A---ako ho?
Jose: Um...
Lalapit nga si Kelly "Kellang, ano ba?" Ang sabi ni Vince.
Kelly: Sandali lang ito.
Vince: Kelly!!!
Inawat ni Patrick si Vince at sinabing "Hayaan mo na."
At nung lumapit si Kelly kay Ka Jose "Eto yema paborito kasi ito ni Marie sana kuhanin mo."
Kelly: Po? Pero...
Jose: At maaari ba kitang malawayan?
Kelly: Ho? Ba---bakit?
Jose: Para di kita mabales sa tingin ko madali kang mabati kaya nakita mo ang apo ko bukas siguro ang third eye mo.
Sa isip-isip ni Kelly "La—laway? Third Eye? Bales? Ano daw?'
Kelly: Si---sige po pero pwede po bang unti lang ah?
Jose: Hehehe...para ka talagang si Marie hayaan mo lagi naman akong nagsispliyo nag mumumog pa ako nung ano yung..Liste...
Kelly: Listerine po?
Jose: Oo yun nga binilhan kasi ako ng nanay ni Marie ay refreshing ano?
Kelly: He—he---he...O---opo.
At nilawayan siya ni Ka Jose sa may braso "O----okay na po ba?"
Jose: Sige mag-iingat ka ineng.
Kelly: O---opo kayo rin.
Jose: Sige maiwan ko na kayo.
May kinuha si Kelly sa bag niyang isang keychain na teddy bear "Lolo..."Aniya.
Paglingon ni Jose "Tinawag mo kong lolo?"
Kelly: Ah...eh...okay lang po ba? May ibibigay rin po ako sa inyo.
Jose: Oo naman basta ikaw.
Kelly: Eto po sa inyo nalang remembrance matagal na po yan sakin binigay pa po yan ng daddy ko pero alam ko po kasi kung anong pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Kaya sana tanggapin niyo po para maalala niyo ko at si Marie na rin.
Kinuha ni Jose at naiyak "Oh? Bakit po kayo naiyak?"
Jose: Natutuwa kasi ako sayo gaya mo ganyang ganyan rin si Marie mahilig rin sya sa mga ganito kung di lang siya nawala ka agad sa amin....
Naiyak rin si Kelly at niyakap si Jose "Lo, wag kang mag-alala kung nasan man si Marie ngayon siguradong masaya na sya."
Jose: Salamat Ija.
Binatawan na ni Kelly si Ka Jose at kumuha ng pera sa wallet niya "Lo, eto po tanggapin niyo po konting tulong lang po sana.
Jose: Ha? Nako wag na ineng nakakahiya sayo.
Kelly: Ayos lang po yan ipambili niyo ng Listerine hehe...joke tanggapin niyo na po..
Jose: Salamat ineng pagpalain ka ng ating Poong Maykapal.
"Kelly!!!"
Kelly: Oh sige ho tinatawag na po ako eh ingatan niyo po ang sarili niyo ah? Hayaan niyo dadalasan ko po ang dalaw dito.
Jose: Sige salamat sayo ineng.
Niyakap ulit niya si Ka Jose at nag paalam "Gusto ko pagbalik ko dito healthy po kayo ah?"
Jose: Oo, ikaw rin sana.
Kelly: Sige na po maiwan ko na kayo.
Jose: Paalam.
Kelly: Ba-bye po.
At iniwan na nga niya si Ka Jose "Marie, apo kung naririnig mo ko bantayan mo rin ang katukayo mo ha? Wag kang mag-alala ayos kami ng nanay mo."
Sa loob ng Orphanage,
"Mina, nasan ang mga estudyante mo?" Si Prof. Dina ang Head Professor sa DLRU.
Mina: Ah...eh...
"Prof.Mina..."Anila Kelly.
Mina: Sila na po yan.
Dina: Mabuti naman nakakahiya sa Director.
Harvey: Sorry po kung ngayon lang kami ang dami pong nangyare sa labas eh.
Mina: Sige na maupo na kayo.
"Opo."Anila.
Pagkatapos ng Program,
"Salamat po sa inyong muling donsyon para sa mga bata dito sa White Angel maraming salamat po sa muling pagpili sa amin." Si Sister Helen ang namumuno at nangangasiwa sa bahay ampunan.
"Walang anuman kinagagalak rin naming makatulong sa inyo." Si Director Arman Pineda ang namumuno naman sa DLRU.
Sister Helen: Salamat pong muli hali po kayo at ipapakita ko sa inyo ang mga proyekto ng aming bahay ampunan.
Arman: Sige...sige...
At sumama rin ang ibang Prof.sa kanila "Oh? Kayo maiwan ko na muna kayo ha? Ipamimigay lang namin yung mga dala nating goods para sa mga bata tumulong na rin kayo." Sabi ni Prof.Mina.
"Sige po Prof."Anila Harvey.
Mimay: Ang dami palang bata dito buti nalang sila yung napili nating bigyan ng tulong ano?
Harvey: Dati pa man madalas itong bahay ampunan na ito na ang binibigyan ng DLRU tuwing anibersaryo.
Vince: Ohhh...mukhang naka pag research ka na ah.
Harvey: Konti lang nabanggit rin sa SC meeting kahapon.
Kelly: Eh bakit wala sila dine?
Mimay: Oo nga di ko nakita sila SC Pres.
Harvey: Ahhh...nasa ibang gawain kasi sila namimigay naman sila ng pagkain sa mga street children.
Dave: Really? Ganun nalang pala talaga kabait ang ating eskwelahan?
Patrick: Bakit naman kinagulat mo pa? Di na kagulat gulat yon dahil maraming mga negosyante at mga politicians ang mga nag dodonate rin sa mga eskwelahan gaya ng DLRU para bumango ang mga pangalan nila lalo na sa halalan.
Kelly: Tsss...eh bakit ba parang umuusok ang ilong mo diyan sa asar?
Patrick: IKAW!!!!
Dave: Dude, kalma lang.
Kelly: Kumilos na nga lang kayo imbes na mag tsismisan.
Patrick: Tsss...
Vince: Siya...siya...siya tama na iyan baka kung san pa mapunta ang usapan daming bata oh nakakahiya dapat maging mabuting ihemplo tayo sa kanila.
Harvey: Okay! Lets go guys.
MImay: Yeah...
Kelly: Mims, samahan mo muna ako mag c.r
Mimay: Ah? Oo sige diyan na muna kayo mga tsong.
Vince: Bilisan niyo.
At umalis na nga yung dalawa habang inaayos nila yung mga ipamimigay na eco bags na may lamang pagkain at ilang gamit sa pagaaral at sa katawan "Bakit kailangan pa ng mga babae may kasama pag mag ccr?"Ang sabi ni Harvey.
Dave: Yeah...napansin ko nga rin yon kaya ang tagal nila minsan eh.
Vince: Alam niyo guys walang basagan ng trip mag ayos na nga lang kayo diyan para maipamigay na natin sa mga bata ito.
Patrick: Masyado kang defensive pagdating kay Kelly siguro kung di ka niya pinsan malamang niligawan mo na siya.
Vince: Huh! Yon? Asa! Eh mas siga pa yun sakin.
Dave: Well, kung iisipin ideal girl nga yang si Master eh.
"Bakit naman?"Anila.
Harvey: At bakit nga pala master?
Dave: Basta maya kwento ko sayo pero tignan niyo kung si Kelly ang magiging girlfriend mo "Low Maintainance" for sure.
"Low Maintainance?" Anila.
Dave: Oo tignan mo matalino siya conservative tapos magaling pa sa martial arts kumbaga "no worries" kahit saan natin siya ayain kumain o saan mo sya ipasyal sigurado akong game na game sya kasi nga may part sa kaniya na ramdam niya yung feeling nating mga "boys" dahil may apat siyang kuya.
Vince: Well, you got it right dude pero alam niyo bang "NBSB" yang si Kelly? Eh?
"Ni hindi man lang kayo nagulat?" Dagdag pa niya.
Harvey: Alam naman na yan ng lahat at obvious rin naman pre.
Vince: Ay hanep! Tignan natin kapag di lumuwa mga mata niyo kapag pinakita ko sa inyo ang picture niya noong nag 18th bday siya. Huh! Sinisigurado kong mag-iiba ang timpla niyo mga erp!
Patrick: Bakit naman? Dahil naka make up at naka gown siya? Alam niyo mas okay ng nagpapakatotoo ka sa sarili mo kesa naman di ka kumportable tsaka maganda naman si Kelly kahit simple lang siya.
"Guys were back."Ang sabi ni Mimay at napatingin sila.
At biglang may hangin na dumaan at nahubad ang suot na hood ni Kelly at lumadlad ang mahaba niyang buhok at biglang naging slow mo ang oras at napa "Wow" yung apat habang papalapit si Kelly.
Mimay: Guys?